Tuesday, December 30, 2008

 

Dahan-dahan, first time ko, eh...Ha?! Eh, 2008 na!

Ang ganda ng title, 'di ba?

I will remember 2008 as a year of firsts! What a way to spend the last year of your twenties!


MA-PROMOTE. Maraming firsts na dito nag-uugat kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa first na'to, lalo na kay Ms Cecille na nagtiwala (thank you speech?) Yeah, in the 8 years na nasa GMA ako straight from college ay nagkaroon ng ilang progress in my career. Ilang taon na rin akong headwriter pero 'yung structure kasi ng indutriya ay medyo laid-back, less corporate-y kaya ang mga ganu'ng movements ay sinasabi lang, ganyan, nang walang masyadong seremonya. Pero this promotion that was formalized last January entailed the usual tsismis, anxious waiting for the announcement, confirmation, then trepidation kung matutuloy ba, then the psychological/management chenes (ang hirap ng Math parang ACET!), then having an office, then signing the contract. I'm still not used to the fact of the promotion, hindi pa rin ako makapaniwala at puno pa rin ako ng self-doubts pero 'di sabi nga nila kapag may ganyang blessing magpasalamat ka na lang? so that's what i'm doing right now.

BUYING A CAR. Finally I felt safe enough to feel that I can get my first car. Buti meron akong straight kuya na maraming alam sa kotse (Poor gay guys with only gay brothers) so siya ang naging advisor ko sa pagpili ng tamang kotse. Feeling ko naman lahat ng sinabi niya tama. Saka since first ko nga, wala akong masyadong criteria except dapat SUV siya kasi gusto ko kasya ang bike. Escape ang gusto ko. May nakita na'ko tapos biglang hindi na'ko binalikan ng dealer, binenta na niya pala. Sabi ni Kuya Ryan, "'Wag kang mag-aalala. Ibig-sabihin lang, not meant to be." Then may nakita na naman kaming Escape! Bibilhin ko na, biglang dumating ang kumpare kong kuya ni Thea, si Kuya Buboy. Nagkasundo sila ng kuya ko sa kotse. Biglang, "Mahal ang parts ng Ford. Tapos ang mahal pa ng gas ngayon so dapat diesel ang bilhin mo." Ako naman nagtanong, "Eh, ano pala maganda?" I swear halos chorus pa sila Kuya Ryan at Kuya Buboy na tumuro sa itim na sasakyan sa tapat mismo ng pulang Escape na lulan na ang mga pamangkin ko: "Ayan! Trooper!" Trooper it is! Mas mahal siya pero tama naman, saka mas malakas ang makina ng Trooper, leather seats na, may armrest pa, may vcd player (VCD pa lang nu'n e), Diesel...Shit! I'm starting to sound like my kuya vrooom!

LEARNING TO DRIVE. Oo, kuya ko ang nag-uwi ng Trooper dahil hindi ko pa siya kayang i-drive. Ni student license wala ako. Sina Kuya at Daddy naman ang nagturo sa'kin, as per the Agapay Men's Tradition! Kaya napakakalmado kong driver kahit na malapig nang maaksidente dahil nu'ng nag-aaral ako, kahit nagpa-panic na hinding-hinding-hindi ako titili! Siyempre kasama sa prosesong ito ang mga aksidente, ang mga huli ng pulis, ang mga misadventures, at siyempre ang thrill na first time kong sinabi kay Kuya na: "Bumababa na sige, ako na mag-uuwi nito!" Pagdating sa Marcos Hiway, 'di ko napigilang humarurot at nagsisisigaw na parang baliw na nakawala sa hawla! Eeeeeeennnnnng!

MAG-OLYMPIC DISTANCE TRIATHLON. yeah, this year ko lang nakarera ang standard distance. first time kong mag-drive sa nlex, gabi pa nu'n at umuulan. dahil dinner meeting sa manila ang pinaggalingan ko, 12 midnight na ako nakarating ng clark. nagtrabaho pa'ko. woke up 4am to prepare for a race. 7am ang karera. some three hours after tapos ka na, and then nag-prepare nang bumalik ng Maynila. 11am nasa SOP...then Showbiz Central pa till 630pm...Tapos nag-schedule pa pala ako ng family dinner so till mga 12midnight pa'ko gising...Doing it again next year!

PERFORMING (AFTER REHEARSING) FOR A DRAG SHOW. Ginaya ko ang konsepto ni Wonderful Mamu, ang favorite act namin nina Adrian sa Palawan2 (singles bar 'to sa Cubao,may drag comedy show/videoke sa umpisa bago magsayawan at maglandian ang mga bakla). Ang concept ganito: Si Wonderful Mamu dressed up as Beyonce sa opening ng kanyang Beyonce Experience Concert. Tapos pinapalabas sa widescreen 'yung actual concert, tapos ang bawat galaw, as in bawat galaw, ni Beyonce gagayahin ni Wonderful Mamu. Naisip ko, "Hmmm...kaya kong gawin 'yan!" Bumili ako ng DVD (original kasi baka mamamya mag-practice ako nang ilang linggo tapos sa venue hindi mag-play kasi pirated 'yung DVD ko), frineeze-frame ang performance dahil napakahirap pala ang mga steps ni Beyonce! nagpa-make-up, nanghirap ng isa, dalawa, dalawang wig para makuha ang effect big-bodied hairdo ni Beyonce, tumakas sa meeting... the result is a much-talked-about but rarely seen YouTube secret video! Bwahahahaha! (pinatanggal ko ang tag na rey agapay bwahahahaha!)

MASUKATAN NG GOWN. This, ofcourse, is the consequence of the above 'first.' Sa couturier na si Totoy Madriaga pa'ko nagpagawa. Yoko ng sabihin kung magkano dahil nu'ng sinsusukatan niya ako ay sinabi pa niyang, "Wag mo na lang sabihin kung magkano kasi 'yung ganu'ng price pumayag lang ako kasi nga kina Xander sa GMA..." Tapos ang galing niya, binigyan ko lang siya ng pirated copy ng concert ni Beyonce, tinanong ang waistline ko, at nang hindi ako sinusukatan ay nakagawa siya ng pattern for that gown na swak sa measurements ko! Pero ni-require niya akong mag-fitting. Malay ko ba kung ano 'yung fitting. Turns out, sa kanyang shop sa may Caloocan ay naka-brief lang ako't naka-heels (Oo, heels para makuha ang lenght) na nagfi-fit nu'ng gown! Tapos biglang pumasok ang isang lola na agad pinakilala ni Mama Toy na nanay daw niya. In my briefs and heels ay nag-good afternoon po ako. Sumabat si Mama Toy, "Nay, paki-zip nga po siya sa likod." Perfect! Pero Mama Toy did deliver! Ang ganda ng gown ko. At dahil ang design nga ng costume, as in Beyonce's, long gown siya na puwedeng tanggalin ang skirt para maging short dress, nagamit ko pa ang skimpy dress na ito sa Hallooween Run. (Nilagy ng wings at wand, at hayun paikut-ikot ako sa High Street nang chini-cheer ng "Go, Fairy!" Sulit na rin!)

MAG-BEST MAN SA KASAL. Growing up, I wasn't particularly close to my two older brothers because silang dalawa ang una nga namang nagka-bonding. Bale OK na sana nu'ng pinanganak ako kasi magkaka-bonding na kami nang biglang in less than a year ay ipinanganak na ang bunso namin, my only sister. Na-threaten ako kaya sabi nga nila keep your enemies close so I became close to my sister. This being the case, bata pa lang ako'y na-verbalize ko na ang insecurity kong hindi ako magiging best man since my two brothers would of course be each other's best man when they get married. True enough my Kuya Ryan, despite being three years younger than the eldest, got married first. Si Kuya Rexel siyempre ang Best Man niya. Fast forward to 12 years after (has it been that long), our eldest got married this year. And I'm Best Man! (Na this year ko lang first na-realize na unang-una palang nagmamartsa sa Simbahan)

UMATTEND NG BEACH WEDDING. All weddings are beautiful! Lalo na ang lahat ng wedding na na-attendan ko, lalo't hino-host ko (this year I've hosted a record four weddings, at may booking na'ko for next year!) kaya nagpapasalamat ako kina Nonie at Armin na unang nagyaya sa'kin na makapunta ng Beach Wedding! Perfect!

MAGKA-AMBOY. All my boylets are wonderful. Until they become my ex-boylets then they become loser-yuck-gays. Pero this year first time kong magkaroon ng boylet na amboy. Cute lang ang may accent niyang nagdadabog ng, "Why did you take me back here to Balai?" nang 'di ko siya inuwi matapos ang pag-iinarte niya sa aming date. At napaka-winner kong nasabi ang, "I never...said...that I love you."


SUMAKAY NG HELICOPTER. Umandar ang pagka-competitive, may ABS helicopter sa event so dapat may helicopter ang GMA! Ang 'di ko na-anticipate ay nakakahilo pala sa helicopter (siguro 'yung mga taga-ABS hindi nahihilo kasi sanay sila sa helicopter...shit!) at mukhang times three pa ang pagkahilo ng aking kasamang host sa helicopter: si CHRIS TIU! pero nakaraos din kami....haaaay...and it makes for a great story about the ONE FIRST that Chris and I share.


TALAGANG MAGHANAP NG PAG-IBIG. From that first speeddating expereince as a humorous example, and my Malate katorpe-torpeng crushie who gave me a Sex and the City ending the ironically tragic anecdote, nakita n'yo namang ineffort ko rin ang love. There were a couple of "this-is-its" who amounted to nothing...And just before I turn 30, there it is!

Wishing all of you a new year filled with wonderful first!

Tuesday, December 23, 2008

 

Notes at Monica's Party on High in Antipolo

Ah, I’m having the perfect life… not since my freshman days did I feel that things are OK just as they are. I’m so blessed to feel this days before I turn 30, a milestone not too many friends have warned will be emotionally difficult (and which I did not doubt kasi nga it means hindi na’ko young man in his twenties).

And today is the perfect example of this perfection. What better way to spend the few days before Christmas nang nasa bahay na lang ako, hindi ako pumasok (dahil nag-slow down na rin ang work sched), hindi na’ko nakikipagsiksikan at some wall trying to finish my Christmas shopping (natapos ko na nu’ng early December), at buong araw lang ako rito.

So para magka-semblance of productivity, narito ang ilan sa mga notes na naisulat ko kagabi habang laseng na laseng at nagfa-flash ang iba’t ibang ideas sa utak ko na ikinatakot kong malimutan the next day. Buti nag-notes ako, hindi naman pala ganu’n ka-brilliant ‘yung mga thoughts ko hehe. ‘Yung iba hindi ko pa maintindihan ‘yung sarili kong sulat. May iba naman na sa ibang entry ko na lang isusulat:



Sa Alpha, Delta, Charly…Ano ang J?

Buntis si Janice.
Buntis!?
Oo, right after siyang ikasal…
Kinasal na rin si Janice?
(Hmmm, dati it is usually assumed kapag sinabig buntis…)

I call this…THE FABLE OF THE CHOCOLATE CAKE
Sa Christmas party ng Torres “stereotyped” siblings kagabi sa Antipolo, ang daming desserts.
And I’m not a fan of chocolate cake pero ‘yung cake na natikman just, well, took the cake!
I was relieved and surprised na when I went back for seconds eh meron pang two slices na natitira. Mukha kasi siyang Red Ribbon cake lang or something.
‘Yun pala dala siya ng wife ni Levy, chocolate cake from Miss Desserts in Serendra. Sobraaaang saraaaap!
Hindi siya pinapansin kasi mukha lang siyang ordinaryo pero kapag tinikman mo, du’n mo makikitang special talaga siya.
Moral lesson: dapat pala tinikman ko ‘yung chocolate mousse na in-assume kong Red Ribbon lang din, baka special pala!

This is the CENTENNIAL JOKE:
Bakit the best talaga ang UP…
Sa Ateneo at La Salle High Schools, marami d’yang nangangarap mag-college sa UP.
Pero sa UPIS walang nangangarap mag-aral sa Ateneo o La Salle.

Parang rice terraces ang garden nina Monica so ‘yung banda nina Doc nasa highest terrace nagpe-play, parang baligtad na ampitheater bale. Naisip tuloy ni Monica na sa balcony ng bahay na lang sila nag-play para kita ng lahat. Hmmm…Kung ako ‘yung banda matutuwa ako kasi ibang playing milieu ‘yun, isang balcony ng isang American Colonial South inspired home sa Antipolo, in the chilly Christmas air. Too bad hindi ako banda, wala talaga akong ka-talent-talent sa music.

 

Murder

Hazy ‘yung mga naaalala ko. Pero parang may tao na meron akong personal na alitan. Hindi malaking alitin, kainisan lang. Pero parang napaka-indispensible niya, eh, so nakakainsulto ‘yung pang-iinis niya.

Again, hindi ko talaga maalala ang blow-by-blow details basta alam ko in-attack ko siya. Lumaban siyang konti pero siguro lumabas na rin ‘yung adrenaline ko, ang aking murderous animal instinct, at ang aking explosive temper kaya wala na rin siyang nagawa. Pinatay ko siya. Then I put him, her?, in a bag ang disposed of the body.
Nakauwi pa’ko nang bahay nang maayos, malinis.

Then I woke up in the middle of the night, something that seldom happens to me. And I woke up doubting that the hazy images of me murdering some person (I swear hindi ko rin maalala sino) ay panaginip lang ba o totoong nangyari. Mas rare pa sa pagkagising ko in the middle of the night, ang pagbangon ko, pagpunta sa sala at nag-isip tala ako. Panaginip lang ba’yun o may pinatay talaga ako?

So far, wala pa namang lumalabas na balita about a muder that could be easily traced back to me…

 

Murder

I was feeling particularly bad that day. ‘Yun parang paggising mo pa lang iba na agad ang feeling mo. Merong mga big things that bother you, na even the littlest of inconveniences make every breath bearable. Alam ko namang nago-OA lang ako sa reaction ko pero hayaan n’yo na lang akong maging pessimistic at cynical sa mga araw na’to.

Sabi ni Maya, ‘yung isa sa mga older Assers na naging kaibigan ko nu’ng new member ako, kapag malungkot siya she would just drive and drive and drive. Hanggang saan siya makarating. Tapos kapag ok na siya, babalik na siya. Driving doesn’t particularly give me a high pero right now I’m ready to try anything just to make this gnawing monster of disfulfillment, unlovedness, and loneliness go away.

Mga 1130pm na’to pero sige lang, hindi naman ako inaantok. Ang nakakainis pa kapag may ganito akong feeling, hindi ako makatulog, parang mas alert ako sa lahat ng negative sensations na’to. So nag-drive ako nang nag-drive. Inisip ko pang mag-Tagaytay na lang pero naisip ko na baka mas lalo kong maramdaman ang kalungkutan when alone in a place that I’ve associated with the most fun impromptu barkada/family excursions. So I decided to avoid the expressways altogether and decided to explore neighboring Rizal. Nasa area lang naman ako nito all my life, having grown up in Marikina, and now living in Pasig, pero parang hindi ko talaga kilala ang lugar na’to. Sounds like a good idea for an adventure.

Naalala ko nu’ng high school na nagka-project kami tapos we had to take pictures of the churches in the Rizal area. Napunta kaming Morong, Baras, gaganda pala ng old churches du’n. Na-late pa nga ako sa meet up ng groupmates so sumunod lang ako pero nag-pray ako sa guardian angel to lead me to the right church tapos nahanap ko nga ‘yung groupmates ko. I do consider that a miracle, and proof that angels do exist.
Anyway, parang hindi ko naman nararamdaman na may kasama akong angel ngayong madilim akong bumabaybay through towns and plantations sa sleepy Rizal Province. Then may isang church. Hindi yata naming nakunan ng picture ‘yan noon. At nag-park ako dahil bukas naman. Nakakakilabot ang setting, parang Shake, Rattle, and Roll opening sequence. Pero for some reason I was comforted by the fact na merong taong-grasang natutulog somewhere. Sa kanya ko na-feel ang companionship, na hindi ako nag-iisa sa mundo. Maaring nakaka-comfort ding isipin na kung anuman ang prinoproblema ko, mas matindi siguro ang sa kanya.

But then again, taong-grasa na siya, wala na siyang problema. Tayo lang ang nag-i-imagine na minalas siya, na kawawa siya, pero sa worldview niya, ayos na ayos siya. Buwisit siya.

Then I toyed with this idea that I’ve had a long time ago. Inisip ko na kung papatay ako ng tao just for the thrill of it, dapat malinis, walang evidence. I’d drive off to some obscure town, and kill the taong-grasa. Nobody would notice it. Lagi naman akong may dalang swiss knife sa glove compartment.
So that’s what I did. Malinis, ‘di ba?

This page is powered by Blogger. Isn't yours?