Monday, August 22, 2011

 

Para sa mga Facebook Friends kong may Baby

Ang blog na ito ay para sa mga Facebook friends kong may baby:


Ilang taon na ba ang Facebook? ‘Yun ang bilang ng taon na na-bombard ako ng regular and persistent statuses at wall photos tungkol sa mga baby n’yo! Statuses puwedeng i-ignore pero every 5 statuses about the baby dapat i-Like mo na, and the five-status intervals happen, like everyday! Mas mahirap ang wall post. ‘Yun wala kang dapat palampasin i-Like. Dapat kung ilan ang tao na naka-tag du’n sa nag-iisang mukha na’yun, dapat ganu’n din ang dami ng nag-Like. Dapat sumobra pa ang Like kung artistic, studio shot, o candid funny/cute moment photo daw as perceived by the parents ng baby. Mahirap ‘to for me kasi may mga photos na scary, like ultrasound photos (nagsisimula ang kalbaryo ko bago pa magkaroon ng tangible na baby!) Siyempre may mga albums pa, at videos!

So bilang ganti, magkukuwento ako at REQUIRED KAYONG BASAHIN, I-LIKE AT KUMENTAN kundi mapapahamak ang mga baby ninyo!

Alam n’yo kasi, meron akong tatlong cute and smart na pamangkin. Binalak kong gumanti with my impressions of all of them pero pati ako na-bore, so ang ikukuwento ko lang sa inyo ay ‘yung sa eldest and only niece. I love her, so you must, too!


DARYN DARIAN AGAPAY. Buntis ngayon ang wife ng panganay naming Kuya, at nagpustahan ang buong pamilya kung lalake o babae. Isa ako sa majority na nagwi-wish ng babae. Sunud-sunod kasing ipinanganak ‘yung tatlong lalakeng pamangkin na sina Dave-Dave, DJ at Justin. Na ang ate ay si Daryn. Ang ganda at talino ng batang ‘to. Waif-waifan ang drama! Matangkad kasi matangkad ang ina na kamukha ni Michelle Aldna! At artistic pa. Bata pa lang, nagdo-drawing na siya ng sarili niyang comic strips. Mala-Cathy ang style - at ang humor, English! Ngayon heavily inspired ng anime ang drawings niya. My mom made her repaint a couple of clay vases and Daryn drew beautiful faces of young ladies with exaggeratedly big, bright eyes, small noses ang lips, and very long windblown straight hair. In three years she may follow my footsteps to UP. I think she wants to take up Communications like I did. At kapag nangyari ‘to…
Magkakaroon ng isang bonggang-bonggang climax ang mala-deboto kong pagsubaybay sa taunang Miss Universe live telecast sa umaga mula nu’ng 1987 – pamangkin ko ang mananalong Miss Universe! Seriouly, beauty queen o supermodel talaga ang dating niya at mamaniin lang niya ang Q&A! “And the new Miss Universe – Miss Philippines! Darian (pronounced Dar-YAN para Latina ang dating) Agapay!” Pero realistic akong tao, kaya alam kong ang realistic na magiging reaksyon ko kapag nangyari ‘to ay STROKE. Isipin mo, mula 1987 ay taun-taon akong umaasa at nabibigo na Pilipina ang mananalong Miss Universe ‘yun pala pamangkin ko lang pala ang hinihintay ko! Tiyak sa gitla may mapapatid akong artery du’n mismo sa audience area at uuwi akong baldado’t nasa wheelchair… na tulak-tulak ng pamangkin kong Miss Universe!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?