Thursday, May 28, 2009
The Simple Joy ng Paglamon
Para i-offset ang kanegahan ng aking mga recent blogs, let’ talk about something really pleasurable this time…PAGKAIN.
Though, sisimulan ko pa rin yata sa nega dahil napapansin ko na ang talagang pinakamasasarap na pagkain ay napakahirap nang i-enjoy ngayon nang walang halong guilt. Ang crispy bacon, dayap chiffon cake ng Chocolate Kiss, lechong paksiw, thin-crust pizza ng Shakey’s, Chickenjoy, Goldilocks ube/mocha/choclate roll, Lucky Me instant pancit canton, Ilocos Empanada, lechong kawali, Tater’s cheese popcorn with extra butter, at Wendy’s large fries with extra mayonnaise ay nakaka-guilty sa bilbil.
Ang peking duck, Mary Grace toasted ensaymada, Gonuts Donuts glazed donut lite, penne al’alfonso ng Cibo, fresh anchovies sa Barcino, chicken diabolo at tinapa ravioli ng Bellini’s ay nkaka-guilty naman sa bulsa.
Pero masarap, eh. Kaya pagkain ang isinisisi ng aking personal trainer kung bakit daw sa mahigit isang taon nang pagji-gym ay hindi ko pa rin naa-achieve ang aking goal body. Hmp! Kung talagang magaling siya, at sa mahal ng ibinabayad ko, dapat nagagawan niya ng paraan, no! Sa totoo lang, matagal ko na talagang kino-consider magpa-lipo kasi maalis lang ang salbabida ko happy na’ko sa katawan ko. Feeling ko makukuha ko na. Takot lang ako sa matagal at painful na recuperation period daw nito, saka siyempre magastos. Hmmm…nagbaba na kaya ng presyo ang Belo in light of the scandals?
In fairness, when I’m in training humihina ang appetite ko to a reasonable level. Pero mukhang hindi pa rin sapat ‘yun to make-up for the Christmas season na hindi na nga ako nagte-train so lalo pang lumalakas ang kain ko. Genetic na talga ‘tong taba ko kasi ang dami ko nang activities, no. Ang iba d’yan, gawin lang ang kalahati ng ginagawa ko for a short period of time may hints na ng abs. Ako talaga wala. Shit! Ang tunay na lalake, WALANG ABS! Besides, mas kukupal pa siguro akong tao kung nagka-Marky Mark abs pa’ko. So ang ipag-pray n’yo na lang ay sa kaunti pang training, at malaking disiplina sa pagkain ay magkaroon ako ng kahit na Aljur Abrenica abs man lang. ‘Yun lang happy na’ko.
Pero masarap talaga kumain, eh. Sabi nga ng isang may-lahing Pilipino pero lumaki sa Amerikang bagong actistic director yata ng Ballet Philippines, nagugulat daw siya sa willingness ng mga Pinoy na gawin lahat basta nakakain sila nang maayos. Hmmm…kung sabagay, gawin mo na sa’kin ang lahat ng pang-aalipusta, ‘wag mo lang akong gutumin. Saka ang pagkain nga, as soooo many anthropologists and whatevergists have noted, ay bahagi na talaga ng lahat ng aspketo ng kultura natin. Kaya isang malaking isyu talaga dati sa GMA nu’ng biglang naging strict sa food expenses kapag meetings at shoots. Findings daw kasi ng isang foreign firm na hinire ng management na isang napakalaking expense daw ng kumpanya ang pagkain. Obviously, mga foreigner nga sila para maging kamangha-mangha sa kanila ang expenses natin, or the mere thought na kailangang kumakain habang nagmi-meeting “lang.” Humupa na pero hindi tuluyang matatahimik ang kontrobersya sa food policy and I think it’s because to a certain extent, it challenges how Filipinos work and live.
On the other extreme naman, naging uncomfortable din naman ako dati sa work environment ng isang kumpanyang pinagraketan ko nu’n. Masarap at madami ang mga pagkaing lutong-bahay pa! Sa bahay mismo ng mag-asawang may-ari ng kumpanya. Ang feeling ko tuloy naka-hostage ako, na “Putang ina! Mag-isip ka ngayon dahil pinakain kita!” Ang weird lang.
At a recent wine-and-cheese party (WINE AND CHEESE?!) ay nagtatanungan kami ng kung anu-anong pa-profound shit about each other. I forgot the question pero ang sagot ko something like me loving the fact that when I eat at my parents’ house I don’t have to worry about paying for my meal. Hindi nga naman kasi exactly libre ang mga pagkain sa meeting kasi you are still expected to work for it. Sa bahay, niluto na nang may pagmamahal, sigurado ka pang mahal na mahal ka ng mga kasalo mo. Nai-imagine ko tuloy ang mommy ko kapag naka-blouse at shorts (never daw siyang magsusuot ng bestida/daster kasi baduy daw ‘yun) at nakataas pa ang isang paa sa upuan habang kumakain kami ng pritong galunggong at labong na may saluyot. ‘Yang ang tunay na SARAP na walang anumang guilt!
(This blog entry is brought to you by Maggi Magic Sarap and Knorr Real Sarap)

Sunday, May 17, 2009
Modern Pet Peeve: EXTREME Camwhoring
Except for a small period when I was applying for the UP Mountaineers when I got a Kodak KB10 so I can take great photos of Mt. Pulag, I never owned a camera. Even the cameras in my cellphones were rarely, rarely used. OK lang naman kasi ang dami namang photography enthusiasts sa UPM so well-documented naman ang mga climbs ko, du’n na lang ako kumukuha.
Nu’ng naging digital, halos lahat na rin may cameras so wala na ring problema. Ang advantage nga ng wala kang camera, ikaw ang laging nasa mga picture kesa du’n sa mga kumukuha siyempre. Mas lalo pang napadali ang mga buhay nating nagkaroon ng mga social networking sites na’yan. Grab lang nang grab.
Masaya naman talaga magpiktsuran…
But lately, this trend has reached irritating proportions. Na-realize ko ‘to nang nasa isang party ako recently (rowers!) at hala walang tigil ang pag-flash ng camera. OK lang naman sa simula, siyempre, pero walang tigil talaga! As in lahat ng tao parang si Princess Diana na dapat bawat kilos makunan. Hindi ba puwedeng mag-enjoy naman tayo nang walang kuha nang kuha ng pictures? Like, have you been in a situation na ang saya-saya n'yong nagpo-pose ng picture tapos lahat ng lang ng tao ipapasa 'yung camera nila du'n sa kumukuha tapos nagiging chore na'yung pagngiti kasi nga ang tagal na nang piktsuran! Kaya nga may Multiply/Facebook or whatever para puwede namang mag-share ng photos, 'di ba? Kailangan ba nasa camera mo mismo ang mukha ng mga taong ngawit na sa kangingiti?
Tumindi pa ngayon dahil usung-uso na nga ang SLR. Warning, bichy comment: Marunong kasi akong mag-drawing kaya siguro matagal-tagal kong na-grasp ang concept na art ang photography kasi parang wala namang kailangang masyadong skill haha. Point and shoot lang naman ang concept ko nu'n sa photography. Ngayon pinagsisisihan ko nang hindi ko kinuhang elective ‘to sa college. But now, ewan ko parang nagiging instamatic na lang ang SLR sa’kin because just about anybody who can afford it has those big, bulky high-end digital cameras. (Minsan nga kahit hindi afford, you’d be surprised at the great lengths these enthusiasts – some would say “posers” – would go through just to save up for the latest SLR accessory.) Ngayong nagkalat na ang mga photographers, nagbunga ngayon ito ng talagang mas naakaasar na behavior na extreme camwhoring.
At that same party, there was this group of boys(!) na mula nang dumating sila hanggang sa umalis ako hours after ay hindi na nagsawa sa kaiisip ng mga bagong poses at facial expressions para kunan ng cameras! I don’t get it. Meron na bang bagong party ngayon, ang posing party? Just look at how many personal sites are out there filled with “professionally photographed” portraits.Poser models for poser photographers.
Ack!

Wednesday, May 13, 2009
Aanhin ang Ganda, Kung ang Ka-meeting Basura?
Na-realize kong naniniwala pala ako sa fashion psychology. Hindi ko alam kung meron talagang ganu’ng term, pero ‘yun ‘yung paniniwala kong your clothes and haircut will determine your behavior, and how people perceive and treat you.
Kaya pala napapa-nod ako sa monologue ni Meryll Streep sa The Devil Wears Prada where she calmly lambasts her assistant for acting like she’s “exempt from the fashion industry” when the sad cerulean jacket she was wearing “was chosen for her…from a pile of stuff” by people in fashion. Maglalagay sana ako ng link sa youtube nu’ng scene na sinasabi ko kaso na-delete na pala sa favorites ko due to “copyright claims from fox.” Putsa talagang mga greedy corporate intellectural property rights kuno faking shit ng mga kanong ‘yan, o! Malimas sana kayo ng swine flu! (Pasensya na, alam ko bad joke pero nanggagalaita lang talaga ako at hindi ko na mapapanood ang napakaikli at profound na eksenang ‘yun! Grrr!)
Anyway….
Such a eureka moment na ma-identify mo ang isang bagay na matagal mo na palang pinaniniwalaan at pina-practice. Natutunan ko siguro ‘to sa aking mommy monster na isang babaeng mahilig mag-ayos. Ang kanyang teaching na kinowt pa nina Gelli de Belen-Rivera at Carmina Villaroel, “Sa panahon ngayon, kapag ang babae panget, kasalanan na niya.”
Importante ang substance, ang talent, ang galing. Pero dapat ma-convey mo ang mga kakayahan mo sa mga taong dapat maka-gets nito.
Meron akong mga nakatrabaho noon na isang babaeng direkto, at isang babaeng TV executive. Parehong matangkad, tisay, long hair, sosyal ang dating, galing sa sosyal na schools, matatalino, ‘yung isa dati pang model. Pero ewan, gusto yatang ipakitang kaya nilang maging successful at karespe-respeto nang hindi dahil sa maganda sila kaya hayun kung magbihis parang magra-rally sa Mendiola. Panget! I’m sorry, hindi kaaya-ayang katrabaho ang ganu’n. I mean, nage-effort akong magpaganda tuwing haharap ako sa kanila, tapos ang makaka-brainstorm ko lang pala basura?
Hindi ako mababaw. Sabi nga fashionista kong master sa org ko sa UP na si Peachy, “Don’t judge a book by its cover…but packaging counts.”
Sobra akong naa-appreciate ‘yung mga babaeng nag-aayos. Marami akong kakilala na mataba, o kaya maitim, meron pang panget talaga sa paningin ko pero alam i-play-up kung anumang kakaunting ibinigay sa kanila in the looks department. May mata sa pagpili ng mga damit – and mind you, not necessarily mamahalin at branded – kaya nilang mag-accessorize, hindi sila takot mag-experiment, o magsuot ng mga pieces na usually ipinagbabawal na isuot ng mga tulad nila pero kering-keri nila. So kapag pumapasok sila sa kuwarto, alam mo agad na, “Ay, hindi mo mababasta-basta ‘tong taong ‘to.”
Nu’ng college my mom would even discourage me from wearing shorts to school kasi nga raw kapag naka-shorts ka, mare-relax ka masyado, baka hindi ka na makapag-concentrate sa pag-aaral. ‘Yung German mom naman ng isa kong kaibigan ayaw siyang naka-skinhead kasi napapansin daw niyang mas aggressive ang son niya kapag naka-gupit-electric chair. So long hair siya hanggang ngayon at name-mellow daw siya nito.
In sports, studies have shown that umpires “see red.” When a match is too close to call, umpires would more often favor the competitor in red. Sikreto kaya ‘yan ng China? Another study showed that in hockey games, the team in black or in the darker colored uniform tends to be more aggressive and rough.
A recent startling way na nagamit ko ang fashion psychology was when I was up for a promotion over a year ago. Nu’ng nalaman kong may opening, inisip ko na puwede ako sa trabahong ‘yun, so tinanggal ko ang Havaianas sa’king work attire, and in-upgrade ko ang aking wardrobe. Nagbihis ako as if I am already in that position I am eyeing. I was hired shortly after.

Thursday, May 07, 2009
Mga Naiisip Habang Umiihi
Sulit ba ang pagbabakbak at pagdi-discard ng mga perfectly functional flush urinals para palitan ng mga “waterfree” ones? Bakit hindi na lang in-off ‘yung tubig sa mga urinal na’yun? Bilib ako sa sales team ng Falcon ang dami nilang nagoyong malalaking kumpanya, expensive restaurants, and modern buildings eh ilang dekada nang naka-waterfree ang UP.
Who needs second names? Napaisip ako because an expectant friend has apparently found the perfect boy name for her baby pero naghahanap pa rin daw siya ng second name. I think it helps me a lot that without my second name, my “full name” is catchy, memorable, rolls easily in the tongue, and has sounds like who I am – reyagapay.
If two men get married, how will that destroy a straight couple’s union? If a gay couple decides to adopt a straight couple’s unwanted child, and raise that child as their own, how is that a threat to the basic unit of society?
Gusto kong hagisan ng granada ang Aruba Bar nang naka-gown, heels, at bonggang-bonggang hair and make-up. Sino gustong ayusan ako?
Nakakabanas si Martin Nievera. Pero nakakabanas ang mga sangay ng gobyernong walang magawa kundi mag-overreact! It’s a song! Mas marami pang tao sa gobyerno ang dapat multahan, ikulong, patayin dahil sa pambababoy nila sa ating bansa.
Ang dami ko nang ginawa pero hindi pa rin gumaganda katawan ko. Sabi ni Chino , at least nagagawa ko ‘yung mga nagagawa ko. Dilemma ba’to? Fit pero fat o ampaw pero lean? Ngayon, mas gusto ko na lang magkaroon ng katawang pang-display, tutal masarap din naman ‘yung pa-display-display lang.
Bakit despite his tremendous achievements gusting-gusto ko pa rin ni Manny Pacquiao na maging pulitiko? Hindi ba niya nari-realize na that’s a big, big step backwards from who he is now? Well, kapag masyado ka kasing malapit hindi mo nga naman nakikita ang big picture so dapat ilayu-layo na natin sina Atienza, Chavit, at Mike Arroyo sa kanya.
Ang OA ng Amerika. Kapag naghihirap na sila dahil sa kagaguhan nila, global recession na. Kapag may isa sa kanilang nilagnat at namatay, literal na second to the highest level na ang pandemic rating. Kelangan ba nating problemahin ang lahat ng problema ng mga whiny asses na’to? ‘Wag nga tayong maniwala. Kaya nila ‘yan. Mas matindi nga ang tinitiis natin everyday pero ang gaganda pa rin natin.
But then again sabi nga ni Cindy Kurleto, a hot model who has been around the world, and is now based in Peru with her rich boyfriend, plano pa rin niyang bumalik at mag-settle down sa Pilipinas in the future. Ang sagot niya sa startled “but why?” ng press: “You guys don’t realize how much you have it good there.”

Sunday, May 03, 2009
Si Rey Agapay ay Tunay na Lalake
Galeng ako sa Boracay dahil ang tunay na lalake hindi sa Puerto Galera nagbi-beach!
Isang linggo ako ru’n, walang pakialam sa trabaho dahil ang tunay na lalake, tambay!
Si Ace ang nagwawalis ng kuwarto namin, at nagtitiklop ng mga damit kong nakakalat sa kama dahil ang tunay na lalake burara!
Ngayon, mukha akong ulikba dahil ang tunay na lalake hindi nagsa-sunblock, lalo na sa mukha!
Hindi ako nag-fine dining-fine dining du’n, pero iba’t ibang inumin ang nilagok ko, breakfast hanggang madaling araw dahil ang tunay na lalake lasenggo!
Andu’n talaga ako sa Boracay kasi may karera ang UP Dragonboat Team dahil ang tunay na lalake hindi nagbabakasyon para mag-“relax” lang, dapat may ginagawang adbentsur!
Tinalo namin ang Ati Bugsay at ang Boracay All-Stars sa 500-meter races. Importante ‘yun sa’kin dahil ang tunay na lalake may arch-enemies!
Kaya nu’ng inalon kami nu’ng semis kaya't sila pa ang nakapasok sa finals at hindi kami sa 300-meter races the next day, sumama ang loob ko dahil ang tunay na lalake instense…pero hindi ako nagpakita ng emosyon dahil ang tunay na lalake hindi umiiyak!
Binuhos ko na lang ang sama ng loob ko sa post-race dinner. Nakipag-unahan ako sa buffet table, sumingit sa pila, hindi pinauna ang mga babaeng teammates, at binundok ang plato ng lahat ng ulam, at umulit-ulit pa dahil ang tunay na lalake masiba!
Tapos maya-maya parang sumakit na tiyan ko. Pumuslit na’ko sa hotel, naglakad papunta sa iniisteyan namin dahil ang tunay na lalake walang pakialam kahit mabasa siya ng ulan!
Hiningi ko ‘yung susi sa front desk, dali-dali akong umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto pero naabutan ako bago pa man ako nakapasok ng pinto pero ok lang dahil ang tunay na lalake, may tae sa brip.