Thursday, January 26, 2006

 

SAYAD

aired last Wednesday, 25 Jan 2006. this script starred marky cielo (digno) and gian carlos (joaquin) of starstruck. nu'ng sinu-sulat ko ang draft ng script na'to, kinikilabutan ako kasi 3am na nu'n. ang original concept, modern-day story at mag-jowang mean to each other ang characters. pero nu'ng nag-ocular sila sa bulacan where this will be shot, direk rico gutierrez spotted a vintage car, saka kulang na ng girls sa starstruck so i had to re-write the script para 'yung girlfriend magiging meek na kaibigan at naging period film na rin siya.

note that since i wrote this script for neophyte actors, naglalagay talaga ako ng characterizations at more detailed explanation ng emotions sa mga dialogues para makatulong sa kanila. normally, wala na'yan.

and also, digno is my maternal grandfather's name.


SAYAD

Mga Tauhan:
1. Joaquin
16 years old. Anak-mayaman na magulo ang pamilyang kinalakihan. Nasa mental hospital ang nanay. May pagka-anti-social at praning kung mag-isip.
2. Digno
Mas matanda nang ilang buwan kay Joaquin. Kaklase ni JOAQUIN sa kanilang exclusive school. Spoiled na anak-mayaman. Only child kaya dominante. Mayabang at mapang-abuso kung tratuhin si Joaquin.

Setting:
Circa 1930’s, Sa isang madalim na bahagi ng highway sa Bulacan. Bandang 1AM ng madaling araw. Walang streetlamps at walang ibang kotse maliban sasakyan ni ni Digno.

*****

Galit na ititigil ni Digno pagmamaneho. Naka-balandra sila sa gitna ng highway. Wala namang ibang sasakyan, eh. Parang naninigas si Joaquin sa pagkakaupo niya. Parang takut na takot ako.

JOAQUIN
Digno? Bakit tayo huminto dito? Walang katau-tao rito.

DIGNO
Ikaw na mismong nagsabi, walang katau-tao rito. Kaya umayos ka nga.

JOAQUIN
(Hindi malaman kung itutuloy pa niya ang pagpapaliwanag kasi alam niyang hindi lang maniniwala ang kaibigan) Digno, hindi ako nagbibiro. May nakita akong babaeng nakaputi.

DIGNO
Sus! Kalokohan!

JOAQUIN
(Magiging defensive) Kung hindi ka naniniwala, hindi mo na’ko kelangang insultuhin! (Akmang susuntukin si Digno)

DIGNO
(Titignan nang masama si Joaquin, ni hindi man lang matitinag sa nakaambang kamao ni Joaquin) Bakit? Lalaban ka!?

Unti-unting ibaba ni Digno ang kamao. Aayos ito ng pagkakaupo sa passenger seat.

JOAQUIN
(Mahinahon pero halata pa rin ang inis sa boses) Hindi ako nababaliw.

DIGNO
Hindi ako nagsabi niyan.

JOAQUIN
(Pasigaw) Hindi mo nga sinasabi pero ‘yon ang pinapalabas mo!!!

DIGNO
Wala ka nang kuwentang kausap. Iuuwi na kita sa inyo (Pabulong) Baliw!

Ii-start ni Digno ang pick-up pero maghihingalo ang makina. Ayaw mag-start.

DIGNO
(Mababanas) Tignan mo’ng kamalasang dala mo!

Akmang bababa ng pick-up si Digno. Hahawakan siya sa braso ni Joaquin para pigilan siya.

JOAQUIN
(Takot) Sa’n ka pupunta?

DIGNO
Hindi ako aalis. Titignan ko lang kung ano’ng sira nito!

Tuluyang bababa ng kotse si Digno at bubuksan ang hood ng makina. Hindi na tuloy siya makita ni Joaquin. Lalo siyang ninerbiyusin dahil mag-isa na lang siya sa loob ng sasakyan.

JOAQUIN
Bilisan mo na lang d’yan. Baka nag-aalala na sila sa’tin. Sabi na kasing ‘wag tayong magpagabi, eh. Digno?…Digno? (Lalong matatakot)

Biglang may lalaking a-appear sa bintana ni Joaquin!

JOAQUIN
(Sigaw nang sigaw na halos atakihin sa puso!)

Si Digno lang pala, tinatakot si Joaquin.

DIGNO
(Tatawanan si Joaquin) Mali ka. Baliw ka na talaga! (Tatatawa-tawa pa rin.)

Sa pagkabanas, bababa ng kotse si Joaquin para i-confront ang kanyang abusado kaibigan.

JOAQUIN
Nagtitimpi lang ako sa’yo! ‘Wag mo’kong itulad sa nanay ko!

DIGNO
Kung hindi ka tulad niya, bakit ba praning na praning ka?! Alam mo, nasa lahi ang pagiging baliw! (Ilalapit ang mukha kay Joaquin na parang lalo pang nang-aasar) Baliw!

Itutulak ni Joaquin si Digno. Hindi man lang matitinag si Digno.

JOAQUIN
(Nanggigil) Ano’ng klase kang kaibigan?! Pinagkatiwala ko sa’yo ang kuwentong ‘yan. Nabaliw siya dahil sinasaktan siya ni ama. Nawala siya sa sarili niya kaya…

DIGNO
(Babarahin si Joaquin) Kaya sinaksak niya ang ama mo! Ilang beses mo nang kinuwento sa’kin ‘yan. At kung akala mo walang nakakaalam niyan…Buong bayan alam ‘yan! Na ang ina mo mamamatay-tao at ngayon nakakulong sa mental! Lumang balita na’yan, Joaquin! Pasalamat ka nga kinaibigan pa kita. Maraming nagsasabing layuan daw kita kasi malamang may sayad ka rin. Ngayon, sa kinikilos mong ‘yan, para ngang tama sila!

JOAQUIN
(Mapapraning. Parang may makikita) Ano ‘yon?!

DIGNO
Ano na naman?! (Mang-aasar) Babaeng nakaputi?

JOAQUIN
(Mapapbuntong-hininga na lang. Ayaw na niyang kontrahin si Digno.) Siguro nga namamalik-mata lang ako…Pero, Digno, natatakot na’ko sa lugar na’to. Umalis na tayo.

DIGNO
O, sige na! Sige na! Ayusin ko na lang ‘to. Pumasok ka na sa loob. Baka mahawa pa’ko sa’yo.

Digno moves back to the front of the pick-up to find out what’s wrong. Joaquin climbs back up the truck.

Pinipilit ni Joaquin na maging matapang. Biglang sa sulok ng kanyang mata parang may makikita siyang nakaputing tumalon mula sa likod ng pick-up.

Paglingon niya, wala naman siyang nakikita. Hihimas-himasin ni Joaquin ang mukha niya na tila ba nababaliw na.

Sa kapraningan, ila-lock niya ang mga pinto ng pick-up.

Makikita naman natin si Digno na abala sa pagkukumpuni ng makina. Hindi niya pinapansin ang kaluskos na ginagawa ng kanyang “nababaliw” na kaibigan.

Biglang may makikita siyang mga kable na kata-takang pinutol. Parang ginamitan ng kutsilyo.

DIGNO
Sino pumutol ni…(Magigitla siya dahil parang may a-appear sa tabi niya)

Biglang cut sa sa punto-de-vista ni Joaquin. Mapapasigaw siya sa biglang pagtumba ng hood.

Biglang pupunta si Digno sa driver’s side pero naka-lock nga ang pinto! Nagpa-panic siyang kakatok sa bintana.

DIGNO
Joaquin! Buksan mo’ng pinto! Buksan mo’ng pinto!
(Umiiyak na sa takot. ‘Di niya malaman ang gagawin) Ayoko! Ayoko!

Lilingon si Digno sa kanyang kaliwa na parang may papalapit sa kanya mula sa harapan ng sasakyan. Out of desperation, kakaripas ng takbo si Digno. Mawawala ito sa dilim.

Bigla na namang tatahimika ng paligid. Takut na takot si Joaquin.

Biglang may babaeng nakaputi at nanlilisik ang mga mata ang ididikit ang mga mukhsa sa passenger side window.

BABAE
JOAQUIN.

JOAQUIN
(Sisigaw) INAAAY!!!

Wakas.

 

Best Places to WiFi

Here are my favorite places to Wifi for FREE:

1. BAANG COFFEE - Tomas Morato (across Chili's)

Baang Coffee is almost always open. Very early in the morning until very early in the morning! At napaka-efficient ng kanilang Wifi connection. Bihira itong down. Kung magkaproblema, very helpful ang staff to assist you. Malaki ang place so laging may table. Puwedeng sa mezzanine para konti lang ang tao and you are more secure when surfing not-so-wholesome sites. Puwede ring sa 1st floor para malapit ka lang sa counter kapag gusto mong umorder. Malawak din ang kanilang al fresco smoking area.

Wide din ang choices sa kanilang menu, from coffee to fruit shakes, desserts to pasta to rice meals. Favorites ko ang Twice-Cooked Adobo, Chicken Parmigiana, Iced Green Tea, NY Cheesecake at Raisin Oatmeal Cookie. A P150 budget is good enough. Eye candy rin ang kanilang waiters.

Crowds consists mostly of students and young professionals na du'n nag-aaral at nagi-internet. Maayos naman sila.

Ang down side lang dito, traditional coffee shop ang set-up so kung mag-isa ka, hindi mo basta-basta maiiwan ang laptop mo para umorder. Not that meron nagnanakaw ru'n (on the contrary, sinoli pa nga ng staff ang aking cellphone nu'ng naiwan ko 'to ru'n), pero iba na rin ang safe.

2. PLACEMAT PINOY CAFE - Tomas Morato (near McDo)

Dito kami madalas mag-meeting so expect TV people crowds here. Pero once in a while, meron ding mga young professionals na nagha-hangout dito. Dati pa nga nagpe-perform dito sina Kyla, Jay-R and you get to watch them for free!

Maayos at mabilis din ang kanilang free Wifi connection so surf away! May mga waiters sila so you don't have to abandon your laptop when you need something.

Medyo limited nga lang ang menu. Reco ko ang Patatas Croquetas, Suman, Embo Rice & Shine, Bistek Tagalog. Buhay ka na sa P150 budget!

Hindi nga lang masyado nagpupuyat ang resto na ito.

3. ROBINSON'S GALLERIA

Only the best mall in the world for offering Wifi for Free! Anong sinabi ng Greenbelt at Gateway?!

Pero hindi naman yata buong mall hotspot. To be sure, go to the East Wing establishments. My favorite is Figaro kasi you can hang out near the counter, or sa may mall center na, or du'n sa kanilang enclosed and airconditioned smoking area. Maganda rin ang signal sa Pancake House (masarap pa ang pagkain and you don't have to leave your table when you need to order).Oh, nakapag-Wifi na pala ako sa Thai Kitchen sa East Wing Basement din.

Medyo mas hindi reliable nga lang ang kanilang connection pero if it's up, mabilis naman.

Beware of Starbucks sa may Cinema, though. Ilang beses ko nang trinay na mag-Wifi du'n pero laging down. Mahina yata ang signal du'n so I always end up transferring to the East Wing.


The other places I've Wified in are not worth mentioning anymore because you'll have to pay 100 bucks for a mere 50-60 minutes of surfing time. At a time na a fairly good internet cafe like Netopia charges as low as P25 per hour! Talk about corporate greed! Kaya pakiusap ko sa mga establishments na naniningil pa rin ngayon ng Wifi, follow the lead of Baang, Placemat and Galleria and watch your business increase! Just try visiting Baang at 2 in the morning.

Monday, January 23, 2006

 

Hurray KRIS LAWRENCE

Caught The Final Showdown ng Search For A Star In A Million nu'ng Sunday. Pagkatapos ma-eliminate ng talented pero too-tisay-for-my-taste Arci Munoz sa Starstruck eh dinivote ko na ang aking Sunday evening sa ABSCBN.

Nakita ko ang Round 1 na ang frontrunner na si Jimmy Marquez eh medyo sumablay sa first parts ng Sometime, Somewhere (tama ba title? basta version ni Regine ang kinanta niya) at malinis naman ang pagkakakanta ni Kris Lawrence ng isang Stevie Wonder song at si Tata Villaruel naman ay kumanta ng, well, who cares about Tata. Coming into the competition everyone thinks it's a battle between Jimmy and Kris anyway.

Pero tama si judge Rowell Santiago when he said right before they announced the two "hits" among the three grand finalists na Tata pulled off a surprise that night. Natakot pa nga raw siya for her nu'ng pinili niyang maka-duet si Gary V para sa Round 2 ng competition. Risky nga naman ang choice (if it were really her decision). Jimmy, on the other hand, chose well with Ella Mae. Para nga lang nakakalito minsan i-tell apart silang dalawa. While Kris chose Pops Fernandez tsk tsk tsk.

Naalala ko tuloy 'yung text joke na na-receive ko immediately after Pacquia's victory: MSWERTE K PACMAN ANG SINTUNADONG PGKANTA NI JEM BAUTISTA NG LUPANG HINIRANG!KYA SA SUSUNOD NA LABAN NIYA SI POPS NMAN! O, hindi ako nag-imbento ng joke na'yan, ha!

Anyway, Tata did a good job that night na na-convince ako na she deserves to be at the Final Round. Nu'ng una siyang tinawag, inisip ko na maglalaho ang mga pangarap kong manalo si Kris. Eh, kahit nga siya nagulat nang hindi si Jimmy ang tinawag, eh. Mukhang pulido lahat ng performances that night na na-hurt ang mumunting sablay ni Jimmy sa unang-unang part ng unang-unang song na kinanta niya. Well, kaya nga Final Showdown, eh.

Pero nu'ng kumanta na si Kris after Tata sang the common contest piece, sure na sure nang siya ang panalo. Ang cute-cute kasi niya! Kris! Kelan ka ba magko-concert?! MANONOOD AKO!!! AAAAHHH!

Ehem! (Baka isipin niya bakla ako) Makakatulong kaya sa ABS si Kris? Mukha. Kelangan nila ng pantapat kay Jay-R. Somebody even told me na the two are actually friends back in the US. Ewan. Plus Kris entered the competition with a package already - the hat, with bandana, with brooch-like accent. Cuteness! Pinoy na pinoy good looks with call-center twang! Masang-masa! haha!

Thursday, January 19, 2006

 

“BAKIT HINDI KA PA RIN LUMALABAS SA TV?”

‘Yan ang tanong sa’kin ng kuya kong med rep nang magbakasyon sila rito nu’ng Christmas. And he asked it like appearing on TV is the most natural next step in my life. Mas nauna pa niya ‘tong tinanong sa “Wala ka pa ring girlfriend?” Yikes! Buti hindi na niya tinanong kung bakit at baka maging eksena sa Queer As Folk ang tagpo namin.

I now write about this because hindi lang naman siya ang unang taong nagtanong sa’kin niyan. Mukhang marami-rami sa mga kaibigan ko ang naniniwalang dapat komedyante na’ko sa TV ngayon. So bakit nga ba hindi tutal nasa GMA na rin lang ako?

Well…It’s not like ayaw ko. Believe me, I tried. And for the longest time it’s a secret dream na hinding-hindi ko din-discuss kahit kanino. Nahihiya kasi ako, eh.

Back in college I joined a couple of stand-up comedy contests. In one, I beat a certain Izel Sarangelo at na-“discover” pa’ko ng manager ng isang magbubukas pa lang na comedy bar. Tinur pa niya ako sa ginagawa nilang bar at nag-lunch ako with the owner. Pero ang concern ko nu’n, parang baduy. Nahalata yata nila kaya hindi na nila akon kinontak ulit. ‘Yun Izel Sarangelo ang eventually nagtrabaho ru’n pero iba na ang pangalan niya ngayon. Tuesday Vargas na.

Na-trauma kasi ako sa mga gigs ko immediately after winning those stand-up comedy contests. And even then, meron na agad akong phobia kapag ini-invite ako para mag-stand-up. I’d much prefer na mag-host ng isang event kesa mag-stand-up kasi walang pressure na magpapatawa talaga sa hosting. Pero kung sinabing stand-up comedy routine, mandando na nakakatawa ka. At natatakot ako sa pressure na’yon. Hindi ko kaya.

Still I tried. With my newly gained confidence from my wins, I’d go and accept invites to perform as a stand-up comedian. In all cases, I would bomb big time. And I just couldn’t handle the disappointment. You see, I take pride in my sense of humor at kapag hindi ko siya nalalabas successfully, sobra ko talagang nafi-feel ang frustration and humiliation. So hindi ko na lang pinursue.

I am happy with being a writer. The pay’s good and the flexible hours is great. Exciting siyang trabaho. Pero a few months ago ay nakumbinse ako ng isang teammate na sumali sa isa na namang stand-up comedy contest. Nanalo na naman ako. And this time, nagkaroon na talaga ako ng great resolve na i-pursue na itong dream na magpatawa for a living. Nag-volunteer akong mag-perform sa Lee’s Night sa Magnet Café Katipunan. UPM din kasi ang organizer na si Romeo Lee.

I was psyched for this event na iniisip kong magiging turning point ng aking comic career. Nag-text ako ng mga tao para panoorin ako, something that I wouldn’t do before. Kinilig pa’ko kasi nakalagay ang pangalan ko sa marquee sa labas. All my friends were there. Ang ending – I bombed! Big time! Even my friends weren’t laughing!

Pag-uwi ko ng bahay nagpakabangag talaga ako at ibinuhos ang lahat ng frustration ko sa isang tell-all blog entry na forever lost na ngayon kasi nanakaw ang laptop ko shortly after that. Kinaumagahan, ‘di pa’ko nakuntento at nag-jutes pa ulit ako.

Ngayon naisip kong destiny telling me that it has other plans for me. Much like nu’ng bata ako at pangarap ko talagang maging teacher like my parents pero everytime na magkakaroon ng Personnel Day sa Marist at mapipili akong maging teacher for a day (Sophomore pa lang ako napili na’kong magturo kahit usually mga 3rd at 4th Years ang ina-assign magturo), eh, nagkakasakit ako. That’s how I concluded that God doesn’t want me to be a teacher. True enough, ibang-iba siguro ang buhay ko ngayon kung Educ ang kinuha kong course sa UP at hindi Broadcast Communication.

Besides, hindi pa yata ako magsu-survive sa isang trabaho na pepersonalin ko ang bawat failures. Personal ang pagsusulat at masakit kapag pinapa-revise o kina-criticise ang gawa ko pero hindi pa naman ako umabot sa point na kinailangan kong maglaseng at mag-marijuana para lang ma-numb ako sa sakit. Steady lang ako as a writer.

Marami pa naman akong outlets for my ‘comic energy.’ Last month, I was invited by the radio station that sponsored stand-up comedy competition na pinanalunan ko recently. Pero conflict ‘yung comedy gig na binibigay nila sa’kin sa Extri Off-Road Triathlon. Besides, takot na rin ako mag-stand-up nu’n so nag-decline na lang ako. Ending, pinag-stand-up din ako sa post-race party ng Extri. Feeling ko naman natawa sila sa impromptu routine ko.

At that moment na nagjo-joke ako infront of other racers sa moment na dapat may gig rin ako as a “real” stand-up comedian, I felt validated.

Wednesday, January 11, 2006

 

WALA BA TAYONG RAKET D’YAN?

Intro to Raket. “Talent” ang ID ko sa GMA. It means I’m being hired by GMA but not quite an employee. Freelancer bale. Sa mundo ng showbiz - raketero.

Nabubuhay kaming mga raketero on a per project basis. Ito ang tinatawag na raket. Depende sa dami ng trabaho ang dami ng kikitain mo. Sa TV, ang raket ay ang TV show. Bawat TV show would typically pay per episode. Kapag nag-absent ka, ‘yung sumalo sa’yo ang kukuha ng suweldo mo. Kapag sinusuwerte, ‘yung TV show nagbabayad ng retainer fee for being part of the writer’s pool on top of the fee that you get if you write an episode.

Bilang Talent, walang power ang network na pagbawalan kang rumaket sa iba. Puwedeng rumaket sa TV show in another network, corporate AVP, events, commercials, press release, print article, concert, theatre production, wedding, brochure, cd-rom, website, souvenir program, barangay beauty pageant…basta kelangan ng writer puwede mong patulan.

Dito nakakatulong ang connection ko sa GMA. Lalo na nu’ng bata-bata pa’ko. It builds credibility kasi when they know you write for a network.

Bilang raketero nafi-feel ko na God takes care of us. If a project is about to end, or if I’m running out of funds laging may tumatawag with a project. Parang alam Niya na kelangan ko. He’s like the best Agent ever!

How’s the pay? Ikaw ang magdi-dictate ng fee mo. Dati nagdi-dictate pa’ko ng fee pero ngayon sa dami ng mga writers d’yan, I try to be accessible by telling them “bahala na po kayo” when asked how much I’m gonna charge. Ginagawa ko ‘to usually sa mga nakatrabaho ko na before. Meron namang nagsasabi na agad ng ibababayad nila sa’yo. Depende na lang sa’yo kung gusto mong humingi pa ng dagdag. Meron ding namang cases na talagang nagdi-demand ako ng talent fee kasi medyo mahirap o unusual ang nire-require nila.

I tried applying for a teaching position pero the school was offering me a full-time PR work instead. I never asked about the benefits pero the take-home pay wouldn’t even amount to half of what I would be getting on a good month doing rakets. That wouldn’t make me keep a 9 to 5 job, no! I may not get “good month’s pay” everytime but just the fact na I have the opportunity to is far better than an assured regular income. It’s like choosing bayong over pera kahit mas sigurado ang pera kasi puwedeng jackpot naman ang nasa bayong. A better analogy is choosing laban over bawi kasi choice mo namang lumaban, eh. Kung gusto mong kumita ng malaki, maghanap ka ng maraming trabaho. Lalaban ka talaga. Kapag pagod ka at sa tingin mo you can survive naman with a little less muna, puwede ka namang magpahinga. Sabihin mo lang meron ka pang ibang ginagawa o ipasa mo sa kaibigan mong nangangailangan ng raket. Karma points pa!

Freenlance, free time. Ang pinakagusto ko sa pagiging raketero eh hawak ko’ng oras ko. I don’ have to drag myself to an office every single day to clock in 8 hours sa bundy kesyo may gagawin ako sa office o wala. At since pagsusulat ang raket ko, puwede akong mag-work kahit saan. Deadlines notwithstanding, up to me rin kung kelan ko gagawin ang isang project. Madalas a project would start with a face-to-face briefing from the client and then nabubuhay na sa calls, texts at email ang lahat. May mga clients akong I don’t get to see until I pick up my cheque.

The Raketero Strategy. Ang nakikitang downside ng nakararaming traditionally employed eh ‘yung kawalan daw ng security. Hindi mo nga naman alam kung may project ka o wala sa isang buwan. Siguro masuwerte na lang ako’t hindi pa’ko nasi-zero. Being a raketero is like running your own one-man corporation. May mga panahon na mahina ang benta, may mga times naman na patok ka. This pushes you to do a good job everytime para bumalik ang client with more projects. Mabubuhay ka kasi sa referrals so don’t burn bridges, and always put your best foot forward. It’s all about establishing and maintaining relationships.

There is No Downside! Ang isa pang concern sa buhay-raketero eh ‘yung kawalan ng SSS and other benefits. Well, puwede ka namang mag-member sa SSS kung gusto mo. At least kusa mo ‘yang ina-allocate from your earnings at hindi automatic na kinakaltas sa’yo. Isa pang benefit ‘yan: you usually charge a net fee so bahala na ang client mo na magdagdag ng taxes mo. (Siyempre, you still have to be a good citizen and file your taxes, ha).

Not to be pessimistic pero sa economy natin shaky na rin ang ating social security system. Baka hindi mo pa makuha’ng hinuhulog mo pag-retire mo. I’ve instead invested in a private insurance firm for my own retirement and insurance funds. Still, I don’t see this as a solid net to bank on in the future, more like forced savings. My mom thinks it’s wise to get one, so kumuha ako. OK naman siya for me.

Hindi ko pa naman masyadong nafi-feel na disadvantaged ako na wala akong SSS, Medicare, isang sakong bigas at kung anu-ano pang benefits a regular employee would get. Basta you manage your finances well ayos ka na.

In Conclusion. I’ve been a raketero since I joined the workforce and I can’t imagine myself being tied down to a regular job as of the moment (If I get offered a bossing position with a handsome compensation package, why not, ‘di ba?) Kung hindi ako ganito, hindi na siguro ako nakakaakyat ng bundok, nakaka-row, nakakapag-train, nakakagimik ng Monday night (or any night that I want)…I like the freedom! At kung tulad n’yo akong naniniwalang there’s more to life than work, why devote a big part of your days to it? Humanap ka na lang ng raket and be in control.

Monday, January 09, 2006

 

STARBUCKS SUCKS!

Out of stock na ang Starbucks Planner! ‘Yung sister-in-law ko from Ormoc excited nu’ng Christmas break nila rito sa Manila dahil akala niya maipagpapalit na niya finally ‘yung kanyang Starbucks card na matiyaga niyang pinuno ng stickers by drinking gallons of coffee! Umuwi siya ng Ormoc na isang nerbiyosang walang planner.

Nu’ng isang araw sa Starbucks Galleria, may isang guy na padabog na nag-walk-out kasi wala pa ring planner. Sabi ng cashier baka raw January 16 pa sila magkakaroon, at ang dami na raw nagpa-reserve.

Well, maybe because it’s the Pinoy’s well-loved Starbucks, o dahil the Starbucks market is not the type who would want to cry foul immediately, kaya this Starbucks Planner fiasco goes on without much protest. I’m not familiar about the law, pero parang there’s some violation if an establishment promises to deliver something in exchange for buying their products tapos wala pala. Granting na magkakaroon na by January 16, half a month into the year na’yon. What’s the point of getting a planner that late? Besides, bago pa matapos ang taon ubos na ang stocks nila. ‘Di ba mali?!?

Tama ang “Latte Savings” na ina-advocate ni Oprah para makapag-ipon nang maayos. Sabi niya, just think of how much you will save kapag hindi ka nagla-latte lagi. Kaya nga binawasan ko ang pagsa-Starbucks ko. Lagi naman akong dapat decaf kundi manginginig akong sobra (yes, kahit mocha frap ko decaf dapat). Tapos kung magkape man ako, gusto ko may dessert na kasabay. Eh, alam naman nating lahat na hindi masarap ang pastries ng Starbucks, ‘di ba? Ang pinakagusto ko na sa Starbucks ang kanilang pink guava juice saka ‘yung sandwiches nila. Yeah, Starbucks Coffee pero juice at sandwich ang order ko. Labo!

Pero I must admit maganda ‘yung unang labas nila na planner. May Griffin & Sabine factor pa ito na mga postcards tapos ang ganda-ganda ng graphics. Kaya naman na-convince ako ng kanilang promo. Dumalas ang pagsa-Starbucks ko, at dahil walang sticker ang juice, Crème Brulee Frap ang inoorder ko na lang. Ang problema lang, tuwing inoorder ko ‘to, parang ayoko na ng crème brulee. Gusto ko…jell-o! (Cameron Diaz, ako ba’to?)

Finally binigay ko na lang ‘yung aking half-filled card sa Starstruck staff para everytime na magpapakape sila sa mga shoot sa’kin napupunta ‘yung sticker. ‘Yan ang dahilan kung bakit lahat kami sa Starstruck may Starbucks planners na.

And now that I write my schedule in this black Starbucks Planner am I happy with it? It’s definitely not worth the 2000 pesos I could have spent on their coffee just to get it. It’s a lot uglier and mukhang mas marupok than the first planner they issued. Kawawa naman ang mga tulad kong naloko ng Starbucks na patuloy pa rin nilang niloloko na maghintay for their own planner dahil madi-disappoint lang sila sa matatanggap nila.

Wednesday, January 04, 2006

 

Ang Interaction ng Starstruck at ng Audience

Sixth week na ang season na'to ng Starstruck and, personally, mas nae-excite ako sa batch na 'to compared to the previous one. Tinamaan kasi ng sophomore jink 'yung batch nina Mike Tan, Ryza Cenon, LJ Reyes at CJ Muere. It's tough following the phenomena ng first-ever Starstruck. Notables na ngayon sa industry sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Dion Ignacio, Katrina Halili, Nadine Samonte, Christian Esteban...Maraming ayaw sa kanila, pero marami ring nagkakandaugaga sa kanila.

Feeling ko ganu'n na rin ang direksyon na tinatahak ng batch na'to. Para kasing 'yung audience na na-disappoint o kaya'y bumitaw nu'ng previous season talagang inabangan sila. As a group, exciting naman talaga ang mix ng Survivors ngayon kasi hinalughug namin ang buong Pilipinas para mahanap sila.

And, if I may add, Starstruck 3 is a good example of a more interactive slant that television is taking. Of course, nariyan ang texting component wherein nasa desisyon ng audience kung sino ang mananalo. Pinoy Big Brother, took it a notch higher with 24/7 cable channel at website na mamo-monitor ng audience ang mga "characters" at their convenience. Kumbaga hindi tali sa network-decided timeslots, content, etc.

Internet din ang nagpe-pave ng way for an increased interactivity between television content and the audience. Habang nagsusulputan ang mga internet cafes, at pamura nang pamura at paganda nang paganda ang internet services sa bansa, tumataas din ang pagka-internet savvy ng masang Pinoy. Ang audience na mismo ang nakakagawa ng paraan para maimpluwensiyahan ang mga napapanood nila sa TV. As a response, tina-tap na rin ‘to traditional media to better reach out to them.

For example, sa unang pagkakataon, nakakapagkuwento ang Starstruck Final 14 ang kanilang mga fans sa kanilang blogs na nasa GMA-powered www.starstruck.tv. Bukod sa content na napapanood sa television na primarily controlled naming mga writers, producers, etc., nagkakaroon pa ng ibang dimension ang season ng Starstruck dahil naise-share ng mga bata ang kanilang points of view na maaring hindi namin naisama sa TV show for one reason or another nang hindi masyado nafi-filter through ng network. (‘Yun nga lang, initiative pa rin ‘to ng network.)

Pero meron namang non-network-intiated movement sa internet na nag-e-encourage ng ganitong interactivity. Napakaraming blogs at threads about the show na regular na sinubusabayan at sinasalihan ng mga fans, at maging naming mga nasa likod ng show upang malaman ang pulso ng audience. Excited kaming basahin tuwing meeting ang www.pinoy.rickey.org. It is a very interesting read about Starstruck at ng Philippine free TV. The fact that the web owner is based in New York all the more highlights the fact na nakaka-reach out na talaga ang traditional media in ways that it could only imagine before the internet boom.

During the early part of the season, may ilang Survivors like Gian Carlos na active sa Starstruck thread ng www.pinoyexchange.com. Hindi pa niya feel na celebrity siya so nagpo-post siya ru’n using his real name na parang nag-a-ask lang siya sa mga kaibigan na iboto siya sa isang barangay talent search. Meron pa ngang nagduda sa kanyang totoong identity so kinunan niya ang sarili niya sa webcam na may hawak pang signboard na bumabati sa kanyang doubting thomas. Nakakaloka, ‘di ba?

Early stage pa lang ito. Who knows kung ano pang mag-e-emerge na paraan para maging mas lalong interactive ang television?

This page is powered by Blogger. Isn't yours?