Sunday, November 18, 2007

 

Mga Pamatay na Linya sa "One More Chance"

I wanna stop wondering what if. I wanna know what is.

But you're asking for too much. Gusto mo mawala na'ko sa buhay mo.

Alam mo ba'yung three month rule, ha?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam 'yun! Kailangan mo muna maghintay ng three months bago ka magka-boyfriend ulit! Ba't ba kating-kati kang palitan ako?! May dalawang linggo pa'ko, eh!

Mahal na mahal kita...At ang sakit-sakit na!

I wish I could talk away all that makes you hurt. But I can't because you won't let me.

Mahal mo pa ba siya?
Ayokong nakikitang nasasaktan.
(She reaches out and softly closes his eyes.) Para kung masaktan man ako, hindi mo makikita...Mahal mo pa ba siya?
(He starts to sob) I'm sorry.

Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.

and my personal favorite...

Hanggang ngayon umaasa pa rin akong ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.
She loved me at worst. You had me at my best. Ba't binalewala mo lang 'yun?
Ganu'n lang ba talaga tingin mo ru'n? I just made a choice.
And you chose to break my heart.

Monday, November 12, 2007

 

I Don't Even Like My Hair

Sa isang episode, nirereklamo ni Ally McBeal how her life is not turning out to be how she dreamt it would be. Looking at the mirror she sobbed: "I don't even like my hair."

"I don't even like my hair." Napakasimpleng reklamo pero nagre-resonate siya ngayon sa buhay ko na parang wala na ring pinatutunguhan. Kagagaling ko kanina sa Tony & Jackey, nag-request ng senior stylist pero wala raw on-duty that time. Ini-scan 'yung mga Koreanong naggugupit at inisip ko na magpagupit du'n sa isang straight na straight ang long hair pero may kung anong edgy cut but since I was running late for my meeting, sabi ko na lang ibigay ako sa pinakamabilis magiging available. At 'yun ay ang lalakeng straight na straight ang buhok! I was thinking, I willed it kaya siya ang naging stylist ko! The Secret at work!

Sabi ko sa kanya bahala ka nang ayusin ang malago, mahaba, dry na dry at pagkapangit-pangit kong buhok. Ginawa naman niya, mga 10 minutes lang I was out of there. Pagdating ko sa meeting, binati na naman nila ang buhok ko. Magpagupit na raw ako! Hay! I don't even like my hair. Nothing's going right. I hate this. When will this end?

Thursday, November 08, 2007

 

My BEYONCE Experience

Halos dalawang oras naming binaybay ni Sheila ang EDSA papuntang Bonifacio Global City Open Field. Hindi ko in-expect na ganito magiging ka-affected ang buong Pilipinas sa pagdating ni Beyonce kahit pa sa kabila ng patung-patong na problema natin, iisang salita lang ang headling ng Philippine Star that day: "IRREPLACEABLE."

Hindi namin naabutan ang opening niya! Though narinig nga naming she opened with "Crazy in Love" then segued to more of her hit songs while walking to the venue. "Beautiful Liar" na ang kinakanta niya habang naka-black, sequinned bra top at long skirt nang makapasok kami.

Ang ganda-ganda ng abs ni Beyonce! Well, lahat sa kanya maganda: her long legs, her glowing skin, her eyes, her voice, and ofcourse her hair na forever nililipad-lipad courtesy of fans na cleverly hidden on stage. Hangin lang 'yun, ha, pero sobra nang magpaganda!
Ilang beses ding nag-costume changes ang diva pero lahat mukhang pantulog! Pinaka-favorite ko ang kanyang skin-tone pekpek shorts na nu'ng unang na-reveal, napa-collective grasp ang audience, "Hala! Naghubad na!" Isa-suggest ko nga sa Women's Crew ng UP Dragonboat Team na ito ang next nilang uniform sa Boracay Regatta. (Sa bawat costume change niya, natutuwa ako na we're not like Kuala Lumpure who issue foreign artists like Cristina Aguilera to cover up during their concerts.)

Kinanta niya ang halos lahat ng mga hits songs niya, including those from her Destiny's Child days. Siyempre, tuwang-tuwa akong marinig nang live ang favorite songs ko na "Listen," "Bootylicious," at "Deja Vu" na nu'ng kinanta niya, nagka-feeling ako na parang napanood ko na'yung concert na'yun before.

Sa dulo siyempre ang "To the left! To the left!" As in paulit-ulit niyang kinanta at pinakanta ang "To the left! To the left!" We sang without her, sa saliw lang ng acoustic guitar, then she sang the whole song. We sang along pa rin. Tapos sa dulo nag-ad lib siya: "Manila! Mani-laaaa! Mani-lalalala-aaah! You're irreplaceable!" O, diva!!!


Sabi even the Prince of Brunei flew here para lang mapanood siya. Nag-refuse kasi si Beyonce na mag-concert sa oil-rich sultanate na'yon kasi mahirap daw kantahin ang: "Bandar Seri Begawan, you're irreplaceable!"


***
Sa susunod na manood ako ng concert sa ganyang open venue, magpapakapulubi na'ko para lang makita 'yung artista nang malapitan para talagang enjoy. Buti na lang ka-chika ko pala 'yung producer ng GMA crew na nagko-cover ng event at nakapagpanggap akong PA and I got to meet Beyonce in person sa backstage! Ang bait niya! Ang sexy niya! Ang ganda niya! Hindi na nga lang namin siya na-interview (na wala naman akong pakialam) pero she gamely posed for each one of us. Here's my close-up shot of her. Pasensya na medyo grainy.

Monday, November 05, 2007

 

Belo

Sunshine, despite being overwhelmed at first, is finally pushing through with the human rights film festival. I told her it's a good project.

Kasama ko siya sa sala nila nu'ng nagpe-preview siya ng mga documentaries na puwedeng ipalabas sa filmfest. The first two she previewed (I wasn't really watching) were about recent rallies in Mendiola. The third documentary made me sit up and watch. It's about Filipina Muslims. Ang fresh ng topic.

One interviewer struck me. She is a conservative Maranawan who wouldn't even agree to showing her face on camera. In justifying the veil, she said there's actually a Bible verse that recommends it but it is only the Muslim women who followed it. Infact, she added, the Blessed Virgin Mary is depicted with a veil, and her neck and arms covered. She is properly dressed like a Muslim woman.

Interesting...

***

Whenever I catch those CNN stories about the veil causing so much controversy in other countries, nagtataka talaga ako. I mean, what's the big deal?

Dapat tignan nila ang Pilipinas. The veil is not imposed (or at least to the point na puwede kang ipakulong kung isa kang Muslim woman na hindi nakabelo) and the same time, the veil is not banned. Kanya-kanya lang 'yan. We just let each other be.

Sunday, November 04, 2007

 

Halloween in Glorietta

Ibang-iba ang Glorietta ngayon! Puwede kang magpatintero! Buti nahatak ko si Gladys na manood ng French art film "Perfume" (that so many people have been raving about) kung hindi papasok ako sa isang empty, as in empty, na theater! Nakakatakot!


Buti na lang nakalma kami agad ni Gladys nang ma-realize naming mang isang mama nakaupo sa pinaka-front row. Pero, come to think of it, hindi siya gumagalaw, ha. At hindi ko rin siya namalayang tumayo't lumabas ng theater right after the film. Hmmmm....


Oh, tapos na pala ang showing ng "Perfume" so pinanood na lang namin ang "The Rear Window," ang isa sa Alfred Hitchcock films na featured sa Halloween Frightfest something ng G4. Considering medyo may mga namatay recently sa mall na'yun, tama bang magkaroon pa sila ng frightfest? Well, Halloween naman and iba pa ring mapanood ang mga classic films sa big screen.
Pero iba talaga ang aliwalas ng Glorietta! Puntahan n'yo! Hindi naman talaga ako na-bother sa bombing-bombing na'yan. Iniisip ko, what are the chances na bombahin siya ulit right after, no? (Though nasunog siya days after the bombing. Talk about malas.)


Ah, basta! Una pa lang lumabas 'yung print ads ng "Perfume" gusto ko nang sumugod ng Glorietta. The way Direk Rico described the film (months ago, ha. SFiles pa ang kalaban ng The Buzz at hindi ang top-rating na Showbiz Central): "Sa ending, nagkantutan sila! Nagkantutan!" Pero maganda talaga kasi 'yung premise ng film at napaka-theatrical pa nu'ng dini-describe ni Direk 'yung film.


***
Namomroblema siguro ngayon ang mga Ayala dahil dinidiin ng PNP na gas explosion nga ang naganap. Well, sabi rin nila noon shootout ang ikinamatay ng Kuratong Baleleng. At in fairness, senador na ngayon ang mastermind nu'n. Sino naman kaya sa gobyerno/pulisya/militar ang uunlad ang career (kaching! kaching!) dahil binomba sa pambobomba ng Glorietta?


According to a reliable source, Glorietta is insured by a Hong Kong company against acts of terrorism (such as bombings) so mahihirapan yatang maka-collect ang Ayala Land while "official" (not necessarily intelligent) investigations belie the pronouncement of esteemed UP engineers that a gas or methane explosion wouldn't be that disastrous nor deadly.


***
Nu'ng nag-Imelda Tour kami nina Carlo at Roy, napakaganda ng insight ni Carlos Celdran about the whole Film Center thing. Sabi niya, "gossip is currency." He recounted the story we've heard over and over again: Imelda wanted to build the Parthenon where the Manila International Film Festival will be held. She rushed the construction that the "revolutionary" quick-dry cement didn't hold out and the building crumbled, burying hundreds of workers. Not wanting to delay the opening, survivors were asked to chop off exposed limbs of the corpses buried in the cement and construction continued. It is said that one of the organizers died after the film festival. She was with her boytoy (daw) driving up to Tagaytay when they saw (daw) the ghosts of those buried in the Manila Film Center that they accidently drove the car a ravine.
But, Carlos asks, how come the very religious, and very superstitious Filipinos don't light a candle at the Film Center every Undas when we would immediately do so at any spot where anybody dies? Or why no family member of those allegedly buried in the building has ever surfaced even after a recent Howie Severino iWitness documentary encouraged them to do so, especially now that the Marcoses are not in power and they could very dig up the building to look for their bodies?


For all we know, Imelda is telling the truth in saying nobody was left to die in the rubble. But the climate then was just so horrible that people would more willingly believe a more sinister story.


Just as now, people are more ready to believe that people in power (and desperately clinging to power) are behind the Glorietta explosion even if the Glorietta shoppers' pee and shit were really to blame.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?