Thursday, March 09, 2006

 

After 13 Days

…Nanalo si Pacquiao. 13 days aftr Ultra Stampede. 13 days aftr Leyte Landslyd. 13 days aftr bading si Rustom.

By now, lahat yata tayo na-receive ‘tong text na’to. My receiving it was extra ticklish dahil si Carmina pa ang nag-send.

Patunay ang text na’to sa role ng media – partikular ng telebisyon – sa pagse-set ng agenda ng kamalayan ng Pilipino. Kung ano ang nakikita sa TV, ‘yun ang pinag-uusapan. To a certain extent, ‘yon ang nagiging mahalaga para sa atin. At mahalaga naman talaga ang pagkapanalo ni Pacman, ang Ultra Stampede, Leyte Landslide. At naniniwala akong mahalaga rin ang pagka-come-out on national television ni Rustom Padilla.

Hindi ko napanood ang unang episode na pinalabas ang paghi-hint ni Rustom ng kanyang ibubunyag. Pero pagkatapos na pagkatapos umere ‘yon ay agad akong tinawagan ng aking headwriter dati sa Sis na si Jeff Fernando para ikuwento sa’kin ang nangyari. Apparently, kahit sa isang taong nasa inner circle na ng sangka-showbizan, nakakagulantang pa rin ang pag-come out ng isang artistang ‘di na kasikatan at napagdududahan namang bading noon pa man. Sa Filipino gay community, it was more than another showbiz scoop. Napa-abang tuloy ako sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition the next day para marinig mismo kay Rustom ang alam ko na naman. (At siyempre tinext pa’ko ng lesbiana kong co-writer dati sa Sis na PA na ngayon sa PBB).

Nakatutok talaga ako sa TV habang pinapanood ko ang episode na’yon with my boyfriend. Naluluha-luha ako nang ikinukuwento niya ang proseso na pinagdaanan niya – every stage of which merong equivalent sa buhay ng tipikal na bakla: ang unang consciousness na may mali or masama sa’yo, ang desire na baguhin o ikubli ‘yon, ang paghahanap sa sarili sa gitna ng confusion, at ang pagtanggap sa totoong pagkatao… and Rustom described best the next stage: “at sinasabi ko ito dahil hindi ako masamang tao.”

Ngayon kung after thirteen days eh sabihin ng Simbahan na, “Oo nga, hindi kayo masamang tao,” then siguro nga may Divine design ang lahat ng mga pangyayaring ito sa ating bansa. Kung wala man, masaya na’ko sa sa katapangan ni Rustom na pinahalagahan ng agenda-setting power ng media.

 

Mayaman Ako.

I am so rich. I have more than enough of what many, many people want the most right now – Starstruck Final Judgment tickets.

Parang metaphor tuloy ang tickets na hawak ko ngayon sa pera and how so little of it is circulating around the populace. Ako ang elite. Nasa akin ang best tickets, premium grass area tickets. Malapit sa stage. Katabi mo ang mga VIP’s. Kitang-kita mo ang show. I have twenty of these. Hindi ko naman kelangan ni isa. Wala naman sa pamilya ko ang interesadong manood. But somehow, I get this much.

I didn’t realize their value until the people who ask me for them do so as if they were requesting me to donate my kidneys. Kung tutuusin nga naman, karamihan sa mga fans will have to go line up in malls or answer trivia questions flashed on their TV screens to get two bleacher seats. Tatlo na ang binigay ko sa Utility Man namin (Apparently, pati sa mga staff may disparity ng distribution). Dalawa na ang ibinigay ko sa kuya ng isa kong college friend. Lima sa isang kaibigan. Tatlo sa nagdi-deliver ng laundry ko na hiyang-hiya pa nang nagtanong sa’kin na hindi siya makapaniwala na bibigyan ko siya nang ganu’n-ganu’n lang. This must be how it feels to be really rich. Wala lang, may pera ka. Hindi mo maintindihan what people are willing to go through just to get a a little of what you have.

Kanina ang tagal kong nakapila sa bangko. ‘Di ko nakapagdala ng dyaryo at siyempre bawal ding magte-text. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood sa isang guard na naglilipat ng mga coins sa mga cheesecloth bags. Ang dami-daming coins. At meron pang plastik-plastik na cash. Ang dami-dami talagang pera. Isipin mo na lang kung ilang ATM meron all over the metro. Magkano ang laman ng bawat isa? Magkano lang ang napupunta sa’tin?

This page is powered by Blogger. Isn't yours?