Thursday, December 30, 2010

 

Venus Raj - Showbiz Central Pinoy of the Year

mahirap daw magkaroon ng "Showbiz Central Pinoy of the Year" as i suggested kasi baka raw may ma-offend na mga kampo kung hindi sila manalo, or ma-nominate man lang. so i'm posting the script for a feature that will never air. hindi siya naka-A/V format na parang sa TV script kasi hindi siya ma-display nang ganu'n sa facebook pero sana ma-appreciate n'yo pa rin.




JOHN LAPUS LIVE INTRO:

Ngayon 2010, after 11 years, ay nakapasok tayo sa Miss Universe in a major-major way! Dahil ‘yan sa ating unang nominado bilang the first ever Showbiz Central Pinoy of the Year na si… “Maria Venus Raj, 22, Philippines!” 




cut to VTR


RAYMOND GUTIERREZ VO:

Ang kuwentoito ay ‘yung tipo ng kuwentong tinatawag na “parang pelikulang Pilipino.” Isang inang nakipagsapalaran sa ibang bansa umibig sa isang Indian national, ngunit nang mabuntis ay iniwanan. Kahit pa husgahan ng iba, pinili ng inang bumalik sa bayan ng Bato, Camarines Sur upang doon palakihin ang bata.



Sa Inang Maria at sa mitong diyosa ng kagandahan ng mga Griyego ipinangalan ang batang babae, subalit dahil ‘di maipagkakailang iba ang hitsura niya sa kanyang mga kapatid at kalaro, bukod pa sa pagiging payat at maitim, ‘di agad nakapukaw at naging target pa nga ng panunukso ang hitsura ni Maria Venus.



Gayunpaman, matindi ang pangarap niyang maging beauty queen balang-araw. Habang tumatawid sa mga pilapil ay ini-imagine niyang nagvi-victory walk siya. Pero sa dinami-rami ng mga sinalihan niyang pageant, iisang beses pa lang siya nanalo… March 7, 2010, nakamit niya ang pinakaprestihiyosong korona sa bansa!



SOT ANNOUNCEMENT OF WIN IN BB. PILIPINAS: "And Bb. Pilpinas-Universe is candidate number 10, Maria Venus Raj!"



Kulang sa tatlong linggo matapos manalo, binawi ang korona kay Venus dahil sa mga ‘di pagkakatugma ng mga impormasyon sa kanyang birth certificate.



Hindi si Venus ang unang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe na na-dethrone, pero siya na yata ang unang lumaban. Sa press, at sa korte nanindigan si Venus. Bunga ng kahirapan at pagiging ilihitimo ang kanyang kuwestiyonableng birth ceritificate. Nakakuha siya ng simpatiya sa publiko hanggang mabigyan siya ng pasaporte, ang isa sa mga kundisyon upang mabalik sa kanya ang korona.



Matapos nu’n, tuluyan nang nakamit ng Bicolana ang paghanga ng mga Pilipino. Wala nang kumukuwestiyon sa kanyang pagka-Pilipina at sa kanyang kakayanang iuwi ang korona, subalit nu’ng araw ng pageant, August 24, 2010, 9 AM Manila Time, halos manlumo na ang mga Pilipinong sumusubaybay sa kanya dahil makukumpleto na ang Top 15 ay hindi pa rin siya natatawag. Hanggang sa iisang pangalan na lang ang natitira…



SOT NG PAG-ANNONCE SA TOP 15: "And the final spot - are you ready - belongs to...the Philppines!"



SOT NG 4 NA BADING NA NAGTATATALON



Milyung-milyong Pilipino sa buong mundo ang nagkaisa sa pagsuporta sa kanya.



SOT NG PAGPASOK SA TOP 10: "Next up, the Philippines!"



SOT NG PAGPASOK SA FINAL 5: "Finally...the Philippines!"



Suot ang drop earrings na ginamit ni Miss Universe 1999 first runner-up, Miriam Quiambao, ang final question ang huling hinarap ni Venus.



SOT NG QUESTION: "What is one mistake that you made and what did you do to make it right?"



SOT NG PAGSAGOT



Pinagtatalunan hanggang ngayon kung ano nga ba ang dapat na isinagot ni Venus. Sa dinami-rami nga naman ng mga pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang “22 years of existence,” bakit wala ni isa man siyang tinuring na malaking pagkakamali? Hindi niya ininda ang kahirapan, ang pangungulila sa ama, ang diskriminasyon, pangungutya, at pagkatalo sa mga pageant, dahil nanatiling masigasig si Venus sa isang malaking pangarap, at ang pagpupursigi niyang matupad iyon sa sariling sikap at tatag ng loob ay nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa isang lahing nagsisimula muling maniwala sa kanilang sariling ganda.



Maria Venus Raj, Miss Universe 2010 Fourth Runner-up, nominado for the first ever Showbiz Central Pinoy of the Year.

Friday, December 10, 2010

 

Christmas with my Pamangkins

I used to ask my pamangkins what they want for Christmas. Para siguradong gifts ko ang pinaka-favorite nila sa lahat, ‘yung tipong yakap-yakap nila sa pagtulog. Nalito ako when DJ, my third pamangkin, merely asked for ‘Yung umiikot…‘Yung red.’ Karga –karga pa yara si DJ ng yayo nila nu’n so I just turned to his Kuya Dave-Dave. “Do you have any idea what DJ wants?”

“Yes. Ambulance,” kuya replied matter-of-factly.

Hindi ako nangkaroon nang ganyang communication problem nu’ng si Dave-Dave (ang aking unang nephew) ang bulol. Nang tinanong ko siya kung ano gusto niya, tumayo siya tapos parang pinindot niya ang batok niya sabay howl na parang t-rex, “NGUWAAAARGH!” Naalala ko ang t-rex impressions ni Jim Carrey complete with crooked arms to resemble the giant lizard’s. Alam ko na. Sa toy store, walang kahirap-hirap na naituro ng clerk ang malaking t-rex na nagha-howl kung pinindot mo ang red button sa may batok nito.

My first pamangkin (the only niece), Daryn, once asked for “tuwalya ni Barbie.” Pumunta ako sa Toys R’ Us kung saan isang taon akong buwan-buwang bumibili ng GC’s para pagdating ng Pasko ay bongga ang budget lalo sa mga ganitong hiling ni Daryn na branded toys. Pero sa extensive Barbie section, wala akong makita ni face towel na Barbie! Tumawag ako sa sister-in-law ko to verify na tuwalya ni Barbie nga ang gusto ni Daryn. “Oo, pet cat ni Barbie ‘yan.” True enough, nang tinanong ko na sa saleslady, may stuffed toy na pusa na ang pangalan…Twyla!

Nu’ng wala pa akong kotse, nagpapasundo ako sa condo dahil ang dami ko ngang gifts. Madalas sumasama na ang mga pamangkin ko kasi atat sila. Ang saya lang kung pagbukas ng elevator eh may mga batang sasalubong at uusisain na ang dala-dalahin mo. “TITO RIC!!!” Sa kotse, nilalambing ako ni Dave-Dave habang inuusisa ang gift na alam niyang para sa kanya.

“What is your gift for me, Tito Ric? A. Dinosaur (obsession talaga niya dinosaurs), B. Car, C. Robot?”

“Eh, you didn’t tell me what you want, eh, so I just bought a box so you could put all your toys in it,” biro ko.

Tumahimik siya. Nang matagal na siyang hindi kumikibo tinanong ko siya, “Ano, hindi mo na’ko love?”

He lovingly screamed, “Love! Pero hindi ang box na’yan!” Batman action figure yata ang regalo ko talaga.

The next day, sumama pa rin si Dave-Dave sa paghatid sa’kin. Lumapit siya sa’kin sa car tapos sabi niya, “Tito Ric I love yu…” I instantly choked up, but before a tear could fall, Dave-Dave continued, “I love ‘yung Batman na car.”

This page is powered by Blogger. Isn't yours?