Monday, March 19, 2007

 

Si Bush Yata Producer ng '300'

Much has been said about the breathtaking visuals of “300.”  Sabi ng kaibigan kong commercial director, nakikini-kinita na niyang magde-demand ang mga client na magmukhang 300 ang TVC.  Review naman ng aking Production Manager, “Ang ganda-ganda ng video!”  Lagi raw niyang nasasambit sa mister niya habang nasa sinehan na “Ang tagal siguro i-render niyan!” 

Ako naman lalong naintriga sa mga kuwentong gumigiyera raw nang naka-brief ang mga Spartan sa pelikula.  So kahit hindi talaga ako mahilig sa mga action movies, lalo na sa mga period action movies (nag-walk-out kaya ako sa Troy kasi na-bore ako; saka medyo weird ‘yung date ko nu’n), sumunod ako kagabi sa nagmumukmok na Skeeter (hindi ako ang dahilan ng page-emote niya, ha, but that’s another story) upang manood ng 300.  Nayaya ko na rin si Nana kahit napanood na niya ito.  Pagdating sa Gateway, tinawag kami ni Charky, isang kasama sa Broad Ass na matagal na naming hindi nakikita.  Tapos nasa pila naman ng popcorn si Sheila at ang boyfriend niya.  Naku!  Mukhang 300 pa kaming magkakakilala ang pinagtagpu-tagpo ng cosmos sa cinema 5!

At ang ganda nga ng video ng 300!  Sabi nga ng review ng isang male film critic, tinubuan siya ng ovaries just by watching 300.  Well, ako gumising kinabukasan na nagdududuwal.  Nabuntis yata ako sa kapapanood sa Spartans na napaka-spartan ng costume na wala nang ibang ginawa sa buong pelikula kundi makidigma! 

Pero halfway into the movie eh nakakaamoy ako ng Bush agenda sa pelikula.  Ang tanging lusot lang siyempre sa aking conspiracy theory ay ang fact that the movie is based on a graphic novel - material that could have been written way before Bush waged war on Iraq.  Gusto ko sanang i-research ang graphic novel na’to pero as usual palpak ang free wifi ng Galleria.  Nakakainis!  Kung ‘yung mga ginastos nila sa mga tarps para i-advertise ang kanilang free wifi eh nilagay nila para magkaroon ng reliable wifi sa mall na’to ‘di sana…

Anyway, I congratulate the White House PR efforts behind the production of this superb movie.  At suwerte rin nila na merong graphic novel that actually exploited the Spartan-Persian Wars (I think there is a more historically accurate term to this event na hindi ko na maalala.  Persian Wars lang yata…)

Sa pelikula, ang “Brave 300” represent the American soldiers deployed in Iraq to fight for “justice, freedom.”  Sa totoo lang, mas apt din ‘yung unang reason for the war du’n sa movie which is “earth and water.”  America is still stuck in its imperialist mindset na para sa kanila, hindi perfect ang mundo hangga’t hindi lahat ng bansa bilib sa sistema nila.  Water, of course, could very well represent oil which we all know is the real reason why Bush invaded Iraq.

Weary na ang American soldiers and their war is getting more and more unpopular kaya 300 is a perfect rallying movie to boost morale – that there is glory in what they’re fighting for (kahit pa mamatay silang lahat!)  Classic propaganda.

Lalo pang lumalabas ang Agenda ‘di lang sa reference to the Spartan enemies first as “Persians” (who are now, of course, the nuclear-testing Iranians) but as “Asians.”  Iraqis, Afghans, Iranians, pati Chinese at Japanese… Asians.  (Pero hindi ba sa mga sinaunang history books ang Greece ay bahagi ng Asia Minor?  Again, I’d like to do more research sana kaso nga kating-kati na’kong masulat ‘to at ilang buwan nang nakatengga ang blog ko.)

Damang-dama ang Bush sentiment sa speech ng asawa ni Leonidas:  “Send the army!”  sabi niya.  At ang tumutol sa kanya ay pinatay at tinawag na “Traitor! Traitor! Traitor!”

And what sealed the deal is the final battlecry of King Leonidas para lipulin ang kaharian ng “Terror and Mysticism.”  Ganyan yata talaga ang tingin ni Bush sa Middle East.

Again, maaaring coincidence lang naman daw dahil kung ano raw ang nasa graphic novel, ‘yun din daw ang dialogues sa movie.  In that case, pupuwedeng may pro-Bush sentiments ‘yung novelist, o kaya napakagaling talaga ng PR ng White House at nakahanap sila ng ganyang material that reflects exactly what they have to sell to the American public and to the world – that theirs is a just war against terrorism and that American troops should find glory in dying for Bush’s world vision.

Now don’t get me started on the gay-bashing undertones: the androgynous Persian god-king who wants everyone to kneel… contemptuous reference to Arcadians as “boy-loving” …


Blogged with Flock


 

'Di Puwede Iwan ang Babae sa Parlor!"

Hindi mo puwedeng ikulong ang isang lalake at isang babae sa isang kuwarto nang walang nangyayari.  Look at James and Hope.  Sabi ni Zsa Zsa Padilla, a Belo endorser, “we cannot be hypocrites to say na walang puwedeng mangyari sa ganu’n kaliit na space.”  Hmmm…

Anyway, isa pang fact of this universe na hindi puwedeng ilagay ang isang babae sa parlor (or as we call them now, salon) nang walang nangyayari. 

College: sa sobrang busy-bisihan nahayaan ko nang lumagu nang lumago ang buhok ko (hindi siya humahaba, lumalaki lang siya so hindi natupad ang pangarap ko na pagtuntong ko ng UP magpapa-long hair).  Niyaya ko si Sheila na samahan ako sa SC para magpagupit.  “O, sige basta mabilis lang kasi kelangan kong umuwi nang maaga.”  In-assure ko naman siyang mabilis lang ako gupitan so kahit madilim na ay pumayag na rin siya, at para na rin may kasama siyang mag-commute pauwi.

Sarado na barberya sa SC.  Ang bukas na lang isang parlor.  Du’n na lang ako nagpagupit.  Umupo na’ko at minadali ko pa’yung bading.  Si Sheila umupo sa may couch at nagbasa-basa ng mga magazines na luray-luray.  Maya-maya nakita ko nagpapa-shampoo na siya.  Ginugupitan na siya.  At tapos na’ko pero hindi pa’ko makaalis kasi nasa ilalim na siya nu’ng kung anumang contraption, nagpa-hot oil na rin siya.

Ending, late na rin kami nakauwi.  Ako pa’ng naghintay.

Naalala ko tuloy nu’ng high school at nagbalikbayan ang dalawang sister ng mommy ko si Auntie Fely at si Ninang Ida.  Gusto raw nila magpaparlor.  Tinuro namin ‘yung sa kanto.  Ayaw daw nila.  Du’n daw sa mall.  “Naku!  Mahal po ru’n!”  sabi ni Kuya Rexel.  “Siguro po mga 500 ang gupit.”  “Oh, that’s OK.  That’s just 10 dollars.”  Onga naman…

Pagbukas na pagbukas ng mall hinatid na namin sila ru’n.  Ako naman nagbantay na sa aming frameshop nu’n.  Sabi ko tumawag lang kung gusto na nilang magpasundo.  Ending, nagsara na’ko ng shop.  Hindi pa sila tapos.  Lahat yata ng treatment na meron si Mama Ricky ginawa nila.  Sarado na lahat ng tindahan sa Sta. Lucia, ‘yung salon binubuhay ang kabuhayan ng dalawa kong auntie.  Happy naman sila sa kanilang kulot, pedicure, manicure at tinatong kilay… 

Fast forward to two weeks ago.  Na-meet ko ang boyfriend ni Nelson Canlas na si Mike na interesadong mag-consign ng mga Pakshirts.  Dinala ako ni Nelson sa kanyang salon sa tabi ng GMA.  Since hindi naman ako familiar sa mga usapan kapag consignment, tinawagan ko na si Skeeter na pumunta ru’n tutal nasa Panay lang naman siya.  Ilang minuto lang naandu’n na si Skeet, ready to talk business.

Nagmamadali kami kasi may pupuntahan pa kaming delivery after.  Pero maya-maya, sina-shampoo na siya.  Nagpapa-blow-dry na siya.  Hayan nagme-make-up na rin. 

Wala naman akong reklamo, nakakatuwa lang ‘tong fact na ‘to about women.


Blogged with Flock


 

Motel

Nu’ng second year college ako nag-planning sem ang Broad Ass sa Subic.  6AM yata magkikita-kita sa veranda.  7AM nagising ako sa ring ng landline.  Si Wenna:  “Agapay! Nasaan ka na?!”  Tumatawa-tawa na lang ako.  Obviously, hindi ako nagising.  “Hay, naku!  Iiwanan ka na namin!  Sumunod ka na lang!”

Si Mutya rin daw na-late so kami na lang ang magkasamang sumunod ng Subic.

Summer ng 1997 ito.  Hindi pa uso ang cellphone.  Pager lang.  At wala akong pager.  Eh, maghahanap din pa lang yata ng bahay ang Assers pagdating sa Subic so ang plano magpe-page-page na lang kung saan kami exactly susunod.  Hindi namin agad na-realize na para makapag-page kami, we have to call long distance to the pager companies based in Manila.  Tuloy, naubus-ubos ang kakaunting pera namin kape-page sa members pero hindi pa rin namin matunton kung nasaan na ba talaga sila.  May problema rin kasi ng signal ang mga pager so kung nasa liblib na lugar na sila, maaaring hindi na nila natatanggap ang messages.

Basta ang ending, kumakain na lang kami ng mumurahing tinapay na binili sa isang bakery for dinner para makatipid.  Ayaw naman naming umuwi dahil para lang talaga kaming nagpagod.  We decided to make the most out of our trip in Subic kaya nu’ng naggabi na ay nag-check-in kami sa isang motel.  Sabay kaming pumunta sa front desk.  “Magkano po overnight?”  Tinignan kami ng mama.  “Mga bata pa kayo, ha.  Hindi puwede.”  Na-shock na lang kami sa sinagot ng mama.  Pinagtabuyan din kami ng dalawa pang motel.  Napakamalisyoso nila!  Pa-mhin pa’kong konti nu’n so ‘di ko namang mahirit na bading ako!

Kaya ko sinusulat ‘to ngayon kasi gusto kong ma-preserve ang whatever is left sa alaala ko sa napakasayang adventure na’to.  (Kung mapapansin n’yo, ang dami ko nang lapses.)

Basta for some reason nakatanggap yata si Mutch ng page that gave us a lead kung nasaang area sila nakahanap ng tutuluyan.  We spent our last few pesos para mamasahe papunta ru’n only to realize that the address they gave us refers to a long stretch of beach with hundreds of resorts!  Diyos ko!  Para silang nag-text na nasa “Ortigas kami” ganyan.  Buong araw na kaming naglalalakad ni Mutya.  Mga around 9PM na’to pero wala na kaming choice.  We just followed kung saan kami dalhin ng mga paa namin.  Tapos out of the blue, nakita namin ang Assers na nakatambay sa labas ng isang bungalow.  Nagyoyosi ang iba at pinag-uusapan kung nasaan na raw kami.  May parang nakakita sa’kin.  “Uy!  Si Rey!” 

Naiyak ako nang makita sila.  Lahat ng galit ko sa kanila sa naramdaman kong pagpapabaya nila naglaho at relieved na lang ako.  Si Mutya deadma lang as ever.  Rocker girl kasi.


Blogged with Flock


 

My Funny Valentine

Ngayon alam ko na ang pinapasabi ni Doc Gerry kay Adrian.  Bulok na ang blog ko.  Matatapos na ang March at heto ako, habang nagmi-meeting, nagsusulat ng blog about Valentine’s.  Actually, matagal nang naka-save ‘tong blog idea na’to sa’king Outbox pero ngayon lang ako ginanahan i-flesh out siya.

Valentine’s Week lagi tumatapat ang UP Fair.  ‘Yun din ang time na nag-launch kami ni Skeeter ng Pakshirts, ang aming t-shirt line.  Saka ko na lang ikukuwento ‘to, ha.  Ang mahalaga ‘yung nangyari sa aming second day ng pagtitinda, Wednesday.  Naka-set-up na ang selling namin ng Pakshirt at du’n ko na lang pinasunod si Toni para naman magkasama kami sa Valentine’s kahit na nagtitinda ako.

First time niyang pumunta ng UP Fair at hindi raw alam ng taxi kung saan ang Sunken Garden.  Sa tagal niyang dumating ay natukso na’ko sa mga kaguluhang pinagpapasa-pasahan sa Climbing Wall ng UP Mountaineers – alak, more alak and more…

Wala na’ko sa sarili ko nang finally tumawag si Toni na nasa labas na raw siya.  Sabi ko tumuloy na lang siya.  He insisted on me meeting him at the gate.  Alam ko na na merong surprise number so ginaya ko na lang ang mga artistang nagbe-birthday sa TV na kunwari hindi nila alam na may papasok na kaibigan nila habang nagli-lip sync sila. 

Pero magical pa rin nang nagkasalubong kami sa gitna ng kalsada at may hawak siyang bouquet of roses.  Ang ganda-ganda ko! 

Mula sa tapat ng Educ bumaba na kami sa Sunken Garden at naglalakad ako amidst the crowd na may hawak na bulaklak at nakaakbay ang boyfriend ko sa’kin.  Ang ganda ko talaga!  (Pero nakaka-conscious din, ha.  Dinededma ko na lang ang mga nagtitinginang tao o puwede rin namang praning lang ako sa sobra kong conscious.)

Maya-maya isang matandang mamang naka-sando at shorts ang kumalabit sa’kin habang bumibili kami ng popcorn.  “Nalaglag sa bulaklak mo,” sabay abot sa’kin ng gold ribbon.  Nakakahiya.

Na-feel ko pang gusto akong hiritan ng mga tao pagbalik ko sa UPM pero nahiya na rin sila hehe.  Pero honestly, hindi ako masyado happy sa hitsura ng bulaklak.  Masyadong cliché ang pagkaka-arrange sa tingin ko until sinabi ni Toni na siya bumili ng mga bulaklak sa Dangwa at siya na ang nag-arrange!  Ay!  Biglang naging ito na ang pinakamagandang bouquet sa buong mundo.  “Ako mismo ang nag-arrange.”  That’s one sentence na sweet marinig from a gay boyfriend pero delikado ka, girl, kung ‘yung boyfriend mo mismo nag-arrange ng bouquet.  Magduda ka na! 

Ang ganda rin ng coincidence nito kasi just the day before Valentine’s may nakita akong libro sa apartment ni Skeeter about the art of Japanese wrapping, apparently iba pa siya sa “Ikebana” na Japanese flower arrangement.  And Toni worked in Japan for years din.  Wala lang, cosmic.

Anyway, ano pa ba’ng nangyari?  Sa totoo lang, everything else was a haze.  Alam ko hindi ko na siya makausap nang maayos kasi nga because of my substance abuse earlier.  Nariyan ‘yun nakita kong dumating sina Paolo and Kate wearing their matching Pakshirts (“Pakshirt” kay Kate at “Pakshirt Ka Rin” kay Paolo) tapos sabi ko, “Hey! You’re here” only to realize na matagal ko na silang kakuwentuhan kanina.

Heto pa’ng sidelight.  Matagal na’kong ‘di nakakapagpa-laundry nu’n so ‘yung mga underwear na hindi ko talaga ginagamit ang suot ko.  Ngayon kapag nakaupo ako sumisilip ang aking red t-back.  Binubulungan tuloy ako ng mga kaibigan ko.  Feeling nila sadya akong nagsuot nu’n kasi Valentine’s at darating ang jowa ko.  Kinukuwento ko sa kanila ang totoo pero hindi sila makapaniwala.  Too much of a coincidence nga naman pero totoo.

So ‘yun.  Had a funny and great Valentine.  Now enough about me, how was your Valentine’s?

Blogged with Flock


 

"Leakage"

Para makabawi sa napakatagal na hiatus ko sa pagba-blog, ia-upload ko ang mga scripts na sinulat ko for Starstruck the Next Level.  Mga acting exercises 'to for the kids.  Para sa mga writers, excited kami usually sa mga ganito kasi ito 'yung chance namin na makapagsulat ng narratives. 

'Yung isang pinost ko dating script ("Roommates") ay pinag-iisipan nang gawing short film ni Sunshine.  'Tong mga 'to naman na-mount na ng mga directors pero open pa rin naman ako kung sakaling may ibang gustong gawin siya hehe.

***

Pansinin na usually napaka-haba ng description ng mga characters.  Inisiip ko kasi na since mga amateurs ang mga gaganap, they would need all the help they could get to know their characters. 

Well, nakakatulong din siyang malaki sa writing process ko para buo sa isip ko 'yung bawat character para when I write the dialogues, they don't end up sounding the same.  At least 'yun ang tina-try kong i-achieve.

Kapag acting exercise din sa Starstruck nilalapit ko lang sa personality ng mga actors ang characters kaya lahat ng mga characters teenagers or something. 

For this script, kilala ko na 'yung mga bata so binagay ko na rin sa kanilang life experience at acting capacity 'yung characters nila.

***

"Leakage" ang final exercise ng last remaining 8 contestants ng Starstruck. 

Nakakaloka 'to kasi ang givens the material must run for two episodes (about 18mins), makaka-eksena ng mga bata si Ms Lorna Tolentino, at dapat bawat bata magkaroon ng dramatic moment. 

Napakarami kong dinaanang konsepto na nasisimulan ko lang pero 'di mabuu-buo.  Inisip ko 'yung na-hostage sila sa school, o kaya parang "Babel" na nasa jeepney silang lahat...Basta nagmi-meeting na kami wala pa rin akong concept!  Inaamin ko na lang sa Director/Headwriter na si Kuya Rommel na wala talaga akong mabuo.  Sabi niya, patay raw ako!

Pero siguro I work well under pressure kasi nu'ng naandiyan na't malapit na'kong nag-present saka dumating 'tong napakasimpleng storyline na'to.  Based siya sa experience nu'ng batch namin nu'ng high school kung saan sa final exams bago kami grumaduate eh meron ngang nakakuha ng leakage ng exams.  Naging napakalaking eskandalo niya sa school at ang batch lang yata namin ang kauna-unahang hindi ginawaran ng "Legion of Honor" medal which is supposed to be the highest recognition bestowed on any student.  Kebs!  (Saka ko na lang ikukuwento 'to kapag sinipag ako.)  Nakuha ko 'yung name ni LT na Gng. Tabil sa pangalan ng Filipino teacher at adviser ko nu'n sa Dulaang Marist.

Proud ako sa script na'to.  Si Direk Maryo J. delos Reyes pa ang nag-direct.  Nu'ng nag-meeting kami, natuwa naman siya sa material at ang pinadagdag lang niya 'yung final dialogue ni LT para naman daw masabi ang "lesson" sa story at para magka-moment din si LT.  Ang original kasi the story ended with LT slapping her son.  Maganda naman kinalabasan.  Hope you like it.  (Para akong nagde-dedicate ng kanta sa concert hehe)


LEAKAGE

ray_agapie@yahoo.co.uk

MGA TAUHAN

1.    Gng. Elizabeth Tabil (Ms Lorna Tolentino), 43, ang principal ng P. Gomez National High School.  Nagsimula bilang isang teacher na dahil sa kanyang talino at sipag ay agad namang na-promote sa pagiging principal.  Hiwalay siya sa kanyang asawa kung saan meron siyang anak, pero bihira niya itong pag-usapan.  Sa katunayan, bihira siyang magkuwento sa kanyang personal na buhay kaya halos wala siyang malapit na kaibigan sa mga administrator at faculty na eskuwelahan.  Ang tingin sa kanya ng lahat ay isang istrikta at morally upright na tao.

Malaking frustration sa buhay ni Gng. Elizabeth Tabil ang kanyang failed marriage, at insecurity niya ang pagkakaroon ng anak na hindi singtalino niya.  Mula nang tumuntong sa Grade 4 si CJ ay tinigil na niya ang pagpe-pressure rito na mag-aral nang mabuti at nang makapasok sa star section pero ‘di niya namamalayan na halata ng kanyang nag-iisang anak ang kanyang disappointment.

Ang kanyang less than ideal na family life ay ibinabaling niya sa pamamagitan ng paghubog ng mga estudyanteng kilala sa kanilang distrito ng public schools na isa sa pinakamatatalino at may pinakamataas na passing rate sa entrance exams ng UP.

Ang mga 4th Year High School Students ng P. Gomez:

2.    Christian Jacob Tabil o CJ - nag-iisang anak ni Gng. Tabil.  Bata pa lang siya nang iwan sila ng kanyang ama.  Palibhasa matatag ang loob ng kanyang ina, hindi siya gaanong mapaliwanagan sa tunay na dahilan ng paghihiwalay.  Hindi tuloy lumaking malapit ang loob niya sa sa ina, at meron pa siyang matinding insecurity na maaring siya ang dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang (ang totoo ay iniwan sila para sa ibang babae). 

Palibhasa lumaki sa anino ng kanyang inang nirerespeto, pinili niyang ‘wag na lang magpa-pressure at sadya ring hindi niya hilig ang pag-aaral.  Gustuhin man niya, hindi niya talaga kayang ma-meet ang academic expectations sa kanya ng kanyang ina.  Minsan tuloy, kinaiinggitan niya kung gaano alagaa ng kanyang ina ang mga honor students.

3.    Diane Palisoc – ang babaeng running for Valedictorian.  Karibal niya sa top spot ang kanyang first ever boyfriend na si Argem.  Valedictorian siya nang magtapos ng elementarya sa probinsiya kaya nagpasya ang pamilya niya na lumipat ng Maynila kahit mas mahirap ang buhay rito upang mas mabigyan siya ng mas magandang opportunity.  Nadatnan niya sa P. Gomez HS si Argem, ang Valedictorian ng P. Gomez Grade School, at sila na ang laging magkakumpitensiya sa pagiging Top 1.  Pero friendly naman ang kumpetisyong ito.  Sila ang madalas mag-partner sa mga project, magka-team sa mga inter-high school competitions, at study partners.  Dahil dito ay nagkadevelopan sila’t officially naging sila nu’ng summer bago sila mag-fourth year, sa isang Student Leaders’ Workshop.  Tuwang-tuwa rito si Diane dahil matagal na nga niyang crush si Argem.

Isa siyang mabait na anak, matulungin sa mga classmates na hindi nakakaintindi ng lessons, at mapagtiwala sa lahat.

4.    Argem Mendoza - running for Valedictorian din. Lumaki siyang malapit sa kanyang ama na may-ari ng isang sari-sari store at barangay kagawad pa sa kanilang lugar.  Sobra ang kanyang paghanga sa ama.

Matalino, magaling sa basketball, at guwapo, siya ang kinikilalang leader ng batch.  Malakas ang kanyang leadership skills.  Driven siya at gagawin niya ang lahat para mag-succeed.

Totoong nahulog ang loob niya kay Diane sa dalas nilang magkita pero parang mas gusto niya ang babaeng tulad ng kanyang ina na tahimik lang at supportive wife sa lahat ng achievements ng kanyang ama.  ‘Yan ang mga katangiang nakita niya kay Ria, ang editor-in-chief ng school paper.  Matalino rin at maganda ‘to tulad ni Diane pero hindi niya kumpetisyon.

5.    Ria Balatbat – isa ring honor student na tahimik, palibhasa writer.  Kasama siya ni Argem siya school paper, dito nahulog ang loob ni Argem sa kanya.  Pero kahit nagpapahiwatig ang binata sa kanya, ayaw naman niyang mag-assume sa mga intentions nito at ayaw rin niyang i-entertain ang anuman alang-alang kay Diane na kaibigan na rin niya.  Sobra siyang kinakain ng guilt sa kung anumang namamagitan sa kanila ni Argme lalo pa’t may kumakalat na na tsismis na siya ang magiging dahilan kung bakit makikipag-break si Argem kay Diane.

6.    Ina Campos – Siya ang kinaiinisan ng lahat dahil madaldal masyado at tsismosa.  Ang totoo, mabait naman siyang tao.  Naghahanap lang ito ng pansing hindi niya nakukuha sa bahay at maging sa star section dahil gustung-gusto man niyang maging officer, ayaw siyang iboto ng mga kaklase dahil nga inis sa kanya.

7.    Maita Andal - crush ng bayan dahil sa kanyang gandang namana sa kanayang amang American GI na nakabuntis sa kanyang inang dating bargirl.  Dahil dito, tsinitsismis siya ng mga inggit sa kanya na malandi.  Isa siya sa mga unang nagka-boyriend sa batch (nu’ng Grade 4 sila) pero hanggang kiss lang naman ang nakukuha sa kanya dahil ayaw niyang mabansagang pokpok.  Feeling niya lagi niyang i-prove ang sarili niya.

8.    Chino Yu - may crush kay Maita pero simple kang pumorma dahil kabarkada niya rin ‘to.  Nag-aaral siyang mabuti para maging engineer sa Kuwait kung saan DH ngayon ang kanyang ina.  Sinusustentuhan lamang ang kanyang pag-aaral ng kanyang single mom.  Nakikitira lang siya sa kanyang tito na hindi niya kasundo.  Gustung-gusto na niyang maka-graduate para maging independent na. 

9.    Ian Felix Mabanta – isa pang may crush kay Maita.  Istrikto ang kanyang mga magulang.  Kahit honor student siya, hindi pa rin satisfied ang mga ito dahil parehong Valedictorian ng kanilang batch sa P. Gomez ang kanyang kuya’t ate.  Pressured man, masiyahin at happy-go-lucky lang siyang tao.  Masaya na siyang pumapasa, at kung katambay niya sina Chino at Maita.

MGA TAGPUAN

1.    P. Gomez National High School – isang malaking public high school sa Metro Manila

2.    Bahay nina Ginang at CJ Tabil – maliit ngunit maayos at malinis


SEQ. 1. INT. 5PM, SA ISANG CLASSROOM SA P. GOMEZ NATIONAL HIGH SCHOOL. 

Kausap ng principal ng P. Gomez National High School na si Gng. Elizabeth Tabil ang pito sa pinakamahuhusay niyang graduating students.


GNG. TABIL
Kayo lang ang mga pumasa UP sa batch ninyo.  Proud na proud ang eskuwelahan sa inyo.  Lahat kayo sigurado nang gagraduweyt na may honors.  Pinagtatalunan na lang kung sino ang ranking.  Sina Diane at Argem pa rin ang naglalaban para sa Valedictorian.  Bukas ang start ng exams.  Kaya ko kayo pinatawag kasi gusto kong sabihin sa inyo na paghusayan n’yo dahil malayo ang mararating n’yo…


Ipakita ang eager at inspired faces nina Diane, Argem, Ria, Ina, Maita, Paulo at Ian habang nakikinig sa kanilang principal.

I-establish na rito ang inter-relationship ng pito:  ang pagiging in love ni Diane kay Argem, ang nawawala nang feelings ni Argem na ayaw niyang ipahalata, ang pangangamba ni Ria na luma-love triangle kina Diane at Argem.  Ang barkadahan nina Ian, Chino at Maita na binibigyang malisya naman ni Ina.

SEQ. 1-B.  SA LABAS LANG NG CLASSROOM.

Nakatayo sa may labas ng bukas na pinto ng classroom si CJ.  Dala-dala na nito ang kanyang backpack.  Mukha itong bored na bored.

Biglang siyang kakanta sa kanyang sarili.  ‘Di na niya namamalayang tinatambul-tambol pa niya nang bahagya ang pinto.

SEQ. 1-C. BACK TO THE CLASSROOM.

Biglang mapapahinto si Gng. Tabil sa pagsasalita.  Mapapabaling ang lahat ng nasa classroom sa tunog na ginagawa ni CJ.

Mahahalata ni CJ na tumigil ang ina sa pagsasalita.  Pagsilip niya sa loob, makikita niyang nakatitig ang lahat sa kanya na para bang isa siyang nakakadiring tao.

GNG. TABIL
CJ, puwede ba sa opisina ka na lang maghintay?

Maglalakad si CJ papunta sa Principal’s Office.  Maririnig na magpapatuloy sa pagle-lecture si Gng. Tabil.

SEQ. 2.  INT. SAME DAY.  PRINCIPAL’S OFFICE.

Papasok si CJ sa opisina ng kanyang ina.  Bahagyang naririnig pa rin ang muffled speech ng kanyang ina sa background. 

Lilinga-llinga siya.  Hindi siya mapakali.  Iikot-ikot siya at mangangalikot sa opisina ng kanyang ina.  Halos dito na rin siya nakatira.  Mula nu’ng bata siya, dito na siya tumatambay habang hinihintay ang kanyang ina na tapusin ang lahat ng trabaho niya. 

Sa pangangalikot niya opisina, mapapansin niya ang mga stack ng exam paper.

Magugulat siya.  Pero magkakaideya siya.  Kukupit siya ng isang exam paper.  Tutupi-tupiin niya ito at ibubulsa.

SEQ. 2-B.  CUT TO THE CLASSROOM KUNG SAAN NAGSI-SPEECH SI GNG. TABIL.

GNG. TABIL
At pag-alis n’yo ng eskuwelahang ito, sana lalo pa namin kayong maipagmalaki…

SEQ. 3.  INT. 10PM. SAME DAY.  SA SALA NINA GNG. TABIL.

Nasa landline si CJ.  Kausap niya si Diane habang hawak-hawak ang kopya ng exam paper na tupi-tupi na.

CJ
Eto, Diane.  Last na lang.  Ano ba naging epekto sa’tin ng World War II?

SEQ. 3-B.  INT. SA BAHAY NAMAN NI DIANE,

DIANE
OK lang, no.  At least nakaka-review na rin ako.  Bakit parang ang dami-dami mong tanong, ha?

SEQ. 3-C.  BACK TO CJ.

CJ
Eh, siyempre, para man lang sa huling exam ko sa high school makatikim naman ako ng perfect score!

Biglang papasok si Gng. Tabil.

GNG. TABIL
CJ!

Matataranta si CJ sa biglang pagtago ng exam paper.

GNG. TABIL
Kanina ka pa d’yan sa telepono!  Mag-aral ka!

CJ
Opo, ‘nay.  Sige, Diane, bukas na lang.

SEQ. 4.  EXT. KINABUKASAN.  SA SCHOOL GROUNDS.

Magkatabi sa isang bench sina Diane at Argem.  Masinsin silang nag-uusap.  Umiiyak si Diane.

DIANE
Ngayon mo talaga binalak sabihin ‘yan?

ARGEM
Mahirap mag-concentrate sa exam nang merong mabigat na iniisip.

DIANE
Eh, paano ako?

Tatahimik lang si Argem.

DIANE
Gusto ko lang malaman ‘yung totoo.  Dahil ba kay Ria?

ARGEM
Walang kinalaman si Ria rito.  Mas gusto ng tatay ko na pag-aaral muna ang atupagin ko.  Marami ka pang makikilala sa college.  Mahal pa rin kita. 

DIANE
Mahal din kita…

Hahagulgol si Diane kaya para hindi na siya lalong mapahiya sa harap ni Argem ay tatayo na lang siya at magmamadaling aalis.

Magkakasalubong sina Diane at CJ.

CJ
Diane, marami pa’kong papasagutan sa’yo… O, OK ka lang?

DIANE
Puwede ba, CJ, mamaya na lang?

Tuluyan nang aalis si Diane.  Magtataka’t mag-aalala si CJ para kay Diane.

CJ
Diane!

Biglang susulpot sa tabi niya si Argem.  Aakbayan ni Argem si Diane.

ARGEM
Pabayaan mo na muna siya.  Ano ba’ng kailangan mo kay Diane?

CJ
Wala nag-aalala lang ako sa kanya… Argem, pare, sa’yo may kailangan ako.

ARGEM
Sa’kin?  Ano ‘yon?

CJ
Sikreto ‘to, ha.  Kailangang-kailangan ko lang.  Puwede mo ba’tong sagutan?

ARGEM
Kopya ba ‘to ng exam mamaya?

CJ
Oo.

ARGEM
Tara, du’n tayo.  Baka may makakita sa’tin dito.

SEQ. 5.  IBANG LUGAR SA SCHOOL GROUNDS.

Naggu-group review sina Chino, Maita, Ian, Ina at Ria.

Mapapansin nilang dadaan si Diane na umiiyak.  Maiintriga ang lahat pero yuyuko lang si Ria na para bang pinipilit na ‘wag pansinin ang nakitang eksena.

INA
Uy!  Si Ria, affected!

RIA
Ha? Ano?

INA
Mukhang break na sina Argem at Diane.  At kilala ko sino ang madalas kasing tine-text-text ni Argem.

RIA
Alam mo, Ina, tama na. Hindi ka na nakakatuwa.

INA
Eh, bakit ba?  Halata namang type ka ni Argem at mukha namang type mo rin siya.  At least ngayon hindi ka na magi-guilty.

RIA
Sinabing tama na, eh!

Padabog na magbubukas ng libro si Ria at tatahimik na ito.

INA
Ay! Affected nga!

MAITA
Ina, pati ako napipikon na sa’yo.  Puwede ba alamin mo naman kung kailan tatahimik?!

CHINO
Maita, relax ka lang.  Hindi na ka na nasanay kay Ina.  Papanget ka niyan.

IAN
Oo nga.  Sige ka, baka hindi na kita crush niyan.

MAITA
Kayong dalawa talaga…

Dadaan si Gng. Tabil.  Agad na tatayo si Ina para sumipsip.

INA
Ginang Tabil!  Good morning po.  Tulungan ko na po kayo sa mga dala n’yo.

GNG. TABIL
Ay, thank you.

Maita will roll her eyes. 

Tahimik pa ring nagbabasa si Ria pero walang pumapasok sa utak niya.  Iniisip niya silang dalawa ni Argem.  Mapapatingin siya sa lugar kung saan natatanaw niyang nag-uusap sina Diane at Argem kanina.

Makikita niyang nag-uusap sina Argem at CJ.

SEQ. 5-B.  CUT SA USAPAN NINA CJ AT ARGEM.

CJ
Thank you talaga, ha!

ARGEM
Thank you din.  Basta, secret natin ‘to, ha. 

CJ
Oo naman.  Sige.

CJ exits.  Nang mag-isa na lang si Argem, parang mababaling ang isip nito sa ibang bagay.  Lilingon siya sa kinaroroonan ni Ria.  Makikita niyang nakatingin sa kanya si Ria.

Matamis ang titigan ng dalawa.

SEQ. 6.  INT. SAME DAY.  SA BOYS’ COMFORT ROOM.

Mag-isang pinag-aaralan ni CJ ang leakage na sinagutan nina Diane at Argem.  Nakaupo pa siya sa lababo at nasa tabi niya ang bukas na backpack.

Biglang maririnig niya ang malakas na usapan nina Ian at Chino.  Nagre-review ang dalawa at papasok sila sa CR.

Magmamadaling bababa mula sa kanyang pagkakaupo sa lababo si CJ.  Titiklupin niya muli ang kodigo at mag-aayos siya ng gamit.

Makakasalubong pa niya palabas sina Ian at Chino.  ‘Di niya namalayang naiwan niya sa lababo ang leakage.

CHINO
Pare, maling formula kasi ginamit mo kaya ‘di mo nakuha ‘yung sagot. 

IAN
Hindi, tama ako ru’n.  Ni-review ko kaya ‘yun.  (Makikita niya ang nakatuping kodigo) Uy! Love letter.

Bubuklatin nila ang papel.  Magugulat sila sa kanilang makikita.

SEQ. 7.  INT. SAME DAY.  SA CLASSROOM.

Pinapabasa nina Ian at Chino ang leakage kay Maita. 

MAITA
Kanino galing ‘to?

CHINO
Ewan namin.  Basta pag-aralan na natin.

MAITA
Pero cheating ‘to.

IAN
Hindi naman natin ‘to hinanap, eh.  Kusang dumating ‘tong leakage.

MAITA
‘Wag kang maingay.  Marinig ka ni Ina Tsismosa.

Naririnig nap ala kanina pa ni Ina ang usapan ng tatlo kanina pa.  Tatayo ito at lalabas ng kuwarto. 

SEQ. 8.  INT. ILANG MINUTO ANG NAKALIPAS. SA CLASSROOM.

Nasa magkakaibang sulok ng kuwarto nakaupo at parang may sariling mundong nag-aaral sina Argem, Ria at Diane.

Nakakumpol pa rin sina Ian, Chino at Maita.

Hindi namamalayan ng mga estudyante ang biglang pagdating ni Ina kasama si Gng. Tabil.

INA
Gng. Tabil, ito po, o.

Hahablutin ni Gng. Tabil ang leakage mula sa tatlo.

GNG. TABIL
Ano’ng ibig-sabihin nito?

Hindi makakasagot ang tatlo.

GNG.  TABIL
Bakit kayo nagkakopya ng exam?

Makikitang magbabago ang mukha ni Argem.  Ninerbiyusin ito.

GNG. TABIL
Ayaw n’yong sumagot!  Walang mage-exam.  Lahat kayo kakausapin ko.

INA
Lagot kayo.

GNG. TABIL
Pati ikaw, Ina.

INA
Ma’am?

GNG. TABIL
Seryosong usapin ‘to.  Kayo pa man ang mga inaasahan ko… Lahat kayo sa kuwartong ito, kailangang magpaliwanag.  Maita, sumunod ka sa’kin.

Eexit si Gng. Tabil. Halos mamatay na sa nerbiyos na susunod si Maita.  Tensyonado na ang lahat.

SEQ. 9.  INT. A FEW MINUTES AFTER.  SA PRINCIPAL’S OFFICE.

Kausap ni Gng. Tabil si Maita.  Umiiyak na si Maita.

MAITA
Kahit po sinasabi nila na maarte ako.  OK lang po ‘yun.  Kayo po ako nag-aaral nang mabuti para ipakita sa kanila na may laman po ang utak ko.  Kahit po maarte ako, hindi po ako mandaraya.  Hindi ko po magagawa ‘yon, ma’am…

SEQ. 10. INT. A FEW MINUTES AFTER.  PRINCIPAL’S OFFICE.

Si Chino naman ang umiiyak kay Gng. Tabil.

CHINO
Si Inay po maid po sa Kuwait.  Siya po nagpapadala ng pera pampaaral ko.  Gusto ko pong maging engineer tapos du’n na po kami titira kasi ayoko po sa tito ko.  Kaya nga po ako nag-aaral nang mabuti, eh.  Hindi ko naman po sinasadyang makita ‘yung leakage…


SEQ. 11. INT. A FEW MINUTES AFTER.  PRINCIPAL’S OFFICE.

Si Ian naman ang umiiyak kay Gng. Tabil.

IAN
Bubugbugin po ako ng tatay ko kapag nalaman niyang hindi ako gagradweyt. Ako lang po kasi ang inaasahan n’ya.  Sinabi ko na rin po na siya magsasabit ng medalya ko kung sakali.  Pero ngayon paano na po?  Maawa na po kayo…

SEQ. 12. INT. A FEW MINUTES AFTER.  PRINCIPAL’S OFFICE.

Sabay na pinatawag ni Gng. Tabil sina Diane at Argem.

GNG. TABIL
Ayokong magbintang pero may kutob akong may alam kayo tungkol dito.

ARGEM
Wala po, ma’am.

Kikilatisin nang titig ni Gng. Tabil si Argem.

Biglang papasok sa opisina si CJ nang ‘di kumakatok.

CJ
Nay, umuwi na po tayo.

Matalim ang tingin ni Gng. Tabil sa kanyang anak.

CJ
Ay, sorry po.  Maghihintay na lang po muna ako sa labas.

SEQ. 13. SA CLASSROOM.

Naka-detention pa rin sina Ria, Ina, Maita, Ian at Chino.

IAN
Ang tagal na’to!  Uwian na sila, o.

RIA
Huli na yatang kakausapin sina Diane at Argem.

CHINO
Lalo tayong tatagal nito, eh!

INA
Hello!  Ako kaya dapat wala rito, no!

MAITA
Anong dapat wala ka rito?  Ikaw nga dahilan kung bakit hindi tayo pinag-exam, kung bakit hindi tayo pinapauwi, baka mawala pa ang honor natin, baka hindi pa tayo maka-graduate dahil hindi mo kayang itikom ang bibig mo!

INA
Eh, bakit ako’ng sinisisi mo?  Sino ba sa’tin d’yan ang nagkukunwaring matalino lang ‘yun pala kaya nagkaka-honor dahil nandaraya!  Nilalandi mo pa’tong dalawang ‘to para sila magnakaw ng mga leakage mo!

SEQ. 14. BALIK SA PRINCIPAL’S OFFICE.

GNG. TABIL
Na-recognize ko ang sulat ng isa sa inyo sa sinagutang leakage.  Alam kong mag-on kayo kaya parang imposibleng hindi n’yo ‘to nasabi sa isa’t isa…

Maluluha na si Diane.

Hindi makakapagsalita si Argem.

Biglang maririnig ang ingay sa kabilang classroom.

SEQ. 15.  BALIK SA CLASSROOM.

Matindi ang sabunutan nina Maita at Ina.

Umaawat sina Ria, Ian at Chino pero hindi nila mapaghiwalay ang dalawa.

Papasok si Gng. Tabil.

GNG.  TABIL
Magsitigil kayo… Magsitigil kayo… MAGSITIGIL KAYOOOO!!!
Kayo pa man ang honor students.  Nakikita ko na ngayon ang mga tunay n’yong kulay!  Nakakahiya kayo!

RIA
Ma’am, ‘wag n’yo pong lahatin, please.  Siguro po may mga dahilan sila kung bakit nila nagawa ‘yon.  Pero ako po, wala po talaga akong kinalaman d’yan.  Parusahan n’yo lang po ‘yung mga may kasalanan.  Hindi po ‘yung nadadamay pati ‘yung walang kinalaman dito.

MAITA
Ako ba pinaparinggan mo?!  ‘Wag ka ngang magmalinis.  Mas masama ka.  Inahas mo si Argem kay Diane!

Magtatalu-talo na naman.  Gigitna muli si Gng. Tabil.

SEQ. 16.  BALIK SA PRINCIPAL’S OFFICE.

Tatayo si Argmen at hahablutin mula sa labas ng opisina papasok nito si CJ.

ARGEM
Ikaw may kasalanan ng lahat ng ‘to!  Ayusin mo ‘to!

DIANE
Argem, ano’ng pinagsasabi mo?  Walang kinalaman si CJ dito.

ARGEM
Anong wala?  Siya kumupit ng leakage.  Pinasagutan lang niya sa’kin.  Ngayon mawawala pang pagka-Valedictorian ko dahil sa’yo!

CJ
Bakit?  Nakinabang ka rin naman, ha.  Sinabi mo pa ‘wag kong sabihin kay Diane para mas mataas ang maging grade mo para ikaw na talaga mag-Valedictorian at hindi si Diane.

DIANE
Totoo ba’to?

ARGEM
Eh, ano kung totoo?  Ikaw ba ayaw mong maging Valedictorian?

DIANE
Handa akong mawala ‘yon basta lang makasama kita.  Hindi ko alam kung bakit hindi ko nakikita nu’n na napakasama ng ugali mo.  Lahat gagawin mo para sa medalya!

ARGEM
Akala mo wala kang kasalanan dito… ‘Yung mga tinawag ni CJ sa’yo kagabi mga tanong din sa exam.  Kaya sabit ka rin dito.  Damay-damay na’to!

Magpapalitan ng mga banta sina Argem at Diane.

Matatahimik na lang sila nang i-bang ni CJ ang pinto sa paglabas niya.  Susundan nina Argem at Diane si CJ.

SEQ. 17.  BALIK SA CLASSROOM.

Nakaupo na ang mga estudyante.  Naglalakad-lakad si Gng. Tabil.

GNG. TABIL
Wala talang aamin?

Papasok si CJ.  Nakasundo sina Argem at Diane.

CJ
Ako po…

GNG. TABIL
Wala kang kinalaman dito. 

CJ
Gusto ko lang naman pong ipagmalaki n’yo ako kahit minsan.  Gusto ko po isipin n’yo special din ako tulad nila kaya ko kinupit ‘yung exam.  Hindi ko naman po inisip na magiging ganito po, eh.  Sorry po.

Dahan-dahang lalapit si Gng. Tabil sa kanyang lumuluhang anak…

At bibigyan niya ito ng isang malakas na sampal.

Magugulat ang lahat.  Hindi nila alam kung paano magre-react.

GNG. TABIL
Ang tagal-tagal kong pinangarap na maging honor student ka… Alam mo ba ibig-sabihin ng nu’n?  Wala ‘yung kinalaman sa kung gaano kataas ng grades mo.  Kahit maka-perfect ka pa sa exam na’yan, kahit Valedictorian ka pa, kung nandaraya ka lang… nasaan ang honor du’n?

Lalabas ng classroom si Gng. Tabil.  Sising-sisi ang mga mag-aaral.

Wakas.

Blogged with Flock


 

"Altar"

Ito ang kauna-unahang acting exercise sa Starstruck.  Tawag namin "Kiss Flicks" kasi required na may kissing scene.  Ang na-assign na genre sa'kin suspense.  Si Direk Rico Gutierrez ang nag-direct.  Tuwang-tuwa ako sa treatment niya sa opening sequences wherein ang pinapakita lang niya 'yung shadow ng hooded stalker.  Ang gumanap sa Hazel ay isang Cebuana contestant so medyo may punto kaya sa final sequences we asked her to say something in Cebuano to justify it.  Sinuggest ko 'yung "Mahal na mahal kita."  Sabi ng bagets, wala na raw gumagamit nu'ng Cebuano translation nu'n kasi hindi na uso.  She ended up adlibbing something like "Ang guwapu-guwapo mo talaga." 



ALTAR

ray_agapie@yahoo.co.uk

MGA TAUHAN:
1.    MARVIN – 4th Year High School student; Guwapo, matalino at astigin kaya maraming kaibigan at maraming girls ang nagkakagusto;  May kaunting kayabangan pero mabait naman

2.    TRICIA – Kaklase ni Marvin pero dahil tahimik lang at parang wala namang friends sa school; Maganda naman pero hindi kasi nag-aayos kaya hindi lumalabas ang beauty; Sensitive at may pagkadesperado kaya nagiging bayolente nang hindi naman niya talaga intensyong manakit

PREMISE:
May secret admirer si Marvin na may konting sayad na halos malagay sa panganib ang buhay niya.

SCENE 1.  EXT.  MAG-A-ALAS-DOSE NG GABI.  ISANG MAY KADILIMANG SIDEWALK SA TABI NG DAAN.

Mag-isang nag-aabang ng jeep si MARVIN.  Naka-school unfirom pa’to:  white polo na may nameplate na nakaburda sa dibdib, black pants, shoes.  Galing siya sa bahay ng kaklase kaya ginabi. 

 May tatabi sa kanyang taong nakamaong, mabigat na jacket, shades at sombrero.  Hindi maaninag ni MARVIN ang mukha ng tao. 

Mag-iiba ng puwesto si MARVIN baka sakaling madaling makasakay ru’n ng jeep at para makalayo na rin sa kaduda-dudang tao. 

Mamaya, paglingon ni MARVIN ay nasa likod na niya ang kaduda-dudang tao.  Hindi pa rin niya maaninagan ang buong hitsura nito.  Matatakot na siya.

MARVIN
Pare, estudyante lang ako.

Ipapakita ng tao ang hawak nitong gunting.

MARVIN
Pare, teka lang.  Gusto mo cellphone ko?  Sige, pero kunin ko muna ‘yung sim puwede?  ‘Wag mo’kong sasaktan.

Biglang dadamba ng gunting ‘yung tao.  Iilag si MARVIN pero matatamaan pa rin siya.  Masasaksak siya ng gunting sa may tagiliran.

Shocked si Marvin nang makita niya ang sugat.  Matapos ang ilang segundo na hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya, biglang siyang matatauhan.  Kakaripas siya ng takbo palayo sa tao.

Tatanawin lang ng tao si MARVIN.  Maya-maya ay tatakbo ito sa kabilang direksyon.

SCENE 2.  EXT.  SAME NIGHT.  SA ISANG MADILIM NA ESKINITA.

Papasok sa eskinita si Marvin.  Mababangga niya si TRICIA.  Nakamaong at blouse lang si TRICIA.  Magugulat si MARVIN.

MARVIN
‘Wag po! ‘Wag po!

TRICIA
(Kalmado lang) MARVIN?

MARVIN
(Matatauhan.  Kakalma na pero hindi niya makilala ang babae sa harapan niya pero pamilyar ito.  Sa puntong ito, masaya na lang siya na may isang nakakakilala sa kanya sa lugar na’to.) 
Uy…uy…classmate, tulungan mo’ko may sumaksak sa’kin.

TRICIA
TRICIA.  TRICIA’ng pangalan ko.

MARVIN
T-TRICIA - Argh…

TRICIA
Delikado tayo rito.  Halika sumama ka sa’kin.

Kukunin ni TRICIA ang kamay ni MARVIN at tatakbo sila paloob ng madilim na eskinita.  Mabilis ang takbo ni TRICIA kaya medyo nahihirapang makasabay si MARVIN na nanghihina na dahil sa kanyang sugat.

FADE TO BLACK.

SCENE 2.  INT.  ISANG MADILIM NA MALIIT NA KUWARTO.

Dadalhin ni TRICIA si MARVIN sa kuwarto.  Agad niyang isasarp ang pinto.  Mapapaupo na lang sa sahig si MARVIN sa pagod at sakit.

TRICIA
Dito na lang tayo.  Safe siguro dito.

MARVIN
Aargh…Buti na lang nakita kita.  Wala akong kilala rito, eh. 

TRICIA
Marvin, puwede akin na lang ‘yung nameplate mo?

MARVIN
Ha?! Seryoso ka ba?

Parang mapapahiya kaya iibahin na lang ni Tricia ang usapan.  Sisilip si Tricia sa pinto.  Magugulat ‘to.

TRICIA
Marvin, tumayo ka na d’yan.  ‘Yung humahabol sa’tin, paparating!

MARVIN
Ha?!  Saan tayo dadaan? 

TRICIA
Sa bintana! Sa bintana!

Pupunta sila sa bintana pero maliit lang ang puwang dito.

MARVIN
Mauna ka na…

TRICIA
(Biglang parang magsesenti) Ang bait mo talaga, Marvin.

MARVIN
(Hindi masyado papansinin ang pagpapa-sweet ni Marvin dahil nagpa-panic na siyia.)  OK lang…Sige, bilisan mo.  Susunod ako sa’yo, Lisa.

Mukhang mahe-hurt si TRICIA…

TRICIA
Hindi ‘yun ang pangalan ko!

  Lulusot na si TRICIA sa bintana at agad nitong isasara ang bintana.  Mahihirapan na si Marvin na buksan ito. 

MARVIN
Huy! Lisa! Lisa!  Buksan mo’to!

Kikirot na nang husto ang sugat ni MARVIN.  Mapapaupo na lang siya sa sahig sa sobrang sakit.

MARVIN
Lisa…Lisa… LISA, TULUNGAN MO’KO! ‘Wag mo’kong iwan dito,  Lisa!!!

Biglang ba-blag ang pagbukas ng pinto!  Naandu’n na ang taong humahabol sa kanila.  May hawak pa rin itong gunting.

MARVIN
S-sino ka ba?  Ano’ng atraso ko ba sa’yo?

May pipinduting switch ang tao at may ililiwanag na kung anong altar sa isang sulot ng kuwarto.  Nasa “altar” ang iba’t ibang litrato ni Marvin.

Gulat na gulat at takang-taka si Marvin sa nakikita niya. 

Lalapit ang tao kay Marvin.

MARVIN
LISAAA!  Kung naririnig mo’ko!  Tumawag ka ng pulis!  Papatayin ako! Papatayin akooo!!!

Tatanggalin ng tao ang kanyang sumbrero, shades at jacket.  Si TRICIA pala ‘to.

Galit siya.

TRICIA
Tricia!  Tricia pangalan ko!!!  Hindi Lisa!

Litung-lito na si Marvin.  Hilo na rin siya sa sakit. 

Uupo sa harapan ni MARVIN si TRICIA.

TRICIA
Mahal kita, Marvin.  Mahal kita.  Pero hindi mo man lang ako pinapansin sa school.  Ni hindi mo nga inaalam pangalan ko pero OK lang kasi mahal kita talaga.

MARVIN
Ano’ng kailangan mo sa’kin?

TRICIA
Kiss mo’ko, please.

Magpapaubaya na si MARVIN.  Takot siya pero ayaw na niyang tumutol sa babaeng sumaksak sa kanya.

Maghahalikan sila.

MARVIN
‘Wag mo’kong patayin. Please…

TRICIA
(Parang masaya na si Tricia nang nahalikan na niya si Marvin)
Ba’t naman kita papatayin?  Mahal nga kita, eh.

Itataas ni TRICIA ang gunting.  Matatakot si MARVIN.
Biglang gugupitin ni TRICIA ang nameplate na nakaburda sa may dibdib ni MARVIN. 

Tatayo siya at ilalagay niya ‘to sa altar na ginawa niya para kay MARVIN.

Dahang-dahang tatayo si MARVIN nang mukhang tuwang-tuwa na si TRICIA na inaayos ang altar.  Maglalakad palabas ng kuwarto si MARVIN.

End.

Blogged with Flock


 

"Samurai"

Si Direk Laurice Guillen ang nag-direct ng acting exercise na'to.  Ang given dapat action-drama siya at dalawang lalake ang characters.  First time ko yatang magsusulat ng action so nahirapan talaga akong mag-isip.  Nu'ng nasa LRT2 na lang papuntang meeting ang concept sa'kin.  Ginamit ko ang  knowledge ni Toni sa Japanese at sa kanya ko tinanong pina-translate.

Na-excite ako sa concept.  May gulat factor siya kapag pine-present mo siya sa meeting at nagha-Hapon pa'ko siyempre with todo emote. 

Ang request lang ni Ms Ja siguraduhin kong tama ang mga dialogue ko.  So talagang nakailang-kulit pa'ko just to be sure.  Hindi ko rin naman gustong bigyan ng mahahabang Japanese dialogues kasi baka mahirapan ang mga amateur actors ko.  Ni-record ko pa si Toni na dini-deliver ang mga dialogues para may guide 'yung mga actors sa tamang pronunciation and everything.  I was hoping mase-stretch 'yung material into the required 5-minutes sa mga action sequence.

In fairness, kumuha pa ng fight director para i-train sina Jan Manual at Paolo Avelino.  Enthusiastic din 'yung dalawang actors.  Si Jan nagsisingit pa ng ibang Japanese words na nakukuha raw niya sa kanonood ng anime.  Kaso sadyang hindi forte ni Direk Laurice ang action kaya hindi na niya masyado 'to binusisi unlike the pure drama scripts ng co-writers ko na umabot sa napakaraming revisions.  Sa isang banda, madali for me pero ang bad, hindi ko na-exploit 'yung opportunity to work with Direk Laurice.  Sayang, sana family drama o romantic drama na lang 'yung napunta sa'kin...

At naging sobrang undertime siya (1.5 mins lang!) so sabit pa.  Sabi nga ni Perry, maganda lang 'tong script na'to sa papel pero hindi in actuality.



STARSTRUCK THE NEXT LEVEL

DRAMA FLICKS – ACTION

SAMURAI

TAGPUAN
Noong mga panahon ng samurai sa Japan; Sa isang tagong kapatagan kung saan nagduduwelo ang mga mandirigmang may alitan.

MGA TAUHAN

Si Okimoto, 17, ay lider ng isang bandidong grupong binubuo ng mga ulila at layas noong mga panahon ng Samurai sa Japan.  Isa siyang magaling na mandirigmang itinuturing na pamilya na ang kanyang itinatag na grupo kaya hinding-hindi niya mapapatawad ang mga magtataksil dito.  Naniniwala siya na ang kanyang kakaibang lakas ay nagmumula sa isang antigong samurai na ninakaw ni Okimoto.

Si Haramaki, 17, ay isang napakahusay na mandirigma na umanib kay Okimoto nang misteryosong mapatay ang kanyang ina (at tuluyan nang mawalan siya ng pamilya).  Ngunit nang matuklasan niyang si Okimoto pala ang pumatay rito para mahikayat si Haramaki na sumapi sa grupo ng mga bandidong ulila, pinasya niyang nakawin ang mahiwagang samurai ni Okimoto para ipaghiganti ang kanyang ina.

KONSEPTO

Puno ng mga Japanese dialogues ang maikling pelikula.  Naka-stylized Japanese samurai costumes ang dalawang tauhan.  May choreographed fight scenes din.

STORYLINE

Nagtagpo sa kapatagan sina Haramaki at Okimoto.  Lalong magagalit si Okimoto nang makita niyang dala pa ni Haramaki ni samurai na ninakaw nito sa kanya.  Sasabihin ni Haramaki na siya ang nararapat na may-ari nu’n dahil ‘yun ang ginamit upang paslangin ang kanyang pamilya.  Magtutuos na sila!  Subalit dahil sadyang pantay ang kanilang lakas, pareho silang mamamatay.  Ang samurai na kanilang pinag-awayan ang matitirang saksi sa madugong pagtatapos ng paglilinlangan ng dalawa.
 
SAMURAI
ray_agapie@yahoo.co.uk

SCENE 1.  EXT.  SA KAPATAGAN.  UMAGA.

Magkatapat sina Okimoto at Haramaki.  Nanlilisik ang mga mata nila.

Bubunutin ni Haramaki ang antigong samurai na ninakaw niya kay Okimoto.  Iwawasiwas niya ito na parang inaasar si Okimoto.

Dito na hindi makapagpipigil si Okimoto.  Bubunutin na rin niya ang kanyang samurai at sisigaw habang tatakbo papunta kay Haramaki.

Sisigaw na rin at aatake si Haramaki.

Maglalaban sila pero masasanggalang nila ang amba ng bawat isa dahil nga pareho sila ng lakas at husay sa pakikidigma.

Mapaghihiwalay sila at humihingal-hingal pa silang magkakatapat.  Ayaw nilang alisin ang titig nila sa isa’t isa dahil hindi nila pinagkakatiwalaan ang kilos ng bawat isa. 

SCENE 2.  FLASHBACK.  INT. SA KUWARTO NI OKIMOTO.

Nagmamadali siyang papasok sa kuwarto.  Lilinga-linga siya.  Nararamdaman niyang may nanloob dito.

Mababaling ang tingin niya sa eskaparate kung saan naka-display ang kanyang antigong samurai.

Wala na ito. 

Mapapahiyaw si Okimoto sag alit at pighati!

SCENE 3.  BALIK SA KAPATAGAN. 

OKIMOTO
Iwakemono anata hontonimo!  (Isa kang taksil!)

HARAMAKI
Anata waruy dakara!  (Dahil napakasama mo!)

SCENE 4.  FLASHBACK.  SA BAHAY NI HARAMAKI, 2 TAON NA’NG NAKALILIPAS.

Yakap-yakap ni Haramaki ang kanyang bangkay ng kanyang ina.

HARAMAKI
Okasaaaaang!!! (Inaaay!!!)

SCENE 5.  BALIK SA KAPATAGAN. 

OKIMOTO
Shinda Gai!(Patay kung patay!)

HARAMAKI
Imakara!(Ngayon din!)

Maglalaban na sila pero sabay nilang masasaksak ang isa’t isa.

Sabay din silang babagsak sa lupa.

Matitirang saksi sa lahat ang samurai.


Wakas.

Blogged with Flock


This page is powered by Blogger. Isn't yours?