Friday, November 24, 2006

 

WARNING: Parker Pens, Message Alert Tones and Non-decaf Coffee are Dangerous to Your Health! (or Ang mga Policies Ko sa Buhay)

1.    Dapat ang phone naka-silent palagi.

Siguro since I started working I always put my phone on silent whenever I fall asleep.  Ayoko kasing ginigising, lalo na ng tunog ng cellphone.  Meron din akong worry na baka boss ko ang manggising sa’kin at baka kung ano lang ang masabi ko sa pagkabanas tapos ‘pag naalimpungatan na’ko wala na’kong trabaho.

So far, I’ve never missed a call so important na pinagsisihan ko ang silent-phone-while sleeping policy na’to.  Madalas ang mga concerns na itatawag sa’yo ng disoras ng gabi eh puwede nang ipagpabukas.  Maghintay sila!  Meron ding akong feeling na if it’s a matter of life or death sapat na ang vibra mode para magising ako.  Cosmic forces will wake you up.

Sometime ago pinalawak ko pa ‘tong policy na’to by putting my phone on silent mode all the time.  ‘Pag gising naman tayo hindi nalalayo sa’tin ang telepono so ilang malalaman mo naman agad kung may nag-text o tumatawag sa’yo.  Ginawa ko rin ‘to kasi napapansin kong nagki-quicken ang pulse ko kapag naririnig ko ang message alert ng phone ko, something I don’t feel kapag nararamdaman ko lang na nagva-vibrate siya.  Menos stress, bale. 

Ang SOP co-writer ko na si Erica lagi na rin daw naka-silent ang phone.

2.    Dapat mas pinapahalagahan mo ang constants sa buhay mo.

Sinasabi ko ‘to sa mga tulad ng kabarkada kong si Carlo na minsan isasantabi ang mga important events in our friendship dahil meron siyang date.  Ang lalake will come and go pero ang mga kaibigan mo naandiyan palagi.

Parang ganito rin ang policy ko sa work.  Over time with friends, last priority ang trabaho.  Hindi na na nauulit ang time na na-miss mo with your friends and family.

Sa work ko ngayon parang nasanay na rin sila na marami akong ibang mas pipiliing gawin kesa magtrabaho so kung hindi rin lang talaga kailangang-kailangan hindi nila ako nire-require pumunta sa mga meeting o shoots. 

3.    I don’t party with the people I work with and I don’t work with the people I party with.

Mabuti nang malinaw ang lahat.  I don’t feel left out kapag gumigimik ang mga katrabaho ko nang hindi ako kasama dahil malamang hindi rin naman ako mage-enjoy kagimik ang mga taong kasama ko na buong araw sa trabaho.  Bihirang-bihira akong sumama sa mga sosyalan with officemates, at ‘yung mga rare times na ‘yun ay sinisiguro kong gusto ko talaga ‘yung mga kasama. 

Pero I still make it a point naman na hindi ako nae-alienate sa work dahil mega-PR naman ako sa trabaho.  ‘Yun nga lang, madalas, ‘pag tapos ang trabaho, ako ang unang-unang nagmamadaling lumayas!

May time naman dati na nag-volunteer si Val na i-sponsor ang dinner ng Powerbarkada para mag-brainstorm for an account she’s gonna pitch for.  Nagawa namin ang task pero hindi kami nag-enjoy.  Napagdesisyunan namin right after na we can very well afford to buy our own dinner kaya sa mga lalong kumokonting times na nagkakasama kami eh aaksayahin na lang namin ang panahon sa chikahan at asaran kesa sa brainstorming-brainstorming na ‘yan! 

Napag-usapan din yata namin na hinding-hindi kami dapat magsosyo sa negosyo at baka pag-awayan lang though enjoy na enjoy kami nu’ng iniisip namin kung magtatayo kami ng editing house na papangalanan naming “Edita!” 

4.    It’s not so much what you eat but how much.

When I started becoming conscious about my health, isa sa mga una kong na-discover (na backed naman ng study) na mas madaling magpapayat through exercise kesa diet dahil ang exercise can be fun pero diets nakakabuwiset!  Mas nasu-sustain mo tuloy ang exercise.

Pero importante rin na tignan mo kung ano’ng pinapasok mo sa katawan mo.  Ako I would usually prefer chicken or fish over pork and beef.  ‘Wag nang mag-softdrinks (kahit ‘yung Lite).  Tapos fruits and vegetables.

Pero kung nag-crave ka for cheeserburger.  Sige lang.  Mababaliw ka lang kung pipigilan mo nang pipigilan ang sarili mo.

This week nga lang na-trigger ng Krispy Kreme na dala ni Nana ang cravings ko for glazed donut.  So araw-araw akong bumibili ng box-of-6 na Amazing Glaze ng Gonuts Donuts at nauubos ko ‘to in one sitting.  The last box took me two days na to finish at ngayon cured na’ko ng aking glazed donuts addition pero pagbabayaran ko ‘yun, alam ko!  (Kanina lang, sa aking unang run in almost a month lasang donut ‘yung dighay ko as in!)

5.    Huwag bibili ng mamahaling ballpen.

Kasi mawawala lang.  Ballpen ‘yan, eh.  Nakailang meeting na’kong nakakita ng taong halos maloka sa kahahanap sa kanyang mamahaling ballpen.  Ngawa nang ngawa, linga nang linga, hanap nang hanap pati ilalim ng mesa sinusuyod. 

Eh, kung Panda ballpen lang ‘yun, kebs!  Palitan mamaya!  Mas maganda pa magsulat ang cheap na ballpen.  ‘Yung mga mahal madalas nagba-blot pa o nawawalan ng tinta in the middle of writing a letter.  Nakakainis!

Pero hindi na’ko nagbo-ballpen ngayon.  Pencil ang gamit ko sa’king planner (kaya may baon din akong sharpener and eraser) para hindi madumi kung pabagu-bago ang schedule.  Marker ang isa pang madalas na pansulat naming TV writers kasi agad mo’tong makikita kapag nag-note down ka sa script at ideal rin sa pagsusulat ng on-the-spot idiot boards kapag gusto mong sabihan ‘yung pasosyal na interviewee na “TAGALOG PLS!”

Ang sub-policy nito ay ang aking 5000-peso ceiling price for cellphones or anything else na lagi kong dala-dala sa katawan ko.  Since 1999 nakakasampung cellphones na yata ako.  May isang nabagsak at may isang nalabhan, the rest nawala!  Dati I would really throw violent tantrums kapag nawawalan ako ng cellphone kasi it violates with a basic belief of mine na ang tao mabait pero pucha ang dali-daling isoli ang cellphone, noh!  Why people would choose to turn it off, throw away the SIM and keep the phone for themselves or for profit and justify it by saying “hindi ko naman ninakaw ‘to, napulot ko lang” is so beyond me!

Kaya to save myself and my house the stress ng mga matitinding pagwawala ko nu’n, ang telepono ko ngayon walang camera, walang MMS, hindi colored.  Hindi ko rin naman pinapakinanbangan ang monotone ringtones nito.  Basta nakaka-text, nakakatawag, ayos na.

‘Yung laptop ko lang ang exception to this rule.

6.    Love is a decision.

Na-discuss ko na yata ‘to sa isang dati-dating post.  Basta ‘yung random at hindi mo nako-control na part tulad ng attraction, infatuation ay mere foundations of love pa lang.  But to love someone, you have to decide that. 

You don’t decide who you get attracted to (Ang cute kasi ni sir, eh.  Mabait pa.) but you can choose who you love (pero may asawa na siya.)

7.    “Don’t judge a book by it’s cover by packaging counts.” – Peachy Reyes

Sabi ‘to ng aking IVP sa Broad Ass.  Minsan naniniwala ako rito.  Minsan hindi.  Para siyang batas na ina-apply lang when it is convenient.

8.    The body is a wonderful machine.

Nu’ng nag-decide akong magpaka-fit, kinailangan kong tumakbo ng tatlong rounds sa Acad Oval sa unang diagnostic test ng UP Mountaineers.  From the UPM Tambayan hanggang sa UP Theater lang ang kaya kong i-slow jog tapos kailangan ko nang maglakad.  That’s just a distance of about 250 meters.  The whole time hindi ako puwedeng kausapin dahil mawawalan ako ng hininga kung sumagot pa’ko.  It took me 55 minutes to finish it the “run” (45 minutes ang cut-off time).

Ni-require akong tumakbo ulit the next day and this time natakbo ko na ‘yung full 6.6 kilometers nang walang tigil.  Isang araw lang pero nakapag-adapt na agad ‘yung katawan.  Ganyan kagaling na machine ang katawan nating lahat! 

9.    It pays to be kind.

Dati ang quick-quick ng temper ko tapos agad akong nagtataray.  Pero marami na ring beses na na-hold ko ang tongue ko at naging maganda ang resulta.  So ngayon kapag nababanas ako, I try (again the operative word is try) to pause and remember mas magandang maging kind na lang.

10.    Sabihin mo na lang kung ang totoo.

Mas mabuting sabihin mo na lang na “Hindi po ako makakapunta sa meeting kasi po may karera po ako sa weekend.” kesa mag-iimbento ka pa ng taong namatay or something.  Mas madaling maintindihin at mas madaling i-corroborate dahil totoo.  Saka nakikita ng mga tao kung nagsisinungaling ka so mas i-excuse ka pa nila kung ‘yung totoo na lang.

***
Ito naman hindi ko policy.  Sa meeting ko kanina ayaw umorder ng isa naming PR Director na known for his vanity, GQ-inspired fashions at rhinoplasty. 

Pinilit siya ng Production Manager:  “Naku!  Minsan lang tayo mabubuhay kaya kumain ka na nang kumain, noh!” 

Banat niya:  “Minsan lang tayo mabubuhay kaya ayokong mabuhay nang panget!” 

***
Naniniwala rin pala ako na sa kabila ng kakulangan ng datos ng agham na nagpo-produce ang aking katawan ng sarili nitong caffeine.  Kaya aligaga akong tao.  Puna nga ng aking Ninang Ida, “You’re restless.  Even when you’re just sitting your fingers are moving constantly.” 

Kaya hindi ako nagkakape nang hindi decaf.  Kahit mocha frap dapat decaf kundi mafi-feel kong merong great ball of enery sa dibdib ko – masikip, mabigat tapos hindi ka talaga mapakali. 

Sa kangaragan ko sa aking sunud-sunod na meeting today, at para maiba sa PR Director na ayaw kumain, umorder ako ng large iced coffee.  3PM ‘yun.  Twelve-thirty AM na pero hindi pa rin ako makatulog.  Pansin n’yo ang haba ng blog na’to…

Blogged with Flock


 

Some stories - yours and others - change you.

Bakit hindi ka na tatakbong presidente?

I feel I did not do my job well enough to deserve that position.

Iniimagine ko pa naman ikaw ang presidente, ako ang vice-president…It’s the only chance I could have to be your partner.

At umiiyak na lang siya nang umiyak. 

Kinomfort naman siya ng kaibigan niya.  Mula sa first floor ng bahay biglang narinig ang jamming ng mga orgmates nila sa videoke.  Kanta ni Mariah Carey – “love takes time to heal when you’re hurting so much…”

***

I’ve always been very close to my mom.  Lahat napagkukuwentuhan namin kaya nakakalungkot na merong isang part about me na hindi ko ma-share sa kanya.

So one time tinanong ko siya.

Ma, what if sabihin ko sa’yong I’m gay?

OK lang.  Siyempre, anak kita, eh.

Kinabukasan.

Ma, ano talaga’ng naramdaman mo nu’ng tinanong ko ‘yun?

Nalungkot ako.  Pero siyempre anak kita, eh.

***

Low point in my life?  Nu’ng nagbigay akong instruction sa doktor na “Do not resuscitate” ‘yung mom ko.

***

Low point in my life?  Sobra kaming close ng mom ko.  Feeling ko sa lahat ng mga anak niya ako ‘yung talagang nakakausap niya.  Tapos nu’ng namatay na’yung grandma ko, mother ng mommy ko, nakita ko siya nakatingin ni nilagay na sa ambulance ng funeraria ‘yung body.  Tinawag ko siya, “Ma.” 

Lumapit siya sa’kin. “Pupunta pa rin ako sa prom, ha.” 

Nakita ko talagang na-disappoint ‘yung mukha niya.  Du’n ko lang na-realize na ‘yung tingin pala niya sa’kin nu’ng tinawag ko siya, she was hoping I would say something loving.”  Hanggang ngayon hiyang-hiya ako sa sarili k

Blogged with Flock


Tuesday, November 21, 2006

 

Direk Jose Javier Reyes: The Commercial Artist on the Independent Filmmaker

It is only fitting that my Boy Abunda Day will be culminated with an interview with writer/director Jose Javier Reyes.  Tinanong niya ako kung English, Tagalog o Taglish.  “Taglish po,” thinking of how I talk (and, ultimately, write).  Pero Direk Joey proved very articulate in straight Filipino.  He was very comfortable in using “teknolohiya” which for me sounds a little too high-falluting-sounding over “technology” na malamang ay hihiramin ko na lang   for use in a Filipino statement.  Sa kanya ko narinig ang napakagandang rhythm at indayog ng ating wika. (Though, minsan naririnig ko rin ‘yun kay Cristy Fermin.)


Then nag-deviate ako from asking about the movie and asked him about his thoughts on the rise of independent filmmaking?  “Do you really want to know my opinion,” parang warning niya.  Nu’ng umoo ako mas lalong naging interesting ang usapan namin.  Hindi ko na siya masulat verbatim siyempre pero ito ang mga sinabi niya.  Wish my independent filmmaker friends could read this hehe.

Sabi ni Direk Joey, merong plus at minus side ang independent filmmaking.  Natutuwa siya na marami na ngayon na interesado sa paggawa ng pelikula ang nagkakaroon ng pagkakataon na makagawa nito.  Wine-welcome din niya ang pagpasok ng mga mas bago, mas fresh na mga ideya.  Sabi pa nga niyang “mas mahalaga sa akin ang Cinemalaya kaysa sa Metro Manila Film Festival.”

But it’s the minus side that I really took note of. Pero dahil hindi naman ako nagte-take-down notes while interviewing Direk, ‘wag n’yo na lang isiping direct quotation ito.  Maaaring na-filter na rin ng aking sariling paniniwala ang mga narinig ko mula kay Direk Joey at ang resulta ang maisusulat ko sa baba.  Still, the points raised are very valid and I can’t help agreeing.

Una.  Hindi sapat na merong independent films.  Dapat magkaroon ng independent audience.  Kung sila-sila lang ang nakakaintindi ng mga pelikula nila, hinid kumukonek sa kultura ng tao ‘yung pelikula mo.  Hindi ‘to tatagal.

Pangalawa.  Hindi lang pera ang kailangang tulong ng independent filmmaker mula sa pamahalaan.  Hindi sapat na bigyan sila ng pondo para gumawa ng pelikula.  Dapat gumastos rin para maka-develop ng independent film audience.  Ang mga theaters, for example, ay kailangang ma-equip para makapagpalabas ng mga independent films na nasa digital format.

Pangatlo.  Ano ba ang ibig-sabihin ng independent film?  May mga nagsasabi na ito ‘yung digital film.  Well, puwede ka namang gumawa ng commercial film na nasa digital format.  May mga nagsasabi na kung ito ay experimental o kaya maverick ka, independent na.  In a way siguro, oo.  Pero ang indepent film ay ‘yung ginawa outside mainstream.  But it must still be sold in the mainstream.

Pang-apat.  (And this I really agree with because I’ve observed this with some indies and even in the aspiring filmmakers pa lang).  Direk Joey doesn’t like “the arrogance that goes with being called an independent filmmaker.”  ‘Yung “condescending ang tingin mo sa commercial artist.” 

May mataray pero sensible pa siyang paalala: “Just because you’ve made the rounds of international film festivals doesn’t mean you’re made.  I’ve made the rounds of international film festivals and it means nothing.”

Blogged with Flock


Friday, November 17, 2006

 

I Hate Dayanara Torres!

Dalawang linggo akong absent sa SOP.  Pagbalik ko nu'ng Sunday guest namin si Dayanara Torres.  Knowing how Miss Universe-obsessed I am, sa'kin nila in-assign ang Puerto Rican beauty.  Since guest din siya sa SFiles later that day, parang ako ang naging official writer niya.  Tuwang-tuwa naman ako dahil bukod kay Gloria Diaz, ito ang first time kong makakatrabaho ang isang Miss Universe. 

Actually, sa lahat ng Miss Universe mula 1987 (the year I started watching), kay Dayanara ako pinaka-hindi attached dahil siya lang ang hindi ko napanood makoronahan nang live.  Meron akong kasal ang pinsan ko that May day in 1993 at ang naabutan ko na lang 'yung replay sa gabi.  'Yung end na nga lang ang nakita ko.  Plus that year I thought her first runner-up gave a much better answer to the final question about what will you tell a foreigner about your country something...Ang taray kasi ng sagot nu'ng Miss Colombia, sa ending she said something like (and this is in the words of her translator):  "I am Paula Arroyave and I invite you all to visit Colombia!"  Pero naaalal ko kay Dayanara 'yung sa semi-final round interview niya tinanong kung bakit siya nag-aaral maging dentista tapos sabi niya (she was one of the Latina contestants who speak English) "I want to teach children oral hygiene...because they are the future of the world."

Anyway, maganda pa rin si Dayanara.  Tall and slender.  Black hair, blue eyes with the most radiant smile I have ever seen.  She seemed sincere and was very smart and articulate.  At nakakaintindi pa rin siya ng Filipino despite being out of the country for seven years!  Medyo hirap na nga lang siya magsalita ngayon kasi nga wala naman siyang practice sa LA where she's now based (withe her sons aged 3 and 7). 

Pinaka-highlight for me nu'ng maka-scoop ang SFiles sa kanyang Filipina nanny.  She wanted to get in touch with her kaso hindi niya maalala 'yung family name.  Buti na lang this woman who is from Bacolod was calling GMA at naka-contact niya nag isang researcher namin.  Nu'ng na-phonepatch, nag-iiyakan talaga 'yung dalawa.  Even Dayarana's (I call her Yari, nax!) entourage was crying.  Kitang-kita mo 'yung talagang bond na na-share niya with her Filipina nanny na nag-alaga sa mga anak nila ni Marc Anthony (na jowa na ngayon ni JLo). 

As the writer, I was provided with a protocol sheet about things she wouldn't rather talk about (like the divorce with Marc Anthony, Jennifer Lopez, Aga Muhlach - OK lang daw tanungin "though she avoids mentioning his name.")  Buti na lang sa SFiles nang pina-complete namin ang sentence na "I confess, the last man I fell in love with was..."  She was candid enough to answer "My ex-husband."

Now, why do I hate her?  Well, she can't seem to remember my short name REY.  Whenever she'd try to talk to me makikita mong nagsa-struggle siyang alalahanin kung sino ako and then she'd call me DAYANARITA "because you remind me of me when I was Miss Universe!  My God!  We have the same eyes pa!"  Kainis, noh!


Blogged with Flock


 

This Diary Will Change Your Life Forever 2007

BAGONG TAONG NA-MEET:  BOSS ORLY ILACAD OF OCTOARTS

In one day, ang daming bago kong na-experience.  Nagsimula sa isang meeting ng isang TV show that I was commissioned to write for.  Pinapunta lang kami ng aming headwriter sa OctoArts Office sa Panay Avenue.  Hindi ko alam na si Boss Orly Ilacad pala mismo ang makaka-meeting namin.  Mabait naman siya.  Nakaka-fascinate lang ma-meet ang mga taong noon ay naririnig-rinig mo lang.

BAGONG PAGKAING NATIKMAN:  KRISPY KREME GLAZED DONUTS

Buong araw na’kong nagke-crave sa dalawang bagay – Amazing Glaze ng Go Nuts Donuts at Rigattoni Al’alfonso ng Cibo.  Kaya bago pa matapos ang meeting ko, eh, tinext ko na ang lahat ng Kapamilya Assers (‘yung mga taga-Broad Ass na taga-ABS-CBN, opposed to us na Kapuso Assers) at nagyayang mag-dinner sa Cibo.  Ang puwede lang sina Nana at Adrian.

Na-fulfill ang dalawang cravings ko nang nagbaba pa si Nana ng glazed donuts from Krispy Kreme!  Ang sarap, nakatatlo ako!  Pinamimigay lang ‘yun for free ng Krispy Kreme to promote themselves.  Actually meron nang nag-offer na magbigay sa SFiles kaso parang mas marami pang dadaanan kaya baka matatagalan pa’yun. 

Kung ‘di man dumating ang aming free Krispy Kreme, dadayuhin ko na lang ang bagong bukas na Krispy Kreme store sa The Fort!  (Pero after that, let’s buy Filipino and support Go Nuts.)

BAGONG LUGAR PINUNTAHAN:  THE BLOCK

After dinner, niyaya ko sina Adrian at Nana na manood ng “The Covenant.”  I’ve been hearing good things about this movie – panget daw siya pero sobrang to-die for ang mga bidang lalake na ang liliit ng mga trunks sa mga swimming pool scenes!  Para siyang male version ng The Craft pero less exciting at mas madilim!  But the guys, oh the guys!  Orgasmic talaga!  Abs kung abs!  At ang daming eksena na shirtless sila kasi natutulog o kaya nagsi-swimming o kaya nasa showers! 

Too bad hindi namin ‘to napanood sa The Block mismo kasi hindi na siya palabas.  Apat lang kasi ang cinema du’n sa pinasosyal na SM North.  Well hindi naman ako nagagawing madalas sa may North EDSA so hindi ko rin talaga mapapasyalan ang The Block.  Not really an exciting place at na-disappoint ako dahil hindi ko naman na-meet ang New Kids at si Jenny na tagaru’n daw.

BAGONG DIARY NA DAPAT BILHIN N’YO RIN:  THIS DIARY WILL CHANGE YOUR LIFE 2007

Nagsimula na ang pinakamalaking scam ngayong Christmas Season – ang Starbucks Planner.  Last Christmas nireklamo ko na’ng pagkapangit-pangit na planner na’to which is so not worth all the coffee and all the effort and all the waiting.  Pero hindi yata ako effective since nag-avail ako ng Starbucks Planner.  So this year, I will boycott it.  Dino-donate ko ang mga receipts ko sa mga kaibigan kong uto-uto!  In fairness, may isang nakakuha na kahapon at nag-text pa siya para magpasalamat sa aking contribution.

This year bibili na lang ako sa Fully Booked ng isang magandang planner.  Mahal siya pero it will still be considerably cheaper than the 2000 pesos worth of drinks na kakakailanganin kong inumin para makakuha ng Starbucks Planner.  May ek-ek pa silang proceeds will be donated to the charity.  Mag-donate ka na lang directly kesa mag-ipon ka ng stickers, noh!  ‘Pag hindi mo pa mabuo ‘yan in a month malamang maghihintay ka na nang pagkatagal-tagal for your own planner!  (Naalala ko ‘yung isang guy na nagdabog palabas ng Starbucks Galleria kasi wala pa ring planner!)  At parang they’ve really made it more difficult to get a planner this year.  Tinatatakan pa nila ‘yung mga resibo tapos you only have three days to redeem the sticker!  Grabe!  I’m sure konti na naman ang pinaprint nilang planners kaya ganyan.

Sa bookstore, nakalatag na sa may entrance ‘yung mga planners.  Pinagpipilian ko ‘yung mga planners featuring the works of Manet, Klimt, Picasso at ‘yung isa na photos from National Geographic.  Around 650 pesos lang.  Pero parang wala pa ru’n ‘yung gusto kong sulatan ng magiging buhay ko for the next year.  Until I came across, sa next table of books, THIS DIARY WILL CHANGE YOUR LIFE 2007!  Ang ganda!  699 pesos!  Pasok sa budget!  Every week merong life-changing instruction tulad ng “This week, sleep in public,”  “This week, have a nervous breakdown.”  Ang pinaka-feasible yata na magagawa ko eh “This week, enter the Miss World contest.”  Masaya siya!  Meron pa siyang website where you can connect with other people who follow the instructions on the diary!  So ‘wag na kayong magpaalipin sa overpriced kapihan na’yan!  Get THIS DIARY WILL CHANGE YOUR LIFE 2007!

Blogged with Flock


 

Maganda Ka Ba?!

1.    Before Bakekang notorious daw si Sunshine Cruz sa pagiging late sa mga taping.  One time, sa Sis, 1pm ang calltime niya pero mga 10am pa lang naandu’n na siya.  Nagtaka kami.  ‘Yun pala fresh pa sa memory nu’ng young actress ang pananabon sa kanya ni Direk Joel Lamangan nu’ng ma-late siya sa isang taping the week before.  “Si Gloria Diaz, Miss Universe, andito na!  On time!  Maganda ka ba?”

2.    Isa sa mga fairly recent Regine Velasquez hits na gustung-gusto ko ay ‘yung ‘Dadalhin.’  You know the song:  “Dadalhin kita sa’king palasyon/Dadalhin hanggang langit ay manibago/Ang lahat ng ito’y pinangako mo/Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko.”  That song was actually first recorded for an Enchanted Kingdom promotional album.  Written by SOP Musical Director Tats Faustino, whose wife yata handles marketing for EK, commissioned Tats to write a song for the album.  The palasyo, presumably, refers to the main EK structure.

3.    Tinanong raw si Polo Ravales ng mga kasamahan niya kung nasaan si Ara Mina.  “Wala.  May mind grain.”  Inevil na nina Anjo.  “Ano? Ano meron siya?”  Tinuro pa ni Polo ang kanyang mind.   “Mind grain.”

4.    Ka-text ng isang researcher namin ang isang starlet kung puwede siyang mainterview tungkol sa isang issue about her (sorry, nakalimutan ko na kung sino ‘to).  Reply ng starlet:  “Sorry, I don’t feel talking, eh.”

Blogged with Flock


 

Who Wants To Be A Writer?

Magkakilala pala ang isang college friend ko na commercial director na ngayon at isang co-writer ko sa GMA.   Magka-batch pala sila sa isang Ricky Lee writing workshop.  “Memorable ang batch namin kasi kami ang kumuwestiyon sa kanya.  ‘Bakit hindi mo ina-apply sa mga pelikula mo ‘yung mga tinuturo mo?’ Sabi niya may mga compromises daw…”

Sa kanyang review ng First Day High, muling pinaalala ni Manunuri Butch Francisco ang kapwa kahalagahan ng form at content para makabuo ng isang magandang pelikula.  He cited the Unilever-Star Cinema collaborative as an example of good form na dahil daw marami tayong mahuhusay na direktor, production designers, cinematographers, etc., but lacking in content dahil naman sa tila kakulangan ng matitinong writers.

Una sa lahat, hindi ito review ng First Day High.  Personally gusto ko sana isyang panoorin dahil kina Gerald at Geoff.  Maganda nga rin daw ang visuals nu’ng pelikula.  As for the story, well, hindi ka naman siguro bibili ng ticket ng First Day High to be blown away by its story, ‘di ba? 

Pero still, totoo ba ‘yung sinasabi ni Tito Butch na may kakulangan sa good writers?

Siyempre bilang writer (kahit ‘di man sa pelikula), sasabihin kong marami naman kami – ehem – na magagaling na writers.  Ang kulang lang ay isang creative atmosphere na mas nagbibigay-importansya sa writing process na mage-encourage sa mas maraming talented people to take up writing as their primary creative craft.

Case in point:  magkano ang budget ng isang produksyon para sa isang direktor?  Magkano lang ang sa writer?  Du’n pa lang malaki na ang disparity.  How much creative freedom ang binibigay sa isang direktor?  Ilan lang ang binibigay sa writers?

Ilan ang training courses meron for wanna be directors?  Ilan ang para sa mga gustong magsulat?  Sa UP College of Mass Communication lang, directing ang thrust ng Film and Audio-Visual Communication Program.  Ganu’n din ang sa Broadcast Communication.  Magkaibang media nga lang pero directing pa rin.  Secondary lang ang pagtuturo ng pagsusulat.  May mga writing courses sa College of Arts and Letters pero mas mabigat ang emphasis nito sa Theater at Literary Arts kesa sa pagsusulat ng pelikula at telebisyon.  ‘Di nakakapagtaka na halos lahat ng artsy-fartsy people in their karakter fashion statements mas focused sa visuals at mas gugustuhing maging direktor kesa sa magsulat. 

Kunsabagay, kung direktor ka, ikaw ang boss.  Kontrolado mo ang produksyon.  Maliban na lamang kung may matinding restriction sa budget, magagawa mo ang halos lahat ng gusto mo.  Minsan pa nga, pati producer handang maging flexible sa budget niya kapag ni-request ng direktor, eh.  Pero ang writer ang orientation niyan, “O, hanggang dito lang ang budget, ha.  ‘Wag ka nang humingi ng kung anu-ano sa script.”  The writer will make do, susunod lang ‘yan.  Kapag naipasa na ‘yung script, madalas kakalikutin na’yan nang walang halos pakundangan sa anumang creative intent nu’ng writer sa mga bagay-bagay na naandu’n sa script. 

Sa Amerika din naman mas matindi pa rin ang fascination sa directors kaysa sa writers.  Film and TV, after all, are still visual media.  Pero mas celebrated ang pagiging headwriters nina Conan O’ Brien at Tina Faye sa Saturday Night Live kesa sa direktor nito na si, sino nga ba?

This is not to put down directors.  I’ve seen directors interpret my scripts so beautifully in a way I could never have imagined them.  Kaya all the more na kailangan ng stronger training for writers kasi lumalawig na ang kaalaman at kakayahan ng mga direktor.  Sayang naman kung makakahon sila ng mediocre material.

Blogged with Flock


 

Iba Pang Pang-Wow Philippines

Sabi sa Newsbreak, 2 million tourists lang ang bumibista sa Pilipinas kumpara sa 14M sa Thailand, 16M sa Malaysia at sa kakapiranggot na 3M sa Vietnam.  The story was actually about how our Southeast Asian neighbors are wisely enticing tourist dollars by sprucing up their historical and cultural sites.  Samantalang ang mga malls ang pinambebenta nating bisitahin nila rito.

Assuming na ang mga turista ngayon gusto nila na talaga nilang ma-immerse sa kultura ng bansang binibista nila, then all we have to do is properly market already existing historical and cultural places na sa tingin ko papatok sa mga forenjers. 

Dangwa.  Napakamahal ng bulaklak sa West.  Well, kahit dito, eh.  Pero merong isang paradise na sangkatutak na bulaklak ang mabibili mo sa napakaliit na halaga.  On peak seasons like Halloween and Valentine’s 24 hours itong bukas.  Matutuwang puntahan ‘yan ng mga foreigners kasi makulay, maingay, masaya, exciting, feeling mo talaga part ka ng community na binista mo.  May mga maskuladong nagfa-flower-arrangement pa!  Perfect!  Ayusin lang nang konti ang cleanliness, ang security at parking at konting marketing pa, perfect na’to.

Policarpio Street, Mandaluyong.  Lagi nating sinasabi pinakamahaba at pinakamasaya ang Pasko dito sa Pilipinas.  Pero parang hindi pa talaga natin nama-market ito sa buong mundo.  May traditional appeal ang Pasko siguro sa mga bansang nagso-snow pero wala na ru’n ang spiritual side nu’ng Holidays.  Hindi ko nga lang sure if that will really help entice tourists pero it will add to the flavor na dito talaga espesyal ang Pasko.  Puwedeng i-package ang Policarpio sa iba pang Christmasy places like the Paskuhan Village at kahit ‘yung tindahan ng parol sa Gilmore.

The Met.  Heto sayang ‘to.  For all his efforts to promote himself hindi ko talaga lubusang magustuhan si Mayor Atienza kasi nga napakarami niyang opportunities na i-immortalize ang sarili niya by preserving the capital’s important architectural gems but instead he chooses to do so sa pagsisiksik niya sa victory float ni Pacquiao o kaya pagna-narrate sa isang daytime drama program.  Ang dami pang nasasayang na building sa Manila.  Army-Navy Club lang, eh.  Sa Singapore na-realize na with the little “natural” culture they have, they’ve got to exert extra effort (and extra money which, of course, they have) para ma-higlight ang kanilang history.  Kaya pini-preserve talaga nila ang mga kakaunting old buildings nila at ‘yun ang pinupuntahan ng mga turista ru’n. 

UP-Katipunan.  Pati mga university towns merong appeal sa tourists.  Andito ang Vargas Museum at ang Ateneo Museum.  May malalaking fields na puwede nating i-promote ang iba’t ibang sports na puwedeng i-try ng mga turista.  Ayos din ang mga kainan at establishments dito na swak sa iba’t ibang budgets at tastes.  I wouldn’t mind seeing more Norwegians jogging around campus as sports tourists.

Blogged with Flock


This page is powered by Blogger. Isn't yours?