Sunday, July 18, 2010

 

Desisyon

Pinikap pala sa isang Philippine Star interview ang AM radio report na nasagap ko maka-ilang linggo na ang nakararaan. Tungkol iyon sa pahayag ni Romulo Neri, ang sinasabing fall guy sa ZTE Scam na yumanig pero hindi bumuwag bagkus ay lalong nagpakapal sa apog ng nakaraang conjugal na panggago ng administrasyong Gloria-Mike Arroyo, bago pa man siya tumangging maging state witness at naghain pa ng not guilty plea sa kasong isinampa sa kanya ng Ombudsman.

Tumagos ang sabi niyang, ayaw niyang maging martir tulad ng kanyang kaklase nu’ng high school na si Edgar Jopson. Here are two men who were practically sown on the same ground, but chose to grow towards very different suns. There must always be a struggle to make peace with how our seemingly personal decisions impact others.

Lalo kong naisip ang effect ng mga ganitong personal decisions habang pinapanood ang farewell episode ng Probe kanina. Two very close friends have the honor of being part of this distinguished news & current affairs group – my ka-Powerbarkada, Celery Aganon-Villamarin, who was Vice-president of Probe Productions, and my good friend from Broad Ass, Adrian Ayalin who was among the last batch of correspondents. They, and a host of other friends and colleagues who were once part of Probe can definitely claim that they have done significant work, something I have yet to be able to confidently declare even in my decade-long career writing for entertainment television, or as my best friend Vichael once put it, “contributing to the idiotization of the masses.” Na-o-offend ako sa mga birong ganu’n, sa totoo lang, aalma ako pero napapaisip pa rin kung ang trabahong nae-enjoy at ikinabobongga ko ay nane-negate ang efforts ng mga hinahangaan ko sa industriya? Kahit pa matagal ko nang na-realize na wala talaga akong personality for news, especially in Probe’s vehement stance against sensational journalism. Ako pa, na ‘di napigilang napa-“Yes!” kanina sa floor ng Showbiz Central nang ‘di napigilang ni Pia Guanio na maiyak habang nilalarawan ang rough patch na pinagdadaanan nila ni Bossing. (Ok, no Pia questions, please. Basahin n’yo sa pep.ph kung gusto n’yo!)

Siguro I have yet to truly make peace with how I am continually choosing to grow; umaasa na balang-araw matutupad din ang sinagot ko sa job interview nu’ng June 2000 kung saan tinanong ako ni Ma’am Wilma kung what I really want to be - “That someday what I do will be considered art.” Pero gustuhin ko man, hindi ko maituturing na art ang mga isinusulat kong scripts at binubuong concepts, lalong hindi ko matatawag ang sarili kong alagad ng sining. Ako ‘yung tipo ng taong isang taon yata ang lumipas sa trabahong ito bago naging komportable na tawagin man lang ang sarili na writer. Siguro inggit na rin ang pinag-uugatan ng pagkayamot ko sa mga taong makalikha lang nang kaunting “art” ay agad na ipapataw ang titulong artist sa kanilang ngalan.

Naging teacher ko si Ma’am Che-Che Lazaro sa Advanced TV Production nu’ng college. Every week, we were asked to produce a video. When a classmate submitted an interview with a streetkid, Ma’am Che-Che was so touched she wanted to organize an outreach program for the kid and his pals. May ilang genuine naman ang enthusiasm sa suggestion, at may ibang mukhang sumisipsip lang, pero ako and a female classmate ang talagang vocal na hindi kami keen sa idea. Ang statement namin, sasama kami kapag ‘yun ang napagdesisyon ng klase, pero kung kami ang tatanungin, ‘wag na lang. Hindi kasi ako komportable sa mga outreach-outreach na ganyan kahit na nu’ng sa Marist pa lang. Wala mang pormal na napagkasunduan ang klase, hindi na lang natuloy ang outreach.

Bising-busy na kami nu’n sa mga major subjects, at dahil elective lang ang kay Ma’am Che-Che, hindi ko siya gaanong priority. One time Sheila and I weren’t able to produce anything (dahil na rin mas priority ang Broad Ass kung saan siya nag presidente at ako ang bise.) So what we did was get an old Broad Ass music video na shinut noon pa, tapos nangatok ng editing house para lagyan ng graphics ang video. Dahil 1999 ito, hindi pa mabilis ang rendering so magdamagan ang simpleng pangdodoktor sa music video. Ang catch, kalbo ako sa video, eh, ang lagu-lago na ng hair ko nu’n, so nu’ng umaga, bago kami pumasok sa 8:30 AM class ni ma’am, nangatok naman kami ng parlor para magpakalbo. Walang electric clipper ang baklang nagising namin sa isang maliit na parlor sa Tandang Sora so pupungas-pungas pa niya akong ginupitan hanggang sa maging semikal ako na tulad ng sa videong ipapasa namin. Walang shampoo-han sa maliit na parlor sa nangangati-ngati pa’ko sa mga buhuk-buhok nang chinenes namin ni Sheila ang music video na shot using a “one-camera, proscenium stage treatment.” Natuwa naman si ma’am.

Ngayon, kesa matulad ako sa ilang TV reporters d’yan na daig pa ang mga papansing artista kung gumimik, eh, inabandona ko na ang path towards becoming a broadcast journalist, ‘di ba?

Isa pang ini-imbibe kong aral mula kay Thea nu’ng pababa kami galing Baguio ang “choose to be happy.” Kunsabagay. Ang pinakapaborito kong istorya ng Probe ay tungkol sa isang babaeng ni hindi ko maalala ang pangalan. Isa siyang art student, Pilipina, mas bata pa sa’kin. Umere ang kuwento niya during a severe emo phase of mine. May sub-titles pa yata ang interview niya dahil halos ‘di na maintindihan ang pagsasalita niyang apektado na ng isang matinding sakit sa utak. Hindi siya humihingi ng awa kaya nagde-design siya ng mga t-shirts para makalipon ng pera pang-opera. Tanong sa kanya, “Hindi ka ba nade-depress sa sinapit mo?”

“Hindi,” agad niyang sagot nang ngumingiwi-ngiwi pa ang mukha niya’t kumikislut-kislot ang mga kamay, “sinabi ko sa sarili kong bawal ma-depress.”

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?