Thursday, August 30, 2007

 

Ram Agapay

personal ad:

napakadalang kong bisitahin ang blospot site ko kasi kino-consider ko na lang siyang mirror site ng aking friendster blog, though ito talaga ang aking original blog site at ito ang nababasa ng karamihan sa mga readers kong hindi ko kilala, o 'yung hindi nakaka-access ng kanilang Friendster sa opisina.

ang nakakainsi pa kasi rito sa blospot ang daming adbots na nagpo-post ng comments na link lang naman sa isang site. ma-virus pa'ko. naka-miss ko tuloy ang post ng isang ram agapay, kaapelyido ko na, at may kapatid siyang rey agapay din!

so, tol, pinsan, tito, kung kaanu-ano man kita, please get in touch with me asap dahil interested ako lagi sa mga taong agapay din. konti na lang tayo sa mundo so dapat mag-unite tayo. ray_agapie@yahoo.co.uk

 

Explain Before You Complain

"Explain before your complain." Ito ang pina-repeat-after-me ni Joey de Leon sa studio audience ng Eat Bulaga kanina. Sagot it sa dramatic statement ni Willie Revillame sa rival noontime show Wowowee kahapon. Sa TV Patrol World ko na lang napanood ang highlights ng statment ni Willie, and even then hindi ko alam kung ano talaga ang issue. Tuloy sinubaybayan ko ang statement ni Joey kanina.



I don't like Willie. Marinig ko lang ang boses niya, kahit hindi man ako nakatutok sa TV, agad akong tatakbo para ilipat ang channel. Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako kung bakit ganu'n na lang ang pagmamahal sa kanya ng mga alagad niya sa Wowowee. Pero nu'ng narinig ko ang highlights ng statements niya, napaisip ako na, "Patay si Joey!" Until narinig ko nga ang sinabi ni Joey. Joey's statement was casual and composed. Hindi na niya inisa-isa pa ang mga personal na inungkat ni Willie laban sa kanya, para sa kanya, ang issue rito, dapat in-explain muna 'yung parang anumalyang nangyari sa game na Wilyonaryo sa Wowowee. Galing ni Joey.



Pero, oftentimes sa mga ganitong sagutan on national television, the more likeable personality wins, no matter minsan kung sino ba ang nasa tama o hindi. Hindi ko na lang alam kung paano magwe-weigh ang tremendous popularity ni Willie ngayon against Joey's. Willie, after all, never seems to be abandoned by his legions of followers no matter what he does. He's been involved in far worse controversies before that this would unlikely put a dent on his charisma. Kaya in the end, regardless of the merits of Willie's and Joey's arguments, people would more likely side with the person they like more. So para sa'kin, mas tama si Joey. Wowowee should have explained the supposed error in an official statement kesa ipinaing nila ang kanilang host sa isang labanang personalan lalo pa't Willie is one personality, I think, who lives in a very fragile glass house. Nu'ng ni-refuse ni Joey to play his personalan game, du'n siya nadale.



Kanina na-tempt akong sabihin na sa lahat ng isyung ito ang biktima ay ang masang Pilipino pero siguro saka ko na'yon ife-flesh out. Mas naalala ko kasi ang iba pang showbiz rivalries na ganito katindi. Naalala n'yo nu'ng binatukan ni Jinggoy si Goma sa isang basketball game sa Star Olympics. Goma isn't necessarily hindi nakakaasar (though I would say he is far less nakakaasar than Jinggoy) pero what turned the tide of the controversy to Goma's side is Lucy Torres, all beautiful at mukhang santa, saying na he's never seen a person (Jinggoy) so evil.

Nu'ng pinalaki naman ng the Buzz ang issue ng pagkukuwestiyon ni Goma sa pagkalalake ni Eric Santos nu'ng naging boyfriend ito ni Rufa Mae, parang biglang natalo agad si Goma kasi pinalabas na pumapatol si Goma sa isang babae. Nevermind if we all think Eric is gay, anyway.

Hindi pa yata matatapos itong issue na'to. Sabi ng MTRCB hindi nila sakop ang mga palakad ng mga gameshows. Sabi naman ng DTI wala rin silang kinalaman hangga't walang involved na product or something. Personally, I don't think may dayaan, technical glitch nga lang siguro. Pero naipakita how prone to manipulation ang mga ganitong games. Sana mapaisip na lang ang mga tao na 'wag silang umasa sa mga ganito para makaahon sa buhay.

Wednesday, August 29, 2007

 

I See a Big Rut!

Ni ayaw akong gupitan ng Koreana. Ilang araw nang naka-schedule ang "Get Haircut" at ngayon lang ako nagkaroon ng panahon. Gumising talaga ako nang maaga at nang makapunta ako sa Tony & Jackey (Morato Circle Branch) bago ang mga meeting ko sa hapon. Pero day-off si Rex so ang babaeng senior stylist ang kumausap sa'kin. "If you want your hair long, you don't need haircut." "But it's untidy. It's thick. It covers my ears." "Well, because you didn't style it." "Because I was gonna get a haircut anyway..." (At nahihirapan ang Pinay shampoo girl kapag naka-Bench Fix Hair Wax ako). Mabait naman siya and at binigyan niya ako ng blow-dry at hairstyling nang libre. Bumalik na lang daw ako in a month and a half! Grabe! Feeling ko mukha akong ibong sabukot sa buhok ko ngayon, though may point nga naman siya. Kelangan ko pang patubuin nang husto ang buhok ko para talagang ma-achieve ang gusto kong bagsak na hair.

Which makes my feeling of being in a rut even more pronounced.

Na-realize ko kasi na ganyan ako ngayon. Masyadong steady. Oo, malungkot ako generally dahil sa break-up pero hindi naman ako makahagulgol o makapagwala. It's just an endless feeling of a brewing storm inside. Pero hindi makasabug-sabog. Dati I attribute it to maturity, na siguro after a while mas natututunan ko nang i-handle ang mga ganitong sitwasyon (Gosh! Ilang ganitong sitwasyon pa ba ang iha-handle ko in the future?!) pero ngayon parang mas maganda pa yata 'yung dating nakakapag-release ako ng lahat-lahat-lahat ng sama ng loob ko, however destructive the outburst. At least tapos na, or may nababawasan significantly 'yung pain.

Hay! Alam n'yo siguro 'tong feeling na nasa rut ka, 'di ba? Walang nangyayari, walang gulo, wala. Mediocre. Zero inflation (na natutunan ko sa isang libreng seminar ng CitisecOnline. Try n'yo marami kayong matutunan especially if you're thinking of investing in stocks.) Inflation kasi 'yung percent nang itinataas ng presyo ng mga bilihin. Between two to three percent inflation is manageable pa raw, pero 'wag lang daw tumaas du'n, o 'wag namang mag-zero. May nagtanong kung bakit masama ang zero, eh, ibig-sabihin nu'n hindi tumaas ang presyo, right? Sabi kapag zero naman kasi ang inflation ibig-sabihin walang demand, ibig-sabihin business is not growing, nothing's moving and we wouldn't want to be in a situation like that. Galing, no! Dapat talaga required ang basic Economics sa college, eh!

When it comes to my career naman, parang wala ring nangyayari. Merong bagong show pero hindi pa talaga siya nagte-take-off. Things are looking up sa ratings ng Showbiz Central, at steady rin naman ako sa SOP. Pero hanggang ganu'n lang. Steady. Smooth-sailing. Not that I'm complaining, pero it's uneventful. Even the usual chaos and expected ngarag of having two consecutive live shows have become, well, usual and expected.

Nag-i-inquire na nga ako sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa Phnom Pehn, Kuala Lumpur at Dubai kung saan sila naghanap ng kanilan media-related work abroad, thinking a change of scenery might be what I yearn. Wala lang, subukan lang. After all, mukhang happy naman si Val sa kanyang apartment with a view of the Cambodian Royal Palace, at si Francis who is handling a multi-racial ad agency in Malaysia. Si Allan lang ang medyo nagpipigil sa'king umalis dahil mahirap daw ang buhay sa UAE. Matatalino na raw ang mga Arabo't ipapakulong ka kapag jinowa mo sila't magtapos ito sa hindi maganda. Though ni-recommend niyang Brazilians na lang daw ang hanapin ko.

Nasa rut din ang aking athletic career (athletic career daw, o!) dahil nga, well, na-explain ko na. No training, no improvement. (Well, ito hindi basta rut. It's just a slow steady decline to unfitness.)

Sa sobrang uneventful ng mga pangyayari ngayon, naalala ko pa ang mga panaginip ko. Nanaginip ako kagabi na nagpakalbo ako't sisisng-sisi ako dahil it's a back to zero sa aking quest na magkaroon ng dapang hairstyle. May babae pang nagagalit sa'kin "kung bakit ka kasi nagpakalbo?" Si Haydee yata 'yun, ewan. Just a few weeks ago naikuwento ko naman kay Val na nanaginip akong nasa Cambodia ako, sa isang lumang bahay na ginawang museum. Mag-isa lang ako tapos 'yung matandang baklang Pilipinong (!) caretaker eh sinubukang i-seduce ako with pirated gay porn DVD's! Meron pa'kong isang napanaginipan na kay Thea ko lang nai-reveal. Dapat ikukuwento ko siya rito kaso natatakot pa rin ako na baka nga kasi totoo siya. Basta nagising ako (or nanaginip na nagising) tapos iniisip kong, "Shit! Nagyari ba'yon?!" At sa totoo lang, hindi ko masabing 100% sure akong panaginip lang lahat. Sorry, bitin, pero akala ko kaya kong ikuwento. Hindi pala.

Shit! Pati sa pagba-blog, nasa rut ako!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?