Sunday, January 03, 2010

 

Brazil! Brazil!

Hanggang ngayon hindi pa rin namin maalala kung paano napunta ru’n ‘yung usapan nang magkita-kita ng mga past midnight sa Jack’s Loft. Basta we were talking about our dreams of visiting Brazil when next thing we know I was accepting the girls’ dare for me to get a Brazilian wax. At kahapon, ikalawang araw pa lang ng bagong taon josko, dinala na’ko nina Judy, Erica, at Mytee sa Lay Bare sa may Scout Area.

I came prepared. Mentally, nakapanood ako by accident ng mga male waxing technique sa YouTube. ‘Di ko rin lang sure kung paano ko na-chance upon ang mga videos na’yun eh ang sinearch ko eh “Singapore hunk.” Pyschologically, isang tipak ng brownies ang nginatngat ko an hour before para talagang may tama na’ko pagdating pa lang sa salon.

Isang petite and young girl named Cel ang, errr, ano ba tawag sa taong nagwa-wax? Pinahubad niya ako at pinasuot ang isang pink na surgical gown. Nang nasiguro niyang nakahiga na’ko sa kama ay saka na lang siya pumasok. Separated lang ng curtains ang mga waxing area so sigurado kong walang privacy dahil naririnig ko ang chikahan ng mga mareng nagpapa-wax sa mga kabilang areas. Ako lang ang lalake sa salon na’yon at that time. Napapansin ko na ang patagong ngisi ng mga babaeng cliente habang naghihintay sila sa reception area, nakatayo lang ako sa may pinto sa labas. Hindi ako mapakali.

Iba sa napanood kong video ang gagawin sa’kin. Walang wax na pine-press sa skin tapos saka lalapatan ng papel na siyang huhugutin. Hot wax pala ‘yun. After the session, saka na lang ipinaliwanag ng mga langyang babaeng ‘yan na cold wax ang ginawa sa’kin. Basically, nagbibilog si Cel sa mga daliri niya ng wax na kulay honey pero may consistency ng kulangot. Mga slightly smaller than a pingpong ball din ‘yung wax. Sinet aside.

Tinaas niya ang surgical gown, exposing me. Iba ulit ito sa napanood kong video na may towel constantly covering your privates para ‘yung area lang na wina-wax ang nakikita nila. Si Cel, walang privacy-privacy, buyangyang kung buyangyang! Trinim niya muna nang konti saka niya sinimulan!

Advice ng girls expect the worst para kapag maramdaman ko nang it’s reall not that bad, OK na’ko. The first few strokes were ok. May sting pero OK. Tapos hindi. na. OK. Eeeeyaaawww! Putangina!

Ang sakit!

Isa pan! PUTANGINA ANG SAKIT!!!

Normal naman daw ang mapasigaw, hindi raw bawal, so everytime I feel I had to, I’d let out a yelp, ask her to stop, and brace myself for the next hair-pulling punishment! Kakaiba talaga. Sabi ng girls, since they pluck their eyebrows and their kilikili, meron silang reference point ng pain, samantalang ang mga lalake, this is an entirely different kind of pain. Eh, ‘yung masubunutan nga lang ‘yun pubes habang nakaupo sobra nang masakit, ‘di ba? Bunutin pa kaya?! BUNUTIN PA KAYA!!!

May mga proud moments naman ako na sunud-sunod na kinakaya ko pero mahirap talaga. May mga times talagang MASAKIT AS IN MASAKIT! After what seemed like the hundredth pull, I decided to look down at kitang-kita naman ang resulta - mabuhok pa rin!!! Nakaka-frustrate ‘yun! Nai-imagine ko kasing with each excruciating pull ay naiiwang malinis na malinis na ‘yung area. ‘Yun pala hindi pa. Parang walang nangyayari. Naiiyak na’ko, walang OA. May mga times na I’d cover my face with a towel, I’d bite the towel, I’d give a long yelp, or minsan naman pagka-pull akala ko kaya ko tapos saka lang magre-register ‘yung pain! Kakaiba!

I kept on checking my watch. Ayoko naman kasing abutin nang isang oras du’n na tulad daw ng ilang nasasaktang cliente ni Cel. So may conscious effort akong i-brush aside agad ang pain para i-go na ulit ang pagwa-wax. After what I thought was 30 minutes, natapos na rin ang buong session pero siguro naduduling-duleng na’ko sa sakit kasi ang inaakala kong 30 minutes eh actually 1½ hours! Time flies when you’re in extreme pain? The brain’s way of easing your burden – fooling you into thinking it’s actually for just a short time?

Nilibre nila akong gelato after dahil binunutan nga naman ako. Ngayon, hindi ko pa rin siya nate-testing kahit kating-kati na’ko (not literally, mind you!). Ang down side nga raw nito eh magiging eager to show it off. Eh, wala pa naman akong mapagpapakitaan. Enjoyin ko na lang siya by looking at my baby look at the mirror (para kang nakakita ng weird na bagay na alam mong weird pero you just can’t help but stare, ganu’n!)

Ang favorite benefit ko so far, ang sarap-sarap-sarap magsabon!

Comments:
This is a funny post!
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?