Thursday, February 17, 2011

 

Lovi and other Drugs

Sa Lunes, tatlong Pilipinong convicted of drug trafficking ang ifa-firing squad sa China. The family of one, a female, insists that her recruiter gave her a bag that turned out to have a secret compartment where a substantial amount of heroin were found. There is no point doubting their story. Whether the DH was aware or not that she was carrying drugs in her bag, her plight is just as that of the other Pinay caught at our airport last night then tearfully recounted to TV Patrol how she accepted payment to get the drugs through our security by swallowing some packets of heroin and hiding the bigger ones in her vagina! Ayokong i-generalize ang plight ng mga OFW pero oftentimes pinakakawawa talaga ‘yung mga unskilled female labor exports natin. Sa pagkadesperada nila sa sitwasyon nila rito, iiwanan nila ang mga anak nila tapos para kumita pa nang konti, masasangkot pa sila sa illegal drug trade.



I have very liberal views on personal drugs. Non-issue na nga ito sa progresibong bansa pero siguro pa panahon sa Pilipinas para talakayin ang legalisasyon kaya hindi ko pa ikakampanya rito ang matitipid nating pera at panahon sa anti-drug enforcement natin na mukhang mas corrupt pa sa ating anti-carnapping force. Ayoko munang i-discuss dito ang legalisasyon dahil baka mag-react lang ang mga tulad ni Tito Sotto, isang self-proclaimed anti-drug legislator (na minsan ding nasangkot sa drug trade), dahil wala nga namang panama ang argumento ko sa anti-drugs rhetoric ng mga tulad niyang gusto pang ipagbawal ang poppy seed sa mga tinapay dahil may opyo. Ipa-ban na rin niya ang Coca-Cola kasi may cocaine.



Kunsabagay, hindi ko naman masisi kung ang anti-drugs rhetoric ay suportado ng media, ng Simbahan, ng mga paaralan, ng mga negosyo, ng komunidad, ng pamilya! Sa isyung anti-drugs lang yata nagkakasundu-sundo ang buong sambayanang Pilipino! Eh, bakit may drugs pa rin? Kasi gago tayo. Oo, gago tayo. Tanungin mo pa si Ronald Singson kung gago ang mga Pilipino, tiyak sasabihin n’un, “Oo naman. Gago kayong mga Pilipino.”



Kasi kung hindi niya tayo itinuturing na gago hindi siya magpapa-interview saying pinag-iisipan na nga niyang mag-resign bilang kongresista. “That is an option…Aminado naman akong nasira ko ang pangalan ng Kongreso,” sabi niya sa Bandila. “Rest assured that I will do what is right?” O, ‘di ba, gago raw tayo.



Mga putang ina rin daw tayo. “I am very eager to join the country’s anti-drug campaign,” sabi ng nag-iisip pa kung magre-resign na Congressman Ronald Singson.



Pero gago at putangina man ako, hindi ako tanga. Nu’ng nagpunta akong Hong Kong, nilapitan ako ng isang lolo habang nakapila sa check-in counter ng NAIA. “Hijo, pupunta kayong Hong Kong? Wala kang bagahe? Puwede bang magpadala?”



Siyempre may initial instinct was to say no pero hindi ko magawa kasi lolo, nakabarong, payat, naka-ID pa ng NAIA, mukhang disente. “Mga papeles lang ‘to.” Pinakita niya ang parang photocopied documents tapos pinasok niya ‘yon sa isang small brown envelope. “Isara ko na, ha?” Halos hindi ako makasagot pero hinahayaan ko na lang siya. Nagsusumigaw pa rin ang utak ko para tumanggi pero ni hindi ako makakibo nu’ng pine-paste na niya ‘yung envelope. Kinuha ko ang envelope at akmang tutupiin para magkasya sa backpack ko nang, “Ay, ‘wag mong tupiin,” malumanay niyang ni-request. Sinamahan pa niya ako sa pagbayad ko ng travel tax at sa final security check. Naibsan ang pangamba ko nang parang kakilala siya ng airport employees at tuluy-tuluyan lang siya sa immigration counter at final checking. Trinay kong tumanggi nang binilhan niya ako ng mamon at kape pero hindi siya pumayag. Hiningi rin niya ang number ko para matawag daw niya ako pagdating ko ng Hong Kong.



Walang mintis namang paglapag ko ng Hong Kong International Airport ay tumawag siya. Inulit niya ang habilin niyang may naghihintay sa labas na may karatula ng pangalan ko. Du’n ko raw iabot ‘yung envelope. So nilabas ko na’yung small brown envelope at tumungo na sa exit. Nang bigla akong kinamayan ng security. Ninenerbiyos ako pero trinay kong huwag ipahalatang ninenerbiyos ako. Bahagyang nag-smile pa’kong kalmadong lumapit sa kanya. “You have anything to declare?”



Buti I remember this article about Israel’s Ben Guiron Airport na kahit isang bonggang-bonggang security risk ay wala nu’ng mga intrusive machines na common sa iba pang paliparan dahil ang pinaka-effective daw na pag-detect ng mga kriminal is by looking at passengers in the eye. So nag-effort akong tingnan ang mga mata ng matangkad at lanky chinito security guy lalo pa nang kinuwestiyon na niya ako, “Is that envelope yours?”



“Oh, I’m giving to my friend,” hindi ko na maalala ang alibi ko basta nag-maintain ako ng eye contact. “Do you know the person that you’re giving this, too?” Siguro nakatulong din na hirap siyang mag-Ingles. Padedma kong sagot, “O, yeah! Don’t worry, he’s my friend.” And then he waved me through the customs x-ray machine. The guy at the machine asked, “You have your passport?” “Yeah,” and I reached into my small bag to get it but the guy immediately motioned that it’s not necessary. My bag went through the xray, I took it and walked through the exit. Right across, resting on the railing is a man holding a handwritten sign of my name. I walked up to him, handed him the brown envelope without saying a word, and I walked off to the Airport Express.



Simple. And lolo paid me HKD 500 pa!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?