Tuesday, August 23, 2005

 

Startracks!

Starstruck na naman! At sa mga daan-daan mag-o-audition sa bawat araw, masuwerte sana akong makahanap ng susunod na next-big-star. Unfortunately, for every Mark Herras na madi-discover, may 126 wannabes din na mag-aaksaya ng panahon ko just because sinabi ng nanay nila na puwede silang mag-artista para iahon sila sa kahirapan!

Ito ang kuwento ng ilan sa kanila:

AUDITIONEER: My talent is modelling.
for some reason napaka-popular na talent nitong modelling. what the fuck is that?
AKO: Modelling? Nag-model ka na ba before?
Ang nag-o-audition eh isang maliit, maitim, blonde-blonde ang buhok, trying-to-be-fashionable-pero-hindi na babae. Basta, hindi siya modellish!
AUDITIONEER: Uhm...pauses and thinks...opo.
Aba! Pinanindigan ng pota!
AKO: Talaga? Saan?
AUDITIONEER: Sa SM Sucat po.
AKO: Anong brand?
AUDITIONEER: Basta po, 'yung mga jeans, ganyan.
Kung wala lang camera, hinubad ko na ang jeans ko at sinakal ko sa kanya!

AUDITIONEER: My talent is hosting.
AKO: O, sige. Mag-hosting ka nga d'yan.
AUDITIONEER: Hi! Welcome to my show Star Trux!
AKO: Teka! Ano 'yung show?
AUDITIONEER: Star Trux.
AKO: Star-struck. Hindi Star Trucks!
AUDITIONEER: Stars Trux!
AKO: Repeat after me...Star.
AUDITIONEER: Star.
AKO: Struck.
AUDITIONEER: Struck.
O, tama na.
AKO: Starstruck.
AUDITIONEER: Star Trux!
Ipapasagasa ko sa truck 'to, eh!

AKO: Pupunta kayo rito sa harapan namin at magpapakilala kayo nang ganito: "Ako po si Rey Agapay. Watch out! I'm gonna be a star!" OK?
AUDITIONEERS: OK!
1st AUDITIONEER: "Ako po si Rey Agapay..."
Kapatid ng isang sikat na isang actress-comedienne ang nag-o-audition na ito!

Eto, madalas mangyari:
AKO: Ilang taon ka na?
AUDITIONEER: Peef-teen.
Ahh...Ako kasi tweyn-tee.

AUDITIONEER: My talents are singing, acting and BJ!
AKO: BJ?!? Anong BJ?!? Sige nga, mag-BJ ka d'yan!
AUDITIONEER: Hi! I'm your BJ for today! Our next bidyo is...

Marami pa 'to. Wait lang, ha.



Wednesday, August 10, 2005

 

Angelika? Ikaw ba 'yan?!?

While Madame Auring is the the worst argument for plastic surgery (way up there alongside Michael Jackson), Angelika dela Cruz must be its poster girl.

I mean, have you seen what they've done to her? SHE'S GORGEOUS - AS IN ANG GANDA-GANDA NIYA NGAYON!

I chanced upon her soap on ABS-CBN. Immediately, I sensed something different with her but couldn't quite put my finger on it. When I mentioned it to a friend, she gave me this look like she's wondering where I've been all these years then she said that Angelika did go under the knife. Fellow staff members of "Sis," told me that she had her chin augmented and her cheekbones tapered. The result is a more sophisticated-looking, definitely more beautiful Angelika dela Cruz. And that's saying something since I've never been a fan of her face. Found it too anime-ish and unnaturally pale (and it didn't help that she was launched as the singer of the Sailor Moon theme). Pero ngayon, maganda na talaga siya.

Ang hindi ko lang sigurado eh kung tinatanggap ba ni Angelika dela Cruz na nagparetoke siya. Sana 'wag na lang niyang i-deny kasi ang ganda-ganda-ganda naman ng resulta, eh.

Thursday, August 04, 2005

 

Another Sad Song

"(I Wanna) Run To You"
Each day
Each day I play the role
Of someone
Always in control
But at night
I come home and turn the key
There's nobody there
No one cares for me...
Tell me what's the sense
In trying hard to find your dreams
Without someone to share it with?

Hindi ako fan ni Whitney, ha. Pero nagkakataon lang na tumatagos talaga sa'kin ang mga kanta niya. Itong 'sang 'to na-appreciate ko sa Songbird Sings the Classics Album ni Regine Velasquez. For a time, siya ang pinapatugtog ko tuwing umaga. At sa time na'yon, banas na banas ang housemate kong si Thea dahil downer na nga ang message ng kanta, sinsigaw pa raw. Well, I think Regine's version is fabulous!

Lovelife naman kasi ang biggest source of frustration ko, eh. Hindi ko ma-handle ang pagka-random ng romance. Hindi katulad sa trabaho at sa sports, tiyagain mo lang siguradong makukuha mo rin. Ang love hindi ganu'n.

 

Walang Kuwentang Blogger

Ilang buwan na rin akong nagba-blog. Enjoy naman ako. Pero wala talaga akong alam sa computer stuff! Naiinggit ako sa blogspot sites na iba ang kulay, maraming photos, ganyan...'Di bale kapag finally naturuan na'ko ni Jove, ipi-prettify ko talaga 'tong site ko hehe. In the meantime, natutuwa lang ako kasi nakita ko kahapon (as advised by Jove pa rin, ang taong nagkumbinse sa'king mag-blog) na ni-link ako ni Manuel Quezon III sa kanyang blog site! Flattering, 'di ba? Kung alam ko lang kung paano maglagay ng links...

Wednesday, August 03, 2005

 

The Saddest Song

Whitney Houston's "All At Once"
All at once
I finally took a moment
And I'm realizing that
You're not coming back
and it finally hit me...
All at once

Totoo siya, 'di ba? When you're experiencing pain of the heartbreak kind, gagawin mo ang lahat para hindi mo maramdaman. And for a while ang pagpapakalunod sa trabaho, sa libangan at sa alkohol will actually work. Pero just when you least expect it, there's that milisecond habang gumigimik ka o nagtatrabaho ka na magfa-flash sa'yo na kaya mo ginagawa ang lahat ng ito eh dahil gusto mo lang malibang. Parang pag-ihip sa sumasakit na ngipin. Nawawala pansamantala pero sa sandaling tumigil ka, mas masakit na.




This page is powered by Blogger. Isn't yours?