Wednesday, July 26, 2006

 

Maganda ang Lady in the Water.

1:45 AM. Ilang days nang napupuno ko lang ng mga blog ideas ang Outbox ng cellphone ko pero kinukulang naman sa inspirasyon to actually flesh them out. Pero moments after mapanood ang latest masterpiece ni M. Night Shyamalan na Lady in the Water heto ako’t parang nasa writing nirvana: ‘di makapaghintay makauwi para makapag-blog, hindi makatulog sa dami ng mga ideas na nagfa-flood sa’king utak; ang dami kong gustong sabihin tungkol sa film pero hindi ko alam kung paano sila i-organize at natatakot ako na baka may makalimutan ako! Shet! Ang intense!!!

Tulad ng maraming kakilala, trailer pa lang naintriga na’ko’t napaabang sa movie na’to. Pero hindi ganu’n kaganda ang reaksyon ng mga taong unang nakapanood. “Don’t expect too much. It’s a bedtime story.” “Don’t analyze it anymore,” sabi pa ng isa. Well, mukhang ganyan naman lagi ang reaksyon sa mga pelikula ni Shyamalan. Parang after the Oscar-nominated Sixth Sense, hindi na niya na-meet ang expectations ng marami. Konti na lang ang naka-appreciate sa Unbreakable, Signs, at The Village. Pero ako, I love them all. Magaling talagang magsulat si M. Night Shyamalan! Idol ko siya!

Ang daming layers ng pelikulang “The Lady in the Water” so I have to disagree with my friends who warned me about it being just a bedtime story, and that it does not call for thorough analysis. As a writer, nai-imagine ko na puwedeng ipapanood sa isang writing class ang pelikula pero hindi bilang isang fine example ng good writing kundi bilang isang blatant handbook on plot development, characterization, at criticism. And blatant in a good way, ha.

(O, may spoilers na dito) “Story” ang pangalan ng mythical lady in the water. Du’n pa lang kita mo nang sinadya rin talaga siyang maging parang scriptwriting manula. Ang tunay na pagkatao ni Story ay natutuklasan unti-uti nu’ng handyman na si Cleveland sa pamamagitan ng mga bedtime stories ng isang Chinese tenant sa building na mine-maintain niya. (By the way, Paul Giamatti’s performance as Cleveland urged me to see “Sideways” very soon.) Mero pang tenant na film critic na siyang nagbibigay ng lectures on certain scriptwriting techniques (which the film critic laments is becoming overused kaya nga sabi niya “nothing is original anymore”). Mararamdaman mo rin ang buwelta ni Shyamalan sa mga kritiko niya du’n sa part kung saan mari-realize nu’ng handyman na mali ‘yung film critic whose statements were based on certain formulas used in writing scripts. “But he sounded so sure,” pagtataka ni Cleveland. Sagot ng isa, “What kind of an arrogant person would assume that he knows the thoughts of another man?” ‘Di ba?! Parang pinapatamaan ang mga taong nanonood ng mga Shyamalan films with the sole aim of predicting the twist in the end so they could have this smug look on their faces na parang sila na ang pinakamatalinong tao sa mundo. But then again, arrogance din yatang na ina-assume ko ang intentions ni Shyamalan du’n sa particular scene na’yon.

Basta ang maganda sa Lady in the Water is its capacity to be simple despite its profundity.

 

Triskaidekaphobia

My first address when I moved out was: “Unit 13, 113 Esteban Abada St…” Buti na lang hindi ako superstitious. In fact, I thought it was kinda cool having that address.

But one time I woke up and I found myself naked. The shirt I swear I wore when I went to bed was on the floor just beside the bed. It was soaking wet na parang kinuha siya sa pagkakababad sa batya at nilapag du’n sa sahig. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun. Text back ng daddy ko nu’ng kinuwento ko ‘yung nangyari: “Hang religious icon in your house. Pray.” Oh, shet! Is this supposed to make me feel good?!

Sa totoo lang, hindi naman ako natakot. Nu’ng bata ako matatakutin talaga ako pero when I started paying rent I just couldn’t allow myself to be afraid at the place I pay for. Ang theory ko nagsi-sleepwalk ako.

Take this incident, for example: a woman called me up on my cellphone to confirm our meeting later that day. Hindi ko siya kilala pero alam niya ang full name ko, ang address ko, at kung saan ako nagtatrabaho. Insurance agent siya at ni-refer ako sa kanya ng isang close friend. But still I don’t remember having set a meeting with this stranger. She said she called me up at my house the day before (sa Panay Avenue apartment Thea and I shared). I gave her daw my info and set the appointment. Weird. I remember being asleep at the time she called. And I remember being alone at the time. Kinilabutan ako. Could a doppelganger have answered the phone? “Did the person you talk to sound like me?” I asked. “Honestly, sir, yes.” And then she went on to say that “You told me pa nga you’re 24 years old, right?” “I’m twenty-five, actually.” At bigla akong tinopak and I made up a story: “But my twin brother died when he was 24.” She never called me again about that insurance.

Magmi-midnight at ang tanging kasabay ko sa elevator sa GMA ay isang batang babaeng na-recognize through her ID na isang student intern. Pagbaba niya, sabi ko sa kanya, “Miss, pakisabi sa guard diyan na may writer sa basement na namatay.” Na-shock siya, “Ho?!” “Oo. Wala pa yatang nakakaalam. Paki-report na lang po.” “Sige po. Ano po’ng pangalan?” I looked her straight in the eye and said, “Ako po ‘yun. Ako po. Wala pang nakakaalam.” Hindi naka-react ‘yung bata. Akala ko matatawa siya pero hindi. Siguro iniisip din niya nagjo-joke ako pero nagsara na ‘yung pinto ng elevator at hindi ko na siya nakita ulit sa GMA.

If I die, I think I'd make a good ghost.

 

Baby Trumps Husband

Sa Grey’s Anatomy: “You should do this for me. I saved your husband.” “But she saved my baby.” “So baby trumps husband?!” “Yes.” “Baby trumps husband?!?”

My mom would have said, “No!”

When I was in Grade 2, isa sa mga readings namin ang kuwento ng isang babae who had to choose who among her husband, brother and son should be spared by the king. I asked my mom that question. She told me, her eight-year old son, “Ako pipiliin ko ang asawa ko.”

“Ang kapatid ko he’s lived his life already. ‘Yung anak, puwede pa kaming magkaroon ng anak. Pero ang asawa mo sinumpaan mo ‘yan sa harap ng Diyos.” Awwww…

My parents have been married 34 years at hindi ko pa sila nakitang nagkaroon ng major na pagtatalo, naghiwalay pansamantala, nagtampuhan, hindi nagpansinan. I’m sure it wasn’t perfect pero siguro mahal na mahal nila ang isa’t isa na hindi talaga nagiging malaki ang mga away nila. Commenting on an aunt na nakipagbatuhan pa raw ng ashtray sa kanyang now ex-husband, sabi ng mommy ko, “You should always respect each other. Kahit na nag-aaway kayo, you should always respect each other.”

The longest time na nagkahiwalay ang parents ko was nu’ng pumunta ng US si mommy to visit my grandparents. Nagising ako in the middle of the night para uminom at nakita ko ang daddy ko sa may terrace, pacing and smoking again kahit na matagal na siyang nag-quit. ‘Talagang miss na miss na miss niya si mommy.

Nu’ng Grade 4 ako mom was stricken with meningitis. Mahigit isang buwan siya sa UST Hospital. Meningitis is a viral disease that affects the brain at umabot na sa point na hindi na kilala ni mommy ang mga anak at ang asawa niya. There was also the danger of her being a vegetable. Ang stand ng daddy ko throughout that ordeal: handa siyang mag-alaga ng gulay basta ‘wag lang mamatay si mommy.

One of the best gifts my parents have ever given me is their wonderful marriage. And I also hate them for it. Their marriage makes me believe in fairy tales, na puwedeng magkatotoo ‘yung lahat ng mga romantic notions natin. This makes the absence of love in my life even more frustrating.

 

Should I Tell Him?

Etong akn: m nt a fan f putin urself out der. Closur n healing cn happen even wo involving d othr one. It’s a personal, internal conflic na ndadala ng prayrs, toma, juts, pamilyat kaibigan. Let t b. Ul b a strongr prson by nt breakin dwn nfront f hm.

 

What is Success? Regine or Gelli?

Nu’ng bata ako ipinagmaIaki ko na aside from That’s Entertainment, I’ve seen all TV shows at least once. Narito ang ilan sa mga TV moments na tumatak sa’kin:

Nasa internet café ako sa Katipunan nu’ng nakatira pa’ko ru’n so this is around 2002. Palabas ang I-Witness episode ni Prof. Che-Che Lazaro na ang title yata ay “Istokwa.” Sa episode, tinutulungan nilang mahanap ng mga stow-aways ang kanilang pamilya so nagkakaroon ng mga reunion. Pero ang last subject nila na isang adolescent boy ayaw nang bumalik sa kanyang matanda nang nanay na tawagin na lang nating Nanay Patring. “Paano po ‘yan, nay, ayaw na pong bumalik sa inyo ng anak n’yo?” tanong ni Che-Che. “Eh, sige po. Bahala na lang po kayo. Ayaw na niya, eh.” At this point lahat ng nasa café eh nakatutok na sa TV. Nakakalungkot ‘yung eksena ng isang batang nasanay na sa kalsada na ayaw na niyang bumalik sa sarili niyang pamilya. Doon natapos ang episode, pero merong epilogue na graphics. It read: “Namatay si Nanay Patring isang linggo matapos ang muling pagtatagpo nila ng kanyang anak.” Upon reading that, napa-uy sa shock ’yung matun-maton na nagbabantay sa café. Nakakapanghina.

Sa Oprah may episode tungkol sa mga taong who may extreme stuttering. Tapos merong isang nakaimbento ng device para ma-cure ito. Nagsa-stutter din siya until he realized na kung nasa simbahan siya at nagpapa-participate sa group prayers, hindi siya nagsa-stutter. Apparently, ang mga nagsa-stutter kung may kasabay silang nagsasalita ng exact same thing, hindi nagsa-stutter. Ang naimbento niya parang hearing aid na maririnig mo ‘yung sarili mo talking so the brain is tricked into thinking na mero kang kasabay magsalita so hindi ka na magsa-stutter. Pinakita ang isang college-aged guy who’s been stuttering terribly. Sinubukan niya ‘yung device at nakausap niya nang diretso ang kanyang mga magulang for the first time for as long as he could remember. Bigla na lang siyang napahagulgol sa tuwa. Naapektuhan ako kahit ngayon na I’m just writing about it.

May kumakalat na joke na si April Boy Regino ang lalaking mukhang tomboy. ‘Di ba nga: the long black hair, cap, jeans, chunky boots, tsaleko…tomboy na tomboy! One time nagmo-monitor ako ng Homeboy tapos guest si April Boy. Guest din si Candy Pangilinan. Hindi ko na maalala kung ano ‘yung topic pero basta na lang sinabi ni April Boy na “Ako nga napagkakamalang tomboy, eh!” And then Candy just burst out laughing, as in jumping on her seat, kumikisay-kisay, naluluha-luha, ang laki ng nganga laughing! Pati ako natawa. Hindi siguro namin inexpect na mismong kay April Boy pa namin maririnig ang isa sa pinakanakakatawang jokes about him!

Bilang TV writer, meron din akong mga episodes na pinag-usapan kahit papaano. Sa Starstruck, ako ang nag-iinterview kay Iwa Moto nang bigla na lang siyang nag-breakdown at nagmumumura. She was the clear winner up until that moment. Jackie Rice eventually became the Female Ultimate Survivor at maraming naniniwala it’s because of that damning episode. Naging issue rin ‘yung pagsu-snoop ng mga contestants sa isang script na confidential sana. Script ko ‘yun. O, ‘di ba?

I was also part of the SOP episode that gave birth to the famous Back2Back2Back. Plinano kasi ng mga writers nu’n na gawing maiikli at mabibilis ang mga continuity spiels para mas maraming kantahan at sayawan at ma-achieve talaga ‘yung structure ng isang concert. Eh, sa sobrang bilis nu’ng spiels, nag-undertime kami. Buti na lang ang bawat isa sa main hosts nu’n (Ogie, Janno, Regine, Jaya, Cacai) ay may nakahadang solo number, just in case. So ang nangyari pinag-perform namin sila one after the other. Nag-rate ‘yung segment na’yun and Back2Back2Back was born.

Minsan kapag bumabagsak ang ratings ng isang show, napipiga talaga ang utak ng staff para makaisip ng mga episode na hopefully papatok. Nu’ng nangyari ‘yan sa Sis naisip naming i-orchestrate ang kauna-unahang one-on-one interview ni Gelli de Belen kay Ariel Rivera. You know the story: Mag-on si Gelli at si Ariel. Nag-break sila at naging sina Ariel at Regine. Pero hindi ‘yun nagtagal, nagkabalikan sina Ariel at Gelli, nagpakasal sila at ngayon ay may dalawa na silang anak, si Regine hanggang ngayon single.

Kakaiba ‘tong tina-try naming i-pull-off dahil hindi namin nage-guest si Regine sa Sis because of that past. At hindi rin gine-guest sina Ariel nor Gelli sa SOP alang-alang kay Regine. Pero pumayag si Regine…

Dama mo ang tensiyon nang dumating sina Regine sa studio. May dala pang boquet si Regine for Gelli at medyo uncomfortable din ang pagbebeso nila. Sa dressing room, bini-brief ko si Gelli. I was telling her the questions she could ask first like “Hindi ka ba nape-pressure na ikaw ang iniidolo ng halos lahat pagdating sa pagkanta?” pero andu’na pa lang ako sa “Hindi ka ba nape-pressure” sumingit na si Gelli. “Hindi. Marami nga nag-aakala na nate-tense ako ngayon pero hindi. Wala. OK lang ako.” Hindi ko na lang sinabi kay Gelli na iba ang ending nu’ng tanong ko. Obviously, no matter what she says and what she thinks she feels, nape-pressure siya kahit papaano.

Ang magiging takbo ng episode, magtatanungan sina Gelli at Regine. Medyo mabagal nag-take-off ‘yung conversation until Regine finally started it: “Nagalit ka ba sa’kin nu’n?” Napa-gasp ang studio audience. Pati ako na-tense. Hindi naman dineny ni Gelli that she did. And then Regine told one of the more heartbreaking heartbreak stories I’ve ever heard:

“He broke up with me by saying he loves you…I remember the time when Ariel and I were going to have a show abroad and I knew you will be there at the airport and I thought I could handle it pero when I saw the two of you together, I just wanted to die.”

Hay! Napa-flashback tuloy ako sa isang Valentine episode ng Sis kung saan nagi-interviewhan sina Gelli at Ariel. Ang tanong ni Gelli, “Kelan mo na-realize na love mo’ko?” Ang sagot ni Ariel: “I was with somebody else at that time but I would still think of you like when we’re in the car and a familiar song would be playing. We’d sing together and I have to stop because I remember you. When we’d go to a place, I’d have to stop myself from saying ‘You know the last time I was here I was with’ because the ending of that sentence would be ‘you.’
Ang conflicting standards of success and happiness namin ni Thea ay ‘Regine’ at ‘Gelli.’ Thea is still staunch about Gelli – love and family. Ako noon, Regine – career, fame, wealth. Pero ngayon, Gelli na rin yata ang gusto ko. ‘Yun nga lang, mas mahirap i-achieve…

 

Crooked Bananacue Woman

Here’s another memorable encounter with a stranger.

Nakatambay ako sa veranda with Haydee. Dumating ang isang matandang babaeng may bilao ng bananacue at lumpiang togue sa ulo niya. Maliit lang siya, nakaputing sando, black shorts, tsinelas. Short hair. Pero ang nakakatawag-pansin talaga sa kanya ‘yung halos tumabingi na ang buong katawan niya siguro dahil sa dala-dala niya.

Bumili akong togue. Nang dinambot niya uli ‘yung bilao pagkatapos, sabi ni Haydee, “Ale, ang lakas n’yo naman!”

Sagot nu’ng babae, “Mahirap lang po kasi ako kaya binigyan ako ng Diyos ng lakas.”

 

We Are The...Klabings!

I have a group of close gay friends. At one point, this circle grew with the inclusion of gay friends of friends that at one inuman sa Quattro we “formalized” our group as the “Klabings.”

I remember during that night naging seryoso ang usapan at nagkakuwentuhan ng kani-kaniyang sob stories. The reporter who urged me to start blog shared his heart-wrenching decision of classifying his mother DNR (Do Not Resuscitate) when she was confined yet again in the hospital.

May isang TV producer who shared his amazing story of keeping his real course in college a secret from his family. They wanted him to take up Medicine but he followed his passion, Broadcast Communication. He told us how he would change into the signature all-white uniform when he’d go home, that he would borrow medical books and readings to continue the charade. When he needed a considerable amount for editing a video project he said he needs money to buy a microscope. Siyempre kailangan niyang manghiram ng microscope para may maipakita siya sa pamilya niya. Nu’ng mismong graduation ceremony na lang nalaman ng pamilya niya na cum laude siya sa College of Mass Communication at hindi sa College of Medicine. Pag-uwi niya, pinaligpit ang handa para sa grad party niya dapat. Ngayon isa na siyang successful producer sa GMA News and Public Affairs.

Talagang ang magandang kuwentuhan pa rin ang pinakamasarap na pulutan sa beer.

Saturday, July 15, 2006

 

How Polite Are We?

Apparently not very much. Dinibunk sa latest issue ng Reader’s Digest Asia ang notion nating hospitable at warm people tayo. In an informal experiment isa ang Manila sa Least Courteous Cities sa buong mundo. Tatlong tests ang dinivise nila: sa isang kalsada ay merong nagkunwaring nalalaglag ang mga dala-dala niyang papel, bibilangin nila kung ilan ang tutulong; tapos ay nauna bumuntot sila sa mga taong lalabas sa pinto at binilang nila kung ilan sa mga sinundan nila ang hinold open ang door; they also made small purchases in shops to see how many times shop assistants will thank them.

Basahin n’yo na lang ‘yung buong article for the details. Basta, pati Reader’s Digest nagulat na New York City ang nag-top sa kanilang survey kasi nga sa reputasyon ng mga tao ru’n. Pinakita nito na minsan reputation can be so far from actual character.

Iniisip ko kung ano kaya’ng dahilan ng ating poor performance sa experiment na’to. Trinay kong i-justify ‘to by thinking na masyadong Western standards of politeness ang ginamit nila pero hindi rin, eh. The experiment was done in Manila, arguably the country’s most cosmopolitan city. Surely a thank you can be expected from shop assistants, especially if you’ve just made a purchase. Saka parang natural lang naman na meron at merong tutulong sa’yo kapag nalaglag ‘yung mga dala-dala mong papers. ‘Yung pinto siguro medyo understandable pero hindi rin, eh, kasi ako lang I make it a point to hold the door kapag meron nakasunod sa’kin – babae man o lalake.

So bakit nga? Una, siguro mahiyain lang talaga tayo around strangers. This is probably a trait we share with out neighbors since Asia performed the poorest in the politeness survey. Ang mga Western kasi kapag nasasalubong mo ready with a smile, tayo hindi na halos suplado pa ang dating. To our family, friends, friends of friends, neighbors of classmates of a second-degree cousin we are more than willing to go out of our way to perform greats acts of kindness. Pero kung stranger, ibang usapan na’yan. Connected ‘yan sa second reason kung bakit sa tingin ko “least courteous” tayo.

Crime has made us cynical. Wary na tayo, as attested by one Filipina interviewed for the article, na baka modus operandi ng mandurukot or something ‘yung mga naglalaglag ng papel d’yan o sinumang seemingly in trouble. Tuloy, nafo-force na tayong maging deadma sa mga hindi na kilala na nasiraan, nawawala, nagtatanong, maysakit, umiiyak, o namatayan sa takot na baka tayo mabiktima. Ika nga, mahirap na magtiwala. Hay!

Tuesday, July 11, 2006

 

Mommy Monster

1. Mommy monster ang tawag ko sa mommy ko. “Mommy monster! Mommy monster!” Nainis yata, “Why do you call me mommy monster? I’m not a monster.” Sabi ko, “Eh, ako naman si Baby Monster mo, eh.” That Christmas ang card sa regalo niya sa’kin read: “I love you from Mommy Monster.” O, ‘di gets na niya.

2. Sabi niya, “Sa panahon ngayon, kapag ang babae panget, kasalanana na niya kasi ang dali-daling magpaganda.” Sa Sis, kinowt pa’yan nina Janice at Gelli.

3. Teacher ang mommy monster ko pero hindi tulad ng mga co-teachers niya (na teachers ko rin), hindi siya nagyu-uniform. “Mommy, bakit hindi ka nagyu-uniform?” I asked her once. “Kasi ang mga nagyu-uniform ‘yung mga walang damit na masuot.” Taray!

4. My mommy monster loves dressing up. Pinaghahandaan niya lalo ang outfit niya sa first day of school. Tumitingin siya sa mga magazines tapos kung may type siyang outfit, bibili siya ng similar na tela at ipapagaya niya sa modista. One first day of classes, sabay kaming pumasok. Malakas ang ulan at mukhang kaming dalawa lang ang tao sa school. Pumasok na siya sa faculty room. Naiwan ako sa desserted lobby. Tapos nagsalita na ang Prefect of Discipline sa Intercom: “Announcement: Ther are no classes today. Get it?” Tuwa ako pero mukhang bad trip ang mommy kong lumalabas ng kuwarto. “Nakakainis!” Sambit niya, “Nakita na ng nga co-teacher ko ang damit ko. Nalaos na tuloy!”

5. Nanonood ng TV ang buong pamilya. Namamalantsa si mommy. Napunta ang usapan sa tulog. Tapos out of the blue biglang sumingit si mommy sa usapan. In a very ethereal voice, she said: “Sleep is the nightly practice of death.” Natakot kami!

6. Nagdi-dinner ang buong pamilya. Tapos na si mommy kaya umiinom na lang siya ng tubig. Biglang natapon ‘yung iniinom niya. “Ay! Akala ko kasi bibig ko na.”

7. My mom taught sa aking alma mater. One time, she interrupted my class. So tumayo ako at lumakad sa pinto papunta sa kanya. Akala ko kung ano nang importanteng sasabihin niya nang bigla niyang tinanong in a very loud voice, “Anak, ano na nga bang telephone number natin?”

8. When I first moved out, bumisita ako sa bahay ONE WEEK after. So pagdating ko tinatawag ko siya, “Mommy! Mommy!” Bigla siyang lumabas ng room. Nagising siya sa kanyang siesta. Sabi niya sa’kin, “Akala ko nananaginip lang ako nang narinig ko boses mo, eh.” At nagyakapan kami’t nag-iyakan.

9. Nu’ng nakatira pa’ko sa’min, isang pader lang ang pagitan ng kuwarto ng kuya ko sa kuwarto nina ma. Before I go to bed sumisigaw ako, “Mommy, I love you!” Sisigaw siya back, “I love you, too!” College na’ko nito, ha.

 

Tinga ni Patricia and Other Random Anecdotes

May kaibigan akong itatago ko na lang sa pangalang Patricia. Maganda, matangkad, sexy, funny, smart. In fact, right after graduation ay nakuha kaagad siyang flight stewardess sa isang American airline…Sa isang party nu’ng college masaya kaming nagkukuwentuhan ni Patricia nang biglang naramdaman kong may morsel sa upper lip ko. I thought, “Shet! May tingang lumabas sa bibig ko!” so withouth missing a beat medyo nag-look away ako at kinuha ko ng dila ko ang tinga. Just as I was facing Patricia, I saw her sheepishly wiping her mouth. That’s when I realized na maaring tumalsik mula sa bibig ni Patricia ang tinga. At bago pa kami makapag-react ay kinain ko na ito. It all happened so fast! Hanggang ngayon hindi pa rin namin ‘to pinag-uusapan.

***

Around 2001 yata unang lumabas sa market ang Creamsilk Leave-on Conditioner. Eh, hindi naman ako nagko-conditioner na tao pero nakikita ko sa mga dancers ng SOP na ginagamit nila so I thought mas maganda siyang alternative na hairstyling product kasi nakaka-dandruff ang gel. So bumili ako sa grocery. Ang nakita ko nga lang pareho ng kulay (green) at brand name pero parang iba ‘yung packaging sa nakikita ko sa commercial. Binili ko pa rin. At ‘yun ang ginamit ko that night nang nagkayayaang mag-Enchanted Kingdom.

Pagbaba namin sa Jungle Log Jam (na isang tongue twister para makita kung jologs ka ba o hindi – Jangle Lag Jum), parang iba ang feeling ng buhok ko. Shet! Bumubula siya! Ang nakuha ko palang variant eh hindi leave-on kundi ‘yung traditional conditioner na kelangang banlawan!

***

Mahilig ako sa maanghang. But that’s not always the case. Acquired taste na lang siguro kasi my dad’s Bicolano so laging may siling labuyo sa bahay. Hanggang sa dumating ang panahon na lahat na rin ng ulam namin nilalagyan ko ng siling labuyo. Staple ang pampa-anghang sa ref ko – labuyo, Mama Sita’s pure labuyo sauce, green labuyo sauce na mabibili lang sa Masferre, Sagada. Pati olive oil ko nilalagyan ko ng labuyo (chili oil na ginaya ko sa Bellini’s). Kapag nagluluto hindi ako naglalagay ng labuyo kasi maanghang ang taste ko at baka hindi na makain ng iba.

One time inuman nagpe-prepare ako ng sawsawan sa pulutan. Siyempre may labuyo. Wala nga lang kubyertos or anything to crush it with. So kinamay ko. Perfect! Until nu’ng umihi ako…naanghanganan ang titi ko.

Monday, July 10, 2006

 

NAGTri Na Rin Ako

My First National Age-group Triathlon
UPLB Trantados/SPEEDO NAGT
Sprint: 800m/26K/6K
08 July 2006/Baker Hall, UP Los Baños


Habang ang sangkamaynilaan ay nage-Enduro, mag-isa akong lumarga papuntang UPLB. About a year ago, dito nagsimula ang aking so-called triathlon career… Homecoming ito.

Halong thrill at kaba ang naramdaman ko pagparada namin sa labas ng pool. Kinikilig ako seeing the members of the national team and other top age-groupers preparing their equipment. Para akong movie extra who got invited to the Oscars, o kaya lone Mongolian delegate to the Olympics – nakakamangha talaga just being there, to have the honor of racing alongside your idols…Pero, sige na nga, kinikilig din ako dahil ang ku-cute ng mga Trantados with their new red-and-black Speedo tri suits!

Nag-umpisa muna sa Kids’ Aquathlon. Ang gagaling ng mga kids – ang lalaki ng muscles, tanned na tanned! Nakakabilib talaga considering when I was their age ang sport ko ay patintero at agawan-base with the occasional patagong cross-training with my sister’s Barbie Dolls.

Magsisimula na lang ang race nang biglang humupa ang malakas na bagyo – as in! So what are triathletes to do but dive in the pool dahil maligamgam ang tubig doon. Buti na lang tumila rin kaya TULOY ANG KARERA! First-wave: all males except 30-35! Dizizeet! May first national age-group triathlon! DIVE!!!

Pero hindi ako marunong mag-dive so plakda ako. As usual, olats na naman ako sa langoy pero nakakasabay pa naman ako (dahil sadyang masikip ang languyan sa 4-lane, 25-meter pool). After all: “It’s not about getting out of the water the fastest, but the freshest.” But no, about to finish my 5th loop (500 meters) against the flow ang langoy ko! Mali ang nilalanguyan kong lane! Hindi pa’ko tumigil to assess my situation. Nagmarunong ako at nagpalipat-lipat pa’ko ng lane. Saka ’ko tumigil only to realize only na I’m back to square one – literally – dahil nasa first lane na ulit ako! Kung puwede lang sumigaw ng “Taympers! Bumalik ako! Bumalik ako! Ulitan!” Siyempre, hindi.

At nang lumaon kumonti na nang kumonti ang mga kasama ko sa pool dahil lumuwag na ang tubig. Happy na’ko na may kasabay naman akong Trantados, feeling ko nakiki-level pa’ko! By my last loop pinatalon na ang second wave – ang females. Come to think of it, dahil nangyari ‘yon, puwede kong sabihing nauna ako ng fifty meters sa swim si Ani de Leon!

And I may not have emerged the fastest from the swim pero feeling ko fresh na fresh naman ako after nu’n! And then we go to the bike…

In a post-race conversation sa RudyGirl, Risso Tangan said: “I have a mountain bike and a road bike. They are two completely different passions.” Well, I have a mountain bike and I borrowed Monica Torres’ road bike – pink and purple pa! Uneventful naman ang bike ko. Steady lang (though puna sa’kin masyado palang light ang gear ko kaya ambilis ng cadence ko). Oh, du’n pala sa rotonda sa may building na korteng Camp Big Falcon nahirapan akong kumuha ng ice tubig na inaabot. Tinitilian ko na lang ‘yung kawawang marshal. Buti na lang may baon akong Gatorade, du’n ko talaga naramdamang nakakatulong pala ‘yun!

So halfway through the race, marami na’kong nadadagdag sa checklist ng mga things I should learn:
1. Mag-dive sa pool. (Nu’ng third attempt ko kasi to “dive” plumakda ako sa bayag ko. Nanghina ako. At least kung nabayagan ka sa lupa puwede kang tumalun-talon. Eh, kung lumalangoy ka? Wala na!)

2. Lumangoy nang mabilis. (Seryoso ako: KELANGAN KO NG COACH! SINO MAGVO-VOLUNTEER? PLEASE, MASAYA AKONG ESTUDYANTE PROMISE!)

3. Gumamit ng cleats. (Naka-running shoes ako kaya may mga time na bumibitaw ang mga paa ko at nagfe-flail around)

4. Kumuha ng inaabot na ice tubig habang nagba-bike.

Into the third and last bike loop, nakakasalubong ko ‘yung mga idol ko. Nalito tuloy ako kung ilang loop ba talaga. Siyempre hindi ko naisip na by wave nga pala kami. Shet! Bobo!

Ang sarap talaga mag-road bike. Sana nga lang hiniram ko ‘yung bike earlier than the day before the race…

Paglabas ko ng Transition sumakit na nang todo ang core muscles ko! Baket!? Eh, wala naman akong core muscles, ha!? Kumikirot din pala ang taba! Into the first K, I had to walk the pain off (ito ang mas masakit: masakit kasi sa pride ang mapalakad ka). I had to walk again some 200 meters before the finish line.

I came after a cutie Trantado so happy na rin hehehe…

***

Maraming salamat kay Goons at Haydee na sinamahan ako instead of our other friends na nag-Enduro, at siyempre kina Sir Ian Castilla, Ige, Eldani at sa buong UPLB Trantados for the great post-race party! Sayang nga lang had to leave early kasi may work ako pag Sunday. Sa uulitin!

Sunday, July 09, 2006

 

Ang Wala Rito, Bawal Mag-Comment!

Ang talagang nakakainis sa mga taong umaalis para tumira sa ibang bansa, sila pa itong napakalakas mamintas tungkol sa Pilipinas. A few days back, lumabas ang isang article sa Inquirer tungkol sa isang migrant family. Nu’ng 70’s sila ang mga pioneering OCW’s sa Dubai at doon na rin sila nagpamilya. Tapos recently ay nag-move back sila sa Pilipinas at nag-settle yata sa Batangas. Nagpatayo pala sila ng piggery sa lupaing nabili nila (katas ng Dubai, ika nga). Pero ngayon ay magma-migrate na sila sa US kasi they feel hopeless daw sa sitwasyon sa Pilipinas.

Ewan ko kung ano ang editorial intent ng Inquirer for running that story (in fairness, nasa loob-loob na siya) pero kung gusto nilang ipakita na nagkaka-brain drain dahil sa lumalalang sitwasyon ng bansa, I’m sorry pero hindi ‘yun ang na-elicit sa akin. Nabanas lang ako sa subject nu’ng feature. Para sa akin, more than the bad situation in the Philippines (something that I would not deny), ang nagtutulak na sa kanila para mangibang-bansa ay ang “migrant attitude” na, sad to say, nai-imbibe na nang marami sa’tin. Having experienced the good life abroad for years, napakahirap na ngang magre-establish ng ties sa mahirap na bansang iniwanan mo. ‘Yung parents ko nga who spent the first year of their retirement in the US pag-uwi rito nirereklamo na ang alikabok, ang trapik, ang init, ang butiki, lahat-lahat na lang! Paano pa kaya ‘yung ilang taon nang du’n na tumira?! “Walang ganyan sa States!”

Sa Inquirer din, meron silang maliit na box where they publish comments posted on their website. Nabasa ko ru’n ang usual litanya ng lahat ng mali sa bansang ito sabay banat ng sender sa huli ng “I’ve lived in the US for so many years and it saddens us…” Pakyu! Please lang, sa mga migrant Filipinos, don’t give me that bullshit na “Pilipino pa rin kami” “Lagi naming sinusubaybayan nangyayayari back home at nakakalungkot…” Mula ngayon, puwede bang ang rule: KAPAG WALA KA RITO, BAWAL MAG-COMMENT TUNGKOL SA BANSANG ITO. Umalis ka na nga, ‘di ba? At kung anuman ang lecheng kahirapan na naranasan mo rito na nag-udyok sa’yong lumayas is besides the point. Kami ang naandito, kami ang nakaaalam at kahit anumang hindi naming madi-deny na panget na katotohanan tungkol sa tirahan namin ang gusto mong i-share, we don’t need to hear it from an outsider. Ang tono n’yo pa kasi minsan para kaming mga tanga na hindi n’yo lubos maisip kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin kami lumalayas to greener pastures tulad ng ginawa ninyo.

At kung migrant Pinoy ka at gusto mong i-air ang side mo tungkol dito, sorry, pero bawal kang mag-comment. Mas mayaman ka na naman sa’kin, ‘di ba, that should make you feel like you’ve won this argument already. I wish you all the best.

 

Random Anecdotes

May kaibigan akong naglo-Law ngayon sa UP, nakatira sa Alabang Hills, maraming properties ang pamilya at nag-high school sa Woodrose. By all means she’s old riche pero napakasimple at unassuming (meaning, marungis) siya na girl. One time, nag-aabang siya ng Katipunan jeep sa UP (‘yun pa, wala siyang kotse) nang napuna ng lolang kasunod niya sa pila ang relo niya.

“Ang ganda naman ng watch mo, hija.”

“Ah, sa McDo lang po ‘yan.”

“Talaga? Magkano?”

“Uhm, one hundred pesos po yata with every Happy Meal purchase.”

“Aba! Maganda at mura! Mabilhan nga ang mga maids ko.”

Gusto raw itulak ng kaibigan ko ‘yung lola sa paparating na Toki jeep.

***

‘Yung sis ng mga kabarkada ko nagtatrabaho sa isang hotel sa US. Sosyal din ‘tong girl na’to. One time nagbibiruan sila ng collegue niyang Kano. Hiniritan ba naman niya ng: “You’re such a feeling?”

Dah!

***

My fellow Assers celebrated graduation with a trip to Baguio. Biyahe pa lang inisip na naming ang una naming gagawin ay mamalengke at magluluto ng sinigang. Eh, siyempre na-move nang na-move ang IT at ang tagal palang palambutin ang karne (wala sa amin ang marunong magluto pa nu’n). Ending, alas-10 ng gabi na kami nagka-finished product.

Gutum na gutom ang lahat. Nang nakita ng isa sa kanyang kutsara: paa ng ipis. Natahimik talaga kami. Late na at malayo ang mga kainan sa iniisteyan namin. “Pinakuluan na naman ‘yan, eh.” Dinedma na lang namin.

Kain. Kain. Kain.

Tapos nagbiro itong si Adrian Ayalin (reporter na ngayon sa ABS): “Hmmm…ang sarap ng sinigang na ipis!”

Nagalit talaga lahat! As in pinagmumumura siya! “Tang ina naman, o! Kinakalimutan na nga, eh!”

Friday, July 07, 2006

 

Gray's Anatomy

SA FRIENDSTER BLOG KO, UNANG LUMABAS ITONG ENTRY NA'TO KESA 'YUNG "GREY'S ANATOMY" ANG TITLE. WALA LANG, GUSTO KO LANG I-CONTEXTUALIZE. MULA NGAYON TALAGA SABAY KO NANG IA-UPDATE ANG BLOGSPOT AT FRIENDSTER BLOGS KO.

Marami na'kong naririnig na maganda nga raw 'yung Gray's A natomy. Ito raw ang bagong Ally McBeal. Pero hindi pa naman ako naeengganyong panoorin 'to until matiyempuhan ko sa Oprah 'yung actress who play Dr. Gray in the series at ito ang clip na ipinakita nila. Kausap ng character niya 'yung love interest niya:

"It's a choice between me and her. I'm sure she's great but I love you. I love you in a pretend to like your music, let you eat the last piece of cheesecake... kind of love. So pick me. Choose me. Love me."

Pakshet! Kelangan mapanood ko na'to!

 

Nuninuninu

Takut na takot ako kapag pinagsa-stand-up comedy ako. That atmosphere kasi puts undue pressure on me to be funny. Siguro nga nakakahirit ako ng funny kapag nag-iinuman, nagmi-meeting, nagkukuwentuhan, o kahit kung nagho-host ako ng event pero lumalabas lang 'yun basta. Bihira kong isipin. Pero kung sabihin mo sa'kin na sumamapa ako sa stage para magpatawa! Aba! Ibang usapan na'yan.

Alam ng mga matagal ko nang kaibigan na ayoko nu'ng pinapa-encore ako ng mga joke na ginawa ko na dati. Same concept kasi siya ng pressure na dapat nakakatawa. Saka parang hindi na spontaneous. Kaya madalas hindi ko napapaunlakan 'yung request nila. Naasar na lang sila. Oh, well...

Pero may mga jokes akong karir talaga, 'yung inisip ko at prinaktis ko sa harap ng salamin. Tulad na lang ng aking spoof ng Academy Awards. Dream writing job ko kasi ang Oscars. Tuwang-tuwa ako sa spiels lalo na kapag iniintro ang Best Picture nominees - formal tapos sa huli natatahi 'yung title ng pelikula sa sinasabi ng presenter. Kapag sa Pilipinas i-apply 'yun, ito ang mangyayari:

VO: Winner of The Academy Award for Best Actor in an Actress' Role...Rey Agapay

REY AGAPAY: (In classic white gown) Our first nominated film adds an exciting yet heartwarming twist to the universal and traditional dichotomy of society. It speaks of the battle good and evil, right and wrong, black and white, light and shade. It speaks of the battle between your guardian angel and...,MY GUARDIAN DEBIL. (Tatalikod to look at the big screen for choiced clips of the film My Guardian Debil starring Jimmy Santos)

***Shet! College pa lang na-compose ko na ang joke na'yan (which explains the use of a little known old movie) pero nang ina-attempt kong isulat nakalimutan ko pa gayu'ng everytime na i-request 'to ng mga kaibigan ko, ito lang ang isang joke na kaya kong sabihin without hesitation***

VO: Nanalo ng Gawad Urian noong nakaraang taon...Rey Agapay.
REY AGAPAY: Isang batang naghahanap ng pagmamahal ng isang tunay na ama; tatlong lalakeng ibinigay na pag-ibig na yaon. Ito ang tema ng unang nominadong pelikula bilang pinakamahusay ng taon: WAKE UP LITTLE SUSY.

Another version:
The military - the last bastion of machismo. Yet one man dares to speak against it all and teach his men the true meaning of courage, bravery, what it means to be a real man. This is the story of our first nominated film. This is the story of KUMANDER GRINGA.

Isa pang spoof na nanganak na lang nang nanganak ay inspired ng The Sixth Sense. Fan kasi ako ni M. Night Shyamalan. Kahit 'yung mga sumunod niyang pelikula na konti na lang ang naka-appreciate, gusto ko pa rin. Magaling siyang masulat. Nagtataka lang ako na maraming natatakot sa The Sixth Sense when, personally, it was more of a drama than a horror flick. Totoo. Hindi nag-linger sa'kin 'yung mga multu-multo. Ito ang pinaka-memorable scene para sa'kin, 'yung nagtatapat na'yung character ni Haley Joel Osment sa nanay niya. Nag-uusap sila sa kotse tapos sinasabi nu'ng bata na binibisita siya ng lola niya na mommy ng mommy niya. Naiiyak na'yung mommy.

KID: (In a raspy, whispery voice) You went to grandmother's grave and asked her a question. She said the answer is "Everyday." Mom, what did you ask?
MOM: I asked, "Did I ever make you feel proud?"

O, 'di ba?! Sapul sa puso! Hero naman ang ibang version nu'n:

KID: You went to grandmother's grave and asked her a question. She said the answer is, "Everyday." Mom, what did you ask?
MOM: I asked, "Mom, what's your favorite song of Agot Isidro?"

KID: You went to grandmother's grave and asked her a question. She said the answer is, "Everyday." Mom, what did you ask?
MOM: I asked, "Mom, do you masturbate?"

KID: You went to grandmother's grave and asked her a question. She said the answer is, "Everyday." Mom, what did you ask?
MOM: I asked, "If a train leaves Point A and travels south at 30kph and another train leaves PointB...?"

***

My friendster, Coy, posted a comment dito na kung puwede raw i-bote ang mga thoughts ko. Sarap naman pakinggan. Actually, isang motivation ko nga sa pagba-blog 'yung ma-put into writing ang aking memories, including my jokes. Meron kasi minsan mga joke ko na inaalala ng mga tao tapos kapag ipapaulit nila hindi ko na talaga maalala, as in...Kaya heto. Feel free to use them HAHAHAHA!

 

Grey's Anatomy

And for more, mali pala ako. GREY'S ANATOMY pala at hindi GRAY'S ANATOMY ang title ng show. Hango sa latter ang title nu'ng series. Apparently GRAY'S ANATOMY by Henry Gray is a landmark medical book on the human physiology. Nalaman ko lahat ito sa Google.

Ang galing na talaga ng technology ngayon. Isipin mo kapag nagmi-meeting at may pagtatalo sa mga definition ng terms, spellings, matse-check na agad namin sa laptop ang sagot.

Wikipedia has a hundred times more articles on a more vast range of topics than the volumes of Encyclopedias na libu-libo ang ginastos ng mga magulang natin as investment. Meron mang virtues ang tangible handling ng books - 'yung paghahanap mo ng topics sa alphetically arranged Collier's, 'yung layered transparent paper kung saan makikita mo ang laman-loob ng tao at ng palaka - pero iba na rin ang speed, affordability at accessibility ng knowledge ngayon.

Nararamdaman mo tuloy na mas mabilis ka nang tumanda kesa dati sa bilis ng pag-develop ng technology. Nu'ng college lang ako ang mga messages natin ay ipapadaan pa sa operator. Bawal ang Spanish o any language sa message. Nakakahiya kung I LUV U pa ang idi-dictate mo sa Pocketbell. Pero ngayon, makikita mo pa ang kausap mo sa telepono! Grabe! Ang hirap sigurong tumakas kung estudyante ka. Kelangan lagi kang may dalang backdrop ng mga libru-libro mapanindigan lang ang paalam mong nagre-research ka kahit nasa Sarah's ka na.

Pero meron pa rin namang traditional indicators ng age. Tulad na lang ng mga nakagisnan nating TV shows at mga artista.

Madalas nakakasama ko ang mga estudyante ng UP sa training. At hindi ko naman nafi-feel na malayung-malayo na ang edad ko sa kanila (in fairness to me, napagkakamalan pa rin naman akong bata dahil sa aking flowless comflexion). Pero nang nag-joke akong tawaging Ana Marie Falcon ang Mt. Halcon, maraming nagtanong kung sino si Ana Marie Falcon. Nag-panic ako! Ganu'n na ba ako katanda?! Buti na lang may estudyanteng nagsabi na "artista dati 'yan." Medyo tama pero mali pa rin. Sa mga hindi nakakaalam, Ana Marie Falcon ang unang screen name ni Francine Prieto nu'ng struggling actress pa lang siya. That's days niya yata 'yun.

May time pa sa training. "Ilang sets ang gagawin?" "Ten! Ten!" Nag-joke na naman ako: "Ten-Ten? Ten-Ten Munoz?" And most of the students gave me a puzzled look. "Sino si Ten-Ten Munoz?" "Ano ba?! Siya 'yung kasama ni Jolina sa 14K!" Sagot nila, "Ano 'yung 14K?"

Shet!

Wednesday, July 05, 2006

 

Nakakabaliw

Iniwasan ng taxing napara ko sa may Marcos Highway ang taong grasang naglalakad sa gitna ng daan.

“Ang dami nang nababaliw ngayon,” sabi ng driver.

“Sa gutom,” bored kong sagot. Bigla kasing sumagi sa isip ka ang paulit-ulit na feature sa mga news and public affairs program sa mga taong kumakain ng pagpag o “batchoy,” ‘yung mga tira-tira sa basura tapos iluluto nila ulit para lang may makain…Putangina! Kahit sadsad na sadsad na’yang kuwentong ‘yan napapamura talaga ako whenever I watch it. Sa Metro Manila may pinakamataas na bilang ng pamilyang nagugutom. Dito mismo, sa paligid lang natin, sa tabi-tabi ng mga restaurant rows sa Eastwood, Rockwell, Greenbelt, Ortigas, Morato, ng sangkatutak na Jollibee at Starbucks, Chinese, Japanese, Italian, Korean, Thai, Indian, at Fusion cuisines, ng hotel buffets, dirty ice-cream, isawan, turo-turo, taho, balot, 40 years ng Goldilocks, Andok’s, Grill Queen, sari-sari store - milyung-milyon pa rin ang nagugutom nang sobra-sobra na pagtitiyagaan nila ang nabubulok na tinapon. Putangina!

Ang mga congressman natin may sariling canteen kung saan libre ang pagkain. Sa mga rare occasions na “nagpupuyat” sila sa session tulad na lang nu’ng impeachment proceedings nila kay Gloria, free-flowing ang pagkain nila, libre, courtesy of our taxes. Kaya nga nu’ng ang mga leftist congressmen na sina Satur Ocampo, Lisa Masa, et al ay nagkulong sa Congress out of fear sa Administrasyong Arroyo, hindi rin nila prinoblema ang pagkain. Mag-away-away sila sige, each side claiming to truly have the interest of the people at heart! Pero ang people hindi makakatikim ng Chickenjoy kung hindi mapupulot ang butu-buto nito at ipiprito ulit sa mantikang nakailang-gamit na rin. Pu-tang-ina!

***

Hinatid ako ng kuya ko. Nadaanan namin ang isang taong grasang nakatambay sa tapat ng tindahan ni Tita Luz. “Alam mo, mayaman ‘yan,” kuwento ng kuya ko.

Tinuro niya ang isang bagu-bagong malaking bahay sa Greenheights. (Eversince I’ve moved out, hindi ko na napapansin ang mga bagong tayo sa kinalakihan kong subdivision. Basta ang alam ko, halos wala nang bakanteng lote ‘di tulad nu’ng 80’s at early 90’s). “Factory rin ‘yang bahay na’yan,” patuloy ni kuya. Kaya pala sa malayo para ‘tong covered court. “Tapos tumambay na lang siya d’yan sa tindahan nina Tita Luz. Dati matino pa hitsura niya. Tapos hindi na siya umuuwi, d’yan na siya natutulog, dinadalhan na lang siya ng pagkain ng mga kamag-anak niya.”

Na-amaze ako sa kuwento ng kuya ko. Isa siyang case study ng taong-grasafication process. Ang mga mahihirap maparaan sa paghanap ng pagkain para mag-survive. Meron namang ibang klase ng gutom na hindi basta-basta matatawid ng pagpag. ‘Yun siguro ang talagang nakakabaliw.

 

PaTxt2 Sa Ulan

Isa lang ang grouptext sa aking low-end phone. Ito ay ang aking Powerbarkada, siyempre. Madalas kaming mag-ganyan. Magte-textan sa lahat. Here’s a fine example of wonderful conversation through SMS. Sadya kong winithold ang identity ng mga tao.

UNANG TXT:
Kanian, malakas ang ulan when I was abt to leave the ofc. Bigla long akong nalungkot. Namiss ko bgla si _____. It was ths time last year na pag mlakas ang ulan snusundo nya ko sa rcbc tpos sbay na kming maglalakad pauwi. I’m almost in tears knina nung naglalakad ako. Kahit na sbhn ko cgurong nkalimutan ko na sya, deep inside namimiss ko pa rin sya.

SAGOT NG ISA SA TXT:
Iba tlga ang dala ng ulan-memoris, mga emotions na akala mo nkalimutan mo na. Pro ang imprtante s 2 acknowldg t lyk what ur doin nw, ____. At dba mganda na my mga kaibigan kng mpagsasabihan wo fear of bein ridiculed or ignored?

ISA PANG MAS MAGANDANG SAGOT SA TXT:
maari bang minsan pa’y mahagkan ka’t maiduyan ka…tuwing umuulan at kapiling ka…good morning, ____. a single drop, and the residue of memory floods the being. it really goes away, but healing, like a certain sun, comes somehow. have a good day.

Ang ganda-ganda, ‘di ba?

Monday, July 03, 2006

 

Updated Na Finally!

pasensiya na sa mga dito nagbabasa ng blog ko. du'n kasi ako sa friendster blog site nag-a-update. if you want, invite me. my address is ray_agapie@yahoo.co.uk... sa mga hindi maka-access ng friendster sa office, sige i'll update this site too kapag nagpo-post ako sa friendster. pasensiya na at hindi na yata chronological ang mga pinost ko. enjoy reading. maraming salamat!

 

Duwag

Takot na takot na takot ako.

Last night i felt like I was coming down with something. Now that the Boracay Regatta is just a couple of weeks away, I couldn't afford to fall ill. So I cancelled my carpool for training, my regular SOP meeting and my pictorial in Laguna. Just stayed home today. But I wasn't rested at all. I spent the whole day just petrified.
,
Tomorrow morning I will be performing in Tagaytay. Got this stand-up comedy gig when Alexa, a writer friend from college, suggested me to her account executive, Oz, who happened to have seen me do an impromptu act in Pagudpud. I don't know why I accepted the gig and now I'm very, very afriad. So afraid to screw up. I know 90% of the game is won through confidence and just worrying, even ranting about it here in is not helping. But I'm really, really afraid.

Then I realized just how much of a coward I am. Here I am being proud of my sense of humor but performing a stand-up comedy act scares the hell out of me. Basta duwag ako.

Just the other day, while stuck in traffic from training, a female temmate Maita asked, "Rey, what will you do if you like someone pero parang hindi magiging kayo?" Siyempre tinawanan namin 'yung kanyang pino-propose na conversation topic lalo pa't napakainit kahit pa aircon sa sasakyan ni JJ.

At ngayon nari-realize ko na maging sa love duwag ako kasi ang sagot ko: "Kasi ako kapag may iota of possibility na hindi magiging OK, I would quit. I'm not a risk-taker." Duwag. duwag. duwag.

Masaya ba'ko? Ewan. Wouldn't make any difference naman, eh. Ganyan naman ang mga duwag na taong tulad ko.

 

Panalo Tayo

Panalo na naman si Pacquiao! Panalo na naman ang Pinoy - mayaman man o mahirap.

Dahil kung ticket sales ang pagbabasihan, 'yun lang naman ang classification ng mga Pilipino - mayaman at mahirap.

Ang mga unang na-sold-out ay ringside tickets na nagkakahalagang kinse mil, at ang general admission na limangdaan. Ang pinakamahal na ticket ay one hundred times the cost of the cheapest...Parang ganyan ang agwat ng mayaman sa mahihirap.

Panalo sa Pacquiao. Kelan kaya tayong mananalong LAHAT?

 

Tequila Sin Sal

Ang ganda-ganda ng “All About Love!!!” Panoorin n’yo siya if only for Luis Manzano. Ang cute-cute niya ru’n. Favorite ko ‘yung romantic-comedy plot nila ni Anne Curtis (sa mga hindi pa napapanood: may mega-spoilers ako rito). Luis is a playboy model who falls in love with a lowly kutsera Anne who plies a pink kalesa pulled by a horse named Lucky. Ang cute, ‘di ba? Unbelievable pero keri ng movie.

Gusto ko ‘yung bine-break-an ni Anne si Lucky (the actor, not the horse) after meeting his sosyal ex-girlfriend. Lucky goes, “Sabi ko na nga ba nagseselos ka, eh. You’re jealous.” He takes her hand and places it on his chest. “Badong, (Anne Curtis’ character) kinikilig ako.” Ang cuuuuuuttte!

Tapos ang full name pa ni Anne du’n Dhonabelle. “Dhonabelle? With an H?” “Oo, Dhonabelle with an H!” So nu’ng pinakilala ni Lucky si Anne sa kanyang mayamang pamilya: “Ma, this is Do-ho-nabelle Bernardo. Do-ho-nabelle.” Hilarious talaga! (Or puwede ring na-in-love na talaga ako kay Lucky na everything he does seems so funny. Pero hindi, kuwela talaga siya!)

Gusto ko rin nu’ng binisita ni Lucky si Anne sa kanilang barung-barong. May dala pa siyang Starbucks at Dulcinea. Nag-antipatika si Anne, “Wala ako rito kaya umalis ka na.” Pero matiyaga si Lucky: “Hindi ako aalis dito. I-WILL-NOT-LEAVE! I will be like the libag you can’t remove!” Nakamputsa! Kung si Lucky rin lang ang libag ko hindi na’ko maghihilod! Aaaaayyy! (Shet! I think this is more than love I feel)

The brilliant moments of the Lucky-Anne story in this trilogy made the comparatively weaker stories starring Angelica Panganiban and a newbie, and Bea and John Lloyd passable.

Gusto ko ‘yung ending na nagkita-kita ‘yung tatlong couples sa isang al fresco restaurant na nasa tuktok ng isang bus. May simpleng shot du’n si Angelica Panganiban where she gives a nonchalant wave of recognition to John Lloyd who is at the other table. Du’n mo talaga makikitang magaling umarte si Angelica. Basta simple lang ‘yung ginawa niya pero magaling. Na-appreciate ko rin ‘yung pag-showcase ng pelikula sa Manila. Na-romanticize niya ang ating capital city na madalas nating dinededma.

Pero may social relevance ang blog entry na’to. Ang tagal-tagal ng lip-locking scene nina Bea at John Lloyd. Pero ang kissing scene nina Luis Alandy at Polo Ravales sa “Manay Po” pina-edit-out ng MTRCB ayon kay Dolly Ann Carvajal (PDI, 06 June 2006). Habang kine-claim ng mga straights na open-minded sila at tanggap na ang mga bakla sa Pilipinas, ayaw pa rin nilang makita ang isang normal na expression ng pagmamahalan among gay people. Hindi bastos at walang masama maghalikan ang dalawang lalake o dalawang babae. The reviewers should have rated it as they would any boy-girl kissing scene. Eh, ang nangyari, in-institutionalize pa ng MTRCB ang pananaw na malaswa ang pagmamahalan ng dalawang lalake; or tanggap na magmahalan ang dalawang lalake basta hindi ito pinangangalandakan.

Hindi puwede ‘yan dahil sabi nga sa isang Mexican restaurant sa Clark: Tequila sin sal es como amor sin besos.

 

Bastos Ba Ako?

Sinuspend ng MTRCB ang I-Witness for an episode by Howie Severino about the Lukayo Festival in Laguna. I’ve seen that episode kaya alam kong napaka-preposterous ng ruling nila. Andu’n na’ko na nasa batas na bawal magpakita ng penis at ng masturbation sa telebisyon pero I must agree with the I-Witness episode’s title: “Hindi Ito Bastos.”

The episode’s jump-off was Ramon Obusan who, at the time of the airing, was about to be conferred the National Artist Award (for Dance). Ipinakita ni Howie ang extensive video documentation ni Obusan ng iba’t ibang katutubong sayaw sa buong bansa, most of them we’ve never heard about. Nariyan ang isang sayaw na ginaganap tuwing Mahal na Araw kung saan the participants cover themselves up in leaves (mukha silang bulkier Chubaka) tapos merong phallic symbol hanging from their waist na kanilang nilalaru-laro. Depiction ito ng demonyo. It was enlightening for me to see na meron pala tayong ganu’ng mga sayaw.

From there ay ipinakita na ang actual Lukayo, isa pang katutubong sayaw na gumagamit ng phallic symbol. Sa ilang bayan kasi sa Laguna, tuwing may ikinakasal, ang mga babae sa bayan (most of them mga lola pa, ha!) nagbibihis in funny and colorful costumes, they hang talongs and other phallic symbols around their waists o ‘di kaya ay may dala-dala silang mga phallic symbol tulad na lang ng isang dambuhalang kahoy na titi na na may bulbol pa at naka-bonnet na parang isang sanggol na sinasayaw-sayaw ng isang maglu-Lukayo. Pinuprusisyon ng mga babae ang bride around town tapos hinahatid sa simbahan. Unfortunately, hindi sila pinapayagang pumasok sa Simbahan kaya naghihintay lang sila sa labas. Pagkatapos ng seremonya, tuloy na naman ang pagpuprusisyon nila. Pinapahawak-hawak pa nila sa bride ang mga phallus nila. Tawanan at merry-making talaga ang atmosphere ng ritwal.

Ang masama, kahit pala ang isang National Artist at isang respetadong broadcast journalist/documentarian hindi uubra sa kakitiran ng utak ni Laguardia at ng buong MTRCB. Heto tayo, isang bansang naghahanap ng identity tapos sa deka-dekadang ginugol ng isang Ramon Obusan to document and preserve our dances (some of them pre-Spanish pa) ngayon lang natin naisipan na gawin siyang National Artist. At kung kelan pa nagkaroon ng isang Howie Severino na ginagamit ang makapangyarihang medium ng telebisyon para imulat tayo sa ilang bagay na bumubuo sa ating identity, we go and shun it as bastos. This time, ang to-the-letter na interpretasyon ng batas ay sobrang nakasama. Mga Pilipino, sinasabi sa’tin ni Laguardia at ng kanyang MTRCB na bastos ang tradisyon natin, masyado raw tayong malaswa para mapalabas sa telebisyon!

True, the Lukayo is a little-known tradition in a remote town of Laguna. But it is still part of who we are. Ipinapakita nito na bago tayo ma-Hispanize at ma-Christianize, napaka-healthy ng ating attitude sa sex. Contetion din ito sa mga self-righteous na mga moralista kuno na walang respeto sa freedom of the press and expression kapag kinukundina nila ang mga “malalaswang” pelikula’t TV shows na mga hindi raw akma sa kultura’t tradisyong Pilipino. Halimbawa ang Lukayo na ang sinaunang kultura’t tradisyong Pilipino ay mas kumikiling sa Asian values na romantic at spiritual ang tingin sa sex (think India’s Kama Sutra), at hindi iyong Medieval European mentality na kinikilingan pa rin nila.

Gusto ko lang mag-sorry kay Ramon Obusan at kay Howie Severino sa pagsu-suspend ni Laguardia at ng MTRCB sa I-Witness sa kabila ng kanilang vision and true sense of country and decency. In this case, sila Laguardia at ang MTRCB ang bastos.

 

Tearjerker Reads

‘Wag na muna ang mga pelikulang nagpaiyak sa akin. Common na’yon. Ito ang mga libro, actually reading materials, na nagpaiyak sa’kin. (Well, hindi naman talaga ako lumuha pero naantig talaga ako to the point na I had to stop what I was reading dahil naapektuhan talaga ako.)

Noli Me Tangere, Barilan sa Lawa Chapter. Though a voracious reader, wala talaga akong tiyagang magbasa ng mga mahahabang nobela. Fiction pa. Mas enjoy talaga ako sa non-fiction articles ng Reader’s Digest na matatapos mo nang isang basahan. Medyo nag-enjoy lang ako sa required novels nu’ng high school na Ibong Adarna at Florante at Laura. But Noli, ah, that’s a different thing. I found myself reading it kahit hindi pa required ‘yung ilang chapters. Tapos I remember I was reading the Chapter on Barilan sa Lawa at home while lying down on a sofa. ‘Yung part na lumalangoy si Ibarra at paulit-ulit siyang pinagbabaril ng mga kawal. Nakikita pang lumalabas-labas ang ulo niya sa tubig (malamang nagbe-breaststroke siya) hanggang sa dumating na’yung panahon na hindi na muling lumabas ang ulo niya.


Reader’s Digest, Story of Korean Families. For as far as I can remember nagbabasa na’ko ng Reader’s Digest. Marami kasi nu’n sa bahay namin. Meron pa nga kaming mga copies na mas matanda pa sa’kin. As in ang ads ‘yung Toyotal Corolla na may dalawang bilog na headlights endorsed by Ryan Cayabyab na naka-bell bottoms at afro! Totoo ‘to! Reader’s Digest din ang binabasa ko tuwing Holy Week dahil nu’ng wala pang cable talagang off the air ang mga TV stations, minsan Holy Monday pa lang! Tapos bawal ang radyo, bawal mag-ingay at bawal maglaro kasi kapag nasugatan hindi na gagaling…Tignan ko lang kung hindi ka matututong magbasa to stay sane (Hmmm…hindi yata nag-work sa’kin).

Anyway, there was this story about families separated when Korea divided into North and South. Meron akong naalalalang passage when a young boy saw his parents and siblings sail away to Pyongyang and that was the last time he ever saw them again. Pagkabasa ko na “last time he ever saw them again,” I just had to stop reading for a while…Pero may happy ending naman, na-reunite sila nu’ng matandang-matandan na ‘yung magkakapatid.


Reader’s Digest, Story of a Board Game Inventor. Isa pa’tong Reader’s Digest gem. Apparently merong isang board game na ginagamit ng mga counselors to facilitate open communication. Para siyang game where you pick a card and you have to answer the personal question written. Anecdote ng inventor, he played the game with rich neighbors tapos ang nabunot ng question ng kanyang perfect neighbor is “What makes you sad?” or something to that effect. And they thought she would have a hard time thinking of something because she’s beautiful, rich, smart. Tapos ito ang kuwento niya na talagang na pang-Maalaala Mo Kaya: When she was still a young girl her mother deemed her too old for kisses. So what she did was everytime her mom would leave, she would dish out from the trash bin the tissue with which her mom blotted her lipstick and she would kiss that ‘till it’s worn out. O, ‘di ba?

 

Putok

My eldest brother, Kuya Rexel, the our youngest and only sister, Tin-Tin, and I were hanging out at our backyard. Actually hanging out is not the right term because you couldn’t really do that in our backyard. Typical middle-class home kasi na dirty kitchen, at sampayan ang likod-bahay namin. Basta may ginagawa kami ru’n. Naka-squat ako sa sahig katabi ng sister ko while Kuya Rexel was standing, hovering over whatever it is we were doing. Then he scolds me, “Ric-Ric, ang baho mo! May putok ka!” Siguro nagbibinata na’ko nu’n so may posibilidad na ngang putukin ako. But Tin-Tin immediately came to my defense. “Hindi, ‘yung sampayan ng brief ‘yung mabaho.” Sa mga ala-alambre kasi naming sampayan merong nakasabit na plastic foldable sampayan ng mga small items, ‘yung korteng payong. Matangkad ang kuya ko so nakatapat ‘to sa ilong niya. True enough, nang pinaamoy sa kanya ‘to ng sister ko, may putok nga ‘yung sampayan.

 

Crying Capitol Man

Nu’ng nagse-share pa kami ni Thea ng apartment sa 42-G Panay, sobrang lapit lang namin sa Capitol Medical Center. Kapag sasakay ng jeep o mag-aabang kami ng taxi, dadaan kami sa may entrance ng ER kasi du’n madaling sumakay.

One morning, on my way to work may nakita akong mamang nakaupo sa may bangketa just outside the ER entrance. He looks like a young dad. May hawak siyang yosi pero hindi yata nakasindi. And he was just sobbing uncontrollably. As in crying, all alone, in public, in the middle of the day.

I kinda felt an urge to stop and just ask him then I realized I can’t just do that. Sometimes, when we cry we just need to let it all out and unexpected company, from a stranger at that, might seem intrusive. Nang kinuwento ko nga kay Thea sabi niya, “Eh, bakit kung ikaw ba ‘yung nasa sitwasyon niya ano’ng gusto mong sabihin sa’yo?” Sagot ko, “Oo nga.”

Like the Little Prince said (Ruffa Gutierrez, ikaw ba’yan?): It’s a secret place – the Land of Tears.

 

Favorites

Sa The Lake House, a particulare correspondence between the characters played by Sandra Bullock and Keanu Reeves begins with: “We’ve never talked about our favorite things.”

People don’t really talk about their favorite things. Usually they crop up during mundane situations while we’re experiencing a favorite thing. And we usually state like it’s not really important. “Favorite ko talaga iced tea ng Don Hen.” But these are our favorite things.

Tama nga siguro ang kaibigan kong si Cheryl na kelangan nating i-develop ang Attitude of Gratitude (read her friendster blog). And we can start with a list of our favorite things. That ought to make us realize how life is actually a lot better than how we usually perceive it to be. Just making the list in my head from the day I saw the movie two days ago filled me with glee.

MY FAVORITES:

1. Getting on the platform just as the train arrives. No waiting!
2. Kapag hindi siksikan sa MRT tapos meron kang good book to read na hindi mo namamalayan ang biyahe
3. Kung ‘yung pila mo ‘yung pinakamabilis umusad
4. Mga Pagkaing Branded: Dayap Chiffon Cake ng Chocolate Kiss, Tapa Mix and Bottomless Rice ng Mang Jimmy’s, Cheese Popcorn with Extra Butter ng Taters, Mary Grace Ensaymada, Avocado Ice Monster, Chickenjoy, Wendy’s Biggie Fries with Extra Mayo, Buffalo Wings ng Don Hen, 1.5L Gatorade, Ice-cold Red Horse Beer, Macaroni Salad and Pan Fried Chicken ng Pancake House, Anything from Bellini’s, Italianni’s Complimentary Focaccia Bread with Balsamic Vinegar, Olive Oil, and Parmessan, Dairy Queen Mocha Chip Blizzard, this hot salad sa isang restawran sa Chinatown, roast duck, dark chocolate,
5. Mga Pagkaing Homey: Ginisang Monggo, Bagoong Isda, Tinola, Bulalo, Bagong Saing na Kanin, Palitao, Binatog, Champorado
6. Finding money in your pocket
7. My pamangkins - kahit anong gawin nila nakaktuwa hehe!
8. Seeing a photo na cute ako
9. Kapag iniwan mong matagal ‘yung phone mo tapos maraming messages received pagkita mo
10. Finding out someone has a crush on you
11. Getting a Friendster invite
12. Getting a Friendster testi
13. A nice nap
14. Dinner with the Powerbarkada
15. A good run
16. Bagsit River, Zambales
17. Kapag pumapasok si Miss Philippines sa Top 10 ng Miss U
18. Kapag approved agad ang script ko
19. Kapag mabilis lang ang meeting
20. Kapag walang meeting
21. Paolo Santos

Geesh! I realize this list could go on and on. Something to be truly grateful for.

 

Angry

Another young college-aged woman is pregnant. She isn’t ready for this. She still has one year to go before getting her degree from UP. She was recently elected officer of her org. She dreams of living the independent woman’s life ala-Sex In the City when she starts working and she could have done just that because she is beautiful, sexy, intelligent, funny, talented, and strong. But now all her potentials and all her dreams have been put on hold. For the next nine months. And after that she would have to take a different life course. I’ve seen friends in the same situation before. And they managed to beautifully sail through that rough chapter. They are now happy mothers to happy children. But I often wonder (and I surmise they also do) how different their lives could have been if they didn’t get pregnant.

She recently flew back to her hometown to face the dreaded task of breaking the news to her parents. She will skip the very exciting senior year in college. For a while she resisted the change, thinking she could still go on with her routine despite the, uhm, extra load but soon realized that having a baby is just way too big a change for it not to affect just about everything. I’ve seen this typical story in way too many friends of mine. I’m getting angry.

I’m angry at the judgmental stance almost everyone has on these women. Give them a break! They’re going through a very difficult time. Yes, my friends chose to be sexually active and they put themselves in situations that resulted to their pregnancy, but that doesn’t make them malandi or pokpok. That’s the problem with teaching only abstinence. Those who don’t are given so many bad labels. No, only women who don’t abstain get the nasty labels. Boys who don’t abstain are macho, matinik, matulis.

I am angry at how the consequences and responsibilioties that come with unplanned pregnancy always fall on the woman.

I am angry at the OB-Gyne who refused to provide my female friends information on contraceptives because she believes abstinence is the only way to go.

I am angry that the Church still insists to live in the Middle Ages, refusing to recognize people’s rights to choose for themselves, and their right to be educated about every possible option.

I am angry with the government for not having the balls to stand up against the religious and say “you preach what you have to preach and we do what we have to do.”

I am angry with Mayor Lito Atienza and his City Hall for withholding the free contraceptives available to the poor families of Manila.

Because by the looks of it, it seems my friend won’t be the last one. That makes me angry.

 

Si RUDY naka-PROJECT

RUDY GIRL CHALLENGE
01 July 2006 (Saturday)
La Mesa Ecopark

2:01PM, La Mesa Ecopark
AKO: Putsa, Ace, ano ‘tong pinasok natin?
ACE: Oo nga, hindi ko in-expect na ganito.
AKO: Kasi naman RudyGirl. Pinay at Heart Category pa. Akala ko madali lang.

Ganyan ang usapan namin ng teammate ko habang naglalakad sa walang-katapusang trail on our way to CP9. 9:30AM nagsimula ang karera at CP5 pa lang wala na kaming tubig. Sabi nga ni Thumbie, kami ang mga “baklang uhaw.”

Akala kasi namin parang nu’ng Wild Manila na kahit 5PM ang cut-off, before lunch pa lang tapos na kami. But, nooo! Makalaglag-matris talaga ang karerang ‘to. Ace Domingo and I agree the RudyGirl Challenge is our toughest race yet. At ang nakakainis, walang mga lalake to attest to this. So ‘wag n’yong iismolin ‘to. Challenging ang first all-female adventure race na ito!

Simula pa lang “explosive start” na ang strategy namin at ng ibang teammates sa UP Dragonboat Team at kasama sa UP Mountaineers. Pero sadyang malalayo ang mga CP sa isa’t isa at trail siya kaya extra-difficult. The first part of the race got us running around a designated course, climbing a tower, and traversing a murky lake tapos bike na.

Ang sabi simpleng map navigation lang pero nagamit pa rin namin ang orienteering on our way to CP4. Nag-fork ang daan: ‘yung kanan steady terrain lang na medyo madamo, ‘yung kaliwa steep downhill. Our instincts tell us to go right pero nang tsinek namin sa compass sa kaliwa talaga tumuturo. Kaliwa it is. At ang daang iyon papuntang CP’s 4 at 5 (ng Veterans/Novice/Pinat at Heart Categories) ang pinakamahirap na part for me. Puro kasi paahon so maraming tulak-ng-bike portion. Sa mapa nga dulung-dulo na ‘yung CP5, eh! As in iba ang klima ru’n! Medyo malamig na at iba na ang flora and fauna. Na-delay pa kami kasi may polar bear na nakaharang sa trail. Dini-distract pa namin by throwing pebbles and shouting “Huy!” At ‘yung marshals du’n iba na rin ang salita, parang mga sherpa na! Ganu’n siya kalayo! (O baka naman nagha-hallucinate na’ko bunga ng dehydration. Hmmm…)

After that, may rapelling tapos more trail running (Actually trail walking na lang kami kasama sina Michelle at Melissa ng Novice na siyang nagpapainom sa’min ng tubig. Salamat!). May tree planting part pa pala after ng Nursery. Tapos may bubuuing puzzle na hindi ko talaga forte kasi kahit sa anumang exam pinakamahina talaga ako sa spatial reasoning. Hindi ko talaga ma-figure out, for example, ang magiging hitsura sa gilid ng isang figure given its top view. Buti si Ace magaling so siya ang kumarir nu’n habang nag-i-imagine ako ng Wendy’s Biggie Iced Tea. (May iba pa’kong Biggie na na-imagine pero hindi ko na lang babanggitin dito.)

After the puzzle natengga pa kami ng twenty minutes dahil wala kaming nasagutan du’n sa questionnaire. Pero we were not complaining. We welcome the “forced” rest at nakipagtsikahan sa iba pang na-penalize na teams tulad nina Monica Torres at Junie Santos na sumagot ng “Ces Drilon” sa tanong na “Who is the wife of Sen. Franklin Drilon…?” I think they should’ve earned bonus points for wit.

Maraming marshals nagsasabi na mag-relax na lang kami kasi first na naman kami sa Category pero may mga pangarap kami ni Ace ng good finish, eh! Hindi puwedeng kukule-kulelat kami sa mga girls. May guy’s pride pa rin kami kahit papaano.

After 20 minutes, salit bike-run na kami sa biathlon part ng race. Mahirap ‘to kasi hindi naman kami bi. Gay na gay kami, noh! (Shet! Corny!) Pero konting tiis na lang ‘to dahil pa-finish na nu’n. Nadatnan na namin ang teams nina Tanya, Jing & Ina, Pen & Krit, Risso, etc. Ano kaya’ng over-all standing namin? Kumbaga sa Miss Universe, pasok kaya sa Top 10?

Sayang nga lang at dalawang teams lang sumali sa Pinay at Heart Category. Mas malaki sana ang impact sa gay movement kung maraming sumali at para ma-encourage na rin ang mga organizers to include similar categories. Pero kung wala mang sumunod, OK rin lang kasi keri ko namang makipagsabayan sa mga tunay na lalake. After all, I am now a Champion Adventure Racer! Bwahahaha!

Saya ng karera. Ang daming magaganda! At sa mga guwapong brothers at boyfriends nu’ng magagandang racers, kung gusto n’yo ng discount sa Rudy Project, email me privately at pag-usapan natin ‘yan…

 

Lovester

Hindi na siya gaanong hot pero since most of us still maintain our Friendster accounts, nagiging batayan tuloy ito ng kalagayan ng ating relationship sa ibang tao. Emphasis on RELATIONSHIP.

With my first boyfriend, naging saksi sa stages ng aming relationship ang aming Friendster accounts. Nariyan ang kakakilig na pagtse-change ng Status from ‘Single’ to ‘In a Relationship,’ ang paggawa namin ng testimonial sa isa’t isa, hanggang sa eventual pag-delete namin ng mga ito when we broke up. (Siya ang unang nag-delete so I guess I had to). Nakuwento ko na rin yata ‘to, pero it also bothered me that soon after the break-up, his “Who I Want to Meet” included a search for “Someone who enjoys the outdoors…funny.” Nagkaroon tuloy ng confrontation over the phone when I was asking, “Am I not funny enough!? Don’t I love the outdoors enough?!” Oh, well, ewan ko na lang kung nahanap na niya ‘yon.

Surprisingly, despite the fact that ours is an extreme example of bad break-up, we remain friends…at least in Friendster.

Ironically, my third, and most recent, boyfriend and I are no longer Friendsters. I was surprised when he deleted me from his list because we are, well, friends. We’d talk when we see each other and we even text each other once in a while. When I messaged him soon after I realized that he deleted me, he said he just had to cut me off. Kung sa Brokeback Mountain sinabi ni Ennis kay Jack, “I wish I knew how to quit you,” mukhang ako madali lang i-quit. Well, siguro it wasn’t meant to last since nu’ng naging kami ‘In A Relationship’ ako samantalang siya ‘It’s Complicated.’

Because my second boyfriend and I had a mere one-week relationship, hindi masyado dramatic ang Friendster namin with regards to one another. We’re still on each other’s Friendsters. We still text each other once in a while. Pero meron siyang mga sinend na photos sa akin na hanggang ngayon hindi ko pa rin ina-approve. May isang taon na rin yata ‘yung mga ‘yon. Bababa naman ang market value ko if I have photos with my ex on my profile, ‘di ba? Baka isipin nila hindi pa rin ako open for a new one.

Pati sa mga kaibigan ko importanteng gauge rin para sa kanila ang Friendster profile nila at ng kanilang partner (o ex-partner o pinapangarap na maging partner) to determine “where they are.” Nariyan ang nag-away ang friend ko at ang boyfriend niya because this other guy posted photos of him and my girl friend sa kanyang profile. Eventually, this photo-posting guy became my girl friend’s boyfriend. Wala na sila ngayon pero tsine-check pa rin ng kaibigan ko ‘yung profile, status at testi nu’ng guy as relationship indicators.

Naranasan din ng iba ko pang kaibigan ang pagtse-change ng profile back into “Single” ng kanilang ex then into “In a Relationship” again once they find someone new. Ouch! Nariyan din ang pagdi-delete ng mga testimonial sa isa’t isa, pagbabago ng mga entries sa profiles, mga senti blogs, mga bagong ngiti sa photo gallery…

Still, hindi direct indicator ang Friendster. Minsan, you really have to look deeper para malaman mo kung ano ba talaga. After all, hindi naman lahat ng ka-close mo nasa Friendster mo at meron ka rin namang mga hindi kakilala pero ka-Friendster mo. Nasa Friendster ko ang first girlfriend ko pero hindi naman kami exactly friends. And it’s kinda weird that I know she’s just around, having complete access to my photos, to my baklang-baklang blog…

It started years ago, nu’ng nagsisimula pa lang maging popular ang Friendster. Everybody’s talking about it so I opened an account and forgot about it. Months after, nu’ng naisip kong maging active na sa Friendster, one of the few messages and invites I got was from her. I froze. It’s been years and we’ve completely lost touch. Her message said she’s happy that I’m finally out. I didn’t know how she found out until Thea pointed out that I have “Dating Men, Relationship Men” on my profile. Yaiks! I tried ignoring her messages and invites until she asked kung hanggang kailan ko siya hindi papansinin. Having no mature reason, I just wrote a letter that I’m not quite ready blah-blah-blah. I don’t know. Thought that was the end of it, but after a couple of years came another invite from her. This time I was more comfortable with my homosexuality and approved it without funfare. We’ve met bumped into each other a couple of times since and it’s still as awkward as hell but at least hindi niya ako sinasampal. She still remains the charming, pleasant person I first met in high school. Thank you. Pasensiya na rin. Talagang mahirap lang for me.

Pero heto ang nakakatawa. There’s this guy who deleted me from Friendster. Hindi siya jowa or anything. He just rowed for UP for a couple of weeks at nakasama pa siya sa Boracay nu’ng May. There, he got into some petty falling out with some members of the team at ngayon hindi na kami Friendsters.

O, basta tayo Friendsters pa rin, ha.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?