Sunday, May 28, 2006

 

ANO'NG NANGYARE SA BORACAY?!

I was in Boracay with the rest of the UP Dragon Boat Team May 9-15 for the 2nd Boracay International Dragon Run Regatta. Siyempre bumabagyo during the two days of the race but that didn't stop me from having the time of life. This is my most memorable Boracay trip yet. Warning lang, highly personal ang mga kuwento ko baka hindi kayo maka-relate. Just the same I'm writing it down in case magka-amnesia ako.



1. MABUHAY ANG MAKAKATE! MAITA’S DRUNK AND PUKING! ‘Yan ang message na natanggap naming naghihintay na sa Boracay mula sa karamihan ng team na sumunod via barko…And that set the tone for the “UPDT in Boracay 2006!”

2. ‘Yung mga nauna sa Boracay ay nag-train with MBP, led by their Mr. Dragonboat 2006! At laseng na pala ako nito kaya naamoy raw ni Jing ang alkohol sa bangka…Kung bakit ako naglaseng is part of a secret Boracay story that I will never put in this egroup…Pero alam n’yo naman na’yon, eh.

3. Second night namin sa Boracay we went out dancing sa Pier One. Ta-try sana naming mag-Cocomangas kaso hindi namin masyado kinaya ang crowd.

4. Oh, ang ganda pala ng room namin. Sa Punta Sol, katabing-katabi ng PCTV (Paradise Cable Television). 2k/night lang! Sosyal ang interiors with yellow lighting, ganda ng banyo, room service, mini-bar, big comfy beds. Medyo tago nga lang siya at nasa border na siya ng Station 1 at 2.

5. Isang malaking setback for the team ang absence ng Mendozas (Anne, Alice, Angel, Tita and Coach Daddy). Last minute na lang nag-text sina Anne na hindi na sila makakasunod. Pero todo pa rin ang suporta nina at ni Coach Daddy especially.

6. Naging dagdag naman sa Men’s ang pagdating ni Danny. Kahit walang training, ni-load pa rin namin siya. Sa Stroke side pa! Nag-lead din siya. At napag-uusapan na rin lang si Danny, si Mario palaging bangag. Kahit breakfast nagdu-doobie na agad! Hay!

7. Dahil nagkulang ang Ladies, ang team manager dapat na si Diane (na walang kaensa-ensayo) ay napasabak sa karera. Napansin tuloy nu’ng nakwang-kwang sa kanya nu’ng last kick. Pero panalo pa rin sila sa Heat na’yon, in fairness. Thanks, Diane!

8. Susunod dapat si Pen sa Boracay kaso dahil sa bagyo she got stranded in Roxas for two days. Tanungin n’yo na lang siya ng kanyang istorya du’n dahil as of this moment ay hindi pa rin yata niya kinakausap sina Danny at Alyx na nag-encourage sa kanyang sumunod.

9. Nagkaroon pala akong Boracay fashion faux pas. For some reason ay na-convince ako ng isang batang Margie na i-“pineapple” ang aking buhok. Nagmuukha akong Snoop Doggy Dog na ewan! At ang sakit pa mag-braid nu’ng Margie na’to. Feeling ko tuloy siya ang anak ni Satanas. Tawag ko nga sa kanya Tomb Raider kasi parang tingin niya sa buhok ko mga kalaban! Pati patilya pinuntirya niya. Pinanindigan ko lang ng isang araw ‘yung ganu’ng ayos ng buhok ko tapos inalis ko na rin. Nang ginawa ko ‘to muling dumaloy ang dugo sa utak ko.

10. Hindi bumabagyo the two days before the race na we were there. Bumagyo lang talaga nu’ng dalawang araw ng karera. Sa Greenyard, Bulabago ginawa ang races kasi sobrang lakas na ng alon sa may Summer Place. Kung ano ang lakas ng ulan, hangin at alon nu’ng nagsimula ang karea ng mga bandang ala-una na, bigla namang nag-low tide kaya pinostpone ang 250 semis to the next day. Naging 7am-4pm tuloy ang karera the next day! Basta abnormal ang regatta na ito! Memorable talaga.

11. Si Jasper, ‘yung returning oldie na hindi masyado feel ng marami, nakahalata na’t biglang nag-open-up sa meeting ng team the night before the race. Hindi raw niya alam kung PARANOID lang siya pero he feels ALIENATED daw. Hay! Ayaw na siyang patulan ng team sa kanyang mga personal concerns. Buti na lang ni-wrap-up ni Jing agad ang usapan. Thanks, Jing.

12. Hanggang the next day, sa race mismo, bicker pa rin nang bicker itong si Jasper. Kesyo bakit hindi raw siya malo-load. Kesyo napaka-likeable raw niya na tao at walang problema ang ibang team sa kanya pero bakit sa UP hindi siya welcome…Hay! Sa gitna ng bagyo at nakakaburat na race results ng team on the first day, concerns pa rin niya dapat ang intindihin ng team? Ganu’n ba’yun???

13. Hindi ko pala in-expect na talagang babagyo sa karera kaya the night before nag-take out ako ng Ice Monster para breakfast ko sa karera. Ang ending: habang giniginaw kaming lahat sa race venue dahil sa hangin at ulan, pinagpapasa-pasahan pa rin namin ang Ice Monster.

14. Sa 500m heat ng Women’s (which they won), nalito ang bangka kasi sigaw nang sigaw si Kid ng “Easy! Easy!” sa kalagitnaan ng racecourse. ‘Yun pala mino-motivate lang niya ang kanyang partner na si Acee.

15. Nu’ng last Mixed Heat din napakabigat ng bangka. Sabi ni Christel du’n lang daw siya ulit nasaktan after three years. Ako ilang minuto ring kumirot ang mga braso ko after the race.

16. Naiyak ang ilan sa Men’s Team after our final heat ng regatta: The 500m against La Salle. Masaya pa naman ang spirit nu’ng bangka complete with pagsigaw ng “Heto na kami!” sa injections sa halfway mark. Pero sadyang mas solid ang training nila kaya kahit mas maikli ang stroke nila at mas maliliit sila, natalo nila kami. Sana ‘yun ang mag-motivate sa’min to work harder next time.

17. By the afternoon ng second day of the regatta, wala na ang competitive spirit ng mga tao. Gusto na lang ng lahat mag-party. Ang Bugsay Sabay Men’s Team naka-bikini top nga nu’ng kumarera. Ang ganda ni Jeff Galindez in his pink bra top and bando. At ang lead nila naka-geisha umbrella pa! Ang saya talaga!

18. Ilang teams din ang lumubog sa Champion boats. Papunta pa lang sila sa starting line, ha. At nang nag-low tide marami ring teams ang na-stuck sa sand. Talagang walang kuwenta ang race conditions pero masaya.

19. Ilang paddlers din ang kinati namin sa mga photo ops sa karera: si Bacchus Zulueta ng Sun Paddlers, ang mga Asian-Aussies ng Killer Koalas, ang mga puti ng Sun Gods, etc. Siyempre kapag pinipiktsuran dapat say “Makate!” Makate!!!

20. Nagkaroon pa ng impromptu beach party nang ilang Boracay paddlers ang naglabas ng mga traditional instruments. Siyempre UP ang nanguna sa pagsayaw. Si Maita nag-exhibition pa sa sand complete with head stand. (Pero hindi niya kinarir ang pagsayaw, ha. As in hindi talaga).

21. First night ng bagyo, sinugod namin ang malakas ng ulan at hangin para mag-dinner sa Aria, D’ Mall. Nagkaka-sand storm pa! Wala kaming choice kasi wala na kaming fuel to cook sa aming room. The next day, na-discover ni Haydee na merong menu sa likod ng TV. Puwede pala kami umorder na lang. Oh, well, adventure naman, eh.

22. Siyempre pakatihan ang moda ng Ladies sa party. Short, flirty dresses with chunky earrings ang prevailing fashion. Pero walang tatalo sa fuschia kung fuschiang dress ni Sheila. At tela lang ang dala niya sa Boracay. On the night itself niya pinut together ang halter top with assymetrical helm sa mini at may isang sinulid ng ribbon belt.

23. Iba naman ang case ni Ria na nagpatahi ng mga Escada-inspired blouses for Boracay. Ano nangyare?! Nagmukhang pang-Filipino teacher ang outfits! Nagsalit-salit kaming sinukat ang uniforms ni “Gng. Gonzales ang Filipino Department.”

24. At kahit late dumating ang UP sa party, pinaakyat pa rin sila ng stage to get their Bronze Medals in the 500-meter course. Ilang beses ding chineer ng DJ at ng crowd ang “UP! UP!”

25. Pero ‘di lang Ladies ang umeksena sa Party. Pati kaming Men’s. Meron kaming altercation with the Boracay Team. O, ‘di ba? Boys will be boys!

26. Bentang-benta rin si H. Manila Dragons, BSP, Nationals, Killer Koalas, lahat na yata. At natapos pa with this San Bedan na the next day ay ang ka-date naman sa D’Mall ay si M, ang younger sister ni M! Nagkaroon tuloy ng hair-pulling incident!

27. Maganda ‘yung fact na meron pang isang araw ang team after the regatta to get together. Nag-Jonah’s in the morning tapos Bom-Bom in the evening. Monday na nagsiuwian ang karamihan.

28. Nu’ng nag-Jonah’s pala ang team the day after the regatta, merong nag-ultimate frisbee, merong nag-pusoy dos at ginawang sirenang buhangin si ace complete with a big titi for a buntot! Donation! Donation!

29. UPDT BORACAY 2006 CREW, ENTER YOUR OWN BORACAY STORY/STORIES HERE.

 

Yosi Jokes

Alexa, a friend from Broad Ass, and Oz, a friend I met at the Pagudpud Adventure Race last year, were working on a project for a tobacco company. They didn't know they both knew me. When they thought of getting a "stand-up" comedian for the event (Alexa was writer and Oz was the project manager), Alexa suggested me. Oz, of course, agree.

Alam ko matagal ko nang isinumpa ang pagsa-stand-up comedy. Kung hindi ko lang sila kaibigan... And on top of the trauma (as in isang linggo akong nag-agonize over this project. Kahit the night before the event hindi ako nakatulog and I was seriously considering backing out kasi talagang takot na takot na takot), they even asked me to submit sample jokes that I will be doing.

This is actually a first for me because I don't usually write down my jokes. Sana matuwa kayo sa sinubmit ko sa kanila:



Good afternoon po sa inyong lahat! I heard marami po sa inyo merong mga sari-sari store. Kaya nga napapayag akong pumunta ngayon dito kahit busy ako sa taping at sa shooting kasi malapit po sa puso ko ang mga sari-sari store owners dahil ang mga magulang ko ay sari-sari store owners din noon.
Malapit sa puso ko ang mga sari-sari store owners, pero hindi malayo naman sa puso ko ang mga sari-sari store buyers. ako meron rin kaming sari-sari store. Naalala ko kasi nu’n may bumili, laseng, eh ako nagbabantay. “Pabili nga ng Marlboro!” Sumagot ako, “Manong, ‘wag n’yo ho akong sigawan. Hindi po ako bingi!” “Ah, basta! Pabili ng Marlboro!” “ Saka wala po kaming posporo!”


If there’s one thing na pinauso ng Philip Morris, ‘yun ‘yung tingi-tingi. Famous ‘yan all over. Dito lang sa Pilipinas puwedeng bumili ng yosi nang tingi. Yosi lang ang puwedeng bilhin nang tingi-tingi. Noon ‘yun. Ngayon, dahil na rin sa hirap ng buhay, lahat na puwedeng bilhin nang tingi. Nagsimula sa shampoo, conditioner, toothpaste. Naging mas kumplikado: deodorant (ipapahid mo ng daliri mo sa kilikili mo na, I assume, may amoy kaya kelangan mong lagyan ng deodorant); shoe polish (pero ang shoes hindi mo pwedeng bilhin nang tingin)…naging mayonnaise, sandwich spread, peanut butter, Cheese Whiz, suka, patis, toyo…Ganyan na tayo kahirap. Pati floor polish naka-sachet! “Anak, naghihirap na tayo. ‘Yung sala na lang muna ang makintab ang sahig. ‘Yung kuwarto mo sa susunod na, ha, kapag nakaluwag-luwag na tayo nang kaunti.”

Ngayon meron nang warning label ang mga yosi. Buti na lang tingi-tingin kung bumili ang mga Pinoy kaya hindi rin nila nababasa, no. Pero unfair ‘yan. Bakit yosi lang? Kung may warning ang yosi dapat lahat ng puwedeng makasama may label. Chichirya – Maalat! Baka Magkasakit sa Bato! Chocolates – Nakaka-Dyabetis! Softdrinks – Nakakataba! Kotse – Nakamamatay! Bwahahaha! TV – Nakaka-bobo! Lahat na lang lagyan natin ng warning! Kandila – ‘Pag nakatulog ka tapos nahulog sa kurtina, ikasusunog ng bahay mo!

Ang ganda talaga dito sa Tagaytay, no? No offense pero halos lahat ng alam kung nasaan ang Tagaytay pero hindi alam kung saang probinsiya ito. Ni-research ko talaga na ang Tagaytay ay nasa Batangas. Kaya pala walang makaalam na nasa Batangas ang Tagaytay kasi ang image ng Batangas beach, balisong, ala-eh. Ang Tagaytay maginaw, bulaklak, sosyalan. Kumbaga kung ang Batangas tao, siya ‘yung bruskong tatay. Basagulero. Siga sa kanto. Tapos ‘pag may anak siyang bading ayun si Tagaytay! Mahilig magpaganda, mahilig sa bulaklak. Ganyan.

Pero sa totoo lang, type ko ang mga Batangueno! Sino rito ang Batangueno? Gusto ko lang marinig kayo magsalita. Sir, Batangueno po kayo? Puwede pong lumapit? Promise? Hindi n’yo ako sasaksakin ng balisong? Sir, alam n’yo bang nakaka-in love ang Batangueno accent? Puwede n’yo akong batiin…sa Batangueno? Ayan! Ang sarap n’yong hithitin! Parang Philip Morris! Thank you, sir.

Isa pang probinsiya sa South Luzon na malapit sa puso ko ay Lagina. Sino po’ng taga-Laguna rito? Ayan! Ang tatay ko po kasi ay lumaking Bicolano. Ang lolo ko kasi nakapag-asawa ng Bicolana. Pero ang ninuno ko mga taga-Laguna raw. Particularly, Liliw, Laguna. Sino po’ng taga-Liliw, Laguna! Ayan! Naku! Mga kamag-anak ko nga kayo! Magkakamukha tayo, o! O, bakit ayaw n’yong pumayag? Ang apelyido ko po ay Lagunang-Laguna, Tagalog na Tagalog. Agapay. Meron po ba ritong Agapay? In fact, meron akong nadadaanan kapag nagagawi kaming Laguna na Agapay Music Store. Eh, kaso hindi ako marunong kumanta, ‘yun nga lang. Hindi ko tuloy ma-claim na magka-mag-anak kami.

Actually, weird ‘yun, ‘di ba? Kapag meron kang nakilala na kaapelyido mo na malamang kamag-anak mo kasi hindi naman common ‘yung apelyido n’yo. Parang all of a sudden ba dapat maging friendly kayo? Agapay ka? Agapay din ako! Grabe! Magkamag-anak tayo! Oo nga! Ang galing! O, si lola ko may sakit. Ikaw naman mag-alaga, ha.

Gusto ko ang yosi kasi dahil sa isang yosi lang marami ka nang malalaman sa isang tao. Ang karpintero laging nasa tenga tinatago ang yosi. Pakiramdam ko d’yan nila nakukuha ang lakas nila. Wala pa’kong nakikitang karpintero na walang yosi sa tenga. Nagpupukpok, naglalagare, nagpipintura, naghahalo ng semento laging merong yosi sa tenga. Kapag alisin mo ‘yun magugulo ang pinapagawa mong bahay! Nangyari sa kapitbahay namin ‘yan. Walang yosi sa tenga ‘yung mga kinuha niyang karpintero. Hayun! Gumuho ang second floor ng bahay niya! Kasi wala pang first floor!

Sa pelikula naman kelangan ang kalaban, ang salbahe, ang mang-aapi laging may yosi. ‘Di ba? Andu’n sila, may wine, nag-iisip ng paraan kung paano parusahan ang bida, magsisindi ng yosi. Lalapitan ng gang leader ‘yung bidang bugbog-sarado. Magsisindi ng yosi. Bubugahan ‘yung bida. Bakit hindi natin gawin, for once, ‘yung mababait naman ang nagyoyosi? Hindi ba puwede ‘yun? Nagyoyosi si Narda sa tabi, darating ang kapitbahay. ‘Yung anak ko nasa taas ng building! Mahuhulog na siya. ‘Wag po kayong mag-alala. Tapusin ko na lang ‘to. Itatapon ang upos. Tatapakan. Sisigaw ng Darna! Lilipad para sagipin ang bata. Pagbaba, Salamat Darna! Nagyoyosi na ulit. Relax lang. OK lang po ‘yun. Aalukin ang nanay, Gusto n’yo po? Salamat, hija. Na-tense nga ako du’n. Hihithit. Hay! Sarap!


Ang cigarettes gawa sa tobacco leaves, ‘di ba? Parang ‘yung tabako ng mga lola-lola, ‘di ba? Ibig-sabihin ba puwede rin ‘tong baligtaran? Dapat ganu’n! Para sulit!

Pinagtatawanan natin ngayon ang mga pangalang may H, Kharen, Rhey, Jhun, Dhanny. ‘Yung mga walang H pilit nating lalagyan ng H. ‘Yung merong H inaalis naman natin! ‘Yung Philip nagiging Peeleep!

Yosi. Mula sa first and last syllables ng sigarilyo. Si at yo tapos binagligtad. How come hindi ‘to nauso sa ibang mahahabang salita. Telepono telepono pa rin ang tawag natin. Hindi naging no-te. Megamall hindi naman naging molme. Tagaytay hindi naging Taytag. Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa hindi naman Dom-en.

Kahunghangan ang sinasabi nilang ang yosi eh nakakasama sa tao. Eh mas lalong nakasama sa mommy ko nu’ng tumigil siya magyosi, eh! Noon: Mommy, kaya ako inumaga kasi napresinto kami. Tinakas kasi namin ni Robert ang kotse ng tatay niya. Nabangga ko kasi laseng ako. Kelangan kong bayaran, mommy. Hihingi po sana ako ng pera sa inyo. Kasi si Robert ayaw nang tulungan ng daddy n’ya kasi galit siya sa amin kasi mag-on kami. Yes, mommy, bakla po ako. Magsisindi lang ng yosi ang mommy ko. Tahimik lang siya. Hihithit nang malalim. Mommy, sorry. OK na’yan, anak. Eh, nu’ng nag-quit siya: Mommy, classcards kop o. Uno ako sa lahat ng subjects…Classcards! Classcards! Kelan ka ba gagradweyt? Nangkakanda-kuba na kami ng daddy mo kakapaaral sa’yo! Buti naman sana kung may kuwenta ‘yang kurso mo! Leche!

 

Valedictory Address

My good friend Monica Torres graduates cum laude from the UP College of Human Kinetics today, April 23, 2006. She will give the Valedictory Speech so she asked me to give her some “wacky” gems to spice up her address.

Personally, I think she doesn’t need my inputs because she’s one witty person. You wouldn’t think this the first time you meet this very beautiful, very athletic young achiever. She’s president of the UP Dragonboat Team, a champion rower, triathlete, adventure racer, duathlete. She’s also dabbled in ballet, taekwondo, modeling. Lahat na yata ginawa nitong babaeng ‘to.

So, Monica, congratulations!

(Here are the things I contributed to her speech.)

Graduation. Sa English “Commencement” meaning beginning. Sa Filipino, “Pagtatapos” meaning ending. Opposite meanings that apply to just one thing. Come to think of it, tama naman pareho dahil from here, a more challenging life will commence. Sa kuwento ng ating buhay, ito ‘yung “tapos.” Tapos ano’ng nangyari? Tapos naging successful ako. Tapos na-meet ko’ng love of my life. Tapos we lived happily ever after. Tapos patay na.

I’m so honored to stand before you on our Commencement Exercises pero dahil CHK tayo, paninindigan ko ‘tong Exercises. Feel free to join me in our Commencement Exercises. Stretch up! 1-2-3…

I will miss our college. We should be proud of this college. For one thing, it has the most astig name among all the colleges. College of Human Kinetics! Ano’ng panama ng College of Science? Common! Science kahit sa prep may ganyang subject! Human Kinetics sa UP lang meron niyan!

Let’s all give it up for our parents. I’m sure bawat isa sa kanila – some may have been more vocal than others – napaisip, nag-alala sa kursong pinasok natin but, no, andiyan sila to support us. Mahirap ‘yung ginawa nila. It was like investing blindly pero sana ma-realize nila ngayong graduates na tayo na nag-pay-off naman. Thanks, mom and dad!

We’ve devoted our years in the college celebrating the glorious human body. At ang mga natutunan ko about it and in the activities that utilize it ang magiging guidelines ko. Parang sort of Life’s Little Instruction Book CHK Edition:
It’s anybody’s game.
Keep your eye on the ball.
Every stroke counts.
The game’s not over ‘till it’s over.
And my personal favorite, one word, GOAL!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?