Wednesday, August 18, 2010

 

The Dean, the President, and the Ladder

May nag-iwan ng upos ng sigarilyo sa isa sa mga tambayan kaya muntik na raw nasunog ang buong CMC! Bilang parusa sa mga orgs na naka-base du’n sa second floor, katabi ng UP-College of Mass Communication cafeteria – Broad Ass, Samaskom, ComResSoc, at JC – pina-lock ni Dean Luis Teodoro ang room na tambayan nila.

Hindi gaano affected and Assers dahil mas madalas naman kaming tumambay sa veranda, the most envied prime spot, kaya tuloy ang ligaya. Then a few days after, umaga ng isang Broad Ass event, na-realize naming nasa second floor ‘yung mga binili naming paper plates! Bilang mga living-on-a-student’s-allowance, ayoko nang bumili ng bago so instinctively ay kinuntsaba ko si Sheila, ang presidente ng Broad Ass, na akyatin na lang namin ‘yung tambayan. Alam kong merong isang bintanang sira kaya hindi ‘yun tuluyang nasasara. A simple plan.

Bilang may idea at Internal Vice-president, ako ang kumuha ng aluminun ladder na matagal ko nang nakikita sa may basement, papunta sa Film classrooms. Magaan lang naman so kaswal kong kinuha ‘yung ladder, dumaan sa mga Samaskomers na nakatambay sa ilalim ng skywalk at ipinuwesto ko na ang ladder sa may gilid ng building, ‘yung side facing the road, kung saan naroon ang sirang bintana. Tinawag ko si Sheila na nasa veranda para siya’ng humawak ng ladder. Ang tanda ko, mga hapon pa lang ‘to kaya nasa class pa ang karamihan sa Assers. Hindi naman namin ugali ni Sheila ang mag-utos, wala rin namang trabahong beneath us, basta para sa org, gagawin lahat, lalo ng top two officers.

Hinawakan ni Sheila ang ladder sa baba, umakyat na’ko.

Mula sa kanyang corner office sa first floor ay kinutuban na si Dean nang nakita ang petite at innocent-looking na presidente ng Broad Ass na may hawak-hawak na tila hagdanan sa tapat mismo ng binatana ng opisina niya.

Na-pry open ko na ang bahagya lamang nakasarang binata. Medyo effort kasi kinakalawang na ‘yung hinges. Maingat kong isinampa ang kanan kong binti para makapasok na’to sa tambayan. “Rey, Rey,” tawag ni Sheila sa kanyang signature calm tone. Napalingon ako pababa at ang nakita ko ay parang last frame sa Dennis the Menace strip: Guilty looking na bata na nakakagat pa sa kanyang isang dalirit, katapat ng isang nakapamewang na lolo.


Part 2

Everything happened in a haze. Being the president, I let Sheila handle the Dean so kuwento na lang niya ang soundbites na “I could have you suspended! I could have you EXPELLED!” Galit na galit daw. Graduating na kami ni Sheila nito, ha.

Naghihintay ako sa veranda. Nakaupong mag-isa sa bakal na bench, nakatingin sa malawak na field na ngayon ay hindi gumagana ang relaxing effect ng pagkaluntian nito. Lumabas si Sheila, mukhang harassed. OK na raw. Para lang nu’ng Broad Ass applicants kami four years ago, 1996 - ako ang Assistant Batch Representative, pero siya na pinakabata sa amin ang Batch Rep.

Saturday, August 07, 2010

 

this happened 1995

“Anong test number mo?”

Hindi ko na maalala kung ano ‘yung number na tinanong sa’kin, or kung si Mikee o si Luke ang nag-small talk nu’n para mapawi ang kaba namin. Basta ang malinaw sa’kin, kung paano gumapang ang nerbiyos mula paa hanggang sa tuktok ng ulo ko; ‘yung lamig ng sobrang kaba kapag hinanap na ng teacher ang over-the-weekend homework na naalala mo na ngayon pero misteryosong nabura sa utak mong gawin noong nakaraang Sabado’t Linggo. Patay! Kailangan ba’yung UPCAT card na’yun?

Nasa Ateneo na kami nu’n, buti maaga kaming nagkita-kita, pero still, uuwi pa’ko ngayon sa Marikina?! Habang pinag-iingatan kong 'wag pabiyakin ang aking boses dahil wala nang panahong umiyak, pinatabi ko na lang sa mommy ni Luke ang kotse para gawin ang walang choice pero dapat gawin. Siguro lutang na lang ako sa takot na mapapalampas ko ang pagkakataong makapag-aral sa paaralang pinagarap ko dahil sa isang simpleng-simpleng katangahan na hindi ko namalayan kung paano akong naglakad mula sa may Ateneo Gym pabalik ng Katipunan, sumakay ng jeep papuntang Concepcion, naglakad mula sa entrance ng Phase II hanggang sa bahay, kumatok, kinuha ‘yung lecheng card na hindi ko naman naisip na kailangang dalhin kaya sadya kong iniwan, naglakad muli papuntang entrance, sumakay ng Cubao jeep pabalik ng Katipunan, at doon pumila hanggang para sa jeep papasok ng UP. Grabe na ang trapik nu’n. Kaya mula sa may Ateneo Gym, oo, sa banda kung saan ako nagpababa kanina, ay nilakad ko na lang papuntang College of Business Ad. Mabuti’t nasa bungad lang ‘yun. At nakakilabot ang suwerte kong ang mga kukuha ng UPCAT sa mismong testing room ko na ang tinatawag pagkarating ko. Sina Luke at Mikee ay pawang sa mga private universities nagtapos.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?