Thursday, March 27, 2008

 

Sick-Mura

Sa trial ni former Batangas Gov. Toni Leviste (mas kilala ko siya bilang former husband ng sa tingin ko, sa tingin ko lang naman, ay isang napaka-hipokritang Loren Legarda), tumestigo ang daughter ng kanyang long-time confidante na nabaril daw niya while defending himself. Pinabulaanan ng daughter ang testimonya ni Leviste na kinompronta siya ng kanyang katiwala kaya niya ito nabaril sa kanyang opisina pa mismo. Sabi ng daughter ni Delas Alas, magsa-shopping dapat sila ng tatay niya nang pinatawag siya bigla ni Leviste...And du'n na nga siya nabaril. When asked by the press to comment about the daughter's testimony, heto reportedly ang sagot ni Leviste, "May all the people in the Philippines if I'm telling the a lie..."

AY PUTANGINA! NAGTATRABAHO AKO RITO PARA MABUHAY TAPOS ITATAYA MO LANG ANG BUHAY KO NANG BASTA-BASTA! Hay lumalabas ang pagka-corrupt government official ni Leviste (kahit na "former" na siya), para lang sa sariling agenda pati kaluluwa ng mga tao itataya...Hmmm...Sino pa ba'ng ganu'n?

***

Meron bang rice shortage? Sabi ng ibang grupo, just look at the fast-rising prices! Sabi naman ng gobyerno, relax! Pero nagpa-pledge na sila sa Vietnam ng bagong supply ng bigas, ha. Nasa Pilipinas ang International Rice Research Institute, the "oldest and largest agricultural research institute in Asia!" Tayo ang nagturo sa ibang bansa, including then war-ravaged Vietnam, kung paano mag-cultivate ng palay!

Anonangyare???

Bumiyahe ka lang palabas ng Metro Manila eh mapapaligiran ka na ng mga palayan. Tapos ngayon kulang na tayo ng supply?! Pati ba naman kasi funds para sa fertilizer at irrigation eh ninanakaw. Mismong lupain ng mga farmers, ninanakaw!

Tapos meron pa ngang suggestion ang isang government official na dapat may half-rice option sa Jollibee and other passports! Nakanamputsa! 'Yun na nga lang ang kaligayahan ng mga ordinaryong tao (yes, some people do consider a meal in Jollibee a luxury that it is done during special occasions), tapos ipaparamdam mo pa sa kanila na dapat silang magtipid...Dahil? Dahil kinurakot ninyong nabubuhay ngayon sa obscene escessiveness! Ang kakapal ng mukha niyo! Sa Congress, libre ang kanin at lahat ng pagkain ng mga congressman! Heck! Libre ang kanilang gas, trips abroad, pambayad sa kanilang luho...

Dapat sa Pilipinas kung saan staple food ang rice, rice should be in abundance that we could take it for granted. 'Di ba there's something wrong na supposedly hindi tayo mabubusog nang walang kanin pero in this country rice is sold by the cup? At pagkaliit-liit pa ng cup! Dapat dito kahit saan rice-all-you-can!

***

Lately, naglipana ang mga docus about hunger in the Philippines - ng mga pamilyang nagpiprito ulit ng mga tira-tirang nakalkal nila sa basura, ng mga pamilyang nagsasalu-salo sa Chippy kasi 'yun ang maalat na pampalasa sa kanin. Heck! Ina-advertise na nga ngayon ang arina't vetsin na instant pancit canton bilang viable na ulam! Nu'ng bata ako, parang hindi ganu'n ang positioning niyan alam ko, eh... This makes me think, ang tiyaga-tiyaga ng mga Pilipino. Kung dati nga sa Argentina talagang nagka-food riot kung saan sinugod ng mga gutom ang mga tindahan, dito grabe na ang kagutuman, amidst plenty, pero wala pa rin...

Hanggang kailan natin 'to masisikmura?

Wednesday, March 26, 2008

 

Moms Say the Darndest Things!

1. Naging teacher ang mommy ko sa Marist, kung saan din kami grumadweyt ng mga kuya ko. Oo, naging teacher ko siya. Sa History, which happens to be my favorite subject so natural lang naman na du'n ako pinakanage-excel. So 'wag n'yo nang intrigahin kung bakit Best in History ako ng batch ko. (Actually, gusto ko lang ipagyabang 'yun! bwahahaha!) Pero, actually, mas interesting fact ang pagiging Best in Religion ko. Totoo 'to.

Anyway, one time, nagkaklase kami tapos ininterrupt ng mommy ko 'yung class at pinatawag ako sa teacher. During times like these, nafa-fascinate 'yung mga classmates ko kasi nga parang weird 'yung mommy-son tapos teacher-student dynamics sa school. Naglalakad na'ko papunta sa kanya nang bigla ba namang sabihin ng aking mommy in her signature loud voice ang kanyang pakay, "Ric, ano nga ba'ng number natin sa bahay?!"

2. Mula rito, hindi ko na papangalanan kung kaninong mommy 'to... Nagdi-dinner daw silang buong pamilya. Uminom ang mommy pero natapon lang ito sa blouse niya. "Ay! Akala ko bibig ko na!"

3. Driving to Tagaytay, naalala ng pinsan na "Bili pala tayong San Mig Light!" Sambit ng mommy, "Naku! Meron na'kong dala d'yan! 'Wag nang bumili!" That night hinahanap na ng pinsan 'yung San Mig Light sa ref. Wala. "Ma, saan mo nilagay 'yung San Mig Light?" Ayan, o! Sa tabi ng thermos! San Mig Coffee pala ang binili (in fairness, "Mild" flavor).

4. Sa mall, "Miss, miss, saan 'yung Mrs. Sally Field's Cookies?"

5. Sa children's party, "O, eat your spaghetti." Ano nakakatawa rito? Well, the mom prounounces it "Is-pag-HETTI" (emphasis on the HETTI!) Kasalanan 'to ng kabarkada ni Jollibee!

6. May prank caller sa bahay nila. Everytime na sasagot ang mommy tapos ibababa lang ng caller ang phone, banas na magmumura ang mommy in English ng "Ishtoopid!"

7. Nasa taxi ang mag-anak papuntang mall. Ang mommy ang nagbibigay ng directions sa driver, "Mama, kanan d'yan!" "Mama, kaliwa!" "Mama, d'yan po!" After a while, nagsawa na siguro, pinagalitan ang panganay na anak na lalaki na siyang nakaupo sa passenger seat. "Ikaw ang nasa tabi ng drayber bakit hindi ikaw ang magbigay ng directions?" "Ma, sasabihin ko pa lang sasabat na ho kayo, eh!" "Ah, ganu'n?! Mula ngayon hindi na'ko magbibigay ng direction! Ikaw ang magturo sa drayber kung saan pupunta! Mama, KANAAAN!"

8. Nasa kotse ulit. Lingon nang lingon ang mommy, "Teka, sina Lui hindi na nakasunod. 'Di ba convoy tayo?" "Ma, hindi na po. Nag-usap na kanina na magkikita na lang sa bahay nina Tita." Nag-insist ang mommy na mas alam niya ang plano ng mga nagda-drive, "Hindi! Ang sabi, magko-convoy tayo. Tawagan mo sila at baka hinahanap na tayo nu'n!" Eh, nagpapa-gas na sila by then. Naging impatient ang mommy dahil parang ini-ignore siya ng mga anak niya, "Ano!? Tawagan n'yo na!" "Ma, nasa gas station po tayo. Bawal tumawag sa cellphone." Agad na sumagot ang mommy, "Talagang bawal! Kahit mag-text! May namatay na d'yan, eh!"

Saturday, March 22, 2008

 

Love in the Time of Boracay

Sinama niya ang kanyang rumored boyfriend sa karera. Rumored gay kasi itong crush kong teammate. So 'yung guy na kasa-kasama niya eh hindi rin namin ma-confirm. But it was enough to ruin my day. Well, hindi naman ruined-ruined, nakakapagbiro pa naman ako about how bad trip I was pero, 'di ba...

Pagkatapos ng race, laging nagtitipun-tipon ang team to evaluate our performance, and to party. Ito ang tinatawag na Post-race. Sa Post-race eh dala ko pa rin ang slight hurt ko sa sweetness ng crush ko at ng kanyang rumored boyfriend. Maganda ang ambience sa bar ni Mario, soft lighting, native sarong and furniture around, para kang nasa Bom-Bom's sa Boracay, at hindi sa may Reposo, Makati. Umuulan-ulan pa sa labas so kahit hindi aircon, presko kasi nakabukas ang malaking bintana at pumapasok ang hamog from the balcony. Laseng na lahat. Nagsasayaw sa reggae. Boracay na Boracay talaga.

Tinawag ako ni Teng, isa sa mga older at hunkier teammates. "Tara, Rey, sayaw tayo." Hinug niya ako tapos sumayaw-sayaw kami. Tapos bumulong siya, "Alam mo, Rey, mahal na mahal ka ng team. Kung sa tingin mo siya na 'yung para sa'yo...Hindi pa. Meron pa d'yan na mas makaka-appreciate sa'yo." Du'n ko naramdaman kung gaano ako hindi ka-OK. Pero ang sarap lang pakinggan.

Bumaba ako sa first floor kung saan walang tao. Lumabas ako ng pinto pero du'n lang ako sa may abangan kasi nga umuulan. Du'n ako umupo at umiyak nang umiyak. Maya-maya lumabas ang isa pang hunkier teammates na si Emman. "Rey? Rey! Are you OK, bro? Wanna talk about it? I'm just here?"

"No, no, I'm OK..."

"Sure?"

"Yeah."

"OK, basta if you wanna talk, sabihin mo lang."

At du'n ako nakalma. Ano ba'ng iniiyak-iyak ko? Tama si Teng, marami nga namang nagmamahal sa'king iba pa.

***

Years after, nasa Boracay na nga ang team. After a long hiatus from the sport ay nagbabalik ang aking crushie in time for this yearly regatta. At may bagong member na bago ko na ring crush. Pero deadma na'ko sa kanila.

Dumating ako umaga, and si old and new crushies ay dumating a few hours after kasi nag-barko sila. Magkaka-room kami. Once they settled in, they and our other roommates (mga 7 ata kami nu'n na nagse-share) decided to eat. I stayed to nap.

Then may nag-ring na cellphone. Pangalan ng isa kong teammate na paparating pa lang ang lumabas sa screen. Baka nagpapasundo na. Hindi ko talaga alam kung kaninong cellphone ang tinatawagan niya pero since china-charge siya ng may-ari eh iniwan siya sa room so wala akong choice kundi sagutin 'to.

"Hello! A! Si Rey 'to!" (Bakit kapag sumasagot ka ng telepono napapalakas ang boses mo?)

Unfamiliar voice ang nasa kabilang linya, "Ah, hello? And'yan si (Old Crushie)?"

Nanlamig ang tenga ko. Alam mo 'yung feeling ng napahiya ka? Ganu'n! Cellphone pala ni old crushie 'to at ang tumawag ay ang rumored boyfriend niyang katukayo ng teammate ko! Nampucha naman, o! Sa lahat naman ng makakasagot ng phone!

"Ah, umalis siya, eh. Kumain."

***

Pero 'di pa d'yan natatapos...(Talagang truth is stranger than fiction)

I wasn't familiar with the phone so basta may priness na lang ako thinking that would end the call. Pero napunta ako sa Inbox. At (heto pramis hindi ko talaga sinasadya) napunta sa isang message for my Old Crushie. Ang sender, ang kasama niya siguro ngayong kumakain na si New Crushie. Ang message:

"I love you."

Muling nagulo ang mundo ko.

***

Agad akong nag-text kina Haydee, Ria at Sheila (na, trivia lang, kinasal lang kahapon!): "Asan kayo?"

"DMall. Tara!"

Tumakbo ako palabas ng kuwarto. Tumawid sa putikang eskinita hanggang makarating sa highway. Du'n ako agad pumara ng traysikel habang pinipigil ang sumasabog na nararamdaman.

Parang ang layu-layo ng D'Mall! Nakakarating ako at hinalughog ko ang talipapa hanggang sa mga restos sa may beachfront looking for them.

"Rey!"

Kumakain na sina Haydee. "Bakit mukha kang aligaga?"

At umiyak na'ko nang umiyak.

***

Pero 'di pa d'yan nagtatapos ang kuwento.

That time, I recently broke up with my boyfriend, who then decided to join a rival dragonboat team.

Nakalma na'ko at sinubukang i-enjoy ang fact na nasa Boracay ako! Then habang nagsi-swimming-swimming ako, andu'n si ex-boyfriend!

He was so near where I was na I thought it rude to ignore him so i said hi.

He goes, "Hi...(pregnant pause) I miss you."

Sa utak ko: "I miss you?! Eh, 'di ba ikaw nakipag-break sa'kin? Because, among other reasons, hindi kita nire-recruit sa rowing team ko?!"

So umahon na lang ako. Umiiyak na naman. Ang drama ko!

***

Nakita raw pala ako ni New Crushie na umiiyak habang umaahon (how cinematic).

Kuwento ni Claire na roommate din namin, later that day daw, sa room, nagtanong si New Crushie: "Why was Rey crying?"

Siyempre alam lang ni Claire 'yung nabasa kong text so nagdahilan na lang siya, "Ah, kasi may hassle siya sa work ngayon..."

"But why was he crying?"

Inis daw na sumingit si Old Crushie, "Why don't you ask him yourself kasi kanina ka pa tanung nang tanong, eh?!"

Depensa raw ni New Crushie: "I'm just concerned."

(Kinikilig ako sa chapter na'to.)

***

New Crushie did ask me himself.

"Is there a problem, Rey? You wanna talk about it?"

Naglalakad kami nito papunta sa cottage ng iba pa naming teammates. Liningon ko lang siya saglit tapos nagpatuloy ako sa paglalakad. "Wala. I'm OK."

Saturday, March 15, 2008

 

Dapat bang Parangalan ng UP Vanguard si Marcos?!

Kagabi, March 14, ay live pang kinover ng TV Patrol World ang pagpaparangal ng UP Vanguard kay former dictator Ferdinand E. Marcos. Dumalo si Ilocos Gov. Ferdinand “Bong-Bong” R. Marcos, Jr. at ang dating First Lady Imelda Romualdez Marcos... Ang galing! Wow! Nasa UP ang mga hayop na'to! On UP's Centennial Year, no less! Inisip ko sa lahat ng ginawa nila and what they represent, dapat makukuyog sila 'pag tumuntong sila sa teritorya natin at hindi aawardan!

Magkano kaya'ng dinonate ng mga Marcoses mula sa kanilang ill-gotten wealth sa obsolete nang UP Vanguard? Grabe! For an organization that is not exactly popular among students (lalo na'yung mga freshman at 'yung mga overstaying na pero hindi pa rin tapos sa ROTC/CMT o kung whatever it is they call this expanded ROTC shit program now), talagang makakatulong ito para lalong ma-endear ang UP population sa kanila...Pero teka! Paano ba kasi nakalusot 'to? Sabi sa report, hinihiwalay daw ng UP Vanguard ang pulitika at gusto lamang nilang parangalan ang kontribusyon daw ni Marcos sa kanilang samahan!

Sige, karapatan nila bilang isang naaagnas nang samahan na parangalan ang sinumang kupal nilang dating miyembro pero naman! Naman! NAMAN, O! Sana sa isang hotel na lang na malayo sa UP Campus nila ginawa ang awarding na'yan! Malapit lang ang Sulo Hotel sa UP, pramis! UP Vanguard pa naman, as their name implies, bantayog sila! Now what exactly it is that they're guarding is beyond me now. Definitely, hindi nila binabantayan ang kasaysayan ng Diliman Commune kung saan ang mga estudyante, guro at staff ng Unibersidad eh nagbarikada para mapigilan ang pagpasok ng mga tauhan ni Marcos nang mag-declare siya ng Martial Law. Hindi rin nasaalang-alang ang continuous and proud legacy of activism sa UP, lalo na 'yung nagbunsod sa First Quarter Storm at ng hene-henerasyon ng mga UP students na iniwan ang kanilang pag-aaral para lang ipaglaban ang ating kalayaan... Hindi ba alam ng UP Vanguard na marami sa mga UP students at teachers na'to ang pinatay, at ang ilan pa nga eh hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon?! Wala bang isang former cadet nu'n na ganito ang ginawa para maawardan nila?

Deeply-rooted na nga ang korupsyon sa ating bansa, as the current situation shows. Hindi pa rin mature ang ating political party system, ang ating electorate, ang ating mga institusyon. Ayokong isisi lahat ng 'yon kay Marcos pero malaki ang naging kontribusyon niya at ang kanyang matagal na pangungurakot sa kaban at diwa ng ating bansa kaya ganito pa rin tayo ngayon... Now how can the UP Vanguard separate decades of Marcos' politics from Marcos?

Hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko 'yung footage nina Bong-Bong at Imelda sa UP. It just leaves a bad, bad taste in the mouth! Pero hindi na nga ako magagalit. I never really held the UP Vanguard in high-esteem anyway. Naalala ko nu'ng naga-ROTC ako, naka-formation kami tapos isang kotse ang mabilis na humarurot sa kalsada tapos isang lalakeng laseng pa yata from last night's gimik ang nilabas ang ulo sa bintana at sumigaw ng “PUTANGINA NINYO!” Plinano namin ni Vichael na kapag graduate na kami sa ROTC ay gagawin din namin 'yon kaso we never really had the chance to do it. So ngayon, sa pamamagitan ng mumunting blog na'to, in a way, magagawa ko na ang childhood dream na'yon. PUTANGINA NINYO, UP VANGUARD! PUTANGINA NINYO!!!

So sa mga may kotse kong readers, what you say gising tayo isang umaga tapos drive-drive lang tayo sa UP? Ihanda ang pei pak wa.

Friday, March 14, 2008

 

Think Positive

This from my friend. Pareho kami halos ng mga views sa lahat ng mga nangyayari ngayon. And she was able to tackle it without being antagonistic as I sometimes come off. Please read, dahil hindi ko pa 'to napapaalam sa kanya haha! Though I'm sure OK lang sa kanya...


March 14, 2008
Bottoms-Up!
Nakatanggap ako ng email na naghahanap daw ang i-Witness ng 80 participants for a docu-making workshop. Syempre, kumahog naman ako para mag-submit ng aking application. Unang hakbang sa katuparan ng pangarap maging docu filmmaker!

Kasama sa requirements ang 400-800-word essay about your "Favorite i-Witness episode." Dahil hindi ako nakakapanood ng TV, bumili na lang ako ng DVD ni Kara David para may maisulat ako sa aking essay.

Maraming maganda sa collection na iyon. Nagustuhan ko rin ang kanyang episode na, "Sa Mga Mata ni Ekang." Pero pinaka-panalo para sa akin ang "Gamu-gamo sa Dilim."

Gusto ko lang ibahagi ang essay na ipinasa ko sa i-Witness (saka halos dalawang buwan na akong walang blog entry, so ito na muna for now). Ipagdasal nyong sana makasama ako sa workshop na ito.


____________________________________________________

Essay submitted by: CHERYL B. INGLES

In times like these when difficulties and challenges are plentiful everywhere, good news are rarely heard. Or told.

Used to working in an industry that is a hodgepodge of beliefs, characters, backgrounds, cultures, and politics, I have discovered a strategy to help me cope with such a chaotic environment: exert deliberate and conscious effort to always look for the brighter side of things. Yes, I am a self-confessed positivist. This is the reason why I loved the i-Witness episode, “Gamu-gamo sa Dilim.”

I believe a narrative could only be considered effective if it stirs emotions in the viewer. The story of the people of Little Baguio featured in Gamu-gamo sa Dilim is truly very inspiring. And moving, too. Having lived in almost total darkness for decades, there are a lot of reasons for the locals there to complain and despair. But they choose to educate their children and look for creative ways to survive and even enjoy! If there is one thing Gamu-gamo sa Dilim taught me, it is this: Light could spring even in the darkness.

My work as a freelance PM, researcher, and writer have exposed me to various tales of success brought about by empowered people in small communities: People in a small barangay in Sorsogon with barely enough money for food building a school with, almost literally, their own hands. Townsfolk in Camarines Sur putting their houses on stilts so that they could be transferred to higher ground via the traditional Bayanihan when the floods come. A community radio station in the municipality of Labo operating through the brains and muscle of local volunteers. Former entertainers in Japan struggling to change the Pinay ‘Japayuki’ image by educating themselves and taking caregiving courses.

It frustrates me, though, that most media effort is poured on coverage of killings, crime, accidents, corrupt officials, showbiz personalities’ disastrous love lives…when there are a myriad of wonderful, inspiring, rousing stories of people from the grassroots that don’t get noticed at all. The Philippines seems like a hopeless rut because all we watch, hear and read about are news on strife, hunger, deceit, and danger. I hope that media practitioners would someday come to realize that corruption and lousy governance are not the only truths in this country. As demonstrated by the people of Little Baguio and the examples I wrote above, Good News are just as real, and even evident, if we only know where to look. Sometimes, we don’t even have to look too far to find them.

In times like these when everything but the weather is being blamed on a dysfunctional national government, stories of self-reliance, empowerment, and united communities are unfolding in the grassroots—but only very few seem to be paying attention.

Perhaps the hope and future of this great country lies not in the hands of whoever is seated at the top, but in the commitment and passion of the people at the bottom.

And it is this bottom-upward success story that I would just love to be able to document and share to the rest of the world.

Thursday, March 13, 2008

 

I'm a Breastfed Baby!

The idea for this post started out with humor in mind. Madalas kasi kapag nasa bahay ay bukas ang TV (kahit nga wala ako sa bahay iniiwan ko minsang nakabukas ang TV, eh). Tapos naririnig ko ang TV commercial ng Nido. Meron daw itong added special ingredient na talagang makakabuti sa kalusugan ng iyong anak...

Ang secret ingredient?
Heto na...
Kumapit ka...
Mamamangha ka...

LACTOBACILLUS PROTECTUS!

Para na naman tayong niloloko nito, eh. Matagal na pong wala sa ere ang Pera o Bayong, ang game segment ng Magandang Tanghali Bayan. Akala ko, kasama nang paglipas ng tandem nina Roderick Paulate at Amy Perez ay nalaos na rin ang mga bogus scientific names na tulad ng kabayosis blackenwaytis (for zebra)...

But, no! Binuhay siya ng Nido!

The TVC is in English, ha. Sosyal ang tinatarget na market. At serious ang tone ng female voice-over. So what were they thinking nu'ng tinawag nilang Lactobacillus Protectus ang kanilang special ingredient?!?

Dapat ba makuha natin ang konek sa Lactobacilli Shirota Strain ng Yakult? At siguro rin naman maiisip na nating makaka-protect ito sa sakit dahil ang second word sa high-sounding (not!) scientific name ay, "Protectus!" Sino kaya'ng nag-isip ng Lactobacillus Protectus?]

Well, nag-research na'ko...At natanong ko na siya! At heto ang explanation niya...

"Lactobacillus Protectus' role is very important. They was, They...Oh, my Gahd! I'm so sorry! You see, I'm only sebenteen! And this is my pers jab."

***
Pero heto na...
Sa paghahanap ko ng photo ng Nido that could hilariously accompany this entry, tumambad sa akin ang isa pang katarantaduhan ng Nido, well, in fairness, ng iba ring milk companies sa Pilipinas.

The Milk Code is a very pioneering law in the world...and is also one of the most threatened. While the UN and other countries hail the DOH for pushing the passing of this law (which essentially limits the advertising of breastmilk substitute), maraming malalaking kumpanya ang galit dito.

I don't know if you remember a series of articles about how the US government allegedly sent a letter to our government, warning that the Milk Code might impede with our trade relations with them?

Recently lang, I had to turn down an account for a baby food company, despite their big budget (as in milyones for the AVP pa lang!) dahil I feel strongly about this issue (Kasi naman, pangalan pa lang ng blog ko: I'm a Baby! so concerned talaga ako rito!)

Ang strategy pa talaga nu'ng company (na hindi ko na lang papangalanan) gagawa ng mga series of events to convince moms to feed their babies, no matter how young, with their products! Grabe!

Siguro ngayon hati ang bansa natin sa isyu ni Gloria!
Magkaisa man lang tayo sa usapin ng dyoga!

Tandaan ang tagline na natutunan natin nu'ng bata pa tayo: "Ang gatas ng ina ang pinakamainam para sa sanggol dahil ito ay masustansya at may pinakamagandang lalagyan!"

Wednesday, March 12, 2008

 

Jenina at Iba pa...

1. Sino pa ba ang hindi naka-view sa YouTube or nakatanggap sa text ng full transcription ng kabobohang sagot ni Ms Jenina San Miguel, ang newly crowned Bb. Pilipinas-World 2008? So hindi na'ko dadagdag pa sa ingay... Nakakalungkot lang talaga kasi even if she's “only 17,” she should be able to form a simple English sentence by now, considering she's a freshman at the University of the East... Ganito na ba kalala ang state ng education sa Pilipinas?

2. Kumakalat na rin sa emails ang blog ng isang DJ Montano, which spills the supposed baho of Manila's young socialites... Hindi ko gustong bigyan ng panahong basahin 'to pero naririnig-rinig ko na ang laman (courtesy of friends na may tiyagang magbasa ng mga ganitong walang kakuwenta-kuwentang blogs! Basahin n'yo na lang ang blog ko, mas marami kayong mapupulot na aral!) Sa totoo lang, masa-shock pa ba tayo? Ang plastik naman kung sabihin pa nating, “Grabe naman sila!” Ganyan din naman tayong lahat, ha. Mas sosyal lang sila. Nagbubulakbol din tayo, meron din tayong petty crimes na kino-commit, nagpapakalulong din tayo sa droga, sa alak, sa yosi, kung sinu-sino rin ang nakaka-sex natin...So please lang, noh! (That said, manood kayo lagi ng Showbiz Central, every Sunday afternoon sa GMA. Ako headwriter nu'n!)

3. I don't care what you say about Gretchen, maganda siya. At sa tingin ko may karapatan siyang magpaka-gaga-gaga dahil maganda siya. Inggit lang kayo! Nu'ng una ko siyang nakita gusto ko talagang lumuhod sa harap niya dahil mukha siyang dyosa! Ganu'n siya kaganda. At sweet siya, matalino, maayos kausap. Did I mention na ang ganda-ganda niya? So bago n'yo siya husgahan, tanong ko lang: Maganda ka ba? As in magandang-maganda?! At kung ang sagot mo with all honesty ay, “Yes, Rey! Magandang-maganda ako!” Pwes! Ganyan din ang inisip ni Jenina San Miguel kaya siya sumaling Bb. Pilipinas...Maganda nga pero not enough para ma-excuse ang kasablayan...

4. Say Binibining Pilipinas ten times! Binibining Pilipinas, Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas....Nakakabulol, no? So understood kung pati hosts ng pageant at former title-holders na sina Miriam Quiambao at Precious Lara Quigaman eh nagba-buckle pa rito...Take note, first runner-up lang si Miriam (dahil sumemplang sa final question) at walang interview portion sa Miss International.

5. “Be the change you want to see.” Magandang message sa mga taong puro na lang reklamo.

Friday, March 07, 2008

 

Love in the Time of Milenyo

Isipin mo ang pinakanakakainis na taong kilala mo. 'Yung pinakamaepal, pinakamaingay, pinaka-sablay at wrong timing humirit, at pinaka-dense sa fact na nakakainis na sila. Tapos i-times two mo 'yun. Ganu'n ang level ng pagkanakakabanas ng isang taong itatago natin sa pangalang Ina. Recently nga sa sobang pagkanakaka-asar niya eh nasapak siya. Pero deadma pa rin siya.

Ngayon isipin mo ang pinaka-cute at nakakakilig na boy na nakilala mo sa Boracay. Ilalaban ko d'yan si Ian, officemate ng teammates ko na na-meet ko sa Boracay 3years ago. Matangkad, artist, boyish-looking, longish hair, cute smile, medyo chubby pero swimmer siya dati...
Nag-inuman kami sa Boracay tapos sumayaw tapos hinatid pa niya kami sa tricycle. Ang sweet niya sa'kin to the point na akala ng girl friends ko eh type nya rin ako. Pero straight daw siya, eh. Ewan...Just the same, hinigi ko ang number niya kay Poch (ite-text siya ko soon in case lang pero hindi ko rin nagawa...)

Tapos isipin mo kung nasaan ka nu'ng Milenyo. Naaalala mo pa rin,'di ba? Unexpected kasi 'yun, eh. Nu'ng umagang 'yon pa, eh, nakapag-malling pa kami sa Eastwood (yes, bukas 'yung mall) pero nagsara rin immediately after kasi nga nari-realize na ng Metro Manila na kakaibang bagyo ito. Ang lakas ng ulan! Ang lakas ng hangin! Ang daming nagtutumbahang billboards at kung anu-ano pa so kalat ng debris ang mga kalsada. Delikado! Tapos brownout pa sa condo! Shet!
And then isipin mo bigla ba naman akong nakatanggap ng text kay Ian! Kilig! Nangangamusta. Na-touch naman ako. Concerned siya sa'kin. So nag-reply naman ako.

Buong araw kaming nag-textan. Pagdating ng hapon, bagsak na ang ilang cellsites ng mga network so pahirapan mag-send pero tinitiyaga ko pa ring mag-text para lang tuluy-tuloy ang conversation namin.

The next day, nagte-text pa rin si Ian. Back to normal na ang buhay ko pero sa kanila brownout pa rin daw. Gusto ko na talaga siyang yayaing tumira muna sa bahay until magkakuryente sa kanila. Pero dinadaga ako. Ganyan ako kapag type ko ang isang guy, natsotsope pero kung OK lang siya, mas kaya kong tumodo ng landi. So na-shy ako't 'di ko na siya napapunta. Straight nga rin 'to so natatakot akong ma-reject ang aking not-so-innocent offer...(But then again kung straigt siya at alam niyang bading ako bakit pa siya text nang text, noh?!)

May isang linggo rin kaming nagte-textan. Feeling ko ako ang ganda-ganda ko. One time, tinext niya ako kung bakit hindi raw ako nag-row that morning. Nagulat ako kasi alam ko once lang siya nag-row so naikuwento ko kay Haydee na nag-row pala si Ian nu'ng umaga. Haydee was just confused, “Hindi naman, ha.” Nalito ako. Bakit niya sasabihing nag-row siya kung hindi naman. So sabi ko, “Ano nga ang full name mo? Para sa team line-up.”

Magkasama kami ni Haydee nu'n. Nag-iba raw talaga ang masaya kong mukha. Akala niya namatayan ako at binalita sa'kin sa text. Panic-stricken siya, “Ano? Ano nagyari??”
Binasa ko ang reply. “Ina ___.”

Nu'ng tinext ko pala si Poch ng number ni Ian, ang sinend niya ay ang number ni Ina. I swear! Gusto kong manapak nu'n. Ngayon ko lang siya nakuwento kasi ngayon ko na lang siya napagtatawanan. napagtatawanan.

 

First Primate in North America Found!

May nahanap na fossils ng kauna-unahang primate na tumira sa North America! Tinuturing itong napakalaki at napakaimportanteng scientific discovery sa US! I-google n'yo at nasa halos lahat ng importanteng news agencies at websites siya! Dito sa Pilipinas nabalitaan ko siya sa Inquirer kahapon.
Narito pa ang accompanying artist's rendition ng first primate in North America na pinagkakaguluhan ngayon ng mga Amerikano...





Putangina, 'di ba? Tarsier! Heto lang nagkakanda-ugaga na mga Kano?! Sigurado ba tayong last remaining superpower sila? Hinay-hype pa, eh, ang dami-dami niyan sa Bohol, no! Kahit sinong Pilipino alam na Tarsier 'yan! Tarsier!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?