Sunday, October 23, 2005
NAMULIKAT SA MAARAT
My First Maarat Bike-out
22 Oct 2005
“Wala na...Wala na'kong maramdaman.”
- Rachel Alejandro, from the song 'Nakapagtataka'
Last weekend ay na-break-in ko na sa matindi-tinding ruta ang aking bagong second-hand mtb. Six AM nagkita na kami ng UPM Physical Fitness Officer Robert Leoncio. Unlike the previous bike-outs, konti lang ang makakasama today. Tatlo to be exact. Pero si Daddy Nepomuceno eh dumiretso na ng Maarat. So para kaming magjowang nagba-bike sa CCP ni Robert habang binabagtas ang Bayan-Bayanan Avenue patunong San Mateo. May isang buwan na rin akong halos araw-araw na nagba-bike around the UP-QC-Pasig Area so sisiw lang naman. Pero nang tumambad na sa'kin ang sloping roads ng Maarat. Ayun na!
Nasa Marikina pa lang si Daddy at ang mga kasamahan niya nang tinawagan namin siya mula sa unang lugawan sa Maarat so tumuloy na kami ni Robert du'n sa matarik na matarik na daan kung saan nadali last week si Kram. May mga sabi-sabing apat na raw ang namamatay sa steep sharp downhill na'to. Siyempre kung anong tulin ang aabutin mo pababa, ganu'n naman ang bagal ko paakyat! Nagsisimula pa lang ito, ha! Inaliw ko na lang ang sarili ko ng mental images ng lumilipad na Kram tapos shumusht sa estero hihihi. 'Di bale, Kram, dahil sa nangyaring 'yan, ikaw na ang Krash ng Bayan hihihi!
Matapos ang paahon na'yon, ay tumigil muna kami sa lilim. Nakipagtsikahan sa isang cutie namang daddy-type na merong mamahaling bisikleta. In fairness, ito nga ang isang attraction ng Maarat na walang nakabanggit sa'kin: maraming cute na nagba-bike! Sa hirap ba naman ng dinaranas ko nu'n, hayaan n'yo na lang ako sa mumunting katuwaang ito, 'di ba?
Tumuloy na kami ni Robert hanggang sa may sari-sari store. Naimbitahan pa kami ng mga taga-San Mateo Bikers o SMB na sumali sa event nila sa November 13. Pagkatapos ay nagpatuloy na naman kami sa pagpadyak pataas nang pataas. Hirap na hirap na'ko. Nang pumapatag na ang daan at natatanaw ko na ang magarang entrance arc ng Timberland, du'n ko lang naalala na puwede ko nga palang i-shift ang left gear! Pucha! Ang novice! 'Di ba kasi ang advice sa mga tulad kong nagsisimula kanan na lang ang galawin ko? So 'yun nga ang ginagawa ko! Nang natimpla ko na rin ang left gear! Aba! Gumaan!
Mas leisurely na ang ruta sa may Timberland kasi dadaan ka through a wooded area na kahit dirt road, hindi naman mainit. Parang biking in the countryside ang drama (with Papa Robert pa! Sa'n ka pa?) May chapel pa sa gitna ng forest! Parang Blair Witch Project!
Pagka-emerge namin sa kagubatan, highway na naman na paakyat. Pero sulit naman nang maratin namin ang isa pang tindahan. 930AM na nu'n! So nagpaluto kami ng daing at scrambled eggs with corned beef! Napakasarap kumain. After 30 minutes ay dumating na rin si Daddy at si UPM applicant Olive at isa pang cyclist na Marikeño. Pagkakain nila ay bababa na sana ng Maarat kaso nakasalubong namin si Jerry. Bigla ngayong nagyaya si Daddy na bumalik at magpatuloy hanggang sa may bulaluhan. Kahit sumusuko na ang binti ko nu'n, go lang nang go. Sa utak ko eh nagtititili na'ko...at nagtititili nga ako nang makakita ako ng tukong sinlaki ng pusa na tumatawid sa kalsada! Eeeeehhh!
By this time, sobrang bagal ko na kahit naka-granny gears na'ko. Kaya kong umakyat ng bundok basta 'wag naka-bike! Kaya naman bumawi talaga ako sa bulaluhan!
Pabalik, lumala na ang ang sinat ni Robert! Hindi ko na rin nararamdaman ang mga binti ko. Kaya kahit ikinalulungkot ni Daddy, ay hindi na kami bumalik sa Maarat. Lumusot na lang kami sa may highway to Cogeo. Sa Masinag eh nakita ko pa ang classmate ko nu'ng high school. Kita ko sa mukha niyang bilib na bilib siya sa'kin dahil payatot ako nu'ng grade school at tabatsoy naman nu'ng high school, babakla-bakla pa! Look on my classmate's face: Priceless! (Malay ba niyang mamatay-matay na'ko sa ginawa ko? Hehe)
Sa Marcos Hi-way naghiwa-hiwalay na kami. Ako naman, gusto ko nang hiwalayan ang pagbibisikletang walang idinulot sa'kin kundi anghit, mabahong helmet at backpack, at namamanhid na betlog!
Next week, kuwento ko kung anong mangyayayri sa'kin sa UPM Sagada Bikeout...that is kung magkakalakas ng loob pa'kong sumakay ulit ng bisikleta.

Monday, October 03, 2005
The Starstruck State of the Nation
Ala-una ng madaling araw sa GMA. Hinihintay ko ang iba pang staff ng Starstruck dahil bibiyahe kami ng mga sampung oras papuntang Naga para sa second stage ng auditions doon. Napagninilay-nilayan ko tuloy ang sorry state ng buhay of the Filipino youth base sa mga narinig ko mula sa mga daan-daang kabataang nagbakasakaling mag-Ultimate Survivor...
Walang duda, mahirap na talaga ang buhay ngayon. At damang-dama ito ng mga kabataan. Mula sa iba't ibang sulok ng bansa, popular na response ang "gusto ko pong tulungan ang pamilya ko kasi mahirap lang kami" kapag tinatanong sila kung bakit gusto nilang mag-artista. Pero sa experience ko, mas madalas kong marinig 'to sa mga kabataan mula sa Metro Manila kaysa sa mga ibang lungsod. Hindi kasing-moderno ng Metro Manila ang Cebu, Davao, Iloilo, Naga, Dagupan (mga cities kung saan nagkaroon ng auditions) pero hindi rin naman ganu'n kalaganap doon ang kahirapan nang tulad nang makikita mo rito.
Meron ngang dalawang sixteen year-olds, isang taga-Bicol, at isang taga-Maynila, na gustong makapasok sa Starstruck para hindi na sila matuloy sa trabaho nila abroad - Hong Kong at Japan. Dinaya raw nila ang age nila para makapag-abroad. This is what we do to our girls!
Marami rin sa mga kabataan ngayon ang hindi na nakakatungtong ng college dahil sa "financial problems." Yes, that's the term they most often use, "financial problems." Common pattern 'yung ga-graduate sila ng high school tapos matitigil na dahil "hindi na kayang pag-aralin ng mga magulang kaming magkakapatid nang sabay-sabay." Marami sa mga kabataang ito ay mula sa malalaking pamilya - maraming anak at single/low-income households. Minsan kaya imbitahan ko si Manila Mayor Atienza na umupo sa auditions at nang makita niya ang epekto ng isang citizenry na hindi mulat o kaya'y walang access sa iba't ibang family planning methods.
Makatungtong man sila sa college, halos wala sa kanilang pumipili ng kursong ayon sa kanilang passion. Kaginhawaan pa rin ang iniisip nila. Nursing ang pinaka-popular na course ngayon. Siguro mga 98% sa mga natanong ko 'yun ang kinukuha. Ganu'n pa rin ang plan. Pagka-graduate, mag-a-abroad para makaahon sa kahirapan.
Marami sa mga kabataan ngayon, probably out of hopelessness, sinasabing "ang pag-aartista na lang ang nakikita kong paraan" para makaahon sa kahirapan. This becomes more tragic dahil karamihan naman sa mga nagsasabi nito ay hindi artistahin.
I must admit, sa paulit-ulit kong naririnig na mga sob stories ng mga kabataang nag-o-audition (at meron pa talagang literal na nagsa-sob habang nagkukuwento), nadi-desensitize na'ko. Pero two auditioneers really affected me in a very unhealthy way.
Ang una ay isang babae. Pretty siya. Puwedeng artista actually. At nang tinanong ko siya kung bakit mahalaga ang Malolos, Bulacan sa kasaysayan hindi niya masagot. To think three years old pa lang siya du'n na siya nakatira. At mas lalo akong nalungkot nang wala ni isa sa mga kasama niya ang may idea kung bakit importante ang Malolos maliban na lamang sa dahilang "doon 'yung oath-taking ni Erap." So sinabi ko sa kanya ang significance ng Malolos. At kahit paulit-ulit kong ikinuwento, hindi niya ma-absorb-absorb.
Ang pangalawa ay isang lalake. Freshman sa PUP. Sabi niya na bukod sa pagiging artista pangarap din niya ang maging pulitiko "dahil sa panahon ngayon, 'yun na lang ang dalawang paraan para maahon mo ang pamilya mo." Seryoso, halos isang minuto akong hindi makapagsalita sa magkahalu-halong shock, lungkot, at pagsang-ayon sa sinabi niya.
Alam mong something's very, very wrong if the youth thinks it's all right that politicians become rich to help their family. Nakakalungkot.