Monday, March 01, 2010
Conversations with Ate Mhely
Kanina I woke up with my first hangover in a very, very looong time (Tantiya ko, 1998 pa’ko last nagkaganitong hangover). Malakas kasi ako uminom pa minsan pero hindi talaga ako ‘yung tipong hina-hangover. Nakakatulong siguro ‘yung laging meron akong 1.5L bottle ng Gatorade sa ref para pag-uwi ko from inuman, tutungga muna ako ng pang-rehydrate bago matulog. Dehydration daw kasi ang number cause ng hangover.
Ang maganda sa gising ko, nadatnan ko na si Ate Mhely na naglilinis sa condo. Kaninang madaling araw, laseng galing P2, ay nabilin ko pa sa lobby na darating siya. Hindi ko na rin ni-lock ang pinto para papasok na lang siya para masimulan na ang trabaho nang hindi ako ginigising. Hindi basta cleaning lady si Ate Mhely. She became our yaya when she was only thirteen years old, a chubby teener from the province. Nang nakapag-asawa, nabiyuda, at nag-asawa ulit ay napakarami nang kasambahay na pumalit sa kanya, pero si Ate Mhely talaga ang pamantayan ng kasambahay na talagang minahal kami at minahal namin.
Ang kuwentuhan namin, reminiscing about our years in Marikina. I was still a baby nu’ng una siyang dumating so may mga alam pa siya sa pamilya namin na hindi ako aware. Nu’ng napasambit ako ng motto kong “I’m a Baby,” for example, natawa siya dahil hindi pa rin daw nawawala ‘yun. Apparently, bata pa lang talaga ako ay nasimulan ko nang sambit-sabitin ang “I’m a Baby!”
Naalala rin niya nu’ng bata raw ako sabi ko hindi ako magkukuripot, I vowed daw na aalis ako ng bahay, yayaman para hindi na’ko kakain ng gulay at saluyot. Ngayon, nakabukod na’ko, nakakakain sa mga restaurant, pero the best pa rin for me ang home-cooked saluyot with labong at pinakbet ng mommy monster ko.
Nako-compare pa niya kami sa mga pamangkin ko. Si DJ raw ang pinakakamukha ko - malaki rin ang tenga hehe. Si Justin naman madaldal na tulad ko. Kapag naririnig pa niyang kinakausap ni Justin ang mga laruan niya, naaalala raw niya ang Kuya Ryan ko na ganu’ng-ganu’n din daw noon.
Tumanda at slightly pumayat na si Ate Mhely ngayon pero kanina, habang nagpe-prepare akong pumasok sa gitna ng paglilinis niya, naramdaman kong may nag-aalaga sa’kin, may concerned, may ibang tao sa bahay ko na masarap kakuwentuhan. I felt loved.