Thursday, September 02, 2010
Pinindut-Pindot (sa japan)
Pinindut-pindo namin ni Flow ang baby blue at baby pink na buttons sa inidoro pero walang nangyayari. Siyempre Japanese ang sulat so hindi rin namin alam kung para saan ‘yung mga pindutan. Nagmamadali akong lumabas para kunin ang hiniram ko kay Thea na digicam na noo’y nasa kama ko sa hotel room namin sa Hotel Tobu (sa Kinshico /KINS-CHO/ northeast of central Tokyo). Pagbalik ko sa banyo, nag-give-up na si Flow sa inidoro at ang mga mga buttons naman sa shower ang iniinspeksyon. Pinindot niya ‘yung isa. “O! Umilaw!”
“Gaga,” paliwanag ko, “flash ng camera ‘yun. Kinunan ko ‘yung inidoro.”
“Gaga,” paliwanag ko, “flash ng camera ‘yun. Kinunan ko ‘yung inidoro.”