Thursday, February 17, 2011

 

Lovi and other Drugs

Sa Lunes, tatlong Pilipinong convicted of drug trafficking ang ifa-firing squad sa China. The family of one, a female, insists that her recruiter gave her a bag that turned out to have a secret compartment where a substantial amount of heroin were found. There is no point doubting their story. Whether the DH was aware or not that she was carrying drugs in her bag, her plight is just as that of the other Pinay caught at our airport last night then tearfully recounted to TV Patrol how she accepted payment to get the drugs through our security by swallowing some packets of heroin and hiding the bigger ones in her vagina! Ayokong i-generalize ang plight ng mga OFW pero oftentimes pinakakawawa talaga ‘yung mga unskilled female labor exports natin. Sa pagkadesperada nila sa sitwasyon nila rito, iiwanan nila ang mga anak nila tapos para kumita pa nang konti, masasangkot pa sila sa illegal drug trade.



I have very liberal views on personal drugs. Non-issue na nga ito sa progresibong bansa pero siguro pa panahon sa Pilipinas para talakayin ang legalisasyon kaya hindi ko pa ikakampanya rito ang matitipid nating pera at panahon sa anti-drug enforcement natin na mukhang mas corrupt pa sa ating anti-carnapping force. Ayoko munang i-discuss dito ang legalisasyon dahil baka mag-react lang ang mga tulad ni Tito Sotto, isang self-proclaimed anti-drug legislator (na minsan ding nasangkot sa drug trade), dahil wala nga namang panama ang argumento ko sa anti-drugs rhetoric ng mga tulad niyang gusto pang ipagbawal ang poppy seed sa mga tinapay dahil may opyo. Ipa-ban na rin niya ang Coca-Cola kasi may cocaine.



Kunsabagay, hindi ko naman masisi kung ang anti-drugs rhetoric ay suportado ng media, ng Simbahan, ng mga paaralan, ng mga negosyo, ng komunidad, ng pamilya! Sa isyung anti-drugs lang yata nagkakasundu-sundo ang buong sambayanang Pilipino! Eh, bakit may drugs pa rin? Kasi gago tayo. Oo, gago tayo. Tanungin mo pa si Ronald Singson kung gago ang mga Pilipino, tiyak sasabihin n’un, “Oo naman. Gago kayong mga Pilipino.”



Kasi kung hindi niya tayo itinuturing na gago hindi siya magpapa-interview saying pinag-iisipan na nga niyang mag-resign bilang kongresista. “That is an option…Aminado naman akong nasira ko ang pangalan ng Kongreso,” sabi niya sa Bandila. “Rest assured that I will do what is right?” O, ‘di ba, gago raw tayo.



Mga putang ina rin daw tayo. “I am very eager to join the country’s anti-drug campaign,” sabi ng nag-iisip pa kung magre-resign na Congressman Ronald Singson.



Pero gago at putangina man ako, hindi ako tanga. Nu’ng nagpunta akong Hong Kong, nilapitan ako ng isang lolo habang nakapila sa check-in counter ng NAIA. “Hijo, pupunta kayong Hong Kong? Wala kang bagahe? Puwede bang magpadala?”



Siyempre may initial instinct was to say no pero hindi ko magawa kasi lolo, nakabarong, payat, naka-ID pa ng NAIA, mukhang disente. “Mga papeles lang ‘to.” Pinakita niya ang parang photocopied documents tapos pinasok niya ‘yon sa isang small brown envelope. “Isara ko na, ha?” Halos hindi ako makasagot pero hinahayaan ko na lang siya. Nagsusumigaw pa rin ang utak ko para tumanggi pero ni hindi ako makakibo nu’ng pine-paste na niya ‘yung envelope. Kinuha ko ang envelope at akmang tutupiin para magkasya sa backpack ko nang, “Ay, ‘wag mong tupiin,” malumanay niyang ni-request. Sinamahan pa niya ako sa pagbayad ko ng travel tax at sa final security check. Naibsan ang pangamba ko nang parang kakilala siya ng airport employees at tuluy-tuluyan lang siya sa immigration counter at final checking. Trinay kong tumanggi nang binilhan niya ako ng mamon at kape pero hindi siya pumayag. Hiningi rin niya ang number ko para matawag daw niya ako pagdating ko ng Hong Kong.



Walang mintis namang paglapag ko ng Hong Kong International Airport ay tumawag siya. Inulit niya ang habilin niyang may naghihintay sa labas na may karatula ng pangalan ko. Du’n ko raw iabot ‘yung envelope. So nilabas ko na’yung small brown envelope at tumungo na sa exit. Nang bigla akong kinamayan ng security. Ninenerbiyos ako pero trinay kong huwag ipahalatang ninenerbiyos ako. Bahagyang nag-smile pa’kong kalmadong lumapit sa kanya. “You have anything to declare?”



Buti I remember this article about Israel’s Ben Guiron Airport na kahit isang bonggang-bonggang security risk ay wala nu’ng mga intrusive machines na common sa iba pang paliparan dahil ang pinaka-effective daw na pag-detect ng mga kriminal is by looking at passengers in the eye. So nag-effort akong tingnan ang mga mata ng matangkad at lanky chinito security guy lalo pa nang kinuwestiyon na niya ako, “Is that envelope yours?”



“Oh, I’m giving to my friend,” hindi ko na maalala ang alibi ko basta nag-maintain ako ng eye contact. “Do you know the person that you’re giving this, too?” Siguro nakatulong din na hirap siyang mag-Ingles. Padedma kong sagot, “O, yeah! Don’t worry, he’s my friend.” And then he waved me through the customs x-ray machine. The guy at the machine asked, “You have your passport?” “Yeah,” and I reached into my small bag to get it but the guy immediately motioned that it’s not necessary. My bag went through the xray, I took it and walked through the exit. Right across, resting on the railing is a man holding a handwritten sign of my name. I walked up to him, handed him the brown envelope without saying a word, and I walked off to the Airport Express.



Simple. And lolo paid me HKD 500 pa!

Wednesday, February 16, 2011

 

Summer of '98

Shit-shit-shit! Hindi ako nagising! Dalawang oras na yata akong late sa assembly time ng Assers para sa planning sem sa Subic! Eksakto pang nagri-ring ang telepono sa sala. Parang alam ko nang para sa’kin ‘to kahit walang caller ID. Nakaka-tense ang makita mong nagri-ring ang cellphone mo ngayon tapos ‘di mo feel kausapin ‘yung tumatawag, paano pa kaya noong torture pa kung sasagutin mo ang tawag nang may risk na‘yung iniiwasan mo ang nasa kabilang linya. No choice ka naman kundi sagutin kasi baka ibang importanteng tawag ‘tong ini-ignore mo. Sheepishly…“Hello?”

“AGAPAY!” Patay! Si Broad Ass Executive Secretary Wenna na malamang asa phonebooth sa ilalim ng skywalk, ‘yung stainless na hinuhulugan ng tatlong pisong barya. “Ahehehehe,” wala na’kong ibang maipaliwanag, eh, so tumawa-tawa na lang ako. “Hay, naku! Sumunod ka na lang ng Subic! Mauuna na kami!”

“Si Mutya late rin, sabay na lang kayo!” utos ni Wenna bago pa siya tuluyang maubusan ng tatlong minutong palugit sa tawag.

Para matawagan si Mutch, kinuha ko ang Broad Ass Directory na matiyagang prinint, xinerox, ginupit at ini-stapler ng Memcom para maging wallet-sized booklet na giveaway sa members. Parang nag-meet yata kami ni Mutch sa veranda, or baka rin sa Starbucks Katipunan na nagbukas nu’ng 1998. Kasisimula pa lang ang konstruksyon ng MRT nu’n at kathang-isip pa lang ang SCTEX kaya mahigit 4 hours ang gagawin naming pagsunod sa Assers sa Subic.

Walang online booking na tinatawag kaya ang plano ay du’n na lang magsa-scout ng murang resort na mapag-o-overnaytan. Text-text na lang, ika nga, pero since wala pang texts nu’n, sa beeper kami magko-communicate. Never akong nagka-pager nu’ng mga panahong ito kasi luho ang pager kaya wala akong lakas ng loob hingan ang parents ko nito. Ang Inggliserang si Mutya ang de-pager.

Pagdating naming Olongapo, ipe-page namin ang Assers kung saang resort sila. Ang hindi naming na-realize ay long distance phone call ang rate ng bawat pag-page since based sa Maynila ang mga predecessor ng call centers na opisina ng Pocketbell at Easycall. Ang mga operators ang magta-transcribe ng ididikta mong mensahe para ma-send as analogue pager message, parang text lang kaso ididikta mo pa sa isang stranger ang text message mo para ma-send. Strict pa’to, English, Tagalog or Taglish lang. Walang magse-send ng message mong simpleng Spanish na tulad ng “Adios, amigo!” Bawal din ang mga nega messages na “_____’s dad just passed away” kahit pa totoo ‘to at ini-inform mo lang sila. Ang hirap nang may nangingialam sa ite-text mo, pramis!

Talagang naubos ang pang-estudyanteng budget namin ni Mutya kaka-page sa kanila pero since hindi pa nu’n reliable ang signal sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, minsan oras ang hinihintay namin bago makatanggap at maka-receive ng beeps! Shit talaga!
Inabot na kami ng gabi pero wala kaming natanggap na page mula sa kanila. Nag-isaw na lang kami for dinner bago naming napagdesisyunan na mag-overnight na lang sa isa sa mga nagkalat na motel ru’n. “Magkano po ang overnight,” bilang mga wala na kaming pera. “Ilang taon na kayo,” usisa ng mama sa “reception” ng isang cheapanggang motel. Sumagot kaagad ako, “Ako po 18... Eighteen na rin po siya,” nagsinungaling ako. Sinipat ako ng lalake bago tumingin kay Mutya. “Mga bata pa kayo, ha…”
“Hindi po, matutulog lang po talaga kami,” depensa ko.
“Sa iba na lang kayo.”

When it looked like mahihirapan kaming maka-check-in, nagtanung-tanong na lang kami ni Mutya kung saan ang mga resorts sa Subic. Sumakay kami sa itinturo nilang sakayan ng jeep (noon pa man, maayos at color-coded na ang mga jeepney sa Olongapo) at by gut feel, nakipagsapalaran kaming bumaba sa sinasabing area na maraming resort at plinano naming isa-isahin ang mga lugar doon at baka matunton namin ang mga Asser.

Ang kuwento nila, nag-iinuman na sila, wondering kung nasaan na kami bilang walang mga signal ang mga pager nila. “Nasaan na kaya si Rey?” Sumagot si Wenna, “Ayan, o!” Nagtawanan sila! Pero hindi pala nagbibiro si Wenna dahil eksaktong nasipat niya ako at si Mutya sa labas ng bakod ng inupahan nilang bahay. Milagro talagang natunton namin sila.

Walang ganitong adventure kung may text o Facebook na nu’n.

Tuesday, February 01, 2011

 

Ang Palanca Letter at ang Long Gown

Nang nilabas na ni Mr. Balatbat ang sangbungkos na palanca letters, tila sadya pa niyang iniharap sa buong klase ang sulat na may kissmark complete with handwritten “S.W.A.K.” Napahalakhak agad ako nang malakas with matching pagturo pa rito. “Pucha! Patay ‘to! Alaskado sa’kin ang may-ari ng sulat na’yan,” evil thought ko. Sa taun-taong retreat, ngayong senior year na lang kami pinadala ng palanca letter, which were submitted days before to our Religion Teacher, sealed and to be opened only on this night of the retreat. My dad handed me my palanca letter right before I left kaya hawak ko na agad ang akin.
Parang isang Bubble Gang sketch, hinuli pang dinistribyut ang sulat na tiyak na magiging target ng panunukso kaya inabangan naming mga alaskador ang pagbibgyan ng sulat, ang huling tatawaging pangalan: “Agapay.” O, putsa! Ang balis ng karma!

Hindi ko na-recognize ang distinct cursive penmanship at shade ng lipstick ng mommy ko, who decided to write me a palanca letter apart from my dad’s. Kaya ‘di tulad ng lahat na nag-share sa iisang letter ang mga magulang, by the time na tuyo na ang mga luha nila sa binasa, sisimulan ko pa lang ang pangalawang palanca letter.

Hindi man Christian concept ang karma, tanggap ‘to ng mga Pinoy dahil siguro sa mga lipunang flawed pa ang justice system tulad ng atin, ang ganitong divine justice na lang ang maari nating panghawakan. Pero maalala ko ang isang kaibigang Hindu na lininaw that karma is not entirely supernatural. After all, everything we do have consequences, whether we realize it or not. Ang logical consequences na’yun mismong ay matuturing na karma. Kung mahilig ka nga namang mag-isip ng pam-punchline sa iba, hindi mo mapapansin na nase-set-up mo na pala ang sarili mo na ma-punchline ng iba.

Si Cindy ang pinakaunang kinasal sa Powerbarkada. At dahil OA sa aga ang 5AM calltime sa venue, nag-check-in na kaming matatalik na magkakaibigan sa hotel. Para ma-tense ang mga OC kong kasama, nagdala ako ng blue long gown na naka-hanger at plastic pa na parang bagong dryclean. Pang-asar lang na ‘yun ang isusuot ko sa kasal ni Cindy. Mga past midnight na’ko nakabalik sa hotel galing sa trabaho. At du’n ko lang na-realize na sa kasabikan kong bitbitin ang gown, naiwan ko sa bahay ang mismong isusuot ko! Wala pa’kong kotse nu’n kaya nag-taxi ako pauwi sa Pasig para kunin ‘yun. Pagbalik ko sa hotel, haggard na haggard na’ko at kaunting panahon na lang para makatulog. Hayun, puyat ako sa morning wedding.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?