Tuesday, February 01, 2011

 

Ang Palanca Letter at ang Long Gown

Nang nilabas na ni Mr. Balatbat ang sangbungkos na palanca letters, tila sadya pa niyang iniharap sa buong klase ang sulat na may kissmark complete with handwritten “S.W.A.K.” Napahalakhak agad ako nang malakas with matching pagturo pa rito. “Pucha! Patay ‘to! Alaskado sa’kin ang may-ari ng sulat na’yan,” evil thought ko. Sa taun-taong retreat, ngayong senior year na lang kami pinadala ng palanca letter, which were submitted days before to our Religion Teacher, sealed and to be opened only on this night of the retreat. My dad handed me my palanca letter right before I left kaya hawak ko na agad ang akin.
Parang isang Bubble Gang sketch, hinuli pang dinistribyut ang sulat na tiyak na magiging target ng panunukso kaya inabangan naming mga alaskador ang pagbibgyan ng sulat, ang huling tatawaging pangalan: “Agapay.” O, putsa! Ang balis ng karma!

Hindi ko na-recognize ang distinct cursive penmanship at shade ng lipstick ng mommy ko, who decided to write me a palanca letter apart from my dad’s. Kaya ‘di tulad ng lahat na nag-share sa iisang letter ang mga magulang, by the time na tuyo na ang mga luha nila sa binasa, sisimulan ko pa lang ang pangalawang palanca letter.

Hindi man Christian concept ang karma, tanggap ‘to ng mga Pinoy dahil siguro sa mga lipunang flawed pa ang justice system tulad ng atin, ang ganitong divine justice na lang ang maari nating panghawakan. Pero maalala ko ang isang kaibigang Hindu na lininaw that karma is not entirely supernatural. After all, everything we do have consequences, whether we realize it or not. Ang logical consequences na’yun mismong ay matuturing na karma. Kung mahilig ka nga namang mag-isip ng pam-punchline sa iba, hindi mo mapapansin na nase-set-up mo na pala ang sarili mo na ma-punchline ng iba.

Si Cindy ang pinakaunang kinasal sa Powerbarkada. At dahil OA sa aga ang 5AM calltime sa venue, nag-check-in na kaming matatalik na magkakaibigan sa hotel. Para ma-tense ang mga OC kong kasama, nagdala ako ng blue long gown na naka-hanger at plastic pa na parang bagong dryclean. Pang-asar lang na ‘yun ang isusuot ko sa kasal ni Cindy. Mga past midnight na’ko nakabalik sa hotel galing sa trabaho. At du’n ko lang na-realize na sa kasabikan kong bitbitin ang gown, naiwan ko sa bahay ang mismong isusuot ko! Wala pa’kong kotse nu’n kaya nag-taxi ako pauwi sa Pasig para kunin ‘yun. Pagbalik ko sa hotel, haggard na haggard na’ko at kaunting panahon na lang para makatulog. Hayun, puyat ako sa morning wedding.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?