Wednesday, December 27, 2006

 

The Party

DEC 26.  Writing this post, I’d look down at my beautiful toes to admire the latest in a string of firsts in my life – my first pedicure (Thanks, Juliet of Bench Fix-The Podium). Ang saya-saya ko pa rin the evening of my first real birthday party co-hosted with Pen.  Actually, sabi nga ni Pen, sobra naming saya nakakatakot na!  Baka kapag bumagsak kami sa ganitong high eh sobra naman kaming ma-depress…

DEC 27.  Pero two days after masaya pa rin ako so hindi na siguro dulot ng anumang kemikal itong silly grin that I just can’t wipe off my face.  At least hindi na’ko humahalakhak maya’t maya.  Hindi na darating ‘yung ine-expect kong feeling of emptiness after that wild party, ‘yung kukuwestiyunin mo kung masaya ka talaga, ‘yung mga ganu’ng drama!  Dahil shet masaya talaga ako!  Dagdag pa kasi na hanggang gabi na nu’ng party anxious pa rin kami ni Pen na baka nga mag-flop ang party namin considering the date.  Pero wala pang alas-dose nagyayakapan na kami ni Pen sa tuwa sa turn-out ng mga tao!  Yihee!

Nagpapasalamat ako kina Danny at Diane na nambuyo sa’min na magpa-party in the first place.  At talaga namang sumporta sila.  Si Danny ang forever tanggero hanggang 6AM!  Si Diane, malaking cooler for the ice lang ang ni-request namin pero nagluto pa ng roast chicken at salad which added a touch of class to our buffet table.  Salamat kay Mario for agreeing to cater the party at the last minute.  Buti na lang naalala ko na ang guwapo’t machong kaibigan naming na’to, na rower at UP Mountaineer din, eh, may thriving catering business!  At ‘di lang foods ang prinovide niya!  Maraming-marami pa.  Alam mo na ‘yon! 

Salamat sa mga kapatid ko na nagpunta.  At least nakita ng mga tao na may pamilya ako at hindi lang ako sumulpot kung saan.  It was also a convenient coming out party dahil pagpasok pa lang nila sa bahay, sinabi ko nang “Everyone, this is my brother and sister…May mga bagay tungkol sa’kin na hindi namin pinag-uusapan!”  ‘Yun na ‘yon!  My sister said that her husband enjoyed the party.  My kuya quipped that next year he’ll ask Tin-Tin and her girlfriend Maricel to come in spaghetti straps like most everyone of my guests….female guests.

Salamat sa UP Mountaineers, UP Dragonboat Team, sa Broad Ass for coming.  Siyempre, salamat kina Sunshine, Forsyth, Adrian and Herbert for blindly saying yes to hold the party at their place.  (Thank you pa kay Forsyth for showcasing his talents with the poi.)  Natuwa naman ako nang sabihin n’yong this is the largest party Broad Ass Panay has ever hosted. 

Maraming salamat sa mga nag-text na lang ng greetings and had the courtesy to send their regrets.  Mabuti na’yon kesa sa mga tanung nang tanong kung tuloy ba party, kung sino pupunta pero ang ending wala naman du’n.  Buti na lang at hindi ko na kayo pinag-aksayahan ng piso sa pagsagot sa mga walang-kuwenta n’yong tanong.  Masasabi ko lang, you missed a lot bwahahaha!

Salamat kay Dennis for documenting the event – at least the tame parts of it.  Nagpapasalamat ako sa mga boys na nag-volunteer pumunta sa tindahan para bumili ng beer, at nagihaw ng tilapi ni Pen.  Salamat sa mga nagdala ng extra beer and wine dahil nga praning na praning kami ni Pen na bumili ng maraming drinks dahil baka nga konti lang ang pumunta…’Di bale, next year, no more running to the store for more beer dahil marami na kaming bibilhin sa simula pa lang!

Maraming salamat sa mga kuwentong narinig o kaya’t nasaksihan ko mismo na lalong nagpatibay na success ang ReyPen N’yo Kami Party:

1.    Isang Asser na matagaaaaal na yatang hindi nata-touch ng lalaki (if ever man) at isang UP rower na pinagdududahan minsan ang pagkalalake ang nakita ko mismo na lumalabas ng building at sumisilip sa isang sasakyan.  Akala ko may hinahanap sila.  ‘Yun pala tsine-check lang nila kung may tao sa loob dahil du’n sila sa likod ng kotse pupuwesto para maglaplapan!  Hindi ko kinaya!  Napa-upo talaga ako sa sidewalk, behind another parked car para naman magkaroon sila ng privacy.  Pero matagal-tagal yata sila saka nag-iiba na rin ang paningin ko so kinailangan ko na talagang makabalik sa building so dali-dali na lang akong pumasok.  Hindi naman yata nila ako napansin.  ‘Wag n’yo na ring itanong kung saan ako galing at naglalakad ako sa may sidewalk sa labas.  Hindi ko rin masyado maalala, eh.

2.    Isang Powerbarkada na tuwang-tuwa sa kanyang pagiging single ang nagwala talaga!  “Liberating” is how she put it.  Isa pang Powerbarkada ang dinitch ang kanyang dinalang date para iba ang i-take home!  Sori na lang sa perennially nagmamagandang Powerbarkada who described the predominantely straight crowd as “too much water but nothing to drink.”  Hay!  Dapat sa mga sitwasyong ganyan, ikaw ang hunter!  At hunting nga ang ginawa ko! bwahahahaha!  Tensed moment nga lang ‘yung biglang pinaghahanap ako ng ilang mahaderang guests.  Naririnig ko talaga silang, “Nasaan si Rey?! Nasaan si Rey?!  Ay!  Dina-drop ang calls ko!”  Mga walang-utang na loob!  Pinainom at pinakain mo na’t lahat, ikaw pa’ng ilalaglag!

3.    Ang tanging gatecrasher that night – meaning neither Pen and I invited him – was at the party until around 3am (though I’m not sure kasi I’ve lost track of time after 10pm) prowling on a cute rower friend of Pen and I.  Ayon sa sources, pa-cute siya nang pa-cute daw at try nang try na ma-gets to no avail!

Nag-usap na kami ni Pen. Excited na kami sa 2nd ReyPen N’yo Kami Party sa gabi ng December 25, 2007!  O, mark your calendars na

Blogged with Flock


Friday, December 22, 2006

 

How Dare You Manila!

DARE MANILA ADVENTURE RACE
16 December 2006
Manila/Taguig/QC/Pasig
Extreme Concepts/San Mig Light/The North Face


Pre my libreng AR sa Sat. Pde k?

Ala ko training, tol.

Ako rin, dude. Happy pace lang.

Cge game ako, bro.

Cool man!

At muling nag-landing sa AR scene ang No. 1 All-Gay Team: Rey & Ace are “The Glamazons!”

Deadma sa tamang equipment. Bahala na checking. Wala ring maayos na trail food pero siniguro na naming maraming-marami kaming tubig this time at ayaw na naming matuyot muli tulad nu’ng sa Rudy Project!

6AM pa lang nasa Baywalk na (na hinanap-hanap pa namin kasi palipat-lipat naman ang reg area!) 11:15AM pa nag-start! Sana pala tumodo pa’ko ng part kagabi sa UPM! Pero hindi naman ako nagrereklamo, LIBRE ang karera na’to courtesy of Extreme Concepts, The North Face and San Mig Light. At de-kalibre, ha! Top triathlete/ARacer Ige Lopez ang Race Director! And it did attract some of the top racers like Thumbie, JoMac, Popo. Meron pang malaking delegation ang Club650 (Hello, Mark Montenegro)…Perfect mix talaga ng familiar and new faces sa scene…

THE “BIG” ILOCANO RACER. Kaya namiyesta rin kami ng partner ko sa kaka-boywatching! Panalo! I really like it when a man wears lycra and he knows he’s got the package to show off! Tanong nga namin, “Kanya ba talaga lahat ng ‘yan?!”

CUTE, TALL, LANKY KUYA GUARD. And so nagsimula na nga…Hanapin ang lugar na nasa picture…Maliit na picture ng maliit na bahagi ng isang malaking lugar sa malawak na Malate area. Buti na lang marami kaming napagtanungang very helpful and very cute (siyempre, pinipili namin ‘yung pagtatanungan namin) at sadya yatang may internal radar ang mga bading sa Malate kaya kasunod lang namin ang 4th and 5th teams sa takbo pabalik sa CP. At naoverteykan pa namin ‘yung dalawang ‘yun papuntang DOT (nax!). Kaso sa rapelling, dahil hindi kami prepared sa aming equipment eh naunahan na kami nang todo ng mga tao. (Ayoko na lang idetalye rito kasi baka maging malaking-malaking isyu pa.) Basta pang-12th na’kong naka-rapel down.

Puros bike na talaga. Papuntang PowerUp sa may Uniwide. Si Ace na gumawa ng challenge du’n kaya uminom na lang ako ng Coke sa plastic. Grade 4 pa yata ko last nagawa ‘yun. Then balik na ng Rizal Stadium. Kaso nakita ko na nga sina Popo at _____ na kumaliwa pabalik ng Coastal, kumanan pa kami at napadpad kami – for the first time in my life – sa BACLARAN!

Wala namang bakla ru’n! Pero punung-punung-puno ng mga tao, tindero, stalls at may mga jeep at sasakyan pa. Urban ‘yung race pero napababa talaga kami ng bike dahil imposible nang suungin ‘yung ganu’ng ka-crowded na lugar where the LRT ends! Para akong nasa Vietnam movie na lahat ng tao nagmamadaling mag-evacuate, kina-crowd nila ‘yung mga sasakyang hindi rin makaalis. Nag-retreat kami at buti nakalusot sa isang eskinita pabalik ng Roxas.

ANG MGA MASKULADO NG NATIONAL DRAGONBOAT TEAM. Tinagayan pa kami ng mga paddlers pagpasok namin sa Rizal. Buti na-sense naming spiked ‘yung drink kaya like true Filipinas eh tumanggi muna kami. We’ve got a race to finish! Batman-Tyrolean yata ‘yung ginawa ko pero siguro nakakuha ako ng 9.45 points sa swimsuit competition. Refreshing! Pero 12th pa rin kami.

BODYBUILDER SA FRIENDSTER. Sa Vito Cruz may naglalakad na malapad na papa na nakaputing sando. Binagalan pa namin ang pagba-bike para pagdaan namin sa kanya, masulyapan pa namin. “Ay! Nasa Friendster ko siya!” sabi ni Ace. Ma-add nga siya.

Sa may Krispy Kreme kami napadpad. Hanggang ngayon ba hindi pa rin natatanggal ‘yung NO BICYCLES na sign sa The Fort?! Grrr! Challenge involving numbers ang kailangang i-accomplish so nag-concentrate ako sa pagpapaypay kay Ace habang siya ang pinag-solve ko. Bobo talaga ako sa Math, eh.

Bumawi na lang ako sa next CP kung saan uubusin ang isang pack ng Aji Ichiban prunes. Favorite ko ‘yun, eh. Ang grapes at Gardenia raisin bread ay laging nasa ref ko, no. Pero kahit pala favorite mo nakakasawa rin kapag sumobra. By this time, perennial 12th na talaga ang Glamazons. Pare-parehong mukha ang naabutan namin sa CP, mauuna silang umalis, tapos bago kami umalis, ‘yun at ‘yun din ang mga kasunod namin. Nauuna d’yan sina Olive and partner, Dennis and Dip (UPM Woohoo), isang pang UPM na si Rolly and partner, another UPM team Bobong and Miles, and a couple more teams! Shet! Kinakalimutan na namin ni Ace ang happy pace-happy pace pero pinupulikat na raw siya kaya hindi rin kami maka-push. Kailangang paganahin ang utak para makalusot sa Top 10 at mag-uwi ng prize!

MESTISUHING TRACK STAR. Bike to Galleria. Tapos bike na sa bagong Sarah’s, ang Brothers. Du’n ko muling nakita sina Thumbie since the rapel CP. Pero puzzle na lang ang inaatupag nila…Kami kailangan pang tumakbo papuntang Sunken, tamaan ang target ng Frisbee, bumalik sa Brothers at saka pa lang iso-solve ang puzzle. Buti na lang may mga cute pa rin kaming nakakasabay sa paglakad sa Teacher’s Village. Naka-overtake din kami ng isang team at nasa 11th place na kami. Pero walang prize ang 11th. Tenth lang. Oh, well…

Puzzle, utak na naman. Sa photos ng isang tindahan ng picture frames at mirrors, spot the difference! Pucha! Makikipaghalikan na lang ako du’n sa babaeng marshal na Inggles nang Inggles, noh! Antagal naming natengga ru’n. Pero nagkaka-pag-asa kami kasi after nu’n, bike to the finish line na at 8 teams pa lang ang nare-release from this CP. Sa huli, ‘yung pinaka-obvious na difference pa ang huli naming namataan.

Easy bike na lang kami to Eastwood, garnering 9th place. Wala na’ko sa awarding kasi late na’ko sa meeting ko! Sayang!

Congratulations sa lahat ng nanalo, nakatapos, kumarera, sa mga marshals, sa race director, sa organizers, at para mas lalo silang ganahang gumawa ng mga libreng karera, sa SAN MIG LIGHT AT SA THE NORTH FACE! Galeng!

Thursday, December 21, 2006

 

Imajinin N'yo Lang...

I was so inspired to write this piece that as soon as the idea hit me, I immediately ran out of Starbucks to look for the nearest internet place. Kung kailan naman kelangan mo ng laptop, oo! Hinihintay ko kasi si Raz na sasabayan ko papuntang kasal ni Mel sa Tagaytay. Buti late siya nang may isang oras na ngayon at masusulat ko na rin ‘tong napakaimportanteng bagay na’to…It’s the solution to the Philippines’ problems! HAHAHAHA!

Binabasa ko kasi ‘yung Inquirer today (21 Dec 2006) at sa column ni Conrado de Quiros (There’s the Rub/ “Believe It or Not”), he seemingly cited a survey saying a third of the population wants to leave the country. At sinabi niyang this is only counting those who have the means to leave the country. Malamang daw, kung lahat ng Pilipino may pera para makalayas sa bansang ito, “you would probably be counting nearly the enture population.”

And that’s it! Ang Christmas wish ko, lahat ng tao na gusto nang umalis ng bansang ito, sana magka-means para gawin nga ‘yon. Then I will be left with a clean slate, with only the people who are truly dedicated to make this country work. After all, mas madaling ginawang Singapore ni Lee Kuan Yew ang Singapore dahil wala na silang choice kundi to make their tiny little island work. Ganu’n din ang South Korea. After their civil war, ‘yung mga dedicated pa rin to rebuild the democratic Korea, nagsibalikan from wherever they were in the world and built what is now the land of Samsung and Jewel in the Palace!

Just imagine. Kokonti ang population natin. Wala na’yung mga kaibigan mong ayaw na ayaw manood ng pelikulang Pilipino pero lagi naming nagtatanong kung ano ang latest tsismis sa mga artista natin. Wala na’yung mga taong laging nega at ang laging sambit na lang, eh, “Sa Pilipinas talaga…” o “Mga Pilipino talaga, o.” Ito ‘yung mga taong hindi na nila naa-identify ang sarili nila na Pilipino unless manalo si Pacquiao. Wala na’yung mga kritiko na nagsasabing gaya-gaya lang ang mga Pinoy pero 'pag ginagawa ‘yun ng Hollywood ang tawag nila, re-make or “international franchise.”

Just imagine! I might be left with the Ayalas na kahit imperyalistang-imperyalista ang hitsura, damang-dama mo ang pagka-Pinoy nila. Maaring ‘yung mga tipo nina MLQ3 at Conrado de Quiros na lang ang mamamayagpag sa media at ‘di ‘yung mga nansasaboy ng tubig sa mga nage-express lang ng kanilang opinion. Imagine public affairs programs na walang Cito Beltran who would proudly declare na his children don’t have Filipino passports because they will be less discriminated against abroad! Ang saya!

Ang mga artista ring matitira ‘yung tulad ni Chin-Chin Gutierrez na kita mong hindi lang para mag-land sa Time Magazine o pang-publicity lang ang kabutihan dahil she actually jumped from the second floor of their house to rescue her ailing mother out of their burning house, suffering cuts and 2nd-degree burns in the process! Bayani ka talaga, girl!

Maiiwan dito ang mga tipo ni Sir Jose Miguel Arguelles na sa kanyang Youngblood article eh dinetalye kung bakit pinipili niyang maging “titser lang” sa PSHigh kahit puwede naman siyang magtrabaho sa States. Aniya, “Call me an idealist, call me a romantic, but everytime I enter a classroom, I see 30 young faces filled with possibilities. I see faces of the future. And I realize that this country does have a good future. It’s written on my students’ faces. And seeing that is worth more than a good life spent somewhere else.” ‘Di ko nga lang sigurado kung ilan ang matitira niyang estudyante kapag nagkatotoo ang Christmas wish ko.

Matitira rin ang mga tulad ng kaibigan kong si Erica dela Cruz na pasosi-sosi pero “talagang naniniwala sa Pilipinas.” Sana magkatotoo ang mga pangarap niya para sa bansang ‘to. Erica, I told you that that conversation we had nu’ng hinatid mo’ko had such an impact on me kasi ang feeling ko nga kakaunti na lang kayo so nakaka-inspire ka talaga.

A Philippines na wala na’yung mga taong ayaw na rito. We may be less than a million for all I care. Matitira pa rin yata ang mga ilang sakim na pulitiko who would think they could finally rule, o ‘yung mga ilang malaki pa rin ang kinikita rito kahit sa anumang paraan, pero with more TRUE Filipinos in the majority of the population, mas madali-dali na lang ligptin ang mga ‘yon. Just imagine!

Friday, December 08, 2006

 

Dolphy Nag-sorry


1.    Kuwento ng isang GMA exec na umattend ng isang awards night ng mga animators last week lang kung saan pinarangalan nila si Dolphy for being the original voice of Captain Barbell sa animated series nito…

Sa kanyang acceptance speech, binati niya si Daddy Jun Magdangan, ama ng host ng affair na si Jolina:  “I would like to take this opportunity na rin to apologize sa daddy ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal.  Kamakailan kasi pumanaw ang ama ni Korina Sanchez so inutusan ko ang assistant kong tatanga-tanga (yes ginamit niya talaga raw ‘yung term na’to hehe!) na tumawag para alamin kung saan nakaburol ang tatay ni Korina.  Ang tinawagan ang tatay ni Jolina.”

“Nagulat yata nu’ng nakausap niya ang tatay ni Jolina na inaakala nga niyang patay na.  Pero hindi pa rin yata nakuntento ang assistant ko at nagtanong pa rin kung saan nakaburol ang nanay ni Jolina.” 

2.    Guest sa Mel & Joey si Allan K na merong suot na malaking-malaking kuwintas.  “Ang ganda naman niya, Allan K!”  “Ay! Ano lang po ‘to bling-bling!”  Hindi yata updated ang batikang broadcaster sa latest fashions kaya natawa ito sabay sabing, “Ikaw talaga!  Ano’ng biling-biling?! Hahaha!” 

3.    Sa meeting namin sa SOP, galit na galit na galit ang aming malaking-malaking executive producer na si Perry.  “BAKIT HINDI MO RAW SIYA SINABIHAN NA CANCELLED ANG EDITING?!”

“Nag-text po ako sa kanilang lahat…”

“NAG-TEXT KA?!  SUMAGOT BA?!”

“Hindi po.”

“SO IN-ASSUME MO LANG NA NA-RECEIVE NIYA ANG TEXT MONG CANCELLED ANG EDITING?!  GANU’N?!  IN-ASSUME MO LANG!  SAAN KA BA GRADUATE?!?”

(Nagpantig ang tenga ko sa tanong nang biglang sinagot ng halos lahat ng staff ang tanong ni Perry…)

“…SA ASSUMPTION!?”

‘Yan ang latest na hirit ngayon sa mundo ng telebisyon.

4.    Isang popular trail bike route ang Maarat, sa may Montalban.  Along the rugged terrain, meron pang mga panaka-nakang tindahan kung saan nag-uuwi ang mga siklista ng mga challenging-to-bring home merchandise tulad na lang ng isang buong langka.  Legendary na lang ang mga pamamaraan nila para masakay sa bisikleta nila ang mga ganu’ng bagay.  Pinakanaloloka ako sa kuwento ng isang siklista na natripang bumili ng buhay na bayawak.  Two hundred pesos nga lang naman.  Tinalian niya ang mga paa nito at binusalan ng tape ang bibig ng reptile at saka sinukbit sa kanyang likuran ang bayawak ala backpack.  Tuloy ang pagba-bike!

Blogged with Flock


Wednesday, December 06, 2006

 

Dolphy Says Sorry


1.    Kuwento ng isang GMA exec na umattend ng isang awards night ng mga animators last week lang kung saan pinarangalan nila si Dolphy for being the original voice of Captain Barbell sa animated series nito…

Sa kanyang acceptance speech, binati niya si Daddy Jun Magdangan, ama ng host ng affair na si Jolina:  “I would like to take this opportunity na rin to apologize sa daddy ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal.  Kamakailan kasi pumanaw ang ama ni Korina Sanchez so inutusan ko ang assistant kong tatanga-tanga (yes ginamit niya talaga raw ‘yung term na’to hehe!) na tumawag para alamin kung saan nakaburol ang tatay ni Korina.  Ang tinawagan ang tatay ni Jolina.”

“Nagulat yata nu’ng nakausap niya ang tatay ni Jolina na inaakala nga niyang patay na.  Pero hindi pa rin yata nakuntento ang assistant ko at nagtanong pa rin kung saan nakaburol ang nanay ni Jolina.” 

2.    Guest sa Mel & Joey si Allan K na merong suot na malaking-malaking kuwintas.  “Ang ganda naman niya, Allan K!”  “Ay! Ano lang po ‘to bling-bling!”  Hindi yata updated ang batikang broadcaster sa latest fashions kaya natawa ito sabay sabing, “Ikaw talaga!  Ano’ng biling-biling?! Hahaha!” 

3.    Sa meeting namin sa SOP, galit na galit na galit ang aming malaking-malaking executive producer na si Perry.  “BAKIT HINDI MO RAW SIYA SINABIHAN NA CANCELLED ANG EDITING?!”

“Nag-text po ako sa kanilang lahat…”

“NAG-TEXT KA?!  SUMAGOT BA?!”

“Hindi po.”

“SO IN-ASSUME MO LANG NA NA-RECEIVE NIYA ANG TEXT MONG CANCELLED ANG EDITING?!  GANU’N?!  IN-ASSUME MO LANG!  SAAN KA BA GRADUATE?!?”

(Nagpantig ang tenga ko sa tanong nang biglang sinagot ng halos lahat ng staff ang tanong ni Perry…)

“…SA ASSUMPTION!?”

‘Yan ang latest na hirit ngayon sa mundo ng telebisyon.

4.    Isang popular trail bike route ang Maarat, sa may Montalban.  Along the rugged terrain, meron pang mga panaka-nakang tindahan kung saan nag-uuwi ang mga siklista ng mga challenging-to-bring home merchandise tulad na lang ng isang buong langka.  Legendary na lang ang mga pamamaraan nila para masakay sa bisikleta nila ang mga ganu’ng bagay.  Pinakanaloloka ako sa kuwento ng isang siklista na natripang bumili ng buhay na bayawak.  Two hundred pesos nga lang naman.  Tinalian niya ang mga paa nito at binusalan ng tape ang bibig ng reptile at saka sinukbit sa kanyang likuran ang bayawak ala backpack.  Tuloy ang pagba-bike

Blogged with Flock


 

Visual Masturbation

Naloloka na kami sa Stanley Kubrick filmfest na inorganize ni Joaquin sa bahay niya.  Dinatnan ko ang climax ng “The Shining,” ang classic horror na punung-puno ng defining Hollywood scenes tulad nu’ng pagsilip ng deranged Jack Nicholson sa crack sa pintong in-ax niya tapos mapangutsang nagsabing, “Here’s Johnny!”  Andu’n din ang pa-singsong na delivery niya ng “Come out! Come out! Wherever you are!”  Nu’ng nagtago ‘yung batang character sa isang stainless steel kitchen cabinet, naisip naming baka ‘yun ang inspiration ni Steven Spielberg sa katili-tiling kitchen scene sa Jurassic Park. 

We breezed through another two films of his, Clockwork Orange and Space Odyssey, bago namin tuluyang pinalitan kasi nga nalalaseng na kami sa tinatawag kong “visual masturbation” ni Kubrick.  I’ve never been a fan of his mainly because my first encounter with him was not so pleasant sa “Eyes Wide Shut,” ang huling pelikula nina Tom Cruise at Nicole Kidman bago sila nagkahiwalay.  College ako nu’ng napanood ko ‘to sa sinehan at nalito talaga ako after the movie.

Sa home theater (Nax!) nina Joaquin ko na-realize na ang visual masturbation nga ni Kubrick ay mas mae-enjoy mo kapag kumakain ka ng pizza at Gonuts habang may kachika kang friends kesa kung nakakulong ka sa madilim na theater at buong atensyon mo eh narito.  But that afternoon’s viewing of “Eyes Wide Shut” proved to be less traumatic than how I remember it to be.  Siguro dahil ito na ang huling work ni Kubrick, mas familiar na ‘yung images dito na hindi na kasing-alien ng mga films na ginawa pa niya nu’ng 70’s.  Maaari ring with Cruise and Kidman involved, mas malaki na ang Hollywood intervention sa maverick director.  Even if I had to leave for a meeting nang hindi natatapos ang pelikula, parang naging isa sa mga paboritong pelikula ko na ngayon ang “Eyes Wide Shut.”  Sabi nga, ang isang magandang sining may iba kang nadi-discover tungkol dito at tungkol sa sarili mo everytime you view it.  Parang na lang ang mga librong “The Little Prince” and “Hope for the Flowers.”  Parang “My Best Friend’s Wedding.”  Parang Miss Universe 1994 at 1999.

Films, in fairness, are mainly visual naman talaga.  Na-mention ko na yata ito sa isang post reacting to the lamentation na maraming pelikula na ngayon ang magaganda lang daw ang form pero nagkukulang sa content.  Visuals din ang una rin namang pinagtutuunan sa TV.  Ang turo nga sa’min sa scriptwriting class, iuna mong isulat ang video part ng script at saka mo lalapatan ng words.  Pero mas naa-appreciate ko ang visuals na maganda na, nakaka-enhance pa sa kuwento.

Sa Mano Po 3, na-nominate ang cinematography ni JA Tadena.  (Si JA ang DOP ng aking undegraduate thesis.  Nagsisimula pa lang siya nu’n pero ngayon daw he’s one of the country’s highest paid directors of photography.)  Ang gandang-ganda akong shot eh nu’ng isang character na nagpa-kidnap kausap niya ‘yung isang amuyong na namomroblema rin.  Sa balkonahe kung saan sila nag-uusap nakikita ang façade ng isang old building na parang National Museum ang design.  Nakaukit sa bato, sa malalaking titik, ang mga salitang Labor at Justice.  Brilliant!

Sa Romy and Michelle may dream sequence na prom.  Heto hindi ko ‘to nahuli by myself kaya nalaman ko na lang when somebody pointed it out.  ‘Yung balloons du’n sa dream prom were in the shape of the ref magnets na dinidikit ng mga bully sa back brace ni Michelle nu’ng high school pa sila.  Galeng!

Unti-unti akong naging aware sa ganitong tinatawag na “film language” nu’ng high school at nababasa ko ang mga review column ni Nestor Torre.  Sa “Segurista,” pinuri niya ang bungee jumping scene ni Michelle Aldana dahil sinisimbolo raw nu’n ang risk sa pagtalon niya sa isang magulong mundo gayu’ng marami pa ring restrictions sa kanyang buhay.  Ewan ko nga lang kung minsan it’s a case of over-reading pero, well, it’s fascinating to find some signs and symbols in movies.  Nagkakaroon ng kakaibang dimension ang panonood mo hehe.  After all, may mga magagaling na direktor na nagugulat sa napakaraming meanings na nado-draw ng mga tao sa kanilang pelikula.

Para sa’kin, subtlety pa rin ang kailangan sa page-employ ng mga ganitong symbols-symbols.  Recently, pinapanood sa’kin ng mga teammates kong UP Fine Arts students ang short film na ginawa nila.  Tungkol ‘to sa isang lalakeng magkakariton.  May eksena na habang paliko siya sa isang kalye sa Maynila, inoverteykan siya ng chedeng.  Napa-cringe ako sa pagkagasgas nu’ng imagery.  Buti na lang, sinabi nu’ng gumawa na, “Nagkataon lang na nagka-chedeng d’yan.”  Ahhh…mas napatawad ko pa. 

Siguro sa mga gumagawa ng tinatawag nilang sining, more than subtlety, it’s honesty that I demand.  Pansin mo kung ginawa ang isang bagay para magpa-impress o kaya para manalo ng awards… Pansin mo ‘yan sa mga blog na maganda naman ang thought pero painful basahin kasi pinipilit nu’ng blogger na mag-English nang mag-English.  At, sorry to my teammates, makikita mo ‘yan sa mga estudyanteng mayayaman naman pero buhay ng magkakariton ang ikinukuwento sa pelikula nang walang matinding research tungkol dito. 

Galing na galing ako kay Michiko Yamamoto, ang nagsulat ng “Magnifico” at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.”  Nang malaman kong classmate siya ng isa kong co-writer, agad kong tinanong kung ano ang background niya kasi alam ko may kaya ‘yung co-writer ko so malamang hindi naman galing sa mahirap si Yamamoto na siyang backdrop ng mga gawa niyang napanood at hinangaan ko.  Ano kayang klaseng research ang ginawa niya?  O talagang magaling na magaling lang siya to pull it off with sheer imagination and sensitivity?  Sabi nga pinakabatang Hall of Famer sa Palanca Awards na si Jun Lana, hindi raw kailangang magsulat na base sa experience.  Nanalo nga raw siya ng Palanca para sa isang dulang tungkol sa mga NPA kahit wala siyang kaalam-alam tungkol sa kanila.  Hmmm...

Blogged with Flock


 

Ang Babaeng Kahoy

Singtanda ko ang bahay namin sa Marikina.  Kapapanganak ko pa lang nu’ng lumipat kami ru’n.  Ngayon nakatira na’ko sa Pasig.  Ang youngest and only girl sa’ming apat na magkakapatid ay nakatira sa bahay ng pamilya ng mister niya sa Makati.  Meron silang isang cute na cute at napakatalinong anak na lalake, si Justin Pogi-Pogi.  Since bumalik na ng Amerika ang parents ko, ang nakatira na lang ngayon sa Marikina eh ‘yung dalawa kong kuya – ‘yung panganay na bachelor (Pero hindi siya bakla, ha!  Ako lang ang may ganu’ng distinction sa amin!  In fact, ang girlfriend niya ngayon ay mas bata pa sa sister ko kaya kapag minsang natatawag ko siyang “Ate” my sister is sure to correct it with “Mas matanda pa’ko d’yan, noh.”)   My second brother lives there with his his wife three smart, cute, and rowy children: si Darryn (ang unang apo at nag-iisang babae), si Dave-Dave at si DJ.

Marami nang nadagdag, nabawas, nag-iba, at nagbago sa bahay namin sa loob ng magdadalawampu’t walong taon.  Pero ang isang naroon pa rin, na naroon na mula nang magkamalay ako sa’kin kapiligiran, isang babaeng kahoy.

About one and a half feet tall, korteng bowling pin ‘yung estatwa pero defined na defined ang pagkakaukit ng mukha niya.  Mahaba ang buhok nitong nagka-cascade pababa sa kanyang katawan na stylized na ang korte.  May isang gold loop earring na nakakabit sa kanyang kanang tenga.

For some reason, this statue has always spooked me out.  Parang nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa kapag naaninigan ko ‘yung babaeng kahoy.  Deadma ‘yung expression niya pero alam mong nakikiramdam siya sa lahat ng nangyayari sa kapaligiran niya.  Binabangungot pa’ko ng babaeng kahoy.   Minsan, napanaginipan kong bumangon ako in the middle of the night and I saw her, now with a torso and legs, holding a vase while pacing our living room.  Nang kinuwento ko siya sa mga kapatid ko, meron din silang mga na-share na dreams about her. 

Siyempre dinismiss lang ni mommy monster ang aking unfounded fears.  I’ve always been the matatakutin among her children, after all!  Gabi-gabi na lang I would beg my younger sister to let me sleep beside her.  Kung hindi siya pumayag, sa ilalim ng kama ako matutulog.  Hanggang ngayon na kaya ko nang matulog mag-isa, kailangan nakataklob ako ng kumot dahil natatakot akong makakita ng multo.  Ilong at bibig ko lang ang hindi ko tinatakpan ng kumot.  (Siguro it’s a trait developed in people who will be alone in bed for the rest of their lives.  A late old maid lola sleeps fully covered in sheets so you could just imagine my shock nu’ng bata pa’ko at nagkatabi kami sa kama tapos nagising ako na parang may covered corpse sa tabi ko!)

Lumaki na kami at napabayaan na rin ang babeng kahoy.  Hindi ko alam kung kelan siya tuluyang naalis sa bahay hangga’t makuwento ng aking sister na ang kanyang anak, bunso sa mga pamangkin ko, eh nagde-develop din ng fascination sa babaeng kahoy.  Nakita raw niya ito sa may likod bahay na nakatambak kaya binuhat niya ito papasok ng bahay.  “She said she’s getting wet, eh!”

When my siblings and I half-kiddingly confronted our mom about the mysterious babaeng kahoy:  “Bakit kayo matatakot eh Virgin Mary ‘yon!”  “Mommy, hindi ‘yun Virgin Mary!  Nakahikaw kaya siya!”  (Hmmm…come to think of it, may butas ba sa tenga si Mama Mary o deadma na lang kasi lagi naman siyang nakabelo?)  Besides, never namang dinisplay sa altar ‘yung babaeng kahoy so bullshit ‘yung excuse ni mommy monster. 

Siguro one of these days, iimbestigahan ko talaga ang origin ng babaeng kahoy.  Right now, her powers – totoo man o guni-guni – has already manifested in the next generation of inhabitants sa aming “lumang bahay sa Marikina.”

Blogged with Flock


 

Sa'kin ang Buto

Hinahati-hati ang mangga.  Sa kanila ang pisngi pero sa’kin ang pinakamasarap na parte – ang buto.  Sisipsip mo ‘to hangga’t magmukhang ‘tong bunot with the fibers sticking out.  Masyadong maasim ‘yung manggan sa pisngi.

Kapag bangus ang ulam, sa akin ang pinakamalaki at pinakamasarap na parte – ang buntot!

Sa owner jeep, I get to sit between mommy and daddy.  Du’n kasi ako sa space between their seats, sa sahig ka-level ng kambyo.  O kung sa likod naman, nakasiksik ako sa may gilid para nasa may likuran lang ako ni daddy or ni mommy. 

Nu’ng lumaki na ‘yung mga kuya ko, masikip na kaming tatlo sa room nila so du’n na’ko sa room nang aming bunso’t nag-iisang kapatid na babae.  Nu’ng mag-start siyang magdalaga, we turned daddy’s studio into my own room, finally!  Pero naandu’n din ang lahat ng gamit ng daddy ko at ‘yung ibang malalaking appliances at du’n din namamalantsa.

Middle child ako.

Blogged with Flock


This page is powered by Blogger. Isn't yours?