Wednesday, June 29, 2005
Coming Out to Daddy
Isang summer vacation nu’ng high school pa’ko, ginising ako ng mommy sa’king pagkakatulog. Kakaiba ang pabulong niyang pagsasalita considering tanghali na’t nakahilata pa rin ako sa kama. “Ric. Ric,” naramdaman ko pang parang nahihiya si mommy ko na gisingin ang kanyang pangatlong anak na lalake. “Ano ang number ng fire department?” Mahina akong tumugon, “May Emergency Hotline ang Marikina. Rescue 1-6-1.” Tapos bumalik na’ko sa pagkakatulog, kahit mainit na sa kuwarto dahil pinapasok na ng matinding sikat ng araw ang mga bintana. Tapos after a few seconds, natauhan ako sa tinanong ni mommy. Agad akong bumangon. Binuksan ang pinto at pasigaw nagtanong sa kanya na ina-assume kong nasa may sala na at nagda-dial ng telepono. “Ma! Nasa’n ang sunog!?!”
“Ang daddy mo kasi nagsunog ng basura sa tapat. Kumalat na,” kalmado pa rin ang boses niya. Na-imagine ko agad ang scenario. Malaking bakanteng lote ang tapat ng bahay namin. At tuwing summer ay talaga namang napupuno ito ng mataas ng talahib, kaya nga minsan nag-o-organize ang Greenheights Homeowners’ Association ng clean-up para putulin ang mga talahiban na bukod sa pangit na tignan, nagiging pugad pa ng mga ahas, at minsan tapunan ng mga sina-salvage. Makailang ulit na ring nangyari noon na ang simpleng pagsusunog ng basura eh bigla na lang kakalat hanggang umabot hanggang sa kabilang street ang sunog. Since alam kong wala ang mga kuya ko, my dad has only me to rely on.
Nagmamadali akong pumunta sa cabinet para kumuha ng shorts (masarap kasi matulog nang naka-brief lang). Nu’ng mga edad kong ito, hindi uso sa’kin ang pagtitiklop ng mga damit kaya hindi biro ang makabuo ng firefighting outfit. So I blindly reached into the side of the cabinet kung saan nakatambak ang mga plastic-plastic ng mga pinaglumaang damit ng mga kamag-anak sa States na pinapadala sa’min (parang predecessor ng ukay). Minsan makakatsamba ka ng magandang t-shirt sa balikbayan box, pero marami ring nauuwing “donate old clothes” sa school.
Ang nabunot kong shorts eh ngayon ko lang nakita. De-zipper at butones na kulay yellow-brown-something. Halong maong at slacks ang texture. At meron siyang parang flap ng tela sa right side seam. Instinctively, kinuha ko ang dulo ng flap na may butas para sa butones at na-figure-out ko namang puwede ’tong ikabit sa butones sa may left seam. Hindi na’ko nag-t-shirt. Agad na’kong tumakbo palabas.
There I saw inferno. And my dad in the middle of it desperately trying to kill the fire with a bucket of water. Wala rin siyang shirt at naka-maong shorts lang. Nakita kong may isa pang timba ng tubig at agad ko’tong kinuha para patayin ang mga apoy na malapit sa’kin. Si mommy ang nagpupuno ng mga timba. Nakita ko ring malapit nang abutin ang bahay nina Mrs. Babon sa kabilang street. So tumakbo ako sa next block. Kinatok sina Mrs. Babon para warningan sila. Pagbalik ko sa bahay, marami na rin kaming kapitbahay na tumutulong. Community effort na’to! People of Greenheights vs The Inferno! Nakikita ko ang mga anak ni Mrs. Babon na nagbubuhos na rin ng timba-timbang tubig mula sa bakod ng backyard nila. Unti-unti, natutupok na namin ang amoy! Buti na rin lang dumatin na rin ang firetruck! Ang efficient talaga ng Marikina Rescue 161, in fairness!
Ang maganda kapag nagkakaroon ng ganitong bushfire, pagkatapos eh, ang aliwalas ng view. Wala na ang talahib. Mula sa garahe namin eh kitang-kita namin ang kabilang street. Saka siyempre, hindi matatawaran ang bayanihan spirit na damang-dama ko pa rin nang nagkukuwentuhan na ang mga tito’t tita (ganu’n dito, lahat ng magulang ng kalaro ko tito at tita) sa may tapat ng bahay. Proud din ako sa bonding at adventure namin ni daddy. But something’s wrong.
Alam n’yo ‘yung feeling na iniiwasan ka? ‘Yung hindi naman pinapa-feel sa’yo pero for some reason alam mong naiilang ang tao sa’yo? Ganu’n ang attitude ng daddy ko sa’kin. The whole time, my dad barely spoke a word to me. Hanggang nang matupok ang apoy, parang lumalayo siya. Parang ini-ignore niya ako. Hindi ko alam kung bakit. I did a good job naman, ha. Buti nga nasa bahay ako, unlike my two older brothers, kundi walang tumulong sa kanya. Ako rin nagsabi ng emergency number. Saka sumugod din naman ako sa nasusunog na talahiban kahit sobrang init ng lupa na napapaso na’ng talampakan ko kahit naka-tsinelas. Did I do anything wrong at ni simple pat in the back from my father wala akong natanggap? And parang pati ‘yung mga tito’t tita ko parang ini-ignore din ako. Ayokong ipahalatang affected ako. Pero napayuko ako.
At du’n ko na-realize na ang suot ko palang shorts ay skort. They’re normal shorts pero kapag binutones mo na ang flap na nakalaylay sa may kanan sa butones sa may left, magmumukha ka nang naka-skirt. O, ‘di ba? Firefighting outfit!

Sunday, June 19, 2005
XUMEXENTI SA XAYMACA
17 June 2005, Pagkauwing-pagkauwi ko...
Tuwang-tuwa si Janice de Belen. “Nanood ako ng concert ng Juan dela Cruz Band nu’ng weekend! Ang saya! Ganu’n pala ‘yun!” Parang batang ngising-ngisi nagkukuwento ng kanyang unang gimik ang single mother of five.
At ngayon sa Xaymaca, nakaka-relate ako sa kanya.
Siksikan. Mainit. Pawis. Pero ang saya! Hindi ko naman first time rito but Xaymaca is not exactly my scene either. In fairness, the few times I’ve been here have all been extraordinarily fun. Iba talaga ang vibe ng reggae music. Community-centered kasi kaya nase-spread niya ang spirit ng oneness, plus the fact that Xaymaca is perhaps the hippest non-hip bar around. Hindi mo kelangan magbihis. Naka-white t-shirt, Hawaiian shorts at tsinelas lang ako. Hindi mo kelangan ma-conscious sa kilos mo, sa English mo, sa kung cool ba ang drink na inorder mo. Basta lang mag-enjoy ka.
At nag-e-enjoy nga kami. Diane has gotten used to the place already. This being her first time kaya nire-regret niya ang kanyang mainit na outfit. Si Raffy rin gumigiling-giling na. Si Rio, madalas naman ‘yan dito, eh! Ganu’n din ‘tong magjowang Marko at Joie. Si Sheila rin madalas rito mamboys hehe. Ako, nu’ng first set pa lang, hindi ko alam, pero nakangiti akong sumasayaw. Siguro dahil I don’t get to hear reggae often kaya kapag pinapatugtog, parang nami-meet ko ang isang kaibigang matagal ko nang hindi nakikita at ngayon mo lang nari-realize kung gaano ko pala siya na-miss. Suwabeng-suwabe pa ang “reggaefied” OPM ng Brownman Revival! (Pop na pop kasi ako kaya benta sa’kin ang revivals.)
At sa pag-init ng huling set ng Brownman, mga alas-dos na yata, isang familiar tune ang unang tinugtog ng keyboardist. Sinabayan ng sax. At ayun na, ang walang-kamatayang hit song ni Lionel Ritchie. Reggaefied! “And you turned me inside out and you showed me what life is about…only you…the only one who stole my heart away…” Habang gumigiling-giling ako, naiisip ko ang aking sorry lovelife. Naisip ko ‘yung huling tao who stole my heart away na para ring manloloob na nag-betray sa’kin. Naiisip ko kung bakit single pa rin ako at 26. Hinahanap ko what I’m doing wrong. Biglaan lang talaga. With just one song.
Xumexenti.

Tuesday, June 14, 2005
Race The Wind: LAM NA! WILD! ASTEG! SOH-LED!
Race The Wind: The WWF Adventure Race
11 June 2005
Pagudpud, Ilocos Norte
Forget another race experience. Forget new friends. Forget the breathtaking view of Southeast Asia's first wind farm. The most valuable things I brought home from competing in "Race The Wind: The World Wildlife Fund Adventure Race" are those new terms in the title.
"WILD!" Friday madaling araw ang alis from WWF kaya gumimik pa'ko para huling hirit. Naisip ko kasi medyo matagal-tagal akong malalagak sa wild so nagpaka-wild muna ako sa urban setting. Kaya alas-dos na'ko natapos. Agad akong umuwi. Nag-empake at naghandang mag-bike papuntang Kalayaan Ave. Saka sumungit ang ulan. Parang unang pagsubok ang pag-bike dala ang lahat ng gamit mo for the whole trip sa matinding buhos ng ulan habang puyat at laseng ka. Binalikan ko pa 'yung rubbershoes ko...Tapos binalikan ko pa ulit 'yung lifevest ko. Pucha! Bakit kasi hindi ako nag-pack beforehand?!?
Past 4am ay lumarga na rin ang Fariñas Bus papuntang Pagudpud - ang sinasabing Boracay of the North. Kahit tahimik ang lahat, dama mo ang excitement sa hangin . Sa'kin, extra special ang adventure race na'to because it will be my first out-of-town, non-urban race. Figured this WWF-organized, Thumbie-designed race is the perfect reason for me to plunge into a whole new world in racing. Parang pag-plunge to death ni Maria Theresa Carlson from her condo unit because she was driven mad by her abusive husband na kapangalan ng bus na sinasakyan namin. Wild!
"ASTEG!" Malayo pala ang Ilocos Norte! Or as the girl host from WWF calls it "Ilocos Nortee." Pero ang sakit ng puwet ay napawi nang makita namin ang fifteen turbines ng kauna-unahang wind farm sa Pilipinas at sa buong Timong-Silangang Asya. Siguro around 5-storeys high, the all-white metal windmills that look like giant airplane propellers give you the impression that they are installations by an impressionist sculptor from space. It's fascinating how something so practical can be so beautiful. Parang upper body ni Leroy ('yung isa sa 2nd Place, Fun Category, from Baguio yata). Asteg!
At sinulit din ang ganda ng Ilocos para sa mga karerista. The Fun Course had us running, trekking while being slightly distracted by the breathtaking view of the Bangui Beach below, biking through the Ilocos highways, off-roading to and rapelling down Abang Falls, swimming in the choppy waters of the Luzon Strait (na I think was made extra difficult dahil hindi ako straight), and finally, running (well, more like jogging...actually, mas walking...) down the beach from where the windmills are. Sa mga elite, meron pa silang paddling at napuntahan pa nila ang "secret" Blue Lagoon.
"SOH-LED!" Bilang greenhorn sa sport, talagang maraming firsts ang naranasan ko sa WWF Adventure Race na'to. First time kong makapunta ng Pagudpud, for one.
First time kong makita si Bongbong Marcos in person. (Which explains the Marcosian concept of government architecture sa Ilocos Norte. All the Town Halls in the area are modern, well-kept edifices na talagang contrast sa rustic, provincial setting. 'Yung barangay hall lang ng Pagudpud parang bagong gawa at modern ang design. 'Yung sa Bangui may satellite dish pa sa harapan.)
First time kong makapag-bike sa highway nang walang masyadong iniidang sasakyan. First time kong mag-open water swim. First time kong hagisan ng mga talulot ng santan ng mga batang babaeng tuwang-tuwa sa pagbisikleta ko sa harap nila, at makipagkarera naman sa mga batang lalakeng nakasakay sa maliliit na bike. (Nakakatuwang makita ang impact ng sport sa community, 'di ba?)
" 'LAM NA!" Sige na nga, hindi pa rin matatawaran ang na-gain kong mga bagong kakilala sa karerang ito. Kasi sa urban races, hindi mo naman talaga nakakahalubilo ang mga hindi mo kakilala. Pero dahil 14 hours kayong magkakasama sa bus at isang buong weekend kayo sa dalampasigan, natural lang na magkakilanlan kayo kahit papaano. It was an honor to meet some of the sports' greats, ang mga pangalan na naririnig at nababasa ko lang noon nabigyan ng mukha. Nakakatuwang makinig sa mga kuwento nila. Nakaka-inspire talaga. Para silang naging wind at my back, ika nga.
(Although, meron ring mga kuwentong nakakalumo tulad na lang ng nangyaring tampering daw ng ilang trail signs sa elite course).
Hanggang sa Vigan, hanggang sa maubos ang Catty Sark at kalahating dosenang MP, hanggang maharang ng Highway Patrol sa Quezon Ave (kung kelan napakalapit na naming makauwi), ang saya at honor na nadama ko sa pagkarera ay parang isang magical trip to Oz.
Rey Agapay
Team X - 7th Place (Fun) Nax! Nakayabang pa hahaha!