Monday, September 19, 2005

 

BAKIT KAYA?

Bakit kaya ang muta nasa mata mo na hindi mo pa rin Makita?

Bakit kung personality ang labanan sa romance, bakit marami kang kaklase na napaka-bland na merong boyfriend na nag-aabang sa kanila sa labas after class?

Bakit ‘yung mga panget sila pa ‘yung masungit?

Bakit hindi naamoy ng may putok na pinuputok na sila?

Bakit parang iba ‘yung hitsura mo sa picture kumpara sa nakikita mong hitsura mo kapag nagsasalamin ka?

Bakit kaya ‘yung mahihirap sila pa’yung anak nang anak, tapos ‘yung afford magkaroon ng sangkatutak na anak, ayaw naman?

Bakit kaya illegal ang marijuana eh mas nakakaadik at mas nakamamatay naman ang sigarilyo?

Bakit kaya maraming Pilipino ang marunong kumanta?

Bakit kaya ang mahal-mahal ng suweldo ng mga basketball players natin eh hindi naman sila world-class compared to our other athletes na talagang nananalo ng medalya sa important international events?

Bakit kaya ang linaw-linaw ng mga words ni Lea Salong kapag kumakanta siya?

Bakit kaya hindi nari-realize ni Madam Auring na mukha na siyang puppet?

Bakit kaya ngayon lang na-realize ng mga tao na cute si heartthrob si Geoff Eigenmann eh college pa lang ako (some 7 years ago) crush ko na siya siya ang ang suggested leading man ko sa isang script na pinass ko for my TV Writing Class? Back then, nobody knew who he was.

Bakit kaya si Carmi Martin hindi tumatanda?

Bakit kaya ‘yung mga kaibigan mong magaling kumanta ang hirap-hirap pakantahin? Kung ako lang marunong, lagi akong may dalang CD para kung may mag-request ready ako.

Bakit kaya ‘yung tae mo sisilipin mo pa bago mo i-flush pero kung makakita ka ng kahit kabutil na tae na hindi sa’yo diring-diri ka?

Bakit kaya nagrereklamo tayo sa 7.50 na pamasahe pero wala pang nagra-rally sa taas ng presyo ng kape sa Starbucks?

Bakit kaya dati baduy na baduy tayo sa mga Koreano pero ngayon ang cute-cute na nila?

Bakit kaya nakakabigay ng instant relief kapag isinambit mo ang salitang “mommy?”

Bakit kaya ang mga artista halata namang nagparetoke ayaw pang aminin?

Bakit kaya ang mga kabaduyan ng isang fashion trend mari-realize na lang natin after a decade at nakikita na natin ang mga suot natin noon?

Thursday, September 15, 2005

 

Starstracks II

Nag-meeting na naman ang mga writers kagabi ng Starstruck. At siyempre napag-usapan na naman namin ang mga shining moments ng mga nangangarap mag-artista. O, siya! Dream! Believe! Survive these auditioneers!

Kuwento ng co-writer kong si Rikki (the genius behind Startalk's Da Who and Tigbak Authority), meron daw nag-audition na "wala nang paglagyan ng pimple sa mukha."
WRITER: Ano talent mo?
AUDITIONEER NA PIMPULIN: Dance po.
WRITER: O, sige. Dance ka na d'yan.
AUDITIONEER NA PIMPULIN: Puwede po ba mag-request ng kanta? Puwede po ba 'yung Chokolate?
WRITER: Chokolate? Alam mo bang nakaka-pimples 'yon?

Minsan talaga nakaka-proud ang mga smart retort naming ganyan, inspired siyempre ng libu-libong nag-o-audition. Meron pang nag-audition na hindi kagandahan...
AKO: Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITIONEER: Para po patunayan ko sa mga hindi naniniwala sa'kin na kaya ko.
AKO: Bakit? Sino'ng hindi naniniwala sa'yo?
AUDITIONEER: 'Yung mga kaibigan ko po. Dini-discourage po nila akong mag-audition.
AKO: Eh, baka hindi mo sila tunay na kaibigan...
AUDITIONEER: Oo nga po.
AKO: ...OR baka sila ang mga tunay mong kaibigan!

Nakakatawa rin ang mga sagot nila sa application form:
COLOR OF EYES: Black and white (oo nga naman!)

Tapos most girls - sign of social pressures siguro to be thin - are too conscious to declare their weight. Sasabihin nila, hindi nila alam.
Pero nagulat ako sa isang girl na blank ang "Gender."
AKO: Ano gender mo?
AUDITIONEER: Uhm...
AKO: Hulaan mo na lang. Ilan?
AUDITIONEER: Uhm...96? (May sagot talaga siya!)

You think our lolas' names are weird. Tatapatan 'yan ng next generation:
1. TANG, INA
2. CASTLE MANSION (yes, mansion apelyido niya)
3. MODEL (nakalimutan ko surname pero model talaga pangalan ng matangkad na girl)

Eto nakakaasar. May girl na taga-Ateneo de Naga na nag-audition.
AKO: Bakit dito ka sa Manila nag-audition eh meron naman sa Naga?
AUDITION: I think it's better in Manila than in Naga.
AKO: OK..Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITION: It's my dream. That's why I took up Development Communication in Ateneo because it trains us to be in showbiz. They teach us how to talk, we conduct interviews. We even have pictorials! They really develop our talents!
AKO: So kaya 'yun Development Comm kasi madi-develop ka?
AUDITION: (in a very maarte way) Yeeesss!
(o, 'di ba gaga!)

Our last for this edition:
AKO: Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITIONEER: Gusto ko po kasing ma-imfroov ang talents ko.
AKO: Ano?!?
AUDITIONEER: Gusto ko pong mag-imfroov ang talents ko.
AKO: Improve!
(and to test her further, and to have my cruel fun na rin, i asked...)
AKO: Ano English ng isda?
AUDITIONEER: Fish.
AKO: Ang galing! Ano English ng kapayapaan?
AUDITIONEER: (pauses for about 10 seconds) Uhm...Preedam?

Kung ang pagtitiyaga ng mga kabataang ito sa pangangarap maging artista eh ginugugol nila sa pag-aaral...

Tuesday, September 13, 2005

 

HOW REAL IS REALITY TV?

Sa episode kanina ng Pinoy Big Brother (Monday, 12 September) may rejoinder tungkol sa kanilang past episodes na nag-elicit daw ng maraming negative reactions mula sa kanilang viewers. Sabi sa spiels ni Toni Gonzaga, marami raw kasi ang naartehan kay Cass nang mag-walkout siya nu’ng day na naging harem ladies silang girls sa in-attask na Haring Uma. Hindi rin yata ikinatuwa ng marami ang pag-confront ni Cass sa mga boys nang ma-overhear niya ang usapan ng mga ito sa kanilang kuwarto tungkol sa mga babaeng housemates.

Kaya para mas maipaliwanag ang side ni Cass sa mga viewers, ipinakita nila ang ilang eksena na “hindi angkop panoorin ng mga bata” kaya hindi nila isinali sa mga episodes noon. Pinakita kung paanong inutusan ni Uma si Cass na hubarin ang kanyang pantalon, at ipinapasok pa ni Uma ang ulo ni Cass sa robe niya. At nakita rin ang ilang bahagi ng conversation ng mga boys kung saan pinag-uusapan nila ang malaking boobs ni Cass.

Ang last segment na’yon ng Pinoy Big Brother ay maraming ipinapahiwatig sa dynamics ng isang reality program.

Una, ang isang reality show, kahit gaano nito itangkang ipakita ang whole truth ay subject pa rin sa creative at administrative prerogative ng mga media producers (the director, the writer, the managers, etc.), sa limitasyon ng oras, sa censorship laws, sa technical restraints at marami pang kadahilanan. Sa Journalism nga imposible ang absolute objectivity. So ‘wag din nating i-expect ang absolutely real reality show. Kahit kung mag-subscribe ka sa 24-hour internet o cable service para mapanood mo kahit kelan ang mga housemates, hindi mo rin talaga makikita ang buung-buong reality dahil maging ang images na ifi-feed sa’yo ay depende pa rin sa tingin ng producer na pinaka-interesting na nangyayari sa Bahay na Kuya sa mga panahong nanonood ka.

Ang kabuuan ng kuwento sa likod ng “kaartehan” ni Cass ay hindi natalakay nang buo noong una dahil hindi na-realize ng mga producers ng shows na ang mga detalyeng hindi nila in-include ay makakaapekto nang ganu’n kalaki sa perception ng mga viewers. At siyempre limitado rin sila sa oras, at nangamba rin sila marahil sa MTRCB sanctions kapag ipinalabas pa nila ang mga kabastusan ni Uma at ng mga boys sa mga naturang sitwasyon.

Ang desisyon ng mga producers ng Pinoy Big Brother na mag-include ng rejoinder explaining the whole situation is another important implication about reality programs, and Philippine television, in general. Nagri-react ang media sa viewers. Nakikinig sila, lalo’t kung overwhelming ang reaksyon. Nang marami na nga’ng nag-email at nag-text sa kanila, sabi ni Toni, tungkol sa kaartehan ni Cass, na-realize ng mga producers na hindi nila naikuwento nang sapat ang mga pangyayari. At agad naman silang umaksyon to address this.
Pero media issues aside, I find it baffling that many people would call Cass maarte for reacting negatively to Uma’s orders when he was king, and the boys’ private sex talk that she overheard. Just like the other viewers, hindi ko naman napanood ang mga footage sa rejoinder that now justifies her actions. Even then, I was applauding her feistiness in standing up for herself and for the other girls.

At the risk of displeasing Big Brother, winokawtan niya si Uma kahit na siya ang assigned king for the day and the girls must technically follow everything he says. At hindi lang siya nag-walkout dahil naiinis siya sa mga pinagagawa sa kanya. Nagre-react din siya negatively sa ginagawa sa kapwa niya, tulad na lang nu’ng pina-“shake your ass” ni Uma si Nene. Nagalit din siya dahil pinag-uusapan ng mga boys ang seksing yellow swimsuit ni Nene.

The fact na nag-iyakan ang mga girls the moment she walked out means hindi siya maarte dahil lahat ng girls nabastos din as much as she was. Only she was brave enough to do something about it. Maarte na pala ‘yon.

Nabaligtad yata ang mundo, dahil ako’ng taga-TV ang napa-protesta: Ano bang klaseng values meron ang mga manonood?!?

Sunday, September 11, 2005

 

Adik sa Pinoy Big Brother

Hindi ko in-expect na I would like it as much as I do now. Pero ibang klase talaga ang effect sa'kin ng Pinoy Big Brother! I love it! It's not rating as much as I think it should right now pero pini-predict ko na tataas pa'to. Warning ko sa mga taga-GMA na hindi bilib: ganyan din ang Starstruck nu'ng simula pero nang maglaon eh naging phenomenal! Lalo pa ngayong nagkaroon na ng eviction. Based on experience, kapag tanggalan ang episode ng isang reality show, mataas ang ratings.

Speaking of eviction, mali ang prediction kong si Raquel ang unang mapapalayas. Siguro nag-examination of conscience ang mga texters at naisip nilang iboto ang kinaiiritahan nilang guro kesa sa pinagnanasahan nilang hosto. Tama si Prof. Randy David when he once declared that "this can be a very hypocritical society." Well, just like any election, pagdusahan natin ang desisyon natin. Wala nang guwapo sa Bahay ni Kuya. Hindi naman ako patay na patay kay Rico, noh, pero kung susundin natin ang traditional standards ng kaguwapuhan, pasok naman siya, in fairness. Cosmo thinks so, too.

O, sige na nga. Cute naman si JB. Pero masama ugali niya. Ayoko ng lalakeng feeling niya ang galing-galing niya, ang desa-desirable niya, pero wala namang ibubuga. Guwapo rin si Uma pero isa pa siyang masamang tao. Oo, when it comes to JB and Uma, ginagamit ko na ang mga katagang "masamang tao." Kung hindi totoo ang mga paratang ng iba na scripted ang Pinoy Big Brother (something na hindi ko naman pinaniniwalaan), talagang nagugulat ako na meron palang mga taong tulad nina JB at Uma.

Well, alam n'yo na naman ang opinyon ko kay Franzen. 'Yung politician guy is kinda cute pero medyo bland siya for me. Ang pinaka-ok na sa mga guys ngayon para sa'kin eh 'yung Batangueño! He's a cutie in a daddy-baby sorta way (giggle) . Pero ang pinaka-favorite ko talaga sa mga housemate eversince na-hook ako sa show eh si Nene. Si Nene na dalawang oras nagsayaw sa bangko. Si Nene na may military training. Si Nene na nagbibihis-barako complete with balisong kapag nagko-commute para raw safe siya. Si Nene na laging performance level. Mahal ko na si Nene! It must be her very strong masculine vibe (giggle).

Dahil talaga sa Pinoy Big Brother, lumalabas ang aking pro-ABSCBN mentality na akala ko'y nawala na nang mag-work ako sa GMA. Dahil kasi sa PBB napapanood ko na't na-a-appreciate ang mga Kapamilya shows. Halos regular na'kong nakakanood ng Bora. Iba talaga si Roderick Paulate! With all the flack that he got in the 90's for promoting the stereotypical bakla image, siya at siya pa rin ang pinaka-entertaining na bakla sa telebisyon. At walang Will Truman o Jack ang makakataob sa kanya. Although mahirap ding taubin ang hunkfests nina Piolo, Diether, Carlos at I-Love-You-Lucky na sa tuwing napapanood daw ng mommy't sister ko, eh, naalala raw nila ako. Hmmm...

Nasusubaybayan ko na rin ang Search for a Star in a Million Season Two (yes, kelangang buong binabanggit ng mga hosts ang pagkahaba-habang title na'yon). I must admit, natutuwa ako sa twelve finalists nila. Walang sinabi ang mga finalists ng Pinoy Pop Superstar. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi nagre-rate ang Search for a Star in a Million Season Two. Siguro konti lang kaming kayang i-block out ang nakakainis na pagho-host ni Sheryn Regis (na pino-posses ang combined star powers nina Dulce at Dessa! Sikat!) Nagulat lang ako nang mapanood ko ang plug na natanggal na si Ana Baluyot. Para sa'kin, siya ang pinaka-consistent sa mga girls, eh. Well, dapat lang naman sigurong consistent siya dahil nag-champion na siya sa Metropop Star Search ng GMA years ago. Pero, obviously, ang kanyang singing career noon ay natulad din sa ibang Metropop winners Roxanne Barcelo, Miles Poblete, and Champagne Morales! Hahaha! Ngayong naalala ko si Champagne Morales, Sheryn Regis doesn't seem so bad already. Mapapatawad ko pa ang rume-Regine na Inggles ni Sheryn kesa sa ume-LA Lopez na antics ni Champagne.

Na-remember ko tuloy nu'ng may career pa si Champagne. Host ko siya sa isang show sa Lucena. Sa van, natutulog kami sa biyahe. Biglang sumakit ang ulo niya. "Ate Jenny, ang sakit ng ulo ko," sabi niya complete with voice acting. Sabi ng dedma niyang road manager (sanay na yata sa kanya), "Sige, daan tayong Mercury." Umandar lang ang van. Eh, hindi yata makapaghintay ang Champagne. May cancer na yata. Umemowt ng "Ate Jenny...Ate Jenny...Ate Jenny." Finally, pinansin na siya, "O?" Ang sambit lang ni Champagne, isang pained na "Ah!"

Sumakit ang ulo ko sa biyaheng 'yon.

Sa Search for a Star in a Million Season Two, favorite ko si Jay Perillo. Type ko talaga ang mga Intsik. Pero hindi ko pa siya naririnig kumanta until kanina. Sablay siya, in fairness. "Weak" ng SWV ang kinanta niya at siya ang ranked lowest sa natitirang labing-isa finalists. Don't worry, Jay! Hang in there! Iboboto kita! Tulad nang pagboto ko sa'yo nu'ng deliberations sa Starstruck.

Yup, nag-auditions for the second season ng artista search na'yon si Jay. I guess, his resemblance to Rainier made him appear trying hard then. Pero gusto ko na siya noon pa man kasi tingin ko sa kanya Rainier siya na kumakanta. Anyway, I think he's in a good place now. Gusto ko rin 'yung baklang egoy na malaki ang buhok. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit nasa Top 3 kanina 'yung amboy. Hindi naman maganda performance niya.

Nari-realize ko tuloy, buhay na buhay pa rin ang reality show as a Philippine TV program format. Mukhang matagal-tagal pa ang pini-predict na pag-wane ng trend na'to. Pati ako nu'n 'yun ang paniniwala. Pero ngayong magsisimula na naman ang Starstruck, and Pinoy Big Brother slowly gaining strength, expect a fiercer "reality ratings" battle between the two giant networks.

Ang hindi ko lang maintindihan, kung Pinoy Big Brother ang "nag-iisang...teleserye ng tunay na buhay," paano siya magiging "pinakamalaking teleserye...?"

Tuesday, September 06, 2005

 

Ayoko si Franzen!

Nominated si Franzen alongside Rico and Raquel na unang palayasin sa Pinoy Big Brother House. Sa tingin ko, pinakamaraming irita kay Raquel so most likely siya ang pauuwiin sa Saturday. Si Rico masarap tignan so marami pang boboto d'yan (tulad ko hehe). Pero ang hindi ko ma-take sa kanila si Franzen. OK, alam ko maraming boboto sa kanya (like my housemate Thea) kasi nga he's got the sobbest sob story sa kanila pero there's something insincere about him.

I do not doubt his story. Mahirap lang siya, nagbebenta ng gulay, bata pa ang mga anak. Pero hindi ko masikmura ang lack of dignity sa pagdadala niya ng problema. Nu'ng simula halos araw-araw siyang umiiyak, nagdadrama tungkol sa kahirapan niya. Tapos kagabi, sa teaser VTR kung ano ang mangyayari sa next episode, pinakita ang soundbite niya in his signature nangingilid na luha at nanginginig na boses: "...panggatas lang 'to." Since his soundbite was preceded by another tearful Raquel, I'm assuming na parang plea nila 'yon for people to vote for them para hindi sila ang palayasin.

Ewan ko, ha. Pero if a padre de pamilya can't offer nothing more than the sorry state of his finances as a reason to stay, then he's not someone I could entirely respect. Sa mga comments kong ito, ang sabi ni Thea: "DBF! De Buena Familia!" Pero siguro naman hindi pagiging matapobre kung i-expect ko kahit kanino, lalo na sa isang ama at mister, na maging matatag. Hindi 'yung pa-awa effect!

Siguro it works for some, pero sa'kin, Franzen's appeal to pity is - sorry sa pagiging redundant - pathetic. It's immature and manipulative. Kaya ayoko si Franzen. Mas ina-admire ko ang mga mahihirap na hindi nagwa-wallow sa self-pity at hindi bine-burden sa iba ang iangat ang kanilang kalagayan. Mas maraming mahihirap na ganu'n.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?