Wednesday, February 24, 2010

 

MISS YOU LIKE CRAZY: Para sa mga Malas sa Pag-ibig

Do not judge a Star Cinema movie by its trailer. While na-interes akong panoorin ang Miss You Like Crazy on the strength of the John Lloyd-Bea-Direk Cathy Garcia Molina triumvirate’s reputation forged in One More Chance, hindi ako nag-expect na magpe-present ito ng panibagong take on a classic lovestory, but I was proven wrong? Ang brilliant din ng mga device ng writers to take the story forward. Admirable din ang pag-incorporate ng OFW angle, beauty of KL, and Pasig River Ferry sa pelikula.

May mga pagkakataon lang na minsan parang nagiging unconfident sila sa ganda ng kanilang materyal that they resort to trite pa-kilig tactics (e.g. biglang uulan, ‘yung graphic tee ng isang extra eh swak ang message sa gagawin ng bida), but these were few and rather forgiveable naman dahil hindi naman ganu’n ka nakakasuka sa pagka-manipulative sa damdamin ng audience.

More than a kilig movie, Miss You Like Crazy is an acting showcase of the great ensemble led by John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. This movie cemented the on-screen couple’s place among the greatest acting pairs in Philippine cinema, alongside the likes of Vilma and Edu, and Boyet and Nora, that is, if their previous movie “One More Chance” wasn’t enough to accomplish just that. Pinatutunayan din nito ang kagandahan if networks/producers experiment and take risks with their talents and not limit them to pa-sweety roles most would usually assume as what the audience demands of their young idols. Dahil sinusuportahan at hinuhubog, nagiging tunay na malalim ang pagganap ng dalawang batang aktor na’to. From John Lloy’d first “promise” to Bea, hanggang sa glassy eyed moment the first time he finally meets her after a long time, ang galing ng subtletly at sincerity niya. Bea pulls off her scenes with the same depth and control.

Among the ensemble, notable performances were displayed by Maricar Reyes, Sylvia Sanchez, Bembol Roco, Urian Best Supporting Actor winner Ketchup Eusebio, the Malay-Indian guy, Ryan Eigenmann, and Ina Feleo na kahit nasa background at naka-defocus ay tumatagos pa rin ang emosyon sa screen. Anak nga siya ng acting greats na sina Direk Laurice and the late Johnny Delgado!

Basta! Panoorin n’yo ‘to! Kung lumaki kang feeling mo ang tao kailangan nage-effort para i-love kasi kahit sa pamilya, feeling mo dapat may ma-achieve ka bago ka muna nila mahalin; O kung ‘yung mga taong pinakamamahal mo so much na pagkakatiwalaan mong ipakilala sa kanila ang totoo mong sarili ay siya pang hindi ka makakayang mahalin, making you believe that your 100% you is absolutely unloveable; kung naghintay ka ng 26 years bago ang iyong first boyfriend na akala mo dumating nang pagkatagal-tagal dahil ‘yun na ‘yon pero iiwan ka lang after one month matapos landiin ang kabarkada mo…

O kung sa dinami-rami ng mga naka-sex mo ay may isang nagmahal sa’yo pero mamatay lang; o kung ‘yung ideal guy ay hindi mo mapagkitwalaang mahal kang tunay kaya bibitawan mo tapos hindi ka na kayang mahalin muli after 24 hours; o kung ang longest relationship mo ay 1 year dahil 6 months du’n nasa Amerika siya tapos pag-uwi matapos ang matagal na paghihintay ay hindi ka man lang imi-meet para makipag-break, nagpatawag pa siya sa’yo sa cellphone…

Kung meron ka talagang paniniwalang you’re one of those people who are not meant for love, at tatanda ka nang mag-isa… bibigyan ka ng pag-asa ng pelikulang ‘to na darating din ang pag-ibig, sa tamang panahon, sa tamang lugar.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?