Monday, April 17, 2006
PALANCA LETTER
Nu’ng high school (I’m not sure what year) ni-require kaming magdala ng palanca letter from our parents for our high school retreat. I mentioned this to my parents and didn’t give it much thought after. Or at least I pretended to. Ang totoo, I was alarmed nu’ng papalapit na’yung retreat pero wala pa ring inaabot na letter sa’kin ang parents ko. ‘Yung mga classmates ko nakapag-submit na. Ibabalik na lang kasi sa’min ‘yun on the day of the retreat para buksan.
So what I did was scribble some words on a paper and fold it as if it were a letter. Para habang nagbabasa ang mga classmates ko ng sulat from their parents, hindi naman ako mukhang pathetic na walang binabasa.
On the night of the retreat, biglang dumating ang mga younger teachers ko. Isa ru’n si Miss Afable na ninang ko sa kumpil. May dala siyang letter at inabot niya sa’kin. It was addressed to me in my dad’s handwriting.
Salamat! Hindi ko na kailangang mag-pretend na meron akong palanca. Hawak ko na’yung sulat nu’ng dumating ‘yung Religion Teacher naming si Mr. Balatbat hawak ang mga sulat para sa mga classmates ko. From the bundle na hawak n’ya, kitang-kita namin ang isang sulat na may kissmark pa! Tawa kami nang tawa. Naiyak at masamid-samid pa’ko sa kakahalakhak na the teacher had to ask kung OK lang ako.
Nang huminahon na kami, dinistribute na ang mga sulat. Hinuli pa talaga ng teacher ‘yung kissmarked envelope. Lahat kami excited kantiyawan ang recipient nu’n. Eh, ako pala! Galing sa mommy ko.
Ang galing, no? Ako pa’tong worried na worried at medyo nagtatampo na kasi akala ko walang pakialam ‘yung parents ko, tapos dalawa pa ang palanca letters ko – one from each parent. Samantalang karamihan sa klase, isang letter lang.
Just like the rest of the class, iyak ako nang iyak habang binabasa ko ang mga sulat ng parents ko. Pero mas naiyak ako sa sulat ng dad ko. Mas open kasi ang communication kasi namin ni mommy kaya wala na sigurong masyadong bago siyang nasulat kasi halos lahat naman napag-uusapan namin. My dad pa kasi is a writer kaya ang ganda-ganda ng pagkakasulat. Pinakanaaalala kong entry eh, ‘yung sinulat niyang “When was the last time I kissed you? You were still a baby then. But every night I kiss you in my prayers. When I go to work so you can have a good life, I kiss you…” basta something to that effect.
I’ve since lost both letters pero tandang-tanda ko pa rin ko sila.

Monday, April 10, 2006
THE ECONOMICS OF BEAUTY or Bakit Kumu-Cute si Manny Pacquiao
Economic power is directly proportional to how beautiful you are perceived. Makikita natin ‘to sa Filipino standard of beauty. For the longest time (well, hanggang ngayon pa naman) maganda para sa’tin ang mestisuhin kasi naa-associate natin sila sa mga Kastila at mga Amerikano na by virtue of them being our conquerors controlled our economy. At alam natin nu’ng panahon ng ating mga lolo’t lola eh dini-discriminate naman ang mga Chinese. Intsik Beho ang image natin sa kanila. Pero dahil marami sa kanila ang piniling magnegosyo upang makaahon sa kahirapan habang ang mga Pinoy eh mas minabuting mangibang-bansa, unti-unting lumakas ang kanilang impluwensiya sa ating ekomoniya, at unti-unti’y naging maganda na ang mga Chinese sa mata ng mga Pilipino. The fascination for the “chinito” na pinauso ng F4 ang naging manifestation ng pagbabago ng opinyon ng mga tao tungkol sa kagandahan ng mga Instsik. Or puwede rin namang nakatulong din siguro na maputi rin sila tulad ng mga una nating kinahumalingang Kastila’t Kano.
A few years ago may lumabas na commercial campaign for a beauty product. “Kutis artista” ang pina-promise na magiging dulot ng paggamit daw nito. Ito ay resulta ng Economics of Beauty. Kung titignan mo nga naman ang mga society pages, magaganda ang mga mayayaman. Partida nga naman kung mayaman ka kasi naka-aircon ka madalas, masarap ang kinakain mo, nakaka-afford kang mag-gym, nakaka-afford ka ng libu-libong halagang haircuts, treatments, products at fashion. O kung wala ka namang pag-asang gumanda nang todo sa kabila ng dami ng pera mo, puwede mong bigyan ng headstart ang iyong mga anak by marrying a pretty young thing at nang malahian naman ang iyong ‘di kakisigang lahi. Maganda ang asawa ni Juan Ponce Enrile, ‘di ba? Ang Babalu-esque na si Peping Cojuangco ba ay magkakaanak na singganda ni Mikee kung hindi niya pinakasalan si Tingting? Ewan ko nga lang kung magkakaanak pa si Tony Boy kay Gretchen.
Minsan naman, nakakabili ang mayayaman ng PR para gumanda sila sa perception ng iba. Parang Emperor’s New Clothes. Sina Baby Arenas at Margarita Fores ay madalas natatala sa mga Most Beautiful at Best Dressed Lists ng mga Society Magazines dahil dito. Pero sa kanilang hitsurang ordinaryo naman, malayong mangyari ‘to kapag hind sila mayaman. Well, si Margarita siguro may pag-asa pa. Si Baby, ehem.
In fairness, hindi lang naman Economics ang nakakaapekto sa ating standard of beauty. Marami ‘yan: fame, success… Si Manny Pacquiao nga kumu-cute na sa paningin ko, eh! Natatakot na nga ako. Lalo na sa McDo Chicken Billboard niya. Ang sarap kamayin!

THE SUIT
I bought my first suit when I was in third year high school. Aatend kasi ako ng prom ng Miriam.
Well, actually, daddy ko ang bumili. Saka sport jacket lang siya. Mahal kasi ‘pag suit kelangan pati pants bilhin mo. Nahirapan nga ang partner ko kasi walang lapel hole para lagyan ng corsage. Nasa Friendster ko ‘yung prom date ko na’yon pero ang naging girlfriend ko eh iba pa niyang batchmate. Whaaaat??? O basta, ibang kuwento pa’yong past life ko.
A few times ko na lang nasuot ang suit na’yon afterwards. Hindi kasi nag-prom ang batch ko sa Marist. Nababaduyan kami sa concept nu’n. Ngayon parang there’s a part of me na nagsisisi na hindi namin ginawa ‘yon. Pero naging importante ‘yung suit na’yon sa aking psyche. Having it felt like you’re a man, a grown-up. Pinapakita nu’n that there’s a chance na dumalo ako sa mga okasyong kelangang naka-suit. Like a funeral, perhaps.
My grampa borrowed that suit for my gramma’s funeral. Yes, grampa at gramma ang tawag namin sa kanila dahil all their retired lives ay sa US sila nakatira, American citizens sila at sanay sila sa ganu’ng tawag ng mga amboy kong pinsan. Nakiuso lang kami.
Nauwi ng grandfather ko ang suit na’yon nang bumalik siya sa America. A couple of years later, siya naman ang sumunod sa lola ko. Natatandaan ko may lagnat ako nu’ng dumating ang kanyang body dito. Hinang-hina pa’ko nu’ng una akong pumunta sa burol pero hyper ang mommy ko. Excited siya sa kabaong ni grampa na “parang kotse” ang finish. At may mga levers ito sa ilalim na parang hospital bed mong matataas ang bangkay. Puwede pa nga raw mapaupo. Siyempre hindi ko na ni-request na i-demo ng mommy ko ‘yun.
Pero ang ikinagulat ko, eh, walang salamin ‘yung coffin. Na-bother ako at first then napaisip ako kung bakit takut na takot tayong mga Pilipino sa patay? Ang lalim-lalim ng kabaong natin tapos may salamin pa tapos may cover na kalahatian, tapos meron pang isang malaking cover. At ang sikip-sikip pa ng bangkay ru’n kasi nga kapag may puwang baka raw may sumunod. Samantalang ‘yung sa lolo ko spacious! Wala pa namang sumusunod, in fairness.
Feeling ko happy naman si grampa sa kanyang kabaong Stateside. At mukhang komportable naman siya sa suit na suot niya. Sa kanya na lang ‘yun. Alangan namang bawiin ko pa.

LOOK AT MY BIKE LOG: BIKE-FRIENDLY ESTABLISHMENTS
1. Robinson’s Galleria
It tops my list kasi dito ako madalas. Merong guarded, open-air parking kasama ng mga motor sa tapat, malapit lang sa EDSA Shrine. Marami ring naka-park du’n kaya mukhang safe naman ang sasakyan mo. Libre.
Love ko talaga Galleria kasi libre pa ang wi-fi rito. Maganda pa sinehan. May Tater’s, may Mary Grace, Pancake House, Netopia (‘pag nagloloko wi-fi nila), magagandang cinema, magkaka-Toys R’ Us pa! Hands down, the best mall for me.
2. Robinson’s Metro East
Sa basement ang parking ng bikes at motor. Shielded ‘to sa matinding sikat ng araw at sa ulan. May guards at libre rin.
3. Blue Wave Marikina
Siyempre pa, this is the city that brought you the bike lanes and bike racks all over. Open-air nga lang ang paradahan. Libre.
Maganda rin daw sinehan dito though ‘di ko pa nata-try. May Starbucks, Superbowl of China, Yellow Cab…Sosyal na ang aking beloved hometown!
4. Megamall
May mga bike racks sa paradahan ng mga motor in each of the buildings, du’n sa side ng Podium at San Miguel. From there puwede ka nang lumipat ng Podium, EDSA Shang, St. Francis. Open-air nga lang ‘to. May guards. Libre.
5. Marikina Riverbanks
Maraming bike racks sa paligid. May guards. Libre. Ayos ‘to!
And now the worst…
• Eastwood City
Used to be a good place for cyclists tapos ito pa ang nearest mall from my place. Puwedeng mag-chain sa covered parking lot kaso dito ko nga lang na-experience mawalan ng helmet. Kinuha pala ng guard para hindi ako umalis agad at nang masingil ako ng twenty pesos na parking fee for bikes.
Now I wouldn’t mind paying a twenty-peso flat rate for a covered, guarded parking space if only there were bike racks. Sa iba nga libre may maayos na bike rack, dito sa Eastwood mag-i-improvise ka pa ng pagkakadehan mo (sa mga signs, sa mga poste).
• Gateway Mall
This has got to be cyclist’s hell! Bawal ang bike dito - at sa buong Araneta Center. Hello??? Cubao pa rin ‘to, noh!!!
Philippine Everest Team member Noelle Wenceslao was once mauled by guards for riding here. They tried to take her bike away. Mga gago.
• Harbor Square, CCP Complex
Isa pa’tong pretentious establishment. Building ng Pancake House, Tapa King, Mocha Blends sa tabi ng CCP Parking Lot, facing the bay where people row and sail, fronting a known jogging and biking area. Pero bawal ang bike dito sa mumunting enclave na’to. Ang susungit pa ng guards. OK lang sila???

WANNA SEE MY BIKE LOG? PASIG TO CCP
Mula nang masira sa pang-ilang beses nang pagkakataon ang bangka ng UP sa Marikina River, napilitan ngayon ang dragonboat team na mag-ensayo sa far-flung Manila Bay tulad ng ibang teams.
Dito nagsimula ang madalas kong pagba-bike mula sa aking bagong nilipatang bahay sa Santolan, Pasig (na pinili ko pa naman dahil malapit lang ‘to sa Marikina) papuntang CCP Complex, Roxas Boulevard.
6AM ang training kaya 4:30 pa lang nagpapa-alarm na’ko. Madilim pa ‘pag magsimula akong pumadyak. From my place, kaunting padyak lang papunta sa access road to Libis from Manggahan. Ang kalaban mo lang du’n, eh, ‘yung mga trak sa masisikip na daan. Kung minsan pa, paglagpas mo ng tulay sa access road, eh, hahabulin ka pa ng mga aso.
Lusot nu’n sa may Monark, tapat ng The Spa, sa may Eastwood. Madali lang tumawid ng mga ganitong oras sa 8-lane highway na’to. From Libis babaybayin ko na hanggang Ortigas. Dati trinay kong mag-shortcut sa Green Meadows. Nakalimutan ko rolling hills nga pala ‘yun.
Gradual incline ang Ortigas mula Libis hanggang Meralco Avenue. Tawid ng EDSA, lampasan ang Greenhills, Boni-Serrano, kaliwa sa N. Domingo. Puwede ring kumaliwa sa Boni-Serrano pa lang tapos kumanan na lang sa M. Paterno na lulusot din ng N. Domingo. Bahagyang hilly nga lang ang lugar na’to pero mas konti ang sasakyan at marami pang puno sa sidewalks.
N. Domingo it gets interesting. Dito magsisimulang maging obvious ang socio-economic schism ng Pilipinas. Mula Ortigas, dadaanan mo ang mga magagarang condo/townhouse developments, at spill-over ng mga old riche homes ng New Manila. Pagdating na ng bandang San Juan, mga maliliit na commercial-residential establishments naman ang makikita. Nagiging challenging na rin ang pagpapadyak dahil kahit relatively flat ang kahabaan ng N. Domingo, masikip ito (2-lanes lang) na walang maayos na sidewalks kaya maraming jeep, trak, private vehicles at pedestrians kang dapat iwasan.
‘Pag nakita ko na ang SM City Sta. Mesa (kelan pa kaya nila inalis ang unang tawag nila na Centerpoint?) pakiramdam ko I’m halfway there na. Yahoo!
At dito titindi ang kahirapang makikita mo. Sa may tulay, sa gilid ng itim na ilog na tadtad ng basura, eh, mga barung-barong na ang sasalubong sa’yo. Marumi at puro graffiti na rin ang maliit na tulay na tatawirin mo. Wala na ang historical marker na nagsasaad na dito binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino na siyang naging hudyat ng Philippine-American War noon. Siguro kapag mahirap ang buhay, deadma ka na sa anumang kasaysayan ng lugar mo.
Isa pang crossing ang tatawirin at ang one-way “motel lane” naman ang mararating mo. Puwedeng mag-shortcut sa mga motel rito papunta sa bagong Quirino Hi-way kaso nakakailang. Nito na lang ko nagawa ‘yun. Madalas, nag-u-u-turn pa’ko sa may gasolinahan.
“Bagong tulay” ang tawag nila dito sa access road from Old Sta. Mesa to Quirino Highway. Malawak ‘to at konti lang ang dumadaan. It could have easily been the most enjoyable part of this ride kaso nakaka-depress pa rin ang mga barung-barong na nakatayo sa gilid-gilid nito. Minsan nga may nakita pa’ko ritong rugby lolo (parang rugby boy kaso lolo). Mula sa mga komunidad na’to nagmumula ang napakaraming pusa’t dagang sinlaki rin ng pusa na napipisat ng mga sasakyan. Araw-araw may fresh roadkill. Kadiri talaga! Ganyan na rin tayo ka-deadma sa mga nangyayari sa paligid natin. In the comfort of our airconditioned cars parang wala na tayong nakikitang iba. Cycling increases your awareness kasi talagang nalalanghap mo ang hangin ng Metro Manila.
Interesting to note na vibrant pa rin naman ang communities na nadadaanan ko. Mahirap man sila, nagagawa pa rin nilang magsaya sa mga makeshift basketball, o kaya mag-improvise ng mga pagkakakitaan tulad na lang ng mga de-tulak na sasakyang umaandar sa riles ng tren.
Sa Quirino maliwanag na ang sikat ng araw at namumuo na rin ang morning rush. Madadaanan mo ang ruins ng lumang istasyon ng PNR. Paano nga natin ie-expect ang mga simpleng tao to care for historic landmarks in their area, eh, kung maging ang gobyerno pinapabayaan lang ang mga architectural legacy natin? Osmena Hi-way, Pedro Gil, Taft…Padyak lang nang padyak hanggang marating ang Manila Zoo, Roxas. Hmmm…kumusta na ba’ng Manila Zoo?
Kakaliwa sa Roxas at konting padyak na lang papuntang CCP. Dalawang oras na training tapos padyak na naman pauwi. Minsan trinay kong kumanan sa Old Sta. Mesa galing tulay. Tumuluy-tuloy ng Shaw hanggang marating ang EDSA. Parang mas malayo, mas matarik, mas masikip at mas delikado ang rutang ‘to.
Forty-five minutes to one hour inaabot one way on my mountain bike. Tantiya ko mga 20 km ‘to.